THREE: THE TREE

THE TREE




Ako si Anthony Jimenez.

I am an introverted person, I used to be alone in a peaceful place like the Narra tree five miles away from the University.

Yes, college na ako. But I never experience how to love a different woman except for my mother. Mas inatupag ko kasi ang pag-aaral kaysa ang maghanap ng babae na mamahalin.

Bitbit ko ngayon ang aking gitara at tinatahak ang destinasyon papunta sa malaking Narra na pinakapaborito ko. Nang makarating ay kaagad akong naupo rito. Ipinatong ko ang gitara sa aking mga hita at dahan-dahan tumugtog ng kung anu-ano.

Ito lang aking libangan dahil wala naman gusto na kumausap sa akin, maging ako ay wala rin gustong kausapin. Humahampas pa ang mga dahon sa aking mukha na iilan sa mga bumabagsak sa puno.

"Hmm, ano kayang pwedeng kantahin?" tila nauubusan na ako ng kanta na papatugtugin.

Hindi kasi ako mahilig kumanta ng makabago, hindi kasi maganda ang kadalasan kong naririnig kaya bihira lang akong kumanta ng mga modernong awitin. Mas sanay ako na kumanta ng mga makaluma, mas maganda ang liriko at hindi nakakasawang pakinggan.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang may sumagi sa aking isipan. Kakatapos lang namin itong i-perform sa Group Activity para sa Music and Arts Appreciation namin kahapon kaya kabisado ko pa.

Inayos ko ang aking pag-upo at sumandal sa puno bago muling nagpatugtog.

Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig
Mandi'y wala ng langit

Unang stanza palang ay dama ko na ang ganda ng bawat salita sa kinakanta ko. Siguro dahil sa mabagal at magaan na pakiramdam na ibinibigay ng kanta sa akin.

At ng lumigaya
Hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta
Ang aking pag-asa

Medyo natigil ako sa pagpapatugtog nang may marinig akong sumabay sa aking boses. Isang malungkot na boses ng isang babae ang narinig ko na sumabay sa akin.

Sandali akong natigilan para sana hanapin kung saan iyon ngunit mas minabuti na lamang na ipagpatuloy ang kanta.

Dahil sa 'yo nais kong mabuhay
Dahil sa 'yo hanggang mamatay Dapat mong tantuin
Wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin
Ikaw at ikaw rin

Mariin akong pumikit nang marinig ko na ang tuluyang pagsabay ng babae sa pagkanta ko. Nakaramdam ako ng kaba ngunit dahil sa ganda ng kaniyang boses ay nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

Dahil sa 'yo ako'y lumigaya Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat ng ito'y
Dahil sa 'yo

Dumilat ako at hinayaan na siya ang tumapos ng kanta.

Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sa 'yo

Ilang segundo na nabalot ng katahimikan bago ko iyon pinutol.

"A-ahm, m-maganda ang boses mo." puri ko para mabawasan ang pagkailang.

Wala siyang naging tugon kaya humigpit ang hawak ko sa gitara.

"Pasensya na sa sinabi ko... Pero hindi ako nagsisinungaling." lumunok ako ng ilang beses.

Parang gusto ko na bawiin lahat ng sinabi ko.

Tumayo ako binitbit ang gitara.

"S-sige, mukhang gusto mo mapag-i—"

"Salamat sa pagsabay sa akin..." humihikbi ito.

Natigilan ako sa handang paglisan sa lugar at nilingon ang puno na tanging humaharang sa aming dalawa.

"W-wala iyon.." dahan-dahan akong bumalik sa aking kinauupuan upang hindi niya mahalata ang tangka kong pag-alis.

"Maganda ang mga kanta mo pero hindi ko pa iyan naririnig. Masyadong mababaw ang mga salita ngunit ramdam ko ang bawat emosyon." komento nito.

Lihim akong napangiti bago muling inilapag sa aking hita ang gitara.

"Kagaya ng sabi mo, mababaw ang mga salita. Kasing babaw ng tubig sa dalampasigan kung saan makikita mo ang kaagad ang kamalian." tugon ko sa komento niya, "Kung babasihan ang boses mo, mukhang isa kang mang-aawit. S-sa tagal ko na tumatambay dito, n-ngayon palang ako nakarinig ng sasabay sa pagkanta ko. Bago ka lang ba rito?" medyo nauutal pa ako dahil hindi ako sanay makipag-usap.

"Oo. Sa katunayan, bago lang kami rito dahil napilitan akong lumipat para lumayo sa aking pamilya." bakas ang lungkot sa pananalita niya, "Mahilig akong kumanta, iyon ang pangtakas ko sa mga problema. Ang kaso ay hindi ko na maituloy kaya hindi na ako makalimot." muli siyang humikbi.

"B-bakit naman?"

