18. Run

Walang nakakilos kaagad sa kanila dahil sa pagkabigla. Naliligo na ngayon sa sarili niyang dugo ang Mime na walang buhay habang pilit pa rin siyang ginigising ng Surgeon.

"Andina. . . anong gift 'yon?" hindi makapaniwalang sambit ni Barabbas.

Hindi nagawang makasagot ng babaeng kausap niya. Bagkus ay tinapunan niya 'ko ulit ng tingin.

Ang takot sa mukha niya ay unti-unting nawala at unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi.

"S-She really is a God. . . our God!" nahihibang niyang sambit.

My eyes slowly widened and I stepped back. Alam nila ang tungkol sa 'kin. . . ang Diyos na nasa katawan ko. . .

Napalunok ako nang malalim bago bumalik ang mga mata ko sa normal.

I don't know how they found out about me. . . but I won't let them do what they want. . .

"I-Ikaw. . ."

Nalipat ang tingin ko sa Surgeon na puno na rin ng dugo ang damit. He looks decent at first, but now he looks like a crazy psychopath.

"ISANG KANG PUT-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang muntik na siyang tamaan ng patalim na gawa sa dugo.

Kapwa kaming napatingin kay Chain na walang ekspresyon. "Don't ever. . . ever. . . tell that to a lady."

Mas lalong nairita ang lalaking kaharap namin sa sinabi niya. Pero bago pa man siya makasagot ulit ay naramadaman ko na ang paghawak ng kasama ko sa kamay ko.

He didn't think twice to grab me and started running.

"Mga tanga!" sigaw ni Andina nang makatakbo kami ni Chain.

Hindi pa 'ko bumabalik sa katinuan at pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nangyayari. Bumalik lang ako sa katinuan nang magsalita ang kasama ko.

"I don't know what and how you did it, kitten. . ."

"You saved my life, I guess. . ."

"But you just killed a Big shot from the underground association. Magiging malaking issue 'to laban sa mga academies. Lalo na't kapatid 'yon ni Surgeon."

Nabigla ako sa sinabi niya. Doon ko napagtanto ang naging reaksyon kanina ng lalaking kasama ng Mime.

I just killed his brother. . .

Napansin kong napatingin sa 'kin si Chain habang tumatakbo kami.

"Just who are you?"

I was startled by what he said. May matinis na tunog na dumaan sa tenga ko. Hindi ko na rin mapigilang mapatanong sa sarili ko. . .

Sino nga ba 'ko? Sino na ang nagmamay-ari ng katauhan ko?-

"You won't get away from us, brats!"

Pareho kaming napalingon ng kasama ko nang marinig ang nagsalita. Doon namin nakita na kani-kaniyang paraan ang mga wanted na kriminal sa paghabol sa 'min.

Agila summoned his familiar, a huge Leucrocuta. An extremely speedy beast that has a badger's head with a large bony gum. Prente siyang sumakay rito kasama sina Andina at Barabbas.

Sa kabilang banda, nasa ere si Zabeth. Hindi ko alam kung paano niya ginawa 'yon. . . but she looks like a witch riding a broom. Habang si Cael ay nanatiling naka upo sa sanga na mukhang walang intensyon na habulin kami at nanatiling nakatingin sa 'min.

Ang nauuna sa kanila ay walang iba kung hindi ang Surgeon. He turned himself into a liquid that is destroying everything he interacts with.

A freaking takeover type of gifted.

"Tsk, bwisit." Reklamo ng kasama ko.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo at nanatiling nakahawak ang kamay niya sa 'kin. Nahinto na lamang ako nang bigla kong naramdaman ang pagmanhid ng kaliwa kong binti.

It suddenly became numb. Ni hindi ko maramdaman ang pagkontrol dito. Dahan-dahan ko itong tinignan at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang bumungad sa 'kin.

My whole leg. . . turned into a plastic.

"W-Wait-"

Natigilan sa pagtakbo si Chain nang mapansin niyang bumagal ako. Katulad ko ay hindi rin maipinta ang mukha niya nang makita ang pagbabago ng binti ko.

"F-Fuck that doll. . ." iritado niyang sambit.

I was taken aback by his action. Without thinking twice, he carried me in bridal style. Hindi niya 'ko hinayaang makapag-react o makapagsalita man lang.

"That's her gift. . . the ability to change anyone or any objects' parts that are within her range. Pero nakadepende pa rin kung gaano 'to kalayo. She can't change your whole body unless she's a foot away from you."

Parang nababasa ni Chain ang nasa isip ko at pinaliwanag niya sa 'kin ang kakayahan ng isa sa mga humahabol sa 'min. Napatingin ako sa babaeng nasa itaas at nakasakay sa isang walis.

Kaya pala nagagawa niyang makalipad. Siya rin ang nagpabigat ng mga katawan namin kanina.

I glanced at the sadist guy carrying me. I'm sure that he has no idea what's happening right now. Yet, he's still trying to save my ass from those guys.

Kahit isa siyang sadista at sinasabi niyang papatayin niya 'ko. . . hindi niya pa rin ako hinayaang maiwan at pinili niyang maging pabigat ako.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. What a freaking sadist.

"Put me down. . ."

Napatingin sa 'kin si Chain habang tumatakbo. "Huh?-"

"I said, put me down, sadist."

His forehead furrowed and he gave me a confused look. "Anong sinasabi mo, kitten?"

I heaved a sigh. Walang kaemo-emosyon ko siyang tinapunan ng tingin. "Ibaba mo 'ko."

"Baliw ka ba? Ako ang papatay sa'yo-"

I faked a smile. "I told you, right? You can't kill me. . . neither them."

Natigilan si Chain sa sinabi ko, pero nanatili pa rin itong tumatakbo.

"Ako ang gusto nila. . . hindi ka kasama."

"I guess this is my fate. . . hindi ko na 'yon kaya pang takasan."

Nanatili siyang tahimik. Imbis na bitawan ako ay naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa 'kin.

"Woi. . . I also already told you. . . I'm not that kind of guy who lets an infirm lady to fight." He smirked.

"And kitten. . . I'm the one who's going to kill you."

Napaismid ako kahit pinipigilang kumurba ang labi ko. What a freaking sadist.

Biglang tumigil sa pagtakbo si Chain na kinatigil ko. Napatingin ako sa dadaanan namin at bumungad sa 'kin ang lalaking puno ng dugo ang damit at nanggagalaiti sa 'kin.

Hindi rin nagtagal ay naabutan na rin kami nina Andina at Zabeth.

The Doll snapped her fingers and my leg turned back to normal. She showed me an irritating smirk as if she's telling me that she won.

Unti-unti akong ibinababa ni Chain habang hindi nawawala ang tingin sa mga kalaban.

"Mga bata, hindi ba parang masyado na kayong may edad para makipaglaro pa?" nakangising sambit ni Barabbas.

"Oras na para tumigil sa paglalaro. . . it's checkmate," dagdag ni Andina.

Napaisimid ako at walang kaemo-emosyon silang tinapunan ng tingin. Mukhang kailangan talaga naming makipaglaban ni Chain. . .

Bago ko pa magawang baguhin ang mga mata ko ay naramdaman ko ang paghawak ni Chain sa braso ko. Natigilan ako at nagtatakang napatingin sa kaniya.

"Kitten. . . we're not in the shape to fight right now. . ." Nanatili siyang nakatingin sa mga taong nakapalibot sa 'min.

Malalim siyang huminga. "I don't really want to do it. . . but I have no choice."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

"Hindi ko pa siya kayang kontrolin nang maayos. . . siguradong mawawala ang lahat ng lakas ko. . ."

"Tatlong minuto. . . tatlong minuto lang ang kaya kong ibigay sa'yo. . ."

I was surprised when Chain looked at me. . . then he smiled. . . a kind of smile that I haven't seen for so long. . .

Isang ngiti na laging pinapakita sa 'kin ni Rouge.

"You still might be my enemy. . . but I really can't stand a lady being abducted. . . well, unless by me." He chuckled.

Parang bumagal ang takbo ng oras. Nang muling susugod sa 'min ang Surgeon ay kusang nagsalita ang lalaking kasama ko.

"Sun."

Hindi naituloy ng Surgeon ang pagsugod. Pare-pareho kaming natigilan nang maramdaman ang biglaang paggalaw ng lupa.

Kalilitaw lang ng araw. . . pero unti-unting dumidilim ang kalangitan.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko habang dahan-dahang tumitingin sa itaas.

Someone blocked the sun. . . something rather. . .

I thought it's their body who's big enough to cover it. . . but no-

It's just their wings.

If the Leviathan is the King of the seas. . . this creature was the ruler of the sky. . .

The Ziz.

Ziz

( credits to the owner)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top