NINTH: BEST PART
"Talaga, Ate Jessanille? May pinagbigyan ka ng tula na ginawa mo kanina?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ng kapatid ko na si Entice matapos kong ikuwento ang kahihiyan na ginawa ko sa School.
Tumango ako bilang tugon.
"Sino naman, aber?" may pag-uusisang tanong niya.
Nagdadalawang-isip ko siya na tiningnan bago pigil na ngumiti.
"Si Christian Medenilla Mińa ng GRADE 12 GAAAAAAS!" hanggang sa hindi ko na nga mapigilan na tumili habang kinikilig.
Hindi makapaniwalang tumingin muli sa akin ang kapatid ko bago ako hinampas sa braso.
"Ate, umayos ka nga! Nakakahiya, may mga kapit-bahay na nakakarinig sa iyo." saway ni Entice na hindi ko pinakinggan at nagtaklob sa kumot sabay takip ng unan para tumiling muli.
Naramdaman ko ang muling paghampas ni Entice sa braso ko.
"Nako, Ate Jessanille. Tingin ko, hindi lang paghanga ang nararamdaman mo sa kan'ya pero binabalaan kita.. Hindi ka type no'n." paninira ni Entice sa mood ko ngunit hindi na lang ako kumibo dahil naalala ko ang gaganapin na Valentine's Ball.
Nang dumating ang Valentine's Ball ay hindi ako masyadong naghanda dahil alam ko naman na walang magsasayang ng oras na tingnan ko. Well, kahit si Christian kasi hindi naman ako maganda.
Naging masaya naman ako sa Valentine's Ball, not until, the romantic songs filled out the whole Venue. Nasira ang mood ko.
Hanggang sa may naglahad ng kamay niya ngunit hindi nagsalita kaya mabilis ko na iniangat ang tingin ko. It was Christian who's seriously offering his hand for me. Habang magkatitigan kami ay may nagsalita sa gilid niya.
Si Ronel, isa sa mga kaibigan niya na kasintahan ng kapatid ko na si Entice.
"Pwede ka bang isayaw ni Christian, Jessanille?" tanong ni Ronel sa akin na ikinagulat ko maging ng mga kaibigan ko na kakabalik lang.
"Sige na, Jessanille." pag-udyok ng mga kaibigan ko.
Dahil sa medyo matagal na silang nakatayo sa harapan ko ay napilitan akong tumayo at tanggapin ang alok na sayaw ni Christian.
Aarte pa ba ako? Ito ang magiging first dance ko.
Habang sumasayaw kami ay nararamdaman ko naman na masaya ako pero may kung ano na pumipigil sa saya ko kaya pinili ko maging seryoso.
Iisang minuto palang yata matapos niya akong ayain ay inaya na agad niya ako na umupo. Hindi na ako nagprotesta dahil iba talaga ang pakiramdam ko.
"Kumusta ang First dance?" pang-uusisa ng isa sa mga kaibigan ko.
"Okay lang," tipid ko na sagot kahit hindi maganda ang naging pakiramdam ko.
"Oy, alam niyo ba.. Si Paris Laurent. Nung sinayaw niya ako kanina ay naiyak ako," pagku-kwento ni Alexiz.
Nakuha niya ang atensyon namin.
"Bakit ka naman naiyak? Kinantahan ka ba niya nang pampatay na kanta habang sumasayaw kayo?" biro ko na ikinatawa naming lahat.
Mabilis na umiling si Alexiz, "Oy, hindi ah! Hahahaha! Habang sumasayaw kasi kami, kinakantahan niya ako tapos may message pa siya sa akin. Masaya raw siya na pumayag ako na maging first dance niya."
Napatango na lang kami at hindi makapaniwala lalo na't maraming nang-aasar kay Paris dahil sa medyo weird niyang mga kilos. 'Yung parang bagong labas lang sa bundok.
Dumating ang last song at ayon, may mga kasayawan na naman ang mga kaibigan ko.
