45. Preperations

Natigilan ako sa narinig ko. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa singsing na hawak-hawak ko.

I looked at Ivan, dumbfounded.

"Huh?-

"Kit-ten!" pagtawag sa akin ni Chain. "Don't talk to that stupid genius! Let's go!" dagdag niya.

Napalingon ako sa kaniya na nasa labas na ng silid at hinihintay akong sumunod palabas

"Sumunod ka na, miss Erks. Ako ang bahala sa inyo habang nasa labas kayo at nandito ako," sambit ng lalaking kaharap ko.

Ivan flashed a smile as if nothing happened. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at tanging pagtango ang nagawa ko.

"T-Thank you," maikli kong sambit bago sumunod sa labas.

Tinignan ko si Ivan habang naglalakad ako papalabas. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti at kumakaway sa akin

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Bakit niya kailangang sabihin 'yon?

"Woi, what took you so long?" kunot noong pagrereklamong bungad sa akin ni Chain.

Pag-ismid ang pinakita ko sa kaniya bago ako sumunod sa kaniya sa paglalakad.

I don't need to worry about what Ivan said. I don't plan to get attach to anyone in the first place.

Walang gana kong tinapunan ng tingin ang lalaking nauunang naglalakad sa akin.

Specially him. A freaking sadist.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Hindi nagtagal ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng pinto ng isang kwarto. Wala sa sarili akong napalunok nang malalim habang tinitignan ang mga nasa loob.

Tanging ang liwanag ng dalawang buwan na sumisilip sa napakalaking bintana ang nagsisilbing ilaw sa silid.

Hemera's sitting elegantly on an arm chair, eyes closed. Kris' leaning on the chair while Drine is next to him, crossed arms.

Nasa tapat ng isang whiteboard si Red na nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay. Sa gitna ng silid kung nasaan may malaking lamesa, nakatayo si Nyx na nakasandal ang dalawang kamay sa lamesa.

The atmosphere hits different, and the freaking pressure's too suffocating.

Walang buhay ang mga mata ni Nyx na nakatingin sa amin. Agad niyang napansin ang kumikislap na singsing na ngayon ay nasa hintuturo ko na.

Without asking where I got it from, he heaved a sigh.

"Looks like we're all here."

Walang gana siyang napatingin kay Kris na seryosong-seryosong nakatayo at pinapanood kami.

"Open the lights, Kris. What are you waiting for?" eleganteng pag-utos ni Nyx.

Mabilis na natauhan si Kris sa narinig at napakamot sa ulo. Siya ang pinakamalapit sa light switch. "Hehe, I thought it's cooler if the lights are off." He chuckled.

Malalim akong huminga bago tuluyang pumasok sa loob ng silid kasama si Chain. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay agad na tumaas ang dalawang kilay ko nang may makakuha ng atensyon ko.

Mabilis na napako ang tingin ko kay Acel na tahimik na nakatayo sa gilid ng whiteboard. Walang kaemo-emosyon siyang nakayuko at walang ekspresyon.

"Wait-"

"Take a sit, kitten," pag-aya sa akin ni Chain.

Walang ekspresyon siyang nakatingin sa akin bago isenyas ang isa sa mga blankong upuan. Hindi ako umangal sa kaniya at tinapunan ko lang ulit sa muling pagkakataon si Acel bago umupo.

Walang ekspresyon akong umupo sa isang sofa kung saan tumabi sa akin si Chain. I can't help but to think of Acel who's still standing alone, emotionless.

I'm pretty sure that Red already told him everything. . . maybe also something that I didn't know.

"Mimi, the Envy, and Ivan, the Glutton, will not be joining us— personally," panimula ng guild's master ng Sins.

"But they will still help us during this mission." Nalipat ang tingin niya kina Red at Acel. "Instead, these two will come with us."

"Well then, let's start the preparations."

Naglalakad papalapit si Nyx kay Red na nanatiling nasa tapat ng whiteboard.

"Let's work together." Paglahad niya ng kamay. Tinignan 'to ni Red ng ilang segundo bago niya kinamayan si Nyx pabalik. "Yeah," sagot niya.

Matapos nilang magkamayan ay huminga nang malalim si Red bago harapin kaming lahat. Nanatiling tahimik sa gilid ng whiteboard si Acel na kapwa niya ay walang buhay ang mga matang nakatingin sa amin.

"I'll take you to the Underground Assocition's Headquarters," panimula ni Red.

"In short, sa akin nakasalalay ang mga buhay niyo at ang pagiging successful nitong mission. That's why I'm telling you this right now. . ."

"If you want to live, make sure to listen and obey me."

