4. Rouge

Tuluyang nawala na parang bula ang dalawang lalaking kaharap ko. Nakapaninibago. . . ngayon lang ako nakasaksi ng taong binawian ng buhay—ng dahil sa akin.

Tumalikod ako at nagsimulang naglakad na para bang walang nangyari.

"H-Hello? May tao ba?"

Hindi ko pinansin ang sinasabi ng bulag at nanatali akong tahimik na naglalakad.

Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak ko sa pambaba ko. That's when it all sinked in.

I freaking did it. . . again.

Nagawa ko na namang kumuha ng buhay na para bang baliwala lang sila sa akin.

"May tao pa ba?"

"Nasaan na kayo?"

"Hello?"

Mariin akong napakagat sa ngipin dahil sa sunod-sunod na sambit ng bulag. Iritado akong humarap sa kaniya.

"They're freaking gone! Now shut up!"

She looked startled for a moment. Then she looked at my direction.

"A-Ah. Pinaalis mo ba sila? Maraming salamat."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Laking pagtataka ko nang maramdamang sumusunod siya sa akin.

I thought she's fucking blind? How can she follow me?

"Hi! I'm Rouge!"

Nagmamadali siyang sumusunod sa akin na para bang nakakikita ang daan.

"Salamat sa pagtulong sa akin-"

"Look."

Natigilan siya sa pagsasalita nang sumingit ako. Walang kaemo-emosyon ko siyang hinarap.

Tinignan ko ang mga mata niyang purong puti na walang nakikita at hindi alam kung nasaan ang eksaktong pwesto ko.

"I didn't helped you. It's just that, they're in my way. Get lost."

Akmang maglalakad na ulit ako nang matigilan ako dahil nanatili siyang nakabuntot sa akin. Kunot noo akong muling humarap sa kaniya.

"Bulag ka ba talaga?" tanong ko.

Kahit tanging puti lamang ang mga mata niya at hindi siya makatingin nang deretso sa akin ay parang alam niya kung saan siya pumupunta. Hindi rin siya natitisod sa malalaking ugat ng mga puno. Is she really blind?

Isang tawa ang ipinakita niya sa akin. Natigilan ako nang ituro niya ang hihinturo niya sa itaas.

"The wind tells me where to go," nakangiti niyang sagot.

Mas lalo akong naguluhan. Nang balak ko sana ulit magsalita ay inunahan niya na ako. Inilipat niya ang hintuturo niya sa mata niyang hindi nakakakita.

"Isa akong gifted noong nakakakita pa ako. I'm an heiress of Aeolus, and I have the ability to control and talk to the wind."

"Pero ngayong hindi ko na sila nakikita, naririnig ko na lamang sila."

I was stunned. My mouth fell open as I look at her, dumbfounded.

Mabilis kong iniling ang ulo ko nang matauhan. "T-Then, why are you following me? Sinabi ko na nga-"

Natigilan ako sa pagsasalita nang naagaw ng isang tunog ang mga atensyon namin. Dahan-dahan akong napatingin sa tiyan ko kung saan nanggaling ang tunog.

I paused for a moment and I felt my cheeks turning red. Hindi ko magawang makatingin sa babaeng nasa harapan ko na nabigla rin.

"A-Ah, galing siguro sa-"

"I'm blind, not deaf," natatawa aniya.

Mabilis akong napaiwas ng tingin. "Tsk. Who cares. Aalis na ako-"

"Malapit lang ang bahay ko rito. Gusto mo bang ipagluto kita ng makakain? Bilang pasasalamat ko."

Mariin ko siyang tinignan bago ako mapaismid. Paano pa ako makatatanggi kung gusto na ring bumigay ng katawan ko. At isa pa, wala naman akong ibang mapupuntahan kung ganito ang itsura ko at wala akong pera.

Natagpuan ko ang sarili kong sumusunod sa babaeng hindi nakakakita. As I can recall, her name is Rouge. I can't believe that a blind person is leading the way.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang patag na parte ng gubat. May isang maliit na cabin dito at katabi n'on ay isang ilog. Napalilibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak ang paligid na kusang sumasayaw.

Literal na sumasayaw ang mga bulaklak at sumasabay sa paghampas ng hangin ang mga dahon. Namilog ang mga mata ko at natulala habang nakatingin sa kanila.

Hindi ko namalayan na huminto na pala sa paglalakad si Rouge at nauntog ako sa likuran niya.

"We're here," natatawa niyang sambit.

Pinapasok niya 'ko sa loob ng tirahan niya at sumalubong sa akin ang isang ordinaryo at simpleng tahanan. Nilutuan niya ako ng makakain habang pinapanood ko siya sa kusina.