"Dahil iba ang hilig sa ninanais." maikling tugon niya.

Nadadala ako ng aking kuryosidad ngunit imbes na magtanong ay idinaan ko na lang sa tula habang may tumutugtog ng gitara.

Binibini, mata mo'y kumukutitap
Sa gitna ng liwanag ng araw
Ikaw ang bituin na walang mapagparisan
Lungkot mo'y huwag itago
Kagandahan mo'y natatakpan
Itabi ang kalungkutan
May bukas ka pang ngingitian

Medyo natawa ako sa aking ginawa dahil hindi naman ako sanay na magpakita ng talento sa tula sa hindi ko kilala, lalo na sa hindi ko pa nakikita.

Kahit naririnig ko ang mga hikbi niya ay bigla siyang tumawa ngunit hindi kalakasan. Nangunot ang aking noo at balak siyang puntahan nang magsalita siya.

"Huwag mo akong puntahan, hindi nababagay na makita mo ako sa ganitong sitwasyon." tila nahihiya na pagpigil niya sa akin.

Ilang segundo akong natahimik bago tumango.

"Sige, ikaw ang bahala.." pilit akong ngumiti, "Siya nga pala, ako si Anthony Jimenez, diyan ako nag-aaral sa Paaralan hindi kalayuan dito." pagpapakilala ko.

"M-may unibersidad dito? S-saan?" napapantastikuhang tanong niya.

"Gusto mo ba ipakita ko sa iyo? Sasamahan kita papunta roon?" nakangiting tanong ko.

"Pasensya ka na, hindi ako pwedeng pumunta sa malayo. Magagalit ang asawa ko."

Natigilan ako sa sinabi niya.

A-asawa?

"Ahhh, may asawa ka na pala." hindi makapaniwalang wika ko.

Ilang segundo siyang natahimik kaya pilit akong tumawa. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko na mailang siya dahil wala naman apekto sa akin iyon kung para sa pagkakaroon ng kaibigan.

"P-pero hindi naman siguro masama na makipagkaibigan 'di ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Oo. Basta ganito lang ang ating puwesto, maaari tayong maging magkaibigan." pagtanggap niya ng alok ko, "Pwede ka bang kumanta muli? G-gusto ko kumanta para makalimot.." pag-aaya niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

Ramdam ko ang bigat ng problema niya.

"Sige, kakanta tayo. Pero, magpakilala ka muna sa akin."

Mahina siyang tumawa, "Oo nga pala, ako si Victoria. Hindi kalayuan ang bahay ko rito at may asawa na ako ngunit wala pa kaming anak." muling lumungkot ang boses niya sa mga huling salita.

Tumango ako bago hinimas ang gitara.

"Sige, ito na... Kakanta tayo para makalimot ka." nakangiting wika ko.

Hindi na siya sumagot. Sa halip ay tahimik na lang niyang pinakinggan ang aking pagkanta kasabay ng pagtugtog ng gitara. Minsan ay sinasabayan niya ako.

Naging magkaibigan kami ni Victoria sa tagal na apat na buwan. Palagi kaming nagkakausap at nagkakantahan sa hapon matapos ang aming mga gawain sa Paaralan at siya sa bahay.

Nagtataka na ang mga magulang ko kung bakit masyadong malalim na ang gabi kapag nakakauwi ako sa bahay, akala nila ay may lihim na akong girlfriend. Ang hindi nila alam, nakahanap na ako ng isang kaibigan.

Naikukuwento ni Victoria sa akin ang patungkol sa pagbenta sa kan'ya ng kanyang pamilya sa isang mayamang lalake na asawa niya na ngayon, maging ang pagtigil niya sa pagiging mang-aawit na hilig niya dahil nais niyang magkaroon ng masaya at masaganang pamilya na hindi niya makuha dahil hindi siya magkaanak. Iyon marahil ang dahilan kung bakit gusto niya makalimot sa problema.

"Victoria, mahal mo ba ang asawa mo?" biglaan kong naitanong habang nakasandal ang ulo sa puno.

Hindi siya kumibo ng ilang segundo bago magsalita.

"Hindi siya ang tipo kong lalake pero sa pagtagal ng panahon, malalaman mo na lang na hindi pala sa lahat ng relasyon, pagmamahal ang nauuna, minsan ay pang-unawa. Nang maunawaan ko siya ay doon ko siya pinili at nakasigurado na siya ang sasamahan ko." mahabang paliwanag niya na sandali kong ikinatahimik.

"So, hindi mo talaga siya mahal? Wala ka lang pagpipilian." pagtatama ko sa sagot niya.

Mahina siya natawa.

