46. The Town

Sa pare-parehong pagkakataon, oras, minuto, at segundo, nagsibagsakan ang malalaking golems na nasa harapan ko. Sabay-sabay silang lahat na bumagsak— nawalan ng buhay.

Their tough rock bodies slowly got destroyed and a white smokey thing came out of it.

Hindi ko alam kung ano at bakit nagsilapitan sa akin ang mga puting usok sa isang daang golems na sabay-sabay na nawalan ng buhay. Wala akong naramdamang sakit nang mapunta sila sa akin, o kahit anong dumagdag sa lakas ko.

It just felt like. . . nothing. I felt nothing.

Maybe I didn't gained something. . . and lost something instead-

"Nice one, kit-ten," malambing na pagbulong sa tenga ko.

Mabilis akong natauhan at kusang bumalik ang mga mata ko sa dati nang mapunta ang tingin ko kay Chain. He's smiling proudly, together with his eyes, while facing me.

Nakasunod na rin sa kaniya ang mga kasama namin na hindi makapaniwalang nakatingin sa mga golems na sira.

"Woah, you really destroyed all of it, all at the same time," namamanghang sambit ni Drine.

"Hehe, what a powerful gift you have there," kumento pa ni Kris.

Napakurap-kurap ako at pilit na ngumiti. Tinago ko sa likod ang isa sa mga kamay ko na humigpit ang pagkakasara.

It's not my gift. . .

"Thanks," maikling sagot ko.

At the corner of my eye, I can see Nyx, Red, and Acel's stares. . .

Pero mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Red at nakuha niya ang mga atensyon namin nang pumalakpak siya.

"Nice, that clears our first plan." Pagkuha niya ng atensyon ng lahat.

Pumwesto siya sa harapan namin at nauuna sa pwesto sa paglalakad. Tinapunan niya kaming lahat ng tingin bago huminga nang malalim.

"Well then, let's go to the bridge."

There was a sudden pressure and the atmosphere changed. Nagkaroon bigla ng tensyon nang bumalik sa amin ang plano at ang dahilan kung bakit kami nandito.

Pare-pareho kaming tumango sa sinabi niya. Tumabi kay Red si Acel at nasa likuran kami ng mga Sins.

Lahat kami ay nakasuot ng hood maliban lang sa dalawang nauuna sa amin. Red and Acel are both members of the Dark Guild anyways. Walang problema kung makita at may makakilala sa kanila.

Walang problema kaming nakapasok sa loob ng bayan. Wala ng iba pang bantay maliban lang sa mga golems sa labas. Of course they will be assured for their safety with hundreds of golems guarding them outside.

Kapag nakapasok ka sa loob, iisipin na kaagad nilang kabilang ka na sa kanila, na mula ka sa isang Dark Guild.

Sobrang buhay ang bayan. At first, it looks like an ordinary city. They have markets, inns, guilds, and many more. Not until when you look closely in every stands.

Ang mga binebenta nila, mga illegal na bagay. Isang black market ang nandito. Iba't iba ang itsura ng mga tao.

I know that you shouldn't judge base on their appearances. Chain is the perfect example of it. But the fact that. . . all of them, has a look of a killer in their eyes. They all smell blood.

Katitingin ko sa paligid ay may nakatinginan ko ng hindi inaasahan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya pero mukhang hindi niya palalagpasin ang simpleng pagtingin lang.

A huge bearded man with small slashes and scars on his face walked closer to us.

Napalunok ako nang malalim at nanatiling nakayuko. Nakita ko na lang ang mga paa niya na malapit na sa akin.

"Hoy, anong tini-"

Akmang hahawakan niya pa lang ako sa balikat nang matigilan siya. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras.

Unti-unting umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata nang makita ko ang ulo niyang lumilipad sa loob lang ng ilang segundo.

On a snap, his head got cut off.

Lumipad sa ere ang ulo niyang nakabukas pa ang mga mata at bibig dahil sa pagsasalita sa akin. There I saw, a thin yet sharp blade. . . made of blood.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Chain na walang buhay ang mga mata na kulay dugo. Walang ganang nakatingin ang sadistang lalaki sa lumilipad na ulo ng lalaking nag-akmang hawakan lang ako.

"W-What the fuck, Chain-"

"HOY! ANO 'YON?!" mabilis na pagsigaw ng ilang taong nakapaligid sa amin na nakakita ng pangyayari.

Nagsimulang maglakad papalapit sa namin ang iilang nakapalibot sa pwesto kung asan kami. Pero wala man lang bakas sa mukha ni Chain ang pagkakaroon ng paki sa nangyayari.

"Fucking idiot." Rinig kong bulong ni Acel na nasa harapan lang namin.

"What do you think you're doing, Chain?!" mahina pero iritadong sambit ni Drine.