Seryosong nakatingin ang mga kasama ko sa lalaking nagsasalita sa gitna. I can see the looks in their eyes. . . and I'm pretty sure that they're not happy listening to Red.

Nalipat ang tingin ni Red kay Acel na sinenyasan niya. Bakas sa mukha ni Acel na ayaw niyang makinig pero pag-ismid na lang ang nagawa niya bago sumunod.

Naglabas siya ng isang hindi pamilyar na mapa at idinikit ito sa whiteboard. Lahat ng atensyon namin ay napunta na ngayon sa mapang nasa harapan namin.

"The HQ is not inside of a tunnel or a hidden city," sambit ni Red bago humarap sa mapa. "It's a whole island."

Itinuro niya ang isang malaking isla sa gilid.

"Nandito halos lahat ng bibigating Dark Guilds, mga wanted na kriminal, at of course, ang mga Big Shots."

"It's a lawless island. Tago sa mga ordinaryong tao, maski sa mga Academies."

Nakapako ang mga tingin namin dito nang may biglang magsalita.

"What's with the circle? A border?" biglaang tanong ni Drine.

Nakuha ng tanong niya ang mga atensyon namin. Tinutukoy niya ang itim na bilog na nakapalibot sa isla.

"Sort of," maikling sagot ni Red. "It's not typically a border, pero pareho lang sila ng purpose."

"To make sure that no one will get inside. . . or even go outside."

Tila biglaang bumigat ang tensyon sa silid. Parang sumisikip ang dibdib ko habang nakikinig.

"No one can use teleportation, portals, or even spatial ability. Hindi pwedeng makapasok dito o makalabas gamit ang mga ability na 'yon," pagpapaliwanag ni Red.

"It's like a barrier that prevents any kinds of gift or ability to go in and out the island."

Kita ko ang pag-ismid ni Kris sa gilid ko. He uses portals after all.

"The only way to enter that island, is to go through the bridge," pagturo ni Red sa isang malaking tulay.

Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang isa pang itim na bilog na nasa mapa kung saan napapaloob ang tinutukoy niyang tulay.

"Is that a. . . town?" Sambit ko.

Pare-pareho silang napatingin sa tinuro kong parte ng mapa.

Huminga nang malalim si Red bago tumango.

"Yup. Just like the HQ, it's a town full of dark guilds," sagot niya. "At napalilibutan ito ng malalaki at matataas na border, kung nasaan ang bilog na tinuro mo."

Nakita ko ang pagkabahala ni Red na nakatingin sa bayan na pinag-uusapan namin.

"If we want to go to the island, we need to go to this town first. . . but. . ." nag-aalangan siyang magsalita.

"To enter this town, you need to be a member of a Dark Guild. . . you can't enter if you're an ordinary, specially, a gifted from the Academy."

"Napalilibutan ang border ng mga golems."

Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. Nagtataka akong nagtanong ulit kay Red. "What do you mean, golems?"

Huminga siya nang malalim bago sagutin ang tanong ko. "Golems, golem guards. Inilagay talaga sila sa labas ng city para magsilbing tagabantay."

"Pero hindi sila basta-bastang golems, dahil konektado lang ang mga utak nila sa isa't isa. Kapag may nawala sa kanilang isa, awtomatikong malalaman 'yon ng iba at ipapaalam sa HQ."

Nagtaas ng hintuturo ang lalaking katabi ko. "So? Paano natin sila malulusutan?" walang ganang sambit ni Chain.

Napatingin sa kaniya ang mga kasama namin dahil sa tanong niya. Mariin na napakagat sa ibabang labi si Red at malalim na nag-isip.

"They have a heart that needs to be destroyed. Pero. . . hindi 'yon madaling sirain nang sabay-sabay," aniya. "After all, I'm not talking about some 5 or a dozen of golems. . . I'm talking about a hundred of them."

Natahimik ang silid dahil sa sinabi ni Red. Everyone started thinking on how we can destroy the golems, all at the same time.

"Hindi pwedeng mahuli man lang ng isang segundo. . . pero paano natin sila masisira nang sabay-sabay kung pito lang tayo at isang daan sila-"

"Let me do it," agad na pag-ako ko.

Natigilan sa pagsasalita si Red at pare-parehong napunta ang mga atensyon nila sa akin. Kahit si Acel na wala sa mood ay agad na napunta ang tingin sa akin.

"I'll destroy all of the golems, all at the same time."

Napakurap-kurap si Red na tumagal ng ilang segundo bago sumagot na para bang pinoproseso pa ang sinabi ko. "There are a hundred of them-"

"Then, will you do it?" pagputol ko sa sasabihin niya. "I will destroy them. Leave them to me," dagdag ko pa.

