36. What, where, when, and who
Natulala ako sa pwesto ko at hindi ko kaagad nagawang makasagot. Nanatiling nakakurba ang labi ni Mimi at nakatingin siya sa akin. She looked at me as if she knew that I just realized something. . . and she's right.
Lahat ng sinabi niya. . . it all makes sense.
"Anyways, let me tell you all the things that I know," panimula ni Mimi. Binuksan niya ang whiteboard pen na nasa lamesa niya at nagsimulang magsulat sa white board.
"Kagaya ng mga sinabi ko sa'yo, I get curious easily. That's why I study. . . always," sambit niya habang nagsusulat.
"Pinag-aaralan ko ang lahat ng kahit anong makakuha ng atensyon ko. . ." Nagsulat siya ng apat na 'W' sa whiteboard. Matapos n'on ay ang pagkuha niya ng isa sa mga libro na nakalagay sa mga shelves niya. "At ang pinakanakakuha ng atensyon ko ngayon, ay ito."
Inilagay niya ang librong kinuha niya sa lamesa dahilan ng paglapit ko rito para makita ang mga nakasulat. Halos maduling ako dahil sa hand writing ni Mimi na hindi ko maintindihan. Napupuno ng scribbles ang libro kaya hindi ko na magawang mabasa pa ang nakasulat.
"And this is?-"
"A certain case," pagputol sa akin ni Mimi. She looked at me full of excitement. "Isang kaso na hindi pa na nalulutas," dagdag niya.
Muli siyang bumalik sa mga shelves niya at kumuha pa ng napakaraming mga libro.
"Isa itong kaso na hindi pa rin malaman-laman ang sagot. At ang nakakabigla, ay onti lang ang nakakaalam tungkol dito at hindi nasasama sa mga libro."
"A case where. . . gifteds loses their bodies."
Parang bumagal ang pagtakbo ng oras at kusang namilog ang mga mata ko sa narinig. Tila biglang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mimi at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Natigilan ako sa pagtingin sa librong nasa harapan ko at hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya.
"Ang angas, hindi ba?" namamanghang sambit niya bago muling bumalik sa tapat ng whiteboard. "Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang kasong 'to," dagdag niya.
Sinimulan niyang buoin ang apat na 'W' na nasa whiteboard.
What. Where. When. Who.
"If it really did happened, WHAT happened to their bodies?" unang tanong ni Mimi at binilugan ang salitang what.
"WHERE are their bodies?"
"WHEN can they get it back?"
"And. . ."
"WHO took it?"
Punong-puno ng tanong si Mimi. Sa kabilang banda, parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita.
"Pero walang impormasyon tungkol dito sa mga libro. . . wala ring patunay na nangyari nga 'to maliban sa kwento-kwento."
"Not until. . ." She paused for a moment. Nahinto siya sa pagsusulat at seryoso siyang napatingin sa akin.
"I met one of them. . ."
"Lemon Kievah Charlotte. . . a cat that controls human puppets."
Tumaas ang dalawang kilay ko at mabilis na nakuha ni Mimi ang atensyon ko. Bumibilis lalo ang pagtibok ng puso ko. Merong ibang gifted na katulad ko?
"She lost her body. . . kaya nasa katawan ng isang pusa ang katauhan at kaluluwa niya," aniya bago muling bumalik ang tingin niya sa whiteboard. "Which means, totoo nga na may kumukuha ng mga katawan nila."
Nilakihan niya ang pagkakabilog sa salitang 'WHO'.
"With the help of the three Principals, and other gifteds as well, nagawa kong makuha ang mga impormasyon na kailangan ko."
"Nagawa kong makakilala ng iba't ibang gifteds na kapareho ng kaso ni Miss Lemon. Kung saan wala silang mga katawan. . ." Natigilan siya sa pagsasalita. Kita ko ang pagseryoso ng ekspresyon ni Mimi. "All of them have one common." Nilingon niya 'ko.
"They will have their revenge. . . in exchange for their bodies."
Nagtama ang mga tingin namin ni Mimi na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Natuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok nang malalim.