"Anthony, tayo ang gumagawa ng desisyon natin. Kung marami man ang pagpipilian, sa atin pa rin ang huling pagpili. Ang mangyayari sa atin ay nakabase sa magiging desisyon natin. Kung pinili ko na masaktan, kasalanan ko iyon. Kung pinili ko na magmahal, ako ang may pananagutan para doon.." makahulugang paliwanag niya, "Alam ko na nasabi kong pinilit lang ako sa kan'ya, pero, ang nararamdaman ko, hindi. Kusa iyon at walang bayad na kapalit." dugtong niya.

Tumango-tango ako bago ngumiti.

"Maswerte ka siguro sa asawa mo at nagagawa mo siyang piliin kahit hindi naging maganda ang inyong simula." komento ko.

Hindi siya kumibo kaya iniba ko na ang usapan.

"Victoria, pwede mo ba akong gawan ng pabor?" pagputol ko sa pagkukwentuhan namin.

Kahit matagal na kaming magkaibigan, hindi pa rin kami nagkikita. Ayaw niyang makita ko siya, hindi ko alam kung anong dahilan.

"Ano ang nais mo, Anthony?" bakas ko ang saya sa kan'yang tono ng pananalita.

Ilang beses akong lumunok bago pinilit na itulak palabas sa aking bibig ang mga salita.

"G-gusto kitang makita. Pero, alam ko na hindi ka pa handa kaya gusto ko na iguhit mo na lang ang sarili mo dahil nasabi mo rin na may magaling kayong pintor. Pwede ba?" buong lakas ng loob ko ang aking inipon para masabi ang mga iyon.

Ilang sandali siyang natahimik. Naramdaman ko ang kaba dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang hiling ko.

Pilit akong umubo bago umiling, "Hindi mo kailangang gawin kung hindi mo gusto, magkaibigan pa—"

"Sandali lang, Anthony. Uuwi lang ako saglit. Pwede ba?"

Kumunot ang aking noo at bago pa makapagsalita ay narinig ko ang mga yabag niya papalayo. Tumatakbo siya at dala ng aking kuryosidad dahan-dahan akong lumingon sa kabilang bahagi ng puno ngunit hindi ko na siya naabutan.

Bumuntong-hininga ako at tahimik siyang hinintay.

Masyado ng malalim ang gabi nang makarinig ako ng mga yabag palapit sa puno kaya umayos akong muli sa pagkakaupo.

"Anthony, nariyan ka pa ba?" boses ni Victoria.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago tumango.

"Hmm, O-oo.. Nandito pa ako Victoria." tugon ko habang yakap ang aking gitara.

"Pasensya na kung natagalan. Nag-ayos pa kasi ako upang hindi masama ang magiging kalabasan ng ipinintang larawan." paliwanag niya.

Ngumiti ako, "Ayos lang.. Pasensya na rin kung naabala ka." tanging nasabi ko.

"Ito na... Ilalapag ko rito ang larawan ko. Sumaglit lang kasi ako rito dahil kakarating lang ng aking asawa." ramdam ko ang pagkabahala sa boses niya.

Tumango ako, "S-sige, mag-iingat k—

"Victoria! Nandiyan ka lang pala!"

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang may marinig akong boses ng isang lalake.

Kita ang galit sa pananalita nito kaya mahigpit kong niyakap ang gitara.

"Alfred! Pakiusap! Huwag dito! Umuwi na tayo!" pakikiusap ni Victoria.

"Hindi! Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo sinasabi kung sino ang kinikita mo rito! Kaya pala hindi kita naabutan kapag sumasaglit ako sa bahay. May lalake ka na pala! Ipakilala mo sa akin ang lalake mo!" galit na sigaw nito.

Nabalot ako ng takot ngunit mas lamang ang pag-aalala para kay Victoria.

"W-wala... Wala akong lalake Alfred! Kung magkakaroon man ako ng lalake, isa lang iyong kaibigan dahil hindi ako magtataksil sa iyo lalo na't asawa na kita." pagtanggi ni Victoria sa alegasyon.

Napapitlag ako nang makarinig ako ng sampal hanggang sa may mga yabag na papalayo. Rinig na rinig ko ang mga sigaw ni Victoria habang pahina iyon nang pahina, senyales na lumalayo na sila.

Ilang segundo kong pigil ang aking hininga bago nagmamadaling tumakbo papalayo sa puno.

Hindi ako makapaniwala na ako ang magiging dahilan sa pagtatalo ng mag-asawa. Ni hindi ko man lang naipakilala ang sarili ko at naipagtanggol si Victoria.

Isa akong malaking duwag kaya hindi na ako karapat-dapat na magpakita sa kan'ya.

Lumipas ang mga taon na hindi ako pumunta sa malaking puno ng Narra. Labis ang hiya ko dahil sa wala akong ginawa upang ipagtanggol si Victoria sa mahal niyang asawa, mukhang ako pa ang sisira ng maganda nilang relasyon.

