ONE: WE BOTH KNOW THAT WE CHEATED
WE BOTH KNOW THAT WE CHEATED
"Karen, isang ngiti naman diyan." pamimilit ng kasintahan ko na si Dominic habang kinukuhaan ako ng larawan.
Pilit akong ngumiti dahil abala ako sa pagkain. Nang makuhaan niya ako ay kaagad niyang ibinaba ang Camera at sinabayan na ako sa pagkain.
Napansin niya ang pagiging tahimik ko kaya mabilis niya akong nilingon at inihinto ang pagkain.
"Is there something wrong?" may pag-aalalang tanong niya sa akin.
Kaagad akong umiwas nang tingin bago yumuko. Umayos si Dominic ng upo bago ako tuluyang hinarap.
"Iniisip mo na naman ba si Daryl?" sumeryoso ang mukha nito kaya hindi na ako tumanggi at naluluha siyang tiningnan.
"Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin, hinahanap na siya ng mga mata ko, gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko na itanong kung mahal niya pa ako." lumuluhang sabi ko kay Dominic.
Ilang segundo siyang tumahimik habang nag-iisip bago ako muling tiningnan at ngumiti.
"Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para makita mo na ulit si Daryl." marahan niyang hinaplos ang mukha ko bago pinunasan ang mga luha sa aking mata, "Huwag ka nang umiyak, sigurado ako na mahal ka niya. Kagaya ng pagmamahal ko sa iyo, o, higit pa."
Dahil sa sinabi niya ay medyo napanatag ang kalooban ko.
Yes, my boyfriend is Dominic but I am inlove with another man named Daryl. And Dominic accepted it because..
Ilang araw lang ang lumipas matapos ko na makasama si Daryl ng buong araw ay muli niya akong iniwan kasabay nito ang pagbalik ni Dominic para samahan ako.
Katulad ng palaging nangyayari ay gumagawa si Dominic ng paraan para mapasaya ako, ngunit hindi niya pinipilit na layuan o kalimutan ko si Daryl. Tanggap niya iyon 'gaya ng pagtanggap ko sa kan'ya.
"Dominic, bakit nag-iinom ka na naman? Hindi mo pa rin ba nakakausap si Karina?" puno ng pagtataka na tanong ko.
Imbes na sumagot ay tinungga niyang muli ang alak kaya mabilis ko itong inagaw sa kan'ya.
"Ano ba, Karen?! Huwag mo akong pigilan!" malungkot na sigaw ni Dominic ngunit umiling ako.
"Paano ka babalikan ni Karina kung gan'yan ang ipapakita mo? Akala ko ba mahal mo siya?" tanong ko.
Napasabunot siya ng buhok bago inihilamos sa mukha ang dalawang kamay.
"I love her. You know how much I love her right? But I love you too, and I don't want you to suffer because of me. I love you more, Karen. At ngayon ko lang mas naintindihan na mas mahal kita, kaya pinapalaya ko na si Karina." diretsahang sabi niya sa akin, "Papalayain na kita.."
Hindi ko napigilang ngumiti bago siya hinalikan na tinugunan niya naman. Habang naghahalikan ay kaagad na nagdilim ang paningin ko at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari.
"Good morning, Baby." masayang bati ni Daryl habang tinitingnan ang hubad ko na katawan.
Mabilis akong bumangon at inalala ang mga nangyari ngunit walang pumruseso sa utak ko kun'di ang paghahalikan namin ni Dominic.
Naramdaman ko na kinumotan ako ni Daryl kaya muli ko siyang tiningnan. Puno ng lungkot ang mga mata nito.
"I'm sorry, hindi ko namalayan ang nangyari." paghingi ko ng tawad ngunit umupo siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit.
"Shh, ayos lang. Alam ko naman na mas mahal mo ako kaysa kay Dominic." bulong ni Daryl bago hinalikan ang aking noo.
Matapos ang nangyari ay buong araw ako na sinamahan ni Daryl sa aking kwarto habang kinukwentuhan niya ako ng mga bagay na gusto niya sa hinaharap. Ang pagpapakasal namin at kung ilan ang magiging anak namin.
Ngunit habang masaya naming pinag-uusapan ang mga bagay na iyon ay iisang tao lang ang pumapasok sa isipan ko, si Dominic.
Kung paano niya tinanggap na mas mahal ko si Daryl kaysa sa kan'ya, kung paano niya ako pinapahalagahan kahit sinasabi niyang mahal niya si Karina. Kung paano ko siya hinalikan nung nakaraang gabi.
"Baby," muli ko na nilingon si Daryl bago pinilit na ngumiti.
"Daryl, I'm sorry.." mahinang sabi ko na ipinagtaka niya.
"For what? For making love with Dominic? Sinabi ko naman na ayos lang—" I cut him off.
"No. For realizing that I love him more than I love you," paglilinaw ko na ikinatigil niya.
Umiling-iling ito bago medyo lumayo sa akin.
"No! Alam ko na binibiro mo lang ako." hindi pagsang-ayon ni Daryl.
Naluluha na ako bago tumango.
"Sana nga biro lang iyon pero habang sinasabi mo sa akin ang mga pangarap mo para sa ating dalawa, hindi ikaw ang nakikita ko. Walang Daryl na lumalabas sa imahinasyon ko, puro Dominic lang." paliwanag ko na mas ikinagalit niya.
Mabilis niyang hinagis ang mga babasaging bagay sa sahig at sa pader bago lumuluhang tinitigan ako.
"Hindi, Karen! Hindi ako papayag na piliin mo si Dominic. Kung sa kan'ya ka lang mapupunta, mas mabuti pa na tapusin ko na lang 'to."
Namilog ang mga mata ko nang kuhain niya ang isa sa mga basag na salamin at inihiwa iyon sa kan'yang leeg.
"No, Hindi!" umiiyak na sigaw ko bago pinanood ang pagbagsak ng katawan ni Daryl sa sahig.
Mabilis akong humingi ng tulong para madala siya sa Hospital.
"Finally, nakarecover ka na mula sa trauma mo Ms. Karen." masayang sabi ng Psychologist na kaharap ko bago ibinigay ang latest diagnosis niya.
Masaya ko na tiningnan ang mga resulta bago muling tiningnan ang doktor at nagpasalamat.
Nang makaalis sa Hospital ay kaagad ko na tinungo ang sementeryo at nakangiting ipinakita ang resulta ng ilang taon ko na pagpapagamot sa lapidang nasa harapan ko.
"Magaling na ako, katulad ng sinabi mo sa akin. Pinalaya ko na ang sarili ko kay Karina kagaya ng pagpapalaya ko sa iyo." nakangiting sabi ko bago tiningnan ang nakasulat na pangalan sa lapida.
DOMINIC EJERO JAVIER
Yes, you read it right. The person who died because of suicide is my boyfriend Dominic. He died because his other side, Daryl killed himself.
And Karina, the other girl of my boyfriend Dominic is my other side.
To make the story short, we both have multiple personality disorder and we both know that we cheated on each other using our other personalities.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top