29. Run or Fight

Sobrang bilis ng pangyayari. . . kahit na para sa akin ay bumagal ang oras, sa katotohanan, ilang segundo lang ang dumaan.

Hindi ko alam ang nangyari. . . wala akong kaide-ideya sa ginawa ko. . . ang alam ko lang— hindi ako ang gumamit ng commandment.

Umalingawngaw ang boses ni Zabeth sa paligid na agad na nakakuha ng atensyon ng lahat. Hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya sina Acel at Chain. Maski ang mga gifteds na kasama niya.

Walang tigil siya sa pagsigaw at pag-iyak. Habang hawak-hawak ang mga mata niya. . . mga mata niyang nahuhulog-

"AHHHHHH!" Matinis na boses niya ang tanging naging ingay.

Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pilit niyang kinukuha ang mga mata niya at binabalik ito. Pero parang bola itong nadudulas at hindi mapasok.

"WHAT DID YOU DO YOU FUCKING BITCH!" galit at naiiyak na sambit niya.

Hindi ako nakakibo. Hindi alam ng mga nandito kung sino ang kausap niya. . . dahil kaming dalawa lang ang nakakaalam ng nangyari.

I used my 3rd commandment-

No.

That God used the 3rd commandment against her-

Sobrang bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko. Walang tigil ang pagpatak ng pawis ko kahit tumatama sa balat ko ang paghampas ng hangin.

Hindi ko alam kung saan ako matatakot-

Kung sa kakayahan na kaya kong gawin. . . o ang katotohanang-

Unti-unti na niyang nakokontrol ang kakayahan na 'yon. At malaya na niyang nagagamit ang mga commandments.

Napalunok ako nang malalim kahit natutuyo ang lalamunan ko. Nagsisimulang manginig ang mga kamay ko, unti-unti kong tinatakpan ang kanan kong mata.

What's the sense. . . even if I stopped using my commandments to maintain my humanity-

If that God can already use it on his own-

"MGA WALANG KWENTA! ANO PANG HININTAY NINYO?!"

Muli akong bumalik sa katinuan at natauhan ako nang muling marinig ang boses ni Zabeth. Walang tigil siya sa pagbalik ng mga mata niya habang lumuluha ng dugo.

Bakas sa mukha niya ang pagkakainis at galit.

"KILL THEM! GET THE GIRL!" ma-awtoridad niyang sambit.

Hindi ako nakakibo at nakakilos sa narinig. Nagsisunod ang mga gifteds ni Zabeth sa sinabi niya at doon ko lang nakita nang mabuti kung gaano sila karami na nagtatago sa mga puno.

The first thing that popped in my mind is to run. . . but I can't move my body.

Para bang literal na napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko ay hindi ko ito magawa. Para bang naubos ang lakas ko. . . at natatakot din ako-

Natatakot ako na. . . na baka hindi ko na kayang kontrolin pa nang buo ang katawan ko-

"Woi, kitten! What are you doing?!" biglaang sambit ng isang pamilyar na lalaki na nakakuha ng atensyon ko.

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang ginawa ni Chain. Unti-unti na lang namilog ang mga mata ko at napaaawang nang kaunti ang bibig nang maramdaman ko ang pag-angat ko.

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang nagmamadaling tumakbo si Chain sa direksyon ko at hindi siya nagdalawang isip na buhatin ako sa pagdaan niya.

"T-Teka-"

"Let's leave while the doll can't use her gift! Kahit pa kakayanin ko ang iilang gifteds dyan, sigurado pa rin akong may darating pa na iba." Habol-habol ni Chain ang hininga niya hang buhay-buhat ako.

Baliwala niya 'kong sinabit sa balikat niya at nakaharap ako sa likod.

Napakurap-kurap pa muna 'ko, nahihirapang tumingin sa kaniya. "T-Teka, si Acel-"

"Haist! Let that barney be! Sarili natin ang isipin natin ngayon!" iritadong sambit ng sadistang lalaking may buhat-buhat sa akin.

Napaismid ako sa sinabi niya bago bumalik ang tingin ko sa harapan ko, sa likod niya. Kita ko ang magkadikit na kilay ni Acel na tumatakbo rin sa likuran namin.

lang dosenang mga gifteds ang nakabuntot sa aming tatlo. Iba't ibang mga tattoo ang nakalagay sa iba't ibang parte ng mga katawan nila. But I know for sure, that all of them belongs to a dark guild.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi nang makuha ng tingin ko ang dalawang gifted na pinaka-malapit sa paghabol sa amin.

Both of their eyes changed. Hindi ko lubos makita kung anong kulay ang mga ito, pero nakita ko ang mga gift nila nang gamitin nila ito pareho.

Medyo nawala ang balanse ni Chain sa pagtakbo at gano'n din si Acel dahil sa biglaang paglambot ng lupang tinatapakan namin. Ang isang gifted naman ay umamba na parang may panang hawak-hawak at tinutok ito sa amin.

Napaismid ako sa mga inasal nila. Both Acel and Chain can't fight properly while running. . . so it's all up to me.

I closed my right eye and I felt my left eye changed.

