SIXTH: PHOTOGRAPH
Marga Mendoza is busy taking photos with the help of her polaroid camera. She climb the tree to look for a more wider view. She is in a rural area to find a unique and peaveful place for her photography.
Habang abala sa pagkuha ng mga larawan ay isang malakas na hangin ang sumalubong sa kan'ya kasunod nito ang paggalaw ng mga sanga kaya humigpit ang yakap niya sa puno. Ngunit hindi iyon naging sapat para mapigilan ang sarili na mahulog.
"AHHH!" malakas niyang sigaw habang nahuhulog sa puno ngunit naguluhan siya nang hindi pa rin siya bumabagsak sa lupa.
Napansin niya rin ang walang katapusang puno na tila humaba kaya iniharap niya ang sarili sa pagbabagsakan.
Laking-gulat niya nang salubungin siya ng isang binata na abala sa pagtulog, hindi mapigilan ni Marga ang sarili na bumagsak sa katawan ng binata na nagising sa biglaang pagdagan niya.
Mabilis na dumilat ang binata at pinakatitigan ang dalagang hindi makapaniwala sa nangyari. Pareho sila ng naging reaksyon, pagkagulat kaya pareho silang sumigaw.
Pinilit na umupo ng binata ngunit nakadagan pa rin ang babae kaya tinulak niya ito paalis sa ibabaw niya.
"Sino ka?!" gulat na tanong ng binata bago kinuha ang mga sulatan na bitbit niya, "Isa ka bang espiya mula sa mga kalaban?" medyo kinakabahan na tanong ng binata.
Mabilis na umiling si Marga bago ibinaba hawak na camera. Pinakatitigan niya rin ang kasuotan ng binata na mukhang malayo sa kabihasnan.
"H-hindi. Isa akong photographer." pagpapakilala ni Marga, "Nagmula ako sa Manila. Ako si Marga Mendoza."
Naniningkit ang mga mata ng binata habang tinitingnan ang dalaga at ang buong ayos nito.
"Mukhang hindi ka nagmula sa mga kalaban, kakaiba ang iyong mga sinasabi, kilos at pangalan." dahan-dahan nitong inilabas ang balisong, "Umamin ka, ang kalaban ba ang nagpapunta sa iyo para maniktik sa akin?"
Bumalot ang takot sa buong sistema ni Marga, mukhang hindi siya hahayaang makatakas ng binata hangga't wala siyang sinasabi.
"Ah, a-ako.. Ako ay may gusto sa iyo kaya sinusundan kita." napapangiwi na wika ni Marga upang tigilan na siya ng binata.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Mukhang hindi inaasahan ng binata ang winika ni Marga kaya nabitawan niya ang balisong. Dito na nakakuha ng tiyempo si Marga upang kuhain ang balisong at itutok sa binata na hindi inaasahan ang ginawa ng dalaga.
"Alam mo, wala akong oras na makipagbiruan sa iyo. Pero kung papatayin mo man ako, gusto kong sabihin sa iyo na kung may kakaiba sa ating dalawa. Ikaw iyon, pati pagsasalita mo ay hindi ko maintindihan. Tsaka bakit iba ang sulat sa mga hawak mong papel? Intsik ka ba? Wala akong maintindihan. Bakit makaluma ang suot mong pananamit? Wala ka bang taste? Ganito ba talaga sa probinsya?!" sunod-sunod na paliwanag ni Marga habang hinihingal dahil sa matinding takot.
Dahil sa haba ng sinabi niya ay hindi napigilan ng binata na tumawa.
"Seryoso ka ba, binibini? Ni hindi ka man lang nagdalawang-isip sa mga sinasabi mo." hindi makapaniwalang tanong ng binata bago itinaas ang mga hawak na sulatin, "Ang mga letra rito ay baybayin na ginagamit para makapagsanaysay ng mga kaalaman, kung hindi mo ito naiintindihan. Kung ganoon, hindi ka Pilipino." nang-uusig na tanong ng binata na ikinangiwi ni Marga bago idinuro rito ang balisong.
"Hoy! Alam mo, mas kabisado ko pa ang bahay-kubo kaysa sa iyo kaya huwag mo ako sabihan ng ganiyan." naiiritang wika ni Marga bago inikot ang mga mata.
Medyo nagulat sa kakaiba ng lugar kung saan siya napunta.
"Teka, bakit kakaiba ang lugar na ito?" hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Kakaiba ang lugar na ito sa pinuntahan niya. Tila makaluma.
'Baka ganito talaga ang probinsya.' tanging nasabi ni Marga sa kan'yang isipan.
"Binibini, wala ng mas kakaiba pa kaysa sa katauhan mo. Ang pagiging kakaiba mo ay lubha akong pinapahanga."
Nakaramdam nang pamumula ng mga pisnge ang dalaga ngunit isinantabi iyon ni Marga at sinamaan ng tingin ang lalake.