Limang taon na ang nakalipas nang magkaroon ako ng lakas ng loob upang puntahan iyon, ang malaking puno kung saan kami nagkikita. Gusto ko na humingi ng tawad sa pag-iwan ko sa nabuo naming pagkakaibigan.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko na putol na ang puno at tanging ugat na lang ang natira. Mabilis ko iyong nilapitan bago lumingon sa paligid.

Hindi katulad noon na walang kabahayan, may iilan na ang nakatira sa dating madamong lugar na katabi ng dati'y malaking puno ng Narra.

Ibang-iba na sa dating tinatambayan ko. Mas maliit na ang espasyo.

"Hijo, ngayon lang kita nakita rito.."

Tumingin ako sa lalakeng nagsalita, isang matanda na may mga puti na rin ang buhok. Pilit akong ngumiti.

"Hindi po kasi ako tagarito, diyan lang po ako nag-aaral dati sa Unibersidad." sagot ko, "Siya nga po pala, kailan pa po pinutol ang puno ng Narra?" pag-iiba ko ng usapan.

Tumingin ang matanda sa kinatatayuan ng dating malaking puno.

"Ay, ayan ba? Pinaputol iyan nung kamag-anak nung may namatay dalawang taon na ang nakakalipas." sagot nito na ikinataas ng dalawa kong kilay.

"Bakit naman po?" pag-uusisa ko.

"Ginawa nilang kabaong dahil iyon ang hiling nuong babae matapos mamatay sa kulungan. Ang balita ko ay nakulong raw iyon dahil napatay ang asawa na bumubugbog sa kan'ya.." pagkukwento ng matanda na mas ikinagulo ng isipan ko.

"Sandali po, kilala niyo po ba kung sino yung nakalibing?" kunot-noo kong tanong dahil nagsisimula na akong kabahan.

Napaisip ang matandang lalake bago tumingin sa akin.

"Hindi ko na maalala, e. Pero alam ko kung saan siya inilibing."

Matapos sabihin ang lugar ay dali-dali akong tumungo roon. Pero laking-gulat ko nang madatnan ang nakasulat sa nahanap kong lapida.

Victoria Cristine
1930-2022

Nabalot ng labis na pagtataka at takot ang aking isipan at naisip na baka mali ako ng napuntahang lapida. Aalis na sana ako nang may babae na medyo matanda sa akin ang papunta sa gawi ko habang may hawak na mga kandila at bulaklak. Sandali siyang natigilan nang magkatitigan kami ngunit kaagad kaming nag-iwasan ng tingin. Tahimik siyang lumapit sa lapida, inilapag ang bulaklak at nagsindi ng kandila.

Wala akong kibo na na tumalikod at paalis na nang magsalita ito.

"Kilala mo ba ang lola ko?" biglaang tanong nito.

Lumingon ako at tipid na ngumiti.

"Pasensya na po, mukhang nagkamali ako ng napuntahan." pagtanggi ko at magpapatuloy na sa paglakad nang magsalita itong muli.

"May kilala ka ba na Anthony Jimenez?" pagtatanong niyang muli.

Doon na ako lumingon at nabalot ng pagtataka sa aking mukha.

"B-bakit niyo p-po ako kilala?"

Nangungunot ang noo nitong nakatitig sa akin.

"Sigurado ka na ikaw si Anthony Jimenez? O baka may kamag-anak ka lang?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiling ako at ngumiwi.

"Wala po. Ako po talaga si Anthony Jimenez." pakilala ko.

Umawang ang mga labi nito bago may dinukot sa bag na bitbit. Isang kapirasong papel na luma na ang klase.

Napapantastikuhan ko iyong tinanggap at binuklat. Umawang aking mga labi nang makita ang lumang larawan na mukhang iginuhit, kupas na ang papel at may sira na ang ilang sa parte nito.

Bumalik ang tingin ko sa babae at ipinakita ang mukha kong naguguluhan.

"Iniabot iyan sa akin ni Lola Victoria bago siya mawala. Kung sakali man na may magpakita at maghanap sa kan'yang 'Anthony Jimenez', iabot ko raw iyan sa nag-iisa niyang kaibigan." paglalahad nito na ikinapigil ng aking paghinga bago ibinaling ang tingin sa lapida.

"How painful years she had when she was still alive? She was harrassed and physically abused by her husband. She killed my grandfather before knowing that she was pregnant to my mother. And that's all because of my grandfather who wanted to kill the man behind the Narra tree that he accused as her lover." malungkot na paglalahad nito, "And how iconic that I saw you here, a young man with the same name that my grandmother was searching for, her friend who loves to sing with a guitar." makahulugang wika nito na hindi rin makapaniwala.

I froze the moment I realized what happened to her and how she keeps my favor. How coward I am and lastly, how I broke our friendship.

The friendship we had, and yet, I didn't maintain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top