TWENTY-THREE: LET ME BE THE ONE

"I'm breaking up with you, Shentele." Synon said while smiling.

Napailing ako.

"W-why? Anong nagawa ko? Bakit ang dali sayong sabihin 'yan?" I asked out of confusion.

Hindi ako makapaniwala. For 7 years na relasyon namin, sasabihin niya iyon na parang dinaanan niya lang ang mga panahong iyon.

"I'm not worthy for you, I know someone is." kumunot ang aking noo habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa aking mata.

Umiling ako.

"A-ano ba Sy?! Please, huwag naman ganito. Let's talk about it. Please, don't end this." pagmamakaawa ko but he just pushed me away.

"Sorry." iyon lang ang sinabi niya bago ako iniwan na tulala.

"Synon left me." I said with teary eyes.

He smiled full of happiness and then immediately hugged me.

"I'm happy. Now, we can continue our own love story." He said.

He is Lyle, Synon's bestfriend and my secret lover. Yes, we have an affair.

Hindi nagtagal ay naging kami ni Lyle. Sinagot ko siya para makalimutan ang paghihiwalay namin ni Synon. Dahil bestfriend niya ito ay hindi maiwasan na maging sentro kaming tatlo ng usapan. Lalo na ngayong may inuman.

"Bat mo niloko si Synon?" diretsahang tanong ng isa sa mga tropa niya. "Pinagpalit mo siya kay Lyle? Ayaw mo sa seven years?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Samantalang si Lyle ay nagpipigil at mahigpit na hawak ang kamay ko.

"Malandi ka, tinuhog mo ang dalawang kaibi—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya matapos mapahiga sa sahig.

I was shocked that time na hindi ko man lang namalayan na hinila niya ako. Hanggang sa madala niya ako sa tahimik na lugar.

"Why? Bat mo ginawa iyon, Sy?" hindi makapaniwalang tanong ko habang kaharap siya.

"Because I love you." he answered. Natawa ako ng mapakla.

"You love me huh? Tell me, why'd you break up with me?"

"Dahil alam kong si Lyle na ang mahal mo. Ayokong magkasala ka at maging mali sa paningin ng iba kaya ako na ang tumapos ng paghihirap mo." my tears started to fall.

"Let me be the one who break me up so you don't have to make excuses. Para hindi ka magsisi na niloko mo ako."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top