NINETEEN: GRADUATION
Wearing my toga, I walk down the aisle taking my Bachelor's degree. It was a pleasure evening for us who graduated after many years. Hindi ko tuloy maiwasan na maluha habang hawak ko ang larawan nina Papa at Mama na nasa frame pa.
Lahat ay nadala ng lungkot habang pinapanood ako na bumaba ng entablado. Tila ramdam nila ang pag iisa ko ngunit pinanatili ko ang ngiti sa aking labi dahil hindi pwedeng ibaon ko sa kalungkutan ang dapat ay masayang araw ko.
“Sheena, congrats!”
Bati ni Ella bago makipagbeso sa akin habang bitbit din ang diploma niya, sa likod niya ay ang mga magulang niyang pinapanood kami.
“Congrats, Hija. Natupad mo na rin pangarap ng ama mo.” bati ng papa ni Ella na tanging ngiti ang naisagot ko.
“Tara na at magpicture tayo para may family picture ka rin.” pag aaya ng mama ni Ella na sinang-ayunan ko.
Tumawag sila ng maniniyot at hinayaan kuhaan kami ng larawan. Ilang click palang ng ilaw ay may boses na tumawag sa pangalan ko.
“Sheena!”
Akala ko ay kapangalan ko lang kaya hindi ko pinansin pero laking-gulat ko nang magsalita ulit.
“Sheena Cabuhat!”
That was my cue. I am sure who it was kahit hindi ko lingunin.
Naunang tumingin sina Ella at ang pamilya niya sa pinanggalingan ng boses. Ramdam ko na natigilan ang ilang malapit sa puwesto namin at kakilala ako, maging mga tingin nila ay nanunukat.
Hindi ako gumalaw, ilang beses bago ko marinig ang mga yabag ng paglapit sa akin at ang paghawak sa kamay ko. Huminga ako nang malalim bago iyon tingnan. Tama ang hula ko.
Si Sheryl ang ate ko. Suot ang orange na terno at may posas ang mga kamay. Namimilog ang mga mata ko siyang tiningnan.
Puno ng pagmamakaawa ang mukha nito habang mahigpit ang kapit sa mga kamay ko.
“A—anong ginagawa mo rito?” halos mautal pa ako dahil pinipigilan ko ang aking emosyon.
Ngumiti ito, “Sheena, gusto ko lang makita ka sa graduation mo.”
Kinagat ko ang pang ibabang labi bago tiningnan ang mga nakapalibot sa amin na nagsisimula na magbulungan. Dahil sa hiya ay dali-dali ko siyang hinila paalis ng auditorium at dinala sa hindi mataong lugar.
“Sheena, masaya akong nakaabot ako sa graduation mo. Akala ko hindi na kita maabutan.”
Pinandilatan ko siya bago dinuro sa may bandang balikat.
“Na sana nga ay hindi. Masaya ka? Puwes ako hindi! Paano ako magiging masayang makita kung sino ang pumatay sa mga magulang ko?! Sheryl, sinira mo ang araw ko. Sana nabulok ka na lang sa kulungan at hindi ka na nagpakita.” naluluha kong wika.
Umawang ang labi niya bago nagsimulang lumuha, “I am sorry Sheena, hindi ko gustong masira ang araw mo. Ayoko lang na maramdaman mong mag isa ka.”
“At tingin mo mararamdaman ko ang presensya mo? Sheryl, simula nung patayin mo ang mga magulang natin sa kwarto ko ay tinuring na kitang wala sa buhay ko, tinuring na kitang wala sa alaala ko.” tinalikuran ko siya at balak ko na talikuran ngunit lumuhod ito at yumakap sa mga tuhod ko.
“Pakinggan mo muna ako, please. Gusto ko makinig ka muna bago mo ako layuan ulit. Sheena, parang awa mo na.” pagsusumamo nito ngunit itinulak ko lang siya dahilan para mapahiga siya sa sahig bago sya titigan.
“Tandaan mo ito, kapag naging abogado ako... Ako ang magpapataw ng kamatayan sa iyo para hindi na kita makita. I hate you, Sheryl. I despise you! Ang kamatayan mo ang tanging papakinggan ko! Iregalo mo na sa akin.” galit kong sigaw sa kaniya.
Nanlulumo ang mukha na tinanguan niya ako, “Kung iyon ang dahilan para pakinggan mo ako Sheena. Ako na ang bahala sa hiling mo.”
Later that night. She s*icide, she hanged herself with a note that makes me eager to be an attorney.
After so many years, naipanalo ko na ang kaso. Itinuloy ko ang mga binitawan kong salita nung araw ng huli naming pag uusap.
It was in the middle of the night when I heard screams.
“Sheena!”
The moment I opened my eyes, I saw my father lying on the ground full of blood. Ganoon din si Mama na nasa hindi kalayuan. That night two bodies were found in my room and the suspect was none other than my sister who was holding a knife in her hand.
At ngayon, pagkatapos ng maraming taon ay nabigyan ko na ng hustisya si Ate Sheryl.
Oo, si Ate Sheryl.
She was raped by her father and got pregnant. Tinago nila sa lahat iyon at hinayaan iyon ni Mama dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Papa.
Inako niya ang kasalanan ni Papa na ako ang bunga.
At ang gabi kung saan napatay ni Ate Sheryl ang mga magulang ko ay para protektahan ako kay Papa at Mama na balak akong itulad sa ginawa nila kay Ate Sheryl.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top