FIFTH: HE IS A CRIMINAL

"Shannon, magtago ka na.." masayang sigaw ko sa aking nakababatang kapatid na si Shannon.

Sandali siyang nahinto bago tumingin sa likuran ko.

"Papa!" masayang sigaw ni Shannon habang tumatakbo palapit sa lalakeng may mga hawak na plastic bag at mukhang mga pagkain ang laman.

Sandali akong natigilan dahil kitang-kita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Papa ang aking kapatid. Lumapit din ako at yayakapin sana siya nang mabilis nitong iniabot sa akin ang mga plastic bag na hawak niya.

"O, Aria.. Maghati kayo ng kapatid mo. Mga paborito niyo iyan." nakangiting sabi nito sa akin.

Natigilan ako bago tumango at kinuha ang inabot niyang mga plastic bag.

"Sige po, salamat Papa." pinilit ko ba ngumiti kahit nakaramdam ako ng pagkapahiya sa ginawa nito.

Inaya ko na si Shannon at naghati sa mga pagkain na binili ng aking ama.

Kinagabihan, nakatitig lang ako sa kisame at hindi makatulog. Narinig ko na pumasok si Mama sa aking kwarto, kasunod si Shannon na mukhang may masayang ginawa sa sala.

Puno sila ng clay at nagpapahidan nito sa mukha.

"Aria, anak.. Bakit hindi ka bumaba kanina? Naglalaro kami nina Shannon at ng Papa mo ng clay." masayang kwento nito.

"Oo nga ate.. Sayang, hindi ka nakasali. Pinatawag pa naman kita kay Papa kaso sabi niya ay tulog ka na raw." dagdag naman ni Shannon kaya nangunot ang aking noo.

Bakit kailangan niyang magsinungaling? Hindi ba ako totoong anak ni Papa para maging ganito ang trato niya sa akin?

Ipinilig ko ang aking ulo bago tumalikod sa puwesto nina Shannon at Mama. Hindi ko ipinakita ang mga luha na mabagal na tumutulo sa isa kong mata.

At doon ako nakaramdam ng antok. Ngunit isang bangungot ang nangyari habang ako ay natutulog kaya mabilis akong dumilat.

Nasa kama pa rin naman ako ngunit pakiramdam ko ay bumigat ang pakiramdam lalo na nang may marinig akong umiiyak sa kabilang kwarto.

"Shannon.. Ester.."

Kahit malayo ay rinig ko ang mga hikbi ni Papa na nasa hindi kalayuan. Humakabang ako ng mabagal, ngunit parang may nagpapabigat ng bawat paghakbang ko at hindi ko napigilang mapatakbo sa kwartong iyon.

Namimilog ang mga mata ko at halos matumba ako habang tinitingnan ang mga katawan na nakahandusay sa malamig na sahig, naging pula ang mala-