I heard Hemera elegantly chuckled while Nyx doesn't even have a reaction and is just watching us.

"He tried to fucking touch my woman," walang emosyong reklamo at may tonong sagot ng sadistang katabi ko.

"Hehe, what a freak," kumento ni Kris.

At the same time, I also felt my ring vibrate. "Just like what Master Ivan said, Sir Chain will definitely ruin the plan," pagsingit pa ni Van.

Napaismid ako sa mga narinig. Magkadikit ang mga kilay ko at iritadong napatingin kay Chain.

What the hell is he thinking?! Hindi niya ba alam na isang importanteng mission 'to?!

"Anong nangyari dito- ANO 'YAN?!"

Nang makalapit sa amin ang iilang mga tao ay mabilis na namilog ang mga mata nila at hindi maipinta ang mga mukha nang makita ang isang putol na ulo. Para silang binuhusan ng malamig na tubig at napakurap-kurap.

Kinakabahan silang napatingin sa amin, kay Red na nasa unahan.

"H-Hoy! Ano sa tingin niyo- t-teka, Red!" Naningkit ang mga mata ng isa sa mga lalaking nauuna nang mamukhang niya ang kasama namin.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya at may galit niyang tinignan si Red.

"Anong ginagawa niyo rito? Alam mo namang hindi ka pinapayagan na pumunta rito ni Andina ng basta-basta" may diin na sambit niya. Nahihirapan niyang tinapunan din ng tingin ang bangkay na malapit sa amin. "Lintik. Nagawa niyo pang gawin 'yan."

I heard Red heaved a sigh. Samantalang wala man lang pinapakitang ekspresyon na pagsisisi si Chain na walang ganang nakatingin sa harapan namin.

"I have an important business in the HQ, natural lang na pumunta ako rito," kalmadong sambit ni Red.

He glanced at the man who was killed by Chain.

"And another thing, this man attacked us first," pagsisinungaling niya.

"This is a lawless city anyways. What's wrong with killing a man?" kaswal niyang sambit.

Pare-parehong tumalim ang mga tingin ng mga taong nakapalibot sa amin. Ang iilan sa kanila ay napaismid at ang iba ay nag-igting ang mga bagang.

Inilahad ni Red ang dalawang kamay niya at nanatiling kalmado.

"Just let us through to the bridge, and we'll be on our way."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Dumiin ang pagkakahawak ko sa cloak na suot-suot ko at umaasa na palampasin nila ang ginawa namin.

Naramdaman ko ang paghampas ng hangin kasunod ng pagbutong-hininga ng lalaking nauuna sa harapan namin. Walang ekspresyon niyang tinapunan ng tingin si Red bago mapaismid.

"Tsk,sige. Dumaan na-"

"Teka lang, teka lang."

Nahinto siya sa pagsasalita nang may nakaagaw ng mga pansin namin. May isa sa mga lalaki ang walang kaemo-emosyong lumapit sa amin.

Walang buhay ang mga mata niya nang pagmasdan niya si Red, kasunod ang buong grupo namin.

"Hindi ko ata nakikita ang magandang babaeng laging kasama mo, Red. Bagkus ay ibang grupo ata ang nandito ngayon," malamig niyang sambit.

Agad akong napalunok nang malalim habang nakayuko. Iniiwasan kong iangat ang tingin ko sa kanila.

I heard Red chuckled. "Kailan niyo pa sinimulang bantayan ang mga kasama ko?" natatawang sambit niya. "Kung sino man ang mga kasama ko, wala na kayo roon-"

"Hindi mo kami maloloko," may diin na pagputol ng lalaking kaharap namin.

Pasimple kong inangat ang tingin ko at naramdaman ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan nang tapunan niya ng tingin si Chain. Ang sadistang lalaking katabi ko ay nakipagtitigan din sa kaniya.

"SINONG HINDI MAKAKAKILALA SA GAGONG 'YAN?!"

Kusa kaming gumalaw ng hindi man lang nagsasalita. Mabilis kaming nagsialisan sa mga pwesto namin at tumalon paatras sa kanila.

Rinig ko ang pag-ismid ng mga kasama ko. Iritadong inalis ni Drine ang suot-suot niyang cloak.

"Bwisit! Palpak!" inis na sambit niya.

"It's all that stupid blood guy's fault," walang ekspresyon na kumento ni Acel.

"Woi, shut up, Barney. I didn't asked for your opinion."

Nagsimula na silang magsisihan nang magsalita ang nagsisilbing leader namin ngayon na si Red. Kahit alam naming kinakabahan siya ay nanatiling nakakurba ang labi niya sa isang ngisi.

"Alam kong mahuhuli tayo, pero hindi ko inaasahan na agad-agad." Pilit na natatawang sambit niya.

