31. To follow an order
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Nyx.
Chain was dumbfounded, he can't look straight at his guild's master's eyes. "N-Nyx, this is not what's supposed to happen."
Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang kabahan. This is a new side of him once again.
Another reason why Nyx is intimidating. . . because of the fact that Chain is freaking sadistic, yet, he suddenly becomes normal in front of him.
"Oh come on, masama bang malaman lang kung saan mo siya nakita? Para kasing. . . pamilyar ang mukha niya." Pinagmasdan ako mabuti ni Nyx gamit ang walang buhay niyang mga mata at nakakurba ang labi sa isang ngiti.
"N-Nyx-"
"Bakit, Chain? May sasabihin ka?" may diing pagsingit ni Nyx na nagpatikom sa sadistang lalaki.
Kita ko ang pagdiin ng pagkakasara ng kamao ni Chain habang nakayuko at hindi makasagot sa guild's master niya.
I looked at him, intrigued. He looks like. . . he's fucking pissed but can't do a thing.
"Mind telling us, where you found-"
Akmang hahakbang papalapit sa akin si Nyx nang matigilan siya sa biglaang pagharang ni Chain sa harapan ko.
Kahit na nakatalikod sa akin, ramdam ko ang seryosong ekspresyon ni Chain sa harap ng guild's master niya.
"Woi, my woman. Back off."
Nyx was taken aback by what he said. Tumaas ang dalawa niyang kilay. Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahan na sasagot sa kaniya si Chain, pero nagawa pa ring kumurba ng labi niya sa isang ngiti. As if that he was surprised, and proud at the same time.
"Oh. . ." Maikling reaksyon ng kaharap namin na para bang naintindihan ang gustong iparating ni Chain.
"Hehe, greedy," kumento pa ng lalaking nangangalang Kris.
Rinig ko ang pag-ismid ni Chain bago umangat ang ulo at tingin niya sa mga kasama niya sa guild.
"What are you doing here?" pang-ilang ulit niyang tanong. Napunta rin ang tingin niya sa isang lalaki na kasama nina Nyx. "And together with the destroyer?" Kunot noo niyang dagdag.
Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. Mabilis na nakuha ni Chain ang atensyon ko at kapwa niya ay napatingin din ako sa lalaking nakasimangot na ngayon nang binalik ang tingin ni Chain.
"Oi, oi. What's with the look, freaking Sin?" Reklamo ng lalaki.
Hindi kaagad ako nakakibo nang inaalala ko ang tinawag sa kaniya ni Chain. The destroyer-
Unti-unting napaawang ang bibig ko nang mapagtanto ko kung saan ko narinig ang salitang 'yon. Nabanggit na ni Chain ang salitang 'yon no'ng kailan lang.
No'ng kasama namin si Kana. . .
The destroyer. . . Kana's previous partner-
Si Law!
"At bakit, anong problema mo sa tingin ko?" Sarkastikong sagot ng sadistang kasama ko na mas lalong kinasimangot ni Law.
"Huh?!-"
"Okay, okay. Tama na," pagsingit ng nag-iisang babaeng kasama nila. One of the Sins— the Pride.
Humarang siya sa pagitan nina Chain at Law bago pa tuluyang magtalo ang dalawa. Tila tumalim ang tingin niya kay Chain nang tapunan niya 'to ng tingin.
"Chain, your actions. . ." may diin niyang sambit. "Nyx is watching. . ." May bakas ng babala niyang paalala.
Muling napatikom ng bibig ang sadistang lalaking kasama ko.
Now it really caught my freaking attention. . .
Pasimple akong napatingin kay Nyx na kaswal na pinapanood ang pagtatalo nina Chain at Law gamit ang walang buhay niyang mga mata.
Naningkit ang mga mata ko at hindi ko mapigilang mapaisip.
What's with him. . . that Chain-
No, not just Chain. I'm pretty sure that all of the Sins are also required. . . of acting normal— elegant rather, when he's watching.
"Hehe, behave," muling pagdagdag ni Kris na kinaismid ng kasama ko.
Huminga nang malalim ang babaeng kasama nila. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago tapunan ng tingin ang guild's master nila at magsalita.
"Nyx. . . I think it's time to tell the reason why we're here," kalmado at puno ng respeto niyang sambit.
Para bang napatayo ako nang maayos ng wala sa oras nang matanggal ang tingin ni Nyx kina Chain at nalipat ito sa akin. Pare-parehong nakuha ng sinabi ng kasama nilang babae ang atensyon namin.
"Hm, I guess so." Their guild's master's expression didn't changed.
Nagsimula siyang humakbang papalapit sa amin ni Chain na nagpabigat ng pakiramdam ko. Gusto kong umatras, pero napako ako sa kinatatayuan ko.
Sa kabilang banda, mas lalong lumapit sa harapan ko si Chain para harangan ako.
Before we know it, walang kaemo-emosyon ng nasa tapat namin ang guild's master niya.
Hindi mawala ang tingin ko sa mga mata ni Nyx. Para bang may kung ano rito na pinipigilan akong alisin ang atensyon ko sa kaniya.
As if. . . there's something-
Something in his eyes.
Ngayong nakita ko na siya nang malapitan, ngayon ko lang nakita ang napakalalim niyang asul na mga mata-
Hindi lang asul. . .
Parang. . . parang sobrang lawak ng mga mata niya— like a galaxy.
"Don't worry, Chain. We're not here to do anything. . . bad." Nagbago ang ihip ng hangin, at muling kumurba ang labi ni Nyx sa isang ngiti.
Elegante ang paraan niya ng pananalita, pati rin ang kilos niya.
"H-Huh?-"
"Nandito kami para sumunod sa utos. . ." Pagputol niya sa reaksyon ni Chain.
Pare-pareho kaming natigilan. Kunot noo akong napatingin sa lalaking kaharap at naguguluhan siyang tinignan.
Utos? Anong utos-
The sadist glanced at us, forehead furrowed. "What do you mean?!"
Lumawak ang ngiti ni Nyx sa labi at tinapunan niya kami ng kakaiba niyang tingin.
"We're here to follow an order. . ."
"An order to bring you to Solar Academy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top