27. Blood and Poison

Umawang ang bibig ko at tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Acel sa sinabi niya.

He controls what?

Lason ang dumadaloy sa mga ugat niya?!

"Woi, the audacity to say we're the same," inis na sambit ni Chain na huminto rin sa paghabol nang huminto kami ni Acel sa pagtakbo. "My blood is special you know. . . while yours, is just barney's blood."

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Acel sa narinig at ang mariing pagkagat niya sa ngipin.

"Shut up, greed. What's special in being freaking anemic?" sarkastikong sabat ng lalaking katabi ko.

Natulala na lang ako sa salitan nila ng mga salita. For pete's sake! They're both stupid!

"Hah?" Mahaba at inis na reaksyon ni Chain. Tinabingi pa niya ang ulo niya habang nakatingin at minamaliit si Acel. "Anong sinabi mo?!" giit niya.

Ibinababa ni Chain ang kanang kamay niya. Unti-unting nagsituluan dito ang mga pulang dugo. Pero bago pa man ito tumulo sa lupa ay agad itong namuo at naghugis patalim. Punong-puno ng inis ang mga mata niya at nakapako ito sa lalaking kasama ko.

Sa parehong pagkakataon, hindi rin umalis ng tingin si Acel. Walang ekspresyon niyang madiin na kinagat ang pulso niya dahilan ng paglabas ng lilang lason dito. Unti-unti itong namuo bilang isang patalim na may usok na lumalabas.

"What? Are you deaf?" mariing sagot ng katabi ko.

Napaismid sa narinig si Chain. Pabigat nang pabigat ang tensyon sa kanilang dalawa. Sa kabilang banda, pabalik-balik ang mga tingin ko sa kanila.

Wait-

They don't need to fight!

"T-Teka-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko na lang ang paghampas ng hangin dahil sa bilis ng pag-amba ng lalaking katabi ko. Kapwa niya ay mabilis din na kumilos ang sadistang kaharap namin.

Tanging pag-ismid ang nagawa ko nang makita silang nagsasanggaan ng mga patalim. They started fighting with their blades without listening to me.

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi. Damn! They freaking started fighting!

Hindi mahabol ng mga mata ko ang paiba-ibang posisyong at pagsanggaan nila ng kani-kaniyang klase ng dugo. Paiba-iba ang hugis ng mga likong namumuo na lumalabas sa kanilang katawan.

Acel's poison is acidic. Natutunaw ang kahit anong dumapi rito. Pero hindi ito tumatalab kay Chain. Dahil unang-una sa lahat, walang lason ang kayang pumasok sa katawan niya dahil kaya niyang kontrolin ang dugo niya. At isa pa, kaya niyang isara ang kahit anong klaseng sugat na meron siya.

To be honest, they pretty are alike. May pagkapareho ang mga gift nila at ang paraan nila ng pakikipaglaban. Pareho rin silang matitigas ang mga ulo.

Muli akong napaismid habang pinapanood silang maglaban. I can't just stand here.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Huminga ako nang malalim at mainam na nag-isip. I can't use my commandments against them. . . hangga't maari, ayoko na 'yong gamitin pa.

But. . . can I stop them using my gift instead?

I bit my lower lip. There's nothing left but to try.

Hinanda ko ang sarili ko at nanatiling nakatingin sa dalawang lalaking walang tigil sa paglaban. Ipinikit ko ang kanan kong mata at naramdaman ko ang pagbabago ng kaliwa.

I need to stop them-

Hindi ko naituloy ang binabalak ko nang kusang huminto ang dalawang lalaking kaharap ko. Hindi lamang sila kung hindi ako rin. Mabilis kong naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko na para bang may mabigat na bagay na dumagan sa akin.

This presence-

There are gifteds nearby. . . twenty- no, fifty perhaps-

And one of them. . . that gifted's presence is familiar. . . as if-

"One of the big shots is here. . . kung hindi ako nagkakamali-" biglaang sambit ni Acel nang mapansin din ang mga presensya nila. "Si Zabeth, alias, Doll."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. It's that woman! The one that can change anyone's body!

Mabilis na napaismid si Chain nang maramdaman din ang mga presensya nila. Agad na kinuha ni Acel ang pagkakataon at tumalon paatras papunta sa direksyon ko.

Natigilan ako sa inakto niya at napatingin ako sa kaniya na ngayong nasa harapan ko na.

"Let's go. Hindi tayo ang pakay nila rito, paniguradong ang aso ng academy ang pinunta nila rito," aniya.

Hindi kaagad ako nakakibo sa sinabi niya. Nang matauhan ako ay mabilis akong umiling. "N-No, you're the one who needs to-"

"'Wag mo ng ipilit pa. Wala kang mapapala rito," mariin na giit ni Acel na nagpatahimik sa akin.

"Woi! What do you think you're doing?!" sambit ni Chain na nakaagaw ng atensyon namin ni Acel. Magkadikit ang kilay niyang seryosong nakatingin sa amin.

"That woman, belongs to me." He looked at Acel, dead in the eye. "I don't care if there's a hundred of gifteds coming this way, hindi mo 'ko matatakasan."

Rinig ko ang pag-ismid ni Acel na nasa harapan ko. Sinilip niya 'ko sa likuran niya na bakas ang pagkairita sa mukha.

"Tsk, what are you waiting for?" iritado niyang sambit. "Kailangan nating umalis, kung hindi madadamay pa tayo-"

"Ang sabi ko, AKIN 'YAN!" pagsingit ni Chain sa usupan.

Hindi ko magawang makisali sa usapan nilang dalawa. I understand why Acel is acting like this. Pero wala siyang alam. . . hindi niya alam na ako ang pakay nina Zebath dito at hindi si Chain.

Tsk, hindi ko siya mapapaalis ng walang matibay na dahilan.

"Huh? Shut up, greed," walang ganang sagot ni Acel.

"You can't do anything-"

"Woah, two blood benders are fighting!" pagsali ng isang boses.

Pare-pareho kaming natigilang tatlo sa narinig. Tila mabilis na nagbago ang pakiramdam ko at bumigat ang paghinga ko dahil sa biglaang pagdami ng presensya sa pwesto namin.

Sabay-sabay kaming napatingin nina Chain at Acel sa isang hindi kalayuang puno kung saan may babaeng prenteng nakaupo sa sanga. She's wearing a gothic dress and boots. And she has a piercing on her nose.

Kumurba ang labi ni Zabeth sa isang ngisi na natutuwang pinapanood kami ng mga kasama ko.

"Kung marami kayong oras sa pagtatalo. . . sana naman, wala na kayong oras sa pagtakbo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top