48. Underground Association
Parang pinagbagsakan ng mabigat na bagay ang magkabilang balikat ko nang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Alerto ang mga mata ko habang nakayuko at hindi gumagalaw.
He's here!!!
One of the Big Shots, Barabbas!
"Red, hindi mo sinabing pupunta ka pala!" Malakas na sambit ni Barabbas na naglalakad papalapit sa amin.
Mabigat ang paghinga ko at pansin ko ring pasimpleng naka-iwas ang mga tingin ng mga kasama ko sa lalaking papalapit.
Isang himala ang hindi kami mapansin, lalo na sa dami namin. Kahit hindi naka-angat ang tingin ko, naramdaman ko ang paglipat ng tingin ni Barabbas sa amin.
Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin at kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya at pagkunot ng noo.
"Hm, mga myembro ng guild mo? Hindi ko ata nakikita ang babaeng mahilig manigarilyo," pagtataka niya.
I heard Red forced a laugh. "Iris is on a mission right now. She's my right hand and probably the next strongest after me, kaya hindi siya makampante na mag-isa lang akong pupunta rito," mabilis na pag-iisip niya ng dahilan.
Hindi bakas sa mukha ng lalaking kaharap namin na nakumbinse siya sa sinabi ni Red. May sapat na pagitan sa amin at sa kaniya sapat na para hindi niya makita nang mabuti ang mga pagmumukha namin.
Mariin ang pagkakasara ng kamao ko at hinihintay na matapos ni Van ang paggawa ng blueprint. At the same time, mahina akong nagdadasal na 'wag sana kaming mahuli kaagad.
"I see. . ."
Tila nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan. Akmang iaangat ko na ang tingin ko nang muling nagsalita si Barabbas.
"But of course, it's my first time meeting your guild members, maybe you should introduce them to me?"
Ramdam ko ang pagbigat ng tensyon. Hindi kaagad nakasagot si Red sa sinabi niya. Pare-parehong naging alerto ang mga kasama ko sa mga magiging posibleng mangyari. Kung nagkataon, kailangan na naming lumaban kaagad-
"Okay. . . I guess I should-"
"Code Blue! Code Blue!"
Nahinto sa pagsasalita si Red nang biglang may nag-announce sa nga speakers. Nagbago rin ang mga ilaw at naging asul ang mga ito.
"Miss Andina is asking for an urgent meeting!! I repeat, Code Blue!"
Mabilis na nakuha ang lahat ng atensyon ng mga nandito ang in-announce, lalong-lalo na si Barabbas.
"Looks like we'll do the introducing later," kumento niya at pinapanood ang mga gifteds na nagsisikilos na.
Muli niyang tinapunan si Red at sinenyasan siyang sumunod. "Let's go, sigurado akong matutuwa si Andina kapag nakita ka," nakangiti niyang sambit niya bago magsimulang maglakad.
Malalim akong napabuntong-hininga nang tuluyang nakalayo sa amin si Barabbas. Pati ang mga kasama ko ay gano'n ang mga naging reaksyon.
"Akala ko maaga akong makakapatay rito." Rinig kong walang kaemo-emosyong bulong ni Chain.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya at doon ko nakita na iba na ang mga mata niya. The freaking sadist was ready to kill in any second!
"The blueprint is already done, Miss Erks. According to Master Ivan and Miss Mimi, Joker is most likely to be in this area."
Nakuha ng sinabi ni Van ang mga atensyon namin. Biglang lumabas sa singsing ang 3D blueprint ng lugar na ito. Sa ilalim ng napakalaking modern fortress, maybe an underground place, may kulay pulang bilog na umiilaw— kung nasaan si Joker.
"To be 100 percent sure, I will still need to hack the system which will take at least 10 minutes. In the mean time, I suggest you to go in this area."
Pinakinggan namin mabuti ang sinasabi ng singsing na nasa daliri ko. Rinig ko ang pagtikhim ni Red na nakakuha ng tingin ko.
"Barabbas is probably waiting for me," panimula niya. Seryoso niya kaming tinapunan ng tingin. "You'll go to that area and I will meet you there. Don't get caught no matter what, understood?"
Pare-pareho kaming nagsitanguan ng mga kasama ko.
"I'll meet you there. Good luck."
For the last time, Red gave us a determined look before leaving us. Nauna siyang umalis at sumunod kay Barabbas.
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko na alam na ang dapat naming gawin.
"Let's go get Joker," pangunguna ni Nyx.
All of us nodded. Nagsimula kaming magsikilos para pumunta sa area na tinutukoy ni Van.
"I'll go first," panimula ni Drine.
I saw her eyes changed. It turned white. She then disappeared— turned invisible.
"In every corner, I'll knock twice if it's safe. Thrice if you need to stop. . . and one, it means run."
Kahit hindi namin siya nakikita at naririnig lang, tumango kami sa sinabi niya. Her gifts is really convenient when it comes to situations like this.
Kaswal kaming naglakad sa loob ng HQ, na para bang nararapat talaga kami rito. No one suspected us, I mean, hindi ka makakapasok dito sa umpisa pa lang kung hindi ka kabilang sa kanila.
But it's different when we went to the underground place. Mas strict sila rito at kinailangan naming mag-ingat at itago ang mga presensya namin.
Mahahalaga lamang ang mga taong nakakapunta rito, sa madaling salita, katulad ng mga Big Shots.
Matalim at alerto akong naglalakad nang makarinig kami ng tatlong pagkatok— it means stop.
Pare-pareho kaming natigilan sa paglalakad pakaliwa sa isang corner.
"Narinig mo ba? Nandito raw si Red ah." Rinig naming sambit ng isang gifted na naglalakad sa pasilyo. Agad nitong nakuha ang mga atensyon namin.
"Weh? Iyong Guild's master ng Spiders?" hindi makapaniwalang sambit ng kasama niya.
"Yeah. Ang lakas ng loob noh? Matapos tanggihan ang alok ni Miss Andina dati na maging kasama sa Big Shots, pupunta rito."
Nagsitawanan silang dalawa na kinakagat ko sa ibabang labi. Agad kong tinignan si Acel na walang buhay ang mga matang nakikinig at parang pinpatay na sila sa isip niya.
On the other hand, to my surprise, Chain remained expressionless. He doesn't look like it's bothering him.
"Pft. 'Di ba? Akala ata kawalan siya-"
"Mga hangal."
Natigilan ang dalawang nagsasalita nang may sumingit sa usapan nila. Mabilis na namilog ang mga mata ko nang makilala ko ang pamilyar na boses.
Hindi lamang ako kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. I felt the sudden change of atmosphere.
Dahan-dahan akong sumilip sa sulok para makumpirme ang hinala ko. Naniningkit ang mga mata ko at ingat na ingat akong sumilip.
Doon sumalubong sa akin ang pamilyar na mukha. Kasama siya sa mga nagbalak na humuli sa akin noon.
Ang lalaking sobrang kinasusuklaman ni Kana.
"C-Cael. . ." bulong ko.
"S-Sir Cael! Nandiyan po pala kayo, akala ko po ay nasa meeting kayo ni Miss Andina," biglaang sambit ng isa sa mga gifteds.
"Papunta pa lang ako. . ." sagot ni Cael. "Hey, tell me. Sa tingin niyo ba, hindi kawalan si Red sa asosasyon na ito?" biglaang tanong niya.
Nabigla ang dalawang gifted sa sinabi niya at hindi nagawang makasagot. Cael laughed like a fucking psycho that caught me off guard.
"Sa tingin niyo, iimbitahan ni Andina ang isang kung sino lang?" natatawang sambit niya.
"Maniwala kayo sa akin, kung kasama natin si Red ngayon, hindi na namin kailangan ang mga katulad ninyo."
"Mga mababang klase ng gifteds."
Walang nagawang makakibo sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim na nakikinig sa kanila. I suddenly remembered what Zabeth said before. . . dahil kay Red, hindi magawang hawakan ng UA ang mga gagamba.
It's making me curious. . . what kind of gift does Red have?
"P-Pasensya na po, Sir Cael. M-Mauuna na po kami."
Both of the gifteds bowed before rushing off. Agad akong umalis sa pagkakasilip nang malipat ang tingin ni Cael.
Narinig na lang namin ang mga yapak niya paalis. Kasunod nito ay ang pagkarinig namin ng dalawang katok hudyat na pwede na kaming maglakad ulit.
Parang walang nangyari sa mga kasama ko at hindi nila pinansin ang narinig. Kahit alam kong nabahala rin si Acel doon, mas tinuunan niya ng pansin ang pagkilos namin.
Ilang minuto rin kaming nag-ikot-ikot sa mga pasilyo bago namin marating ang area na tinutukoy ni Van. Mabigat ang paghinga ko dahil sa kaba at pagmamadali nang matagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng isang pinto na gawa sa bakal.
Saktong pagdating din namin ay ang pagtapos ni Van sa pagkumpirme.
"Hacking complete. It's 100 percent sure that Joker is behind this door, Miss Erks. It's lock but I can open for 10 seconds. . . 9. . ."
Napalunok ako nang malalim nang magsimulang magbilang paatras si Van. Ramdam ko ang mabigat na tensyon na nabubuo sa pwesto namin. Pare-pareho naming hinihintay ang pagbukas ng pinto at ang pagkilala kay Joker.
Ang gifted na hinahanap ko. . . at sinasabing isa sa mga pinaka-wanted na kriminal dito.
What kind of person is he?
"Opening complete. You can now open the door, Miss Erks."
Huminga ako nang malalim bago hawakan ang doorknob. Tinapunan ko ng tingin ang mga kasama ko at pare-pareho silang nagsitanguan hudyat na pwede ko ng buksan ang pinto.
Pigil hininga kong pinihit ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Inside this room is one of the most wanted and strongest criminal. Joker made different kinds of stuffs and also an accomplice of Andina.
I was waiting to see a man worthy to be called the alias Joker.
But instead. . . we saw-
"A-A little girl?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top