"Mukhang maliligaw ako ha," bulong ni Marga bago binalingan ang lalake, "Mauna kang lumakad palabas ng lugar na ito. Baka mamaya ay agawin mo pa ang kutsilyong hawak ko. Mahirap na, ayoko pang mamatay." utos ni Marga bago tinulak pasulong ang lalake na hindi man lang nagawang tumanggi.
Nang makalabas sila ay sinalubong sila ng iba't-ibang estranghero na kapareho ng kasuotan ng ginoo. Lubhang kinabahan si Marga nang masama ang ipinukol na tingin sa kan'ya ng mga estranghero.
"Ginoo, sino ang dalagang iyan? At bakit may hawak siyang balisong na nakatutok sa inyo." pagtatakang tanong ng isa sa mga estranghero.
Binigyan ng isang ngiti ng binata ang mga estranghero bago mabilis na hinarap si Marga.
"Ang dalagang ito ay may gusto sa akin, hindi niya matanggap na tinanggihan ko siya kaya niya ako binabawian." nakangiting wika ng binata na ikinamilog ng mga mata ni Marga.
Maya-maya pa ay naagaw ng binata ang balisong na hawak ni Marga at mabilis na itinutok dito.
"Isa kang lapastangan para saktan ang aming ginoo!"
"Tuluyan niyo na po siya! Isa siguro siyang espiya!"
Mga sigaw ng iilan sa mga tao na nakapalibot sa kanila.
Nabalot ng labis na takot si Marga at kaagad na lumuhod sa harapan ng binata.
"Sorry. Sorry, hindi ko po sinasadya." paghingi ng tawad ni Marga bago naluluhang tiningnan ang mga nakapalibot na mga tao, "Hindi po ako espiya at lalong hindi ko gusto ang tinatawag niyong ginoo. Bigla na lang akong nahulog sa puno tapos, tapos ito na. Nagulat ako na kakaiba kayo, hindi ganito sa lugar na pinagmulan ko." buong puso na paliwanag ni Marga.
Walang gustong magsalita ngunit halata sa iba na hindi sila naniniwala kaya mabilis na itinaas ni Marga ang nakasabit na camera sa leeg niya at kinuha ang mga larawan sa bulsahan ng suot niya.
"Ito po, ito po ang patunay ko na kakaiba po talaga kayo sa mga taong kasama ko." paliwanag ni Marga bago ipinakita ang mga larawan niya at ng pamilya niya, "Siguro ganito talaga kayo sa Probinsya kaya sana po maunawaan niyo ako, nadala lang po ako ng takot kaya ko nagawa ang mga bagay na ito."
Dahil sa kuryosidad ay nakatingin ang mga tao sa mga larawan na ipinakita niya. Kahit kakaiba ay hindi maiwasan ng mga tao na maniwala.
"Kung totoo ngang kakaiba kami sa mga mata mo, mas kakaiba ka pa rin para sa amin." seryosong wika ng ginoo bago tinawag ang isa sa mga nakapalibot sa kanila, "Ikuha mo siya ng maayos na maisusuot. Yung hindi siya nagmumukhang kakaiba." dagdag nito.
Nang makapagpalit si Marga ay kaagad siyang lumabas ng silid ngunit sinalubong siya ng binata na abala sa pagsusulat sa isang kupas na papel.
"Anong ginagawa mo?" pagkuha niya ng atensyon ng binata na mabilis siyang tiningala.
"Isang kwento." matipid na sagot nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Patungkol saan?" pag-uusisa ni Marga bago pinilit basahin ang isinusulat ng binata ngunit wala siyang maintindihan.
"Sa isang babae na nahulog sa isang puno at tinatawag na kakaiba ang nakilala niyang binata kahit sa totoo lang, siya ang kakaiba." paglalahad ng binata.
Tumango ng ilang beses si Marga bago ngumiti, "Oo nga pala. Wala pa tayong pormal na pagpapakilala sa isa't-isa. Ako si Marga Mendoza mula sa lungsod ng Maynila. Isang labing-pitong taong gulang." pagpapakilala niya bago inilahad ang mga kamay na tinanggap naman ng binata.
"Ako si Plaridel De Ocampo. Ako ay dalawampung taong gulang at isang manunulat patungkol sa mga katiwalian ng pamahalaan." pagpapakilala ng binata na nagngangalang Plaridel.
"Bakit ang pormal mo magsalita? Ang bata mo para maging masyadong pormal. Ganito ba talaga sa probinsya? Hello? 202—"
"Ganito talaga manalita ang mga tao sa panahon kung saan namamayani ang ibang bansa kaysa sa sarili nating pagkakakilanlan."
"Tss, ganoon naman talaga ang bansa natin. Kinokontrol na ng ibang bansa."
"Pero hindi dapat natin hayaan na angkinin tayo ng mga kastila. Masyado na silang matagal para manatili."
Dahil sa narinig ay may mga pumasok na ideya kay Marga.
Doon lang napagtanto ni Marga na wala siya sa ibang lugar, nasa iba siyang panahon.
"Oh, no!" gulat na wika ni Marga bago mapatakip ng bibig bago nagmamadaling lumakad palabas at inilibot ang paningin.