Wala na akong gana na sumayaw mula nang maging iba ang pakiramdam ko sa pagsayaw sa akin ni Christian.
"Hi, Jessanille."
Gulat ko na tiningnan si Paris nakangiti habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako kumibo at nginitian lang siya.
"Ang ganda nung Marriage booth, ano? Gusto mo?" tanong niya kaya nakuha niyang muli ang atensyon ko.
"Ano?"
"Try natin 'yung marriage booth." natatawang sabi niya kaya natawa rin ako at buong lakas siya na tinulak.
"Umalis ka nga sa harapan ko, Paris. Pumunta ka na ng France." biro ko.
"Enggkk~" natatawang sabi niya senyales na hindi nakakatawa ang biro ko.
"Bakit ka ba nandito? Humanap ka na ng last dance mo." pagtutulak ko sa kan'ya paalis dahil napapansin na ng mga kaibigan ko ang pag-uusap namin.
Umiling siya bago umupo sa tabi ko, "Bakit pa ako maghahanap? Nasa harapan ko na."
Medyo napaisip ako sa sinabi niya kaya sinabayan ko ang mga tingin niya.
"Gusto kitang ayain para maging last dance ko, Jessanille." diretsahang sabi niya na mabilis kong inilingan.
"A-ayoko."
"Bakit? Kasi isinayaw ka ng crush mo?" medyo nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na itinanggi.
"Oo, pasensya na." paghingi ko ng tawad ngunit isang ngiti lang ang isinagot niya bago ako iniwan.
Three days after what happened, sinabi sa akin ni Entice ang dahilan kung bakit ako sinayaw ni Christian.
"Sabi ni Ronel, dare lang raw iyon kay Christian. Kapag sinayaw ka raw niya, hindi na siya aasarin sa iyo ng mga kaibigan nila."
Habang pinapakinggan ko ang mga salitang iyon, naawa ako sa sarili ko. Imagine that, pinagtatawanan pala nila ako habang ini-enjoy ko 'yung sayaw. Naintindihan ko na kung bakit iba ang pakiramdam ko.
Ilang buwan rin akong lutang at wala sa sarili dahil sa inis at galit ko sa sarili ko.
"Do you think pain is for the relationships only? No, pain is also for those people who gave efforts and their genuine love for someone who can't love them back." nakangiting sabi ko sa mga estudyante ko na medyo nalungkot sa kwento ko.
Nagtaas ng isang kamay ang isa sa mga estudyante ko.
"Ma'am, paano naging Best Part ng buhay mo iyon?" naguguluhang tanong nito.
Tipid akong ngumiti bago itinuro ang larawan sa phone ko. It was me and Paris.
"Dahil iyon ang dahilan kung paano ko mas nakilala ang sarili ko at ang mga taong nagpapahalaga sa akin." masayang sabi ko.
Namilog ang mga mata nila at hindi makapaniwala habang tinitingnan ang larawan namin ni Paris sa screen ko.
"Wow, naging kayo po nung Paris? Bakit wala naman po kaming nakikita na kasama niyo?" pag-uusisa ng isa sa mga estudyante ko.
Umiling ako bago malungkot na ngumiti.
"We became friends, special friends. I became his last dance." tanging nasabi ko.
Hindi ginusto ni Paris na maging kami dahil malala na pala ang sakit niyang Liver Cancer nuong inaya niya ako na makasayaw, at the same time. He wants to confess about his feelings towards me, but I refused.
He became my special friend while moving on from a heartbreak. And before he died, he asked me to dance with him while confessing how he was happy, hurt, and love me at the same time.
"I love you, thank you for being my last dance." his last words before he closed his eyes.
That Valentine's Ball was my best part because that was the day that I received my first heartbreak without knowing that someone is loving me. I have full of regrets in refusing his proposal.
Masyado ko na ibinigay ang atensyon ko sa taong hindi interesado sa akin kaya hindi ko nakita ang taong nagpapahalaga sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top