Parehong-pareho kami. . . ng mga pinagdaanan. . . ang pinagkaiba nga lang-
"Pero sa kabila ng lahat ng mga impormasyon na 'yon. . . walang nasagot sa mga tanong ko," muling sambit ng babaeng kaharap ko. "Bagkus ay nadagdagan pa nga ito."
Nagsimulang magsulat ng panibagong salita si Mimi sa whiteboard na nagpabigat lalo ng pakiramdam ko.
'WHO'S WHO. AND WHERE IS IT RIGHT NOW.'
"Kung bakit hindi nahihinto ang 'WHO' na ito sa pagkuha ng katawan. . . at para saan?" tanong ni Mimi.
"Pero ang alam ko ngayon. . . this 'WHO' needs a body. And it has to be a gifted."
"So I came up with this hypothesis. That one day, this 'WHO' who has the ability to take bodies in exchange of anything. . . will soon find its body it's waiting for."
"And that day already happened." Hinarap ako ni Mimi. "That's how I learned about your existence, 'WHO's vessel."
Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis nitong tumibok. Hindi ko magawang makasagot sa mga sinabi ni Mimi at napako ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula bumigat nang bumigat ang tensyon sa silid.
"Well, it's not really me who knew about you. Ako lang ang unang nakaalam ng tungkol sa existence mo. . . pero ang taong nakaalam kung sino ka talaga, ay walang iba kung hindi si Principal Helena." Umiwas ng tingin sa akin si Mimi.
"After knowing your existence, she had a prophecy. . . that one of the Sins, will meet a Goddess."
I heard her chuckled. "Who knew that it would be the greed?" natatawa niyang sambit. "Pero nang binanggit niya 'yon, alam kong ang pinag-aaralan ko ng kaso ang tinutukoy niya."
"Alam kong naguguluhan ka pa. Si Principal Bora na ang magpapaliwanag sa'yo ng lahat, Erks."
"But let me tell you something. . ."
"EVERYTHING, was already planned from the beginning." May diin ang pagkakabigkas niya na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Napalunok ako nang malalim at napakagat ako sa ibabang labi ko na natuyo na. I don't know what to react right now.
If I should be amazed. . . confused. . . or scared?
But the fact that Mimi came up with all of this. . . dahil lang sa lead na inakala niyang 'kwento-kwento'.
She really is a theorist— the best theorist I know.
"Well, Erks. May dahilan ka rin kaya ka sumama kina Nyx sa pagpunta rito, hindi ba?" biglaang pag-iiba ni Mimi. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti habang nakatingin sa akin.
"Don't worry, we'll help you. Si Principal Bora na ang bahala sa lahat."
Parang sumikip ang dibdib ko sa kabila ng sinabi ni Mimi. Nasagot na niya ang dahilan kung bakit alam ng Solar Academy ang tungkol sa akin. . . pero-
"Mimi. . ." pagtawag ko sa kaniya sa kabila ng pagtuyo ng lalamunan ko.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kita ang pagseryoso ng ekspresyon ng babaeng kaharap ko nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ko.
"I think I already understand your point. . . and why Solar Academy is willing to help me," panimula ko.
"Kung ikaw ang dahilan kung bakit nalaman ng mga Academy ang tungkol sa akin. . ."
"Anong koneksyon ng Underground Association sa akin. . . at gusto nila akong kunin?"
Natigilan si Mimi sa sinabi ko. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid na mabilis na kinapanibago ko dahil walang tigil sa pagsasalita si Mimi mula no'ng pumunta ako rito.
Napakurap-kurap siya bago mapaiwas ng tingin.
"Now that's a new information. . ." May bakas ng kaba sa boses niya na hindi inaasahan ang sinabi ko.
"I honestly didn't included that in my calculations. . . but now that you mentioned it, I'm starting to come up with a new conclusion."
Seryosong nag-isip ang babaeng kaharap ko habang naniningkit ang mga mata.
"It might be connected to a certain incident. . . that happened almost a year and a half ago."
"A Dark guild. . . that was led by Alejo, who was one of the Big Shots before."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top