I can't believe that she's really blind. The way she cooks and cut the ingredients looks like she can see everything.

Nang matapos siya magluto ay inihain niya ito lahat sa lamesa kung saan ako nakaupo.

"Eatwell."

Hindi ako nagdalawang isip na kumain. Sobra akong nakaramdam ng gutom at pagod.

Habang ngumunguya ay hindi mawala ang tingin ko sa kaniya. Nakaharap siya sa akin na para bang tinitignan akong kumain.

"So? Anong pangalan mo?"

Kumuha ako ng pagkain bago sumagot. "Persephone. You can call me Erks."

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. "Nice to meet you, Erks!"

Nanatili siyang nakaharap sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip at magtanong.

"Anong ginagawa mo rito, Rouge? Bakit mag-isa kang naninirahan sa gitna ng gubat?"

Natigilan ang babaeng karahap ko sa tanong ko. Hindi kaagad siya nakasagot dahil sa pagkabigla.

"Hmm. . . ginusto kong mapag-isa. Minsan hindi mo maiintindihan ang pagtakbo ng buhay kung pilit mong iisipin na kailangan mo ng kasama."

Kumunot ang noo ko. "Yeah. But you're freaking blind. Bulag ka. Sa tingin mo, kung wala ako kanina ay saan ka pupulutin ngayon?"

Isang tawa ang sinagot sa akin ni Rouge na mas lalong kinanuot ng noo ko.

"But you were there. You helped me."

"Kaya nga. Pero paano kung wala-"

"But you were there. You helped me," pag-uulit niya, may tono na.

Hindi ako nakaimik. Nakangiti pa ring nakaharap sa akin si Rouge.

"Sometimes, it's better to can't see. Because you can't judge others base on their appearances, right?"

Natauhan ako sa sinabi niya. Doon ko naalala ang itsura ko. Naliligo ako sa dugo at dumi.

Natakot akong makita niya 'ko kanina dahil sa itsura kong ito. Pero laking pasasalamat ko nang napagtanto kong bulag siya.

"Kung ganiyan ka nag-aalala na mag-isa lang ako rito. Bakit hindi mo 'ko samahan?" natatawang pag-iiba ng babaeng kaharap ko.

"Do you have a place to go? Or do you plan to go somewhere?" Her voice is soft and warm, enough to touch my heart.

"If you don't, and you don't have a place to go to. . . you can stay here with me."

Hindi kaagad ako nakasagot. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong gumawa ng kahit na anong tunog habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

I-

I don't deserve such kind words.

₪₪₪₪₪₪₪₪

If I told my younger self that she'll live with a blind woman who she just met in the future, she won't believe me. Even I, still can't believe it too. I lived together with Rouge. Tumayo siya bilang ate ko, a mother perhaps.

Living with her made me feel alive again. Tila nakalimutan ko ang mga nangyari sa akin at napagdesisyon kong mamuhay na lang ulit ng normal kasama siya. I have no where to go, and no one to be with.

She's the first person who took me in.

And before I know it, 3 years have already passed.

Kaswal akong nagsasabit ng sampay sa harap ng bahay namin. Sumasabay sa paghampas ng hangin ang mga sinasampay ko.

Nang akmang kukuha ulit ako ng panibagong damit ay natigilan ako.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko na umabot na sa puntong naririnig ko na ito.

I gasped for air as I tightly held my chest. Mabilis akong natumba habang habol-habol ang aking hininga. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras.

"Malapit ng matupad ang kasunduan natin. . ."

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses sa isipan ko. Nanlamig ang buo kong katawan at parang naubusan ako ng dugo dahil sa pagkaputla.

"Malapit na. . . paparating na ako. . ."

"Sa wakas. . . darating na ako."

Hindi ko magawang makapagsalita dahil parang umiikot ang paningin ko. Hawak-hawak ko ang dibdib ko at walang tigil sa pagtibok nang malakas ang puso ko.

"I'll kill them. . . all of them. . ."

"There is no human that can stand against a God."

Sa isang iglap, muling bumalik sa dati ang lahat. Nagawa ko na ulit makahinga at hindi ko na rin naririnig ang pagtibok ng puso ko.

Pero hindi ko pa rin magawang makagalaw sa pwesto ko. Doon ko napagtanto na nanginginig na pala ako.

Nawala sa isip ko. . . ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. . .

Kung bakit ako buhay. . . kung bakit ako may kapangyarihan na ganito. . .

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi.

Fuck. . .

I forgot. . . I forgot that. . .

He's coming.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top