Hindi na siya naka-angal pa sa sinabi ko. Maski ang mga kasama namin ay hindi umangal sa sinabi ko. Ramdam ko ang mapanghusgang tingin sa akin ni Chain sa tabi ko na hindi ko pinapansin.

"Well. . . we'll leave the golems to you, Erks," pagsang-ayon ni Red sa akin. Napatikhim siya bago magsimulang magsalita ulit.

"Continuation, hindi kilala at hindi rin gaanong kalakas ang mga gifteds na nasa bayan. Pero hindi 'yon ang punto," muling pagsasalita ni Red. "Their numbers. There must be 5 hundred or more inside."

Muling nagtaas ng isang daliri ang lalaking katabi ko. "Then we should just kill them-"

"No," may diin at seryosong pagputol ni Red. Seryoso niya kaming tinapunan ng tingin.

"We might be stronger than them, but beating hundreds of gifteds is too much. Believe me, wala pang binatbat ang bilang na 'yon at ang mga lakas nila sa mga gifteds na nasa HQ," seryoso niyang sambit. "Mas gugustuhin niyong 'wag sayangin ang mga lakas ninyo, dahil sigurado akong kakailangin at kakailanganin niyo 'yan sa HQ."

Huminga nang malalim si Red bago niya ilapag ang dalawa niyang kamay sa lamesa.

"Papasok tayo sa bayan ng hindi napapansin o gumagawa man lang ng kahit anong gulo," madiin niyang sambit. "Kahit anong mangyari, ang prioridad lang natin ay ang makatawid sa tulay. Hindi natin sasayangin ang mga lakas natin at kailangan natin 'tong ipunin."

"Pagdating sa HQ, makikipag-usap ako sa iilang Big Shots, habang nangyayari 'yon, ipa-hack niyo na ang blueprints ng buong isla sa kasama niyo," ma-awtoridad niyang sambit.

"Siguradin niyong hindi kayo mapapansin. Hangga't maari, iwasan muna natin ang pakikipaglaban habang hindi pa natin nahahanap si Joker."

"Kapag nagawa niyong makita si Joker, makikipagkita ako sa inyo gamit ang kahit anong kumunikasyon na magagamit natin."

"Sabay-sabay tayong aalis doon. Walang maiiwan, walang mamamatay."

Seryoso at desidido kaming tinignan lahat ni Red. Lahat ng atensyon namin ay nasa sa kaniya.

Walang sumagot o umangal man lang sa aming lahat. Bagkus ay sapat na ang mga tingin at pagtango namin bilang pagsang-ayon. Naging maayos ang pag-uusap naming lahat ang pagpaplano.

That will be the mission.

Who knows that it will end like that. . .

₪₪₪₪₪₪₪₪

Nararamdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko kahit naka-suot ako ng cloak. Hindi lang ako ang may suot nito kung hindi kaming lahat.

It's pretty normal for a Dark Guild members to wear this to hide their identity, because they're criminals.

Nakatago kaming lahat sa gubat. Kitang-kita mula sa pwesto namin ang matataas na border na nakapalibot sa bayan na pupuntahan namin.

Parang kahapon lang ay pinag-uusapan lang namin ang plano, ngayon sisimulan na namin ang mission. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang mala taong may buhay at gumagalaw, pero gawa sa bato ang lahat ng bahagi ng mga katawan. Ang mga golems na tinutukoy ni Red.

"Good luck, kitten," bulong sa akin ng lalaking nasa tabi ko. Chain winked at me. "Want me to kiss you-"

"Shut up, sadist," nakasimangot na pagputol ko sa kaniya.

"We're counting on you, Persephone," sambit ni Nyx.

Huminga ako nang malalim sa sinabi niya. Umangat ang tingin ko bago lumabas mula sa gubat at nagsimulang maglakad papalapit sa border at mga golems.

Ilang metro pa ang layo nila sa akin at hindi pa rin nila ako napapansin. Pinakalma ko ang sarili ko at muli akong huminga nang malalim.

I really don't want to use this power again. . . but my gift is not enough to beat this God inside of me.

So instead, I'll use the power he gave me.

Sapat na ang pagitan namin ng mga golems. Iilan lang ang nasa parte ng border na ito, pero sinisigurado ko na kahit ang golem na nasa pinakadulo ng border, masisira.

Don't worry, it will be painless.

Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na 'ko ng golems. Agad kong nakuha ang mga atensyon nila.

I closed my left eye and I felt my right eye changed.

"My fourth commandment. . ." Inilahad ko ang dalawa kong kamay sa kanila.

"From miracles, to tragedies. If one lives, another dies."

"For I am a God. . . thou shall offer me our lives."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top