Nanatili siyang nasa harapan namin at alerto. Binabantayan niya ang bawat paggalaw ng mga gifteds na nasa harapan namin.

"Anong ibig sabihin nito, Red?!" malakas na sambit ng isa sa kanila.

"Tinatraydor mo na ba talaga kami?!" inis na dagdag pa ng isa.

Huminga nang malalim si Red bago muling magsalita nang hindi kami nililingon.

"Hindi magbabago ang plano. Hangga't maari, 'wag niyong aksayahin ang lakas niyo sa kanila. Ang prioridad natin ay ang makapunta sa tulay," seryoso at ma-awtoridad niyang sambit.

"'Wag na 'wag niyong sasayangin ang mga lakas ninyo sa kanila. Takasan lang natin sila hangga't maari-"

"Are you nuts?!" giit ni Drine. "There are almost half of a thousand gifteds here! We can't escape without using our gifts!" dagdag niya.

"We have no choice but to use our gifts, Red," pagsang-ayon ni Acel.

Nagsimula na silang magtalo-talo sa kung ano ang dapat gagawin. Maski ako ay natahimik habang malalim at mabilis na nag-iisip. Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Nanatiling deretso ang tingin ko.

They should save their powers and strength. They're not like me. . . hindi ko sariling lakas ang ginagamit ko.

Napalunok ako nang malalim at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Should I. . . should I use my 5th commandment?-

Natigilan ako sa pag-iisip nang makaramdam ako ng marahan na paghawak sa balikat ko. Parang tumigil sa pagtakbo ang oras at hindi ko nagawang mapansin ang iba nang lingunin ko ang humawak sa akin.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang humarap ako sa kaniya. Parang nasagot ang problemang nasa isip ko ngayon.

Hindi lang ako ang naiiba sa amin. . . sa aming lahat, may kaisa-isang hindi nauubusan ng lakas sa paggamit ng gift. Sa kadahilanang ginagamit na niya 'to mula nang pinanganak siya.

Hemera flashed an elegant smile, with her eyes closed.

"Use my eyes," maikling sambit niya.

Tila nagbago ang ihip ng hangin. Nagkaroon ng biglaang katahimikan dahil sa pagsasalita niya. Hindi ko pa nagagawang makasagot o makatango man lang nang mabilis akong nakaramdam ng pagbuhat sa akin.

Chain didn't wasted a freaking second and he immediately grab me on the waist.

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang ginawa niya at natauhan ako nang makitang nagsisitakbuhan na rin sina Nyx at ang iba pa. Parang nawala ang bahala na nararamdaman nila kanila dahil sa mga nakapalibot sa amin at ang tanging nasa isip lang nila ay ang pagtakbo.

"Fuck, run!" malakas na sambit ni Drine.

Naguguluhan akong napatingin sa lalaking may buhat-buhat sa akin.

"W-Wait, what's happening?!"

Hindi kaagad nakasagot si Chain na sumasabay sa paghampas ng hangin ang buhok dahil sa pagtakbo. Mariin siyang napakagat sa ibabang labi bago lumingon ng ilang segundo sa pinanggalingan namin.

"Okay, that's quite far enough, let her open her eyes!" pag-utos niya sa akin at nanatiling tumatakbo.

Kahit na naguguluhan, napatingin ako kay Hemera na naiwang nakatayo sa pwesto namin kanina at hindi gumagalaw. Napalunok ako nang malalim at napakurap-kurap bago malakas na sumigaw.

"OPEN YOUR EYES, THE SLEEPING SLOTH!!!"

I shouted at the top of my lugs.

I don't know what exactly happened. . .

"If you're happy and you know it clap your hands."

Kasunod ng pagbigkas n'on ni Hemera, naramdaman ko na lang ang pagbilis ng pagtakbo lalo ni Chain, kasabay ng malalakas na pagsabog.

Isang segundo lang matapos ng pagsigaw ko, nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag sa pwesto namin kanina. Kasunod ng malakas na pagsabog.

Nakaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang natulala sa nakasisilaw na liwanag at malakas na mga pagsabog.

What the fuck-

"That's her fucking gift," hingal na hingal na sambit ni Chain habang mabilis na tumatakbo at deretso ang tingin sa daanan. "Fucking explosion."

Hindi ko magawang makinig nang maayos sa mga sinasabi niya dahil nakabibingi ang malalakas na pagsabog. Sunod-sunod ang pagsabog sa buong bayan. Nabubulag ako sa nakasisilaw na liwanag.

"W-Wait- should we really leave her behind?! Hindi ba siya madadamay sa pagsabog?!" kinakabahang sambit ko.

Rinig ko ang pag-ismid ng sadistang lalaking buhat-buhat ako bago magsalita.

"That Sloth has a takeover gift."

"She's the fucking bomb herself."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top