Natigilan ang gifted na nagbabalak na panain kami nang nanlisik ang mga mata ko sa kaniya. Nagsihabaan ang mga tangkay ng mga puno na nadadaanan namin at nagsipuntahan sa direksyon niya.

Mabilis siyang napaalis sa posisyon niya at hindi niya natuloy ang pag-atake.

"Nice, kitten." Rinig kong sambit ni Chain. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakakurba ang labi niya sa isang ngisi.

Nabigla ako nang maramdaman ang pag-angat namin pareho. Doon ko lang nakita na lumabas ang mga dugo ni Chain at naghugis pakpak ito. Para hindi siya mahirapan sa pagtakbo sa malambot na lupa.

Nalipat din ang tingin ko kay Acel na ngayon ay walang ganang nakasakay sa isang board na gawa sa lason. Umuusok ang malambot na lupang nadadaanan nito.

"Ililigaw lang natin sila-"

Natigilan si Chain sa pagsasalita. Namilog ang mga mata ko nang malaglag ako sa balikat niya dahilan ng paghinto namin sa pagtakbo.

Hindi lang kami kung hindi si Acel din ay natigilan at hindi makapaniwalang napatingin sa paa niya. Doon ako natauhan kung anong nangyari.

Napaawang ang bibig kong nakatingin sa mga paa at balikat nia Chain at Acel. It turned wood.

Para akong nanlumo sa nakita. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa babaeng nagawang makahabol sa amin na nakasakay sa isang napaka-laking leon.

Nanggagalaiti siya habang nakatakip sa kaliwang mata na wala pa ring tigil sa pagdurugo. Nagawa na niyang ibalik ang kanan niyang mata at galit na galit siyang nakatingin sa akin.

"Y-You fucking bitch! PAULIT-ULIT KONG DUDUKUTIN ANG MGA MATA MO AT IBABALIK!" punong-puno ng galit na sambit ni Zabeth.

Hindi kaagad ako nakakibo sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim at pinilit ko ang sarili ko na tumayo, hindi nawawala ang tingin ko kay Zabeth.

You're freaking kidding me, right?

Paano niya nagawang ibalik ang mga mata niya nang gano'n-gano'n lang?! She really is a freaking doll!

Itinuro niya ang hintuturo niya sa akin at kumurba ang labi niya sa isang ngisi. She looks like a freaking psychopath right now.

"Pahirapan niyo sila! MALAYA KAYONG GAWIN ANG KAHIT ANO! KAHIT PUTULIN NIYO ANG KAMAY NG BABAE BASTA BUHAY SIYA!"

Kani-kaniyang paghahanda ang mga gifteds na mga kasama niya. Parang umiilaw ang mga mata nila sa ilalim ng mga madahon na puno at nakapako ang mga tingin nila sa amin.

Mabigat ang pakiramdam kong inililibot ang tingin sa kanila.

Looks like. . . I don't have a choice-

Pare-pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng pagsabog. Sobrang bilis ng pangyayari at parang nabingi na lang ang kanan kong tenga dahil sa lakas ng pagsabog.

Napakurap-kurap ako nang mapatingin ako sa kanang direksyon ko. Sa isang iglap, benteng puno ang naputolat nagsitalsikan ang mga gifteds na nandito.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at napaawang na lang nang kaunti ang bibig ko.

What happened-

"Oi, oi," biglaang sambit ng kung sino.

Parang binagsakan ako bigla ng napaka-laking bato.

Hindi ko alam kung saan sila nanggaling. . . but their freaking presences are going to destroy my sanity. Sa isang iglap, agad na bumigat ang pakiramdam ko.

The fact that they suddenly appeared out of nowhere. . . and their individual presences outweigh all of the gifteds here. . .

Dahan-dahan akong napalingon sa pwesto nila. Kung saan nakaharap na ngayon sina Chain at Acel.

Namilog ang mga mata ko nang makilala ang iilan sa kanila. Natulala akong napanganga. . . what are they doing here?

"Oi, sabi ni Principal Helena, makipagtulungan lang ako sa inyo. Bakit pati ako, kailangang sumama sa walang kwentang bagay na 'to?" walang ganang giit ng lalaking nagsalita kanina. Itim na itim ang buhok niya at walang buhay ang kaniyang mga mata. He looks like a villain.

"Tsk, sa tingin mo ba, gusto ka rin naming kasama?" giit ng isang babae. Nagsitaasan ang dalawang kilay ko nang makilala ko siya.

Siya 'yong Sin na nakalaban ko no'ng may event! The girl with a violet hair and can be invisible!

"Hehe, idiots." Maikling pagtawa ng isang panibagong lalaki na hindi ko pa nakikita noon.

Sa kanilang apat, mabilis na nalipat ang atensyon ko sa pinakahuli. I didn't saw how he did it. . . and I don't also know if it's even possible to do it in a short amount of time-

Pero sigurado akong. . . siya ang gumawa ng pagsabog.

Napako ang tingin ko sa lalaking walang buhay ang mga mata na nakakurba ang labi sa isang ngiti at nakatingin sa amin. He has a dark blue hair and he has a mole near his lips.

The Sins' guild's master. . . Nyx.

"Chain. . . looks like you're having a hard time. Want us to help you?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top