Hindi nga siya nagkakamali, siya nga ay nasa ibang panahon. Panahon na napag-aralan niya lang sa school. Panahon ng mga kastila.
Hindi siya makapaniwala at pilit na sinasampal ang sarili upang magising sa isang panaginip
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Plaridel.
"Ginigising ang sarili ko. Mukhang nasa panaginip ako." tugon niya na ikinatawa nang mahina ni Plaridel.
"Kung panaginip man ito, isang magandang panaginip ang nasa aking harapan." nakangiting wika ni Plaridel kaya napatingin sa kan'ya si Marga at nagtapat ang mga mata nila.
"Huwag ka'ng mambola, hindi ako uto-uto tulad ng mga babaeng nilalandi mo dito sa panahon niyo." nangingiwing wika ni Marga, "Dahil sa panahon kung saan ako nabibilang, pafall ang tawag sa mga tulad mong gago." dagdag ni Marga na ikiakunot ng noo ni Plaridel.
"Kung hindi man maganda ang iyong mga sinabi ngayon, hayaan mong pagandahin natin ang panaginip mo na ito." nangingiting wika ni Plaridel bago kumuha ang nahulog na mahabang dahon mula sa buko at ginawa iyong singsing, "Baunin mo ang luntiang singsing na ito para magpaalala sa iyo ng isang magandang panaginip." dagdag nito bago isinuot sa palasingsingan ni Marga ang singsing na luntian.
Hindi naman kaagad na nakakibo si Marga at pilit na itinatago ang kilig.
'Ano ka ba, mahitad ka! Kakakilala niyo palang, ganito kana kaagad kiligin?' medyo naiinis na paalala niya sa sarili.
Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin makapaniwala si Marga na nasa sinaunang panahon siya at si Plaridel lang ang nagpapaalala sa kanya sa mga araw na lumipas na hindi panaginip ang mga nangyayari.
Nandiyan ang haharanahin siya nito habang nasa ilalim ng mga bituin, gagawan siya ng mga palamuti na mula sa dahon ng mga buko at ililibot siya sa mga lugar na hindi alam ni Marga. Habang gjnagawa nila ang mga bagay na iyon ay palaging kinukuhaan ng mga larawan ni Marga ang mukha ni Plaridel, sinubukan niyang kumuha ng mga larawan nila ngunit palagi siyang nabubura sa larawan.
Gusto ni Marga na hindi matapos ang saya na nararamdaman niya habang kasama si Plaridel ngunit nabalot iyon ng takot at pangamba nang mahuli si Plaridel ng mga kastila dahil sa paglalabas nito ng mga akda na lumalaban sa pamumuno ng mga kastila at sinintensyahan ng kamatayan.
"Hindi ganito ang inaasahan kong pagtatapos ng aking kwento." seryosong wika ni Marga na mukhang pagod at matamlay sa kakaisip sa mga nangyari.
"Wala naman ginusto na matapos ang magandang istorya ngunit walang matututuhan ang mga mambabasa kung hindi makakaranas ng mga ganitong tagpo ang mga bida." may lungkot na wika ni Plaridel na ikinaluha ni Marga.
"Para sa iyo, sino nga ba ang bida sa kwento? At sino ang mga nagbabasa kung ilalagay natin sa reyalidad? Bakit kailangan maging ganito ang inaakala kong panaginip?" lumuluhang tanong ni Marga.
Pilig na ngumiti si Plaridel bago pinunasan ang mga luha sa mata ni Marga.
"Dahil hindi ito isang panaginip. Kahit kailan, hindi magiging panaginip para sa akin ang tagpo kung saan kasama kita, kung saan minahal kita. Hindi ko matatawag na panaginip ang kusa kong naramdaman," hinaplos ni Plaridel ang mukha ni Marga, "Kung ito man ang katapusan ng ating kwento, sisiguraduhin ko na kahit sa libro ay maganda ang ating dulo." at sa huli ay namayani ang lungkot at pamamaalam sa mukha nilang dalawa.
Ilang araw lang ay nawala si Marga at namatay si Plaridel.
Isang mga dismayadong mukha ng mga bata ang sumalubong kay Lola Marga matapos niyang ikwento ang sarili niyang version ng libro na pinag-aaralan ng kaniyang mga apo.
"Ano ba iyan, Lola? Ang ganda nung nabasa ko sa dulo? Bakit sinira niyo imagination namin?" nakngusong tanong ng isa sa mga bata.
Tipid na ngumiti si Marga, "Hindi masisira ang imahinasyon niyo lalo na't totoong tauhan sa istorya ang nagkwento." malungkot na tugon ni Marga bago pinakatitigan ang nasa likod ng libro.
Ang larawan ni Plaridel na mukhang may kasama ngunit walang tao.
Kung ito man ang katapusan ng ating kwento, sisiguraduhin ko na kahit sa libro ay maganda ang ating dulo.
Umagos ang isang luha sa gilid ng kaniyang mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top