TWENTY-FOUR: THEY ARE EDITORS

"Woah, ang galing mo talaga magsulat Joann!" bati sa akin ni Sophia habang hawak ang banner na may pangalan ko.

Nandito kami sa book signing ng bagong labas na libro na ang may akda ay ako.

Mahina akong tumawa.

"Mas magaling kayo ni Kryss dahil naayos niyo yung mga mali sa akdang isinulat ko." puri ko.

Yeah, sila ang hidden treasure ko.

They are my editors. Hindi kasi ako kagalingan sa grammar at spellings kaya sila ang nagtatama ng mga iyon.

"Ay, ano ka ba? Wala lang iyon, maliit na bagay." pagtanggi nito.

"Joaaaan!"

Pareho naming nilingon ang kaibigan naming si Kryss na abala sa pagkuha ng mga regalo na ipinapabigay sa akin. Mabilis namin siyang nilapitan para tulungan.

Ganito kami palagi simula nang sumikat ang aking akda sa tulong nila. Aaminin ko, kung wala ang mga kaibigan ko ay wala ako sa kinaroroonan ko ngayon.

But that fame suddenly becomes my worst nightmare.

"Napatunayan na si Joann Gongora ay gumawa ng salang pangongopya ng akda mula sa hindi kilalang manunulat. Siya ay mahahatulan ng isa hanggang tatlong taon na pagkakakulong at magbabayad ng isang milyong libo para sa danyos perwisyo."

Napapikit na lang ako habang dinadama ang mainit na tubig na umaagos sa aking mga pisngi. Ito na lang ang paraan para ilabas ang aking nararamdaman.

Naramdaman ko ang pagposas sa aking mga kamay kasabay ang pag-flash ng iba't-ibang ilaw. I guess, I have no choice.

"Joann.."

Napahinto ako at tiningnan ang dalawang babae na nakatayo sa kalaban kong puwesto. Sila ang dahilan ng pag-angat ko at ang pagbagsak ko. Walang makikita sa mga mata nila na pagsisisi kaya pinilit ko silang ngitian.

“You two are very good editors. Nabago niyo ang buhay ko sa isang iglap kahit ako ang nagsusulat. I’ve learned my lesson the hard way, I will never write again.”

Hindi ko alam na dahil sa kasikatan ay magagawa nilang baguhin ang aking istorya.

Pinalabas nila na ito'y aking mga kinopya at wala akong nagawa dahil sa lubos na pagtitiwala ko sa kanila.

Yeah, I admit it. They are good editors, nagawa nilang pagandahin ang akda ko at sirain iyon gamit ang pagbago ng mga salita. Magaling nga talaga sila.

They are my friends who filed a case against me and made me a miserable writer out of jealousy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top