5. Choice

Nanatili akong walang imik buong araw. Ni hindi ko man lang natapos ang iba ko pang mga gawain dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Awtomatikong nanginginig ang mga kamay ko kapag naalala ang mga kaganapan kaninang umaga.

He's coming. . . he's going to take my body and destroy everything.

Nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang natutuyo ang lalamunan ko at nabibingi ako. Nilalamon ako ng dilim at ang tanging naririnig ko lang ay ang boses niyang paulit-ulit na nagsasalita sa isip ko.

Anong. . . gagawin ko-

"Erks?"

Bumalik ako sa katinuan at nawala ang dilim sa paligid ko. Natauhan ako nang marinig ang boses ni Rouge na nagsalita.

May dala-dala siyang kawali kung nasaan ang bagong luto niyang ulam. Dinala niya ito sa lamesa kung saan ako nakaupo.

"Kanina ka pa tahimik ah. Wala na nga akong makita, wala pa akong naririnig," natatawang sambit niya habang inililipat ang ulam sa lalagyanan.

Pilit akong tumawa sa sinabi niya bago ako tumayo at naghain sa lamesa.

"A-Ah, haha. May iniisip lang ako. Hindi mo na kailangang alalahanin iyon."

"Ahh. Sige, sabi mo eh."

Sabay kaming kumain ni Rouge. Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya habang ngumunguya ako ng pagkain.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bumibigat ang pakiramdam ko kapag naalala ko ang mga sinabi niya. . .

Hindi ako pwedeng-

"Erks."

Natigilan ako sa pag-iisip. My eyebrows rose as I heard my name.

Agad akong napatingin sa babaeng kaharap ko na tumigil din sa pagkain.

"Would you mind?"

"Pwede mo bang kunin ang kahon na nasa loob ng unang drawer?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi ni Rouge. Nabigla ako sa biglaang pagsasalita niya.

"S-Sige."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa lamesang tinuturo niya. Sinunod ko ang sinabi niya at kinuha ang kahon na nasa unang drawer.

"Eto ba?"

Itinapat ko ang kahon sa harapan niya. Natauhan ako nang hindi siya sumagot at natatawa siyang napailing sa akin.

"O-Oh, sorry."

Bumalik ako sa pagkakaupo sa harapan ni Rouge habang hawak-hawak ang isang maliit na kahon.

"Anong gagawin ko rito?" marahang tanong ko.

"Open it."

Kunot noo akong napatingin sa babaeng kaharap ko na may malawak na ngiti. Kahit naguguluhan ay binuksan ko ang maliit na kahon.

I paused for a moment when I saw what's inside. I was stunned.

Inside, there is a silver necklace with a rose pendant.

"Happy Birthday, Persephone."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Nararamdaman kong nagtutubig ang mga mata ko. Pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng kahit anong tunog na magpapaalam kay Rouge na naiiyak ako.

"P-Paano mo nalaman. . . for pete's sake, you can't even see the calendar."

I heard her chuckled. Just like the first time we met, itinaas niya ang hintuturo niya sa ere.

"The wind told me. This is the same day that I've met you three years ago."

"Pero hindi ko naman alam kung kailan talaga ang kaarawan mo. Pero dahil ngayong araw kita nakilala noong nakaraang tatlong taon, ngayon ko na lang ise-celebrate ang birthday mo."

Nanatiling nakangiti ang babaeng kaharap ko. Pasimple akong napaismid sa sinabi niya. Napayuko ako at hindi ko magawang tignan si Rouge.

Today really is my birthday. The day that she saw me three years ago was the day I was born and died.

Ngayon ang ika-18 na kaarawan ko. Saktong tatlong taon na ang lumipas mula nang mamatay ang mga magulang ko, ang mga tao sa bayan, pati na rin ang pagiging tao ko na mismo.

Unti-unting humigpit ang pagkakasara ng mga kamao ko habang pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.

Ngayon ko napagtanto, hindi na sa akin ang buhay ko ngayon. Hindi na ako katulad ng dati.

Kahit pa nabuhay ulit ako. . . kahit binigyan ako ng pangalawang pagkakataon. . .

I'm not a human anymore. . . I'm a. . . monst-

No. . .

I'm a God.

Gumaan ang pakiramdam ko. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasara ng mga kamao ko. Para bang nanlalabo ang paningin ko at wala akong makita.

Pero kahit gano'n ay nagawa kong iangat ang ulo ko at humarap sa babaeng nakasama ko rito sa loob ng tatlong taon.

I slowly flashed a smile, as if she can see me.

"T-Thank you. Thank you for everything, Rouge."

That night, I left without saying a word.

Inintay kong makatulog si Rouge bago tahimik na lumabas sa bahay. Pinagtitinginan ako ng mga bulaklak na nagising dahil sa pag-alis ko.

Hindi ako pwedeng manatili rito.

Hindi ko na hawak ngayon ang buhay ko. Hindi na ito sa akin.

Kailangan kong sundin at tuparin ang kasunduan.

I'm not a human anymore. . .

I'm a God.

I suddenly felt numb. Tila nawala ang mga emosyon na meron ako at nanatili akong walang ekspresyon.

Naglakad ako sa gitna ng gubat kung saan tanging ang sinag lang ng buwan na sumisilip sa mga puno ang liwanag ko. Tulad ng langit ay gano'n din ang kulay ng mga puno sa gubat.

Wala akong makita.

Pero kahit gano'n pa man ay nanatili ako sa paglalakad.

Napagtanto ko na kanina. . . kung ano nga ba ang silbi kung bakit pa ako nandito. . .

The reason why I'm still alive and have this abilities. . . The reason why I survived that night.

Alam ko na. . . alam ko ng hindi ko na maibabalik pa ang naging buhay ko noon. . .

Alam ko na. . .

Pero bakit ganito?

Kada hakbang ko palayo sa bahay na naging tahanan ko noong nakaraang tatlong taon ay unti-unting nawawarak ang puso ko.

Parang wala na akong nakikita pero nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.

Pilit kong tinatago ang emosyon ko pero sobra-sobrang akong nasasaktan.

Alam kong mahimbing ang tulog ni Rouge ngayon. Magigising siya na para bang walang nangyari.

Hindi hamak na naging isa lamang akong taong nakikitira sa kaniya. Wala akong napala o nagawa sa buhay niya.

I was just a girl that she met in the forest who saved her life.

She paid me by giving me foods and a shelter.

Other than that, I'm just a nobody. . .

A nobody. . ..

Yet. . . deep inside. . .

I can't help but to wish. . .

"Why won't we become a real family instead?"

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Wala na akong pakielam kung umalingawngaw ang napakalakas na pag-iyak ko sa gubat. Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.

Rouge accepted me before. . .

So. . . if I can change what will happen in the future, perhaps. . .

I wonder if she'll accept me again?

Hindi ko napansin ang oras. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar.

Lumabas na ang araw pero nanatiling makulimlim ang langit. There are fogs all over the place and I can't see a damn thing.

Natauhan na lang ako nang makakita ako ng isang gate sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tinignan ang simbolong nakaukit sa itaas.

Spiders.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top