11. Unseen

Mabigat ang tensyon sa silid. Nagpapalitan kami ng matatalim na tingin ng lalaking kaharap ko.

Mukhang wala siyang balak na gawin ang sinabi ko sa kaniya dahil nanataling mahigpit ang pagkakahawak niya sa kasama ko.

Tsk. . . what a stubborn man.

"Oh. . . perhaps, you know this woman?"

Pasimple akong napalunok nang malalim. Masisira ang mga pekeng pagkatao namin dito sa event kapat sinabi kong kakilala ko si Iris.

Hindi ko pa kilala ang lalaking kaharap ko at ang binabalak niya. I need to think properly.

Huminga ako nang malalim bago taas noong hinarap ang lalaki.

"No."

"Then, why-"

"I'm just concern. Who will not be suspicious if you're holding an unconscious woman?"

Tumaas ang dalawa niyang kilay nang matauhan sa sinabi ko. Pero hindi nagtagal ay nagsimula siyang matawa.

He chuckled while shaking his head.

"But miss, I'm roleplaying a vampire. It's normal to have a victim, right?"

Naglaho ang ekspresyon sa mukha ko. Walang kaemo-emosyon ko siyang tinignan.

"Then I guess. . . I'm a vampire hunter now."

I felt my eyes changed. I caught him off guard.

Nang akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang magsalita ay nakaramdam ako ng isang bagay na patama sa akin.

Kahit hindi ko ito nakikita ay kusang gumalaw ang katawan ko at umiwas. Saktong pag-alis ko sa pwesto ko ay nakaramdam ako ng paghampas ng hangin.

Para bang may matulis na bagay ang dumaan sa harapan ko na hindi ko nakikita. Natauhan na lang ako nang marinig ang pagtama nito sa pader sa gilid ko.

My eyes slowly widened when I saw the wall cracked.

Hindi ko makita ang bagay na gumawa nito o ang umatake mismo.

Napaismid akong napalingon sa paligid ko upang hanapin ang taong gumawa n'on pero hindi ako nagtagumpay. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking kaharap ko pero hindi pa rin siya kumikilos sa pwesto niya.

His eyes is still the same. But there's an irritating smirk in his face.

"B-Bastard. . ."

"I guess you do know this woman, miss."

Mariin akong napakagat sa ngipin bago bumwelo sa pagtakbo papalapit sa kaniya. Pero hindi ko pa nagagawang humakbang ay nakaramdam ulit ako ng pag-atake sa akin.

Muli akong umiwas sa pwesto ko at kagaya ng naunang atake sa akin ay naramdaman ko na lang ang pagtama ng kung ano at nasira ang pader sa gilid ko.

Tsk! Saan ba nanggaling ang mga iyon?!

"Woah. . . you can manage to avoid my attacks, huh?"

Natigilan ako nang makarinig ako ng boses ng isang babae. Inilibot ko ang tingin ko sa silid pero tanging kami lamang ng lalaking kaharap ko at si Iris ang nakikita ko.

Who's talking?!

"Nyx! Mauna ka na!"

Nakuha ng sinabi ng babae ang atensyon ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaswal akong tinalikuran ng lalaking kaharap ko at nagsimula siyang kalmadong maglakad paalis.

Iritado akong napaismid. "As if I'll let you-"

Balak ko sanang pigilan ang lalaki nang makaramdam ako ng dalawang kamay na pumigil sa akin. Namilog ang mga mata ko nang narinig ko ulit nagsalita ang babae malapit sa tenga ko.

"Hey. . . don't bother our guild's master."

I can feel her breath touching my skin. I gritted my teeth as I try to get rid of her hands that are holding me.

Kaya pala hindi ko makita ang mga atake niya o maski siya mismo.

A freaking invisible gifted.

"I'm telling you. . . let go of me. . ." pagbabanta ko. "Before I kill you."

Narinig ko ang pagtawa ng babae sa sinabi ko. "Mukhang hindi mo ata alam kung ano ang kalagayan mo."

Napaismid ako sa sinabi niya. Bakit ba pinipilit nila ang mga gusto nila kahit na pinagbibigyan ko na silang mabuhay?

To be honest, I don't want to use my gifts anymore.

Pero kung iyon ang gusto nila. . .

Who am I to not fulfill it?

"3rd comm-"

"Erks!"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Sumalubong sa akin ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang waiter. Nabigla ako nang makita si Lucien na dere-deretsong sumugod sa akin.

"L-Lucien-"

Akala ko n'ong una ay kung ano ang gagawin niya. Pero natauhan ako nang hindi siya sa akin dumeretso, bagkus sa likuran ko.

Walang pag-aalinlangan niyang sinipa ang babaeng hindi ko nakikita. Parang bumagal ang oras nang unti-unting nawala ang pagiging invisible ng babae habang tumitilapon siya sa ginawa ng kasama ko.

Pilit niyang binalanse ang katawan niya at nagawa niyang mapigilan ang malakas na pagtama niya sa pader. Dumura siya ng dugo at pinunasan ang labi niya. Iritado siyang tumingin sa amin.

Her eyes are blazing with anger while gritting her teeth.

She's wearing a black tube top and denim pants. She has a violet hair that it is in high ponytail. But the thing that caught my attention the most is the upside down cross tattoo on her right shoulder.

"How?" kalmado niyang sambit.

Parang patay na ang mga mata niya habang nakatingin sa amin ni Lucien.

"It doesn't matter if I can't see you. . . as long as I can hear your thoughts."

Napaismid sa narinig ang babae. Pero agad din itong napalitan ng isang ngisi.

"Too bad. . . Hindi mo pa rin ako napatumba."

I heard Lucien chuckled. Pero bakas sa mukha niya ang pagkainis. "Too much pride, huh?"

Muling bumigat ang tensyon sa silid. Bago pa man mag-init ang laban nila ay tinapunan ako ng tingin ng lalaking katabi ko.

"Go. Ako na ang bahala rito."

Kahit nag-aalangan ay tumango ako sa sinabi ni Lucien. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan ko huling nakitang pumunta ang lalaking kumuha kay Iris.

I don't have to worry about Lucien. I know he can handle that.

After all. . . they're the spiders.

Nagmamadali akong tumakbo sa mahabang pasilyo nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Parang bumagal ang oras nang nagsisulputan ang pulang likido sa daraanan ko.

Red liquid-

No-

A blood.

Kasunod n'on ay ang pagdating ng isang pamilyar na lalaki.

He's still wearing his mask and his black cape.

The sadist from before. . .

"Hey, kitten. I forgot to ask. . ."

"What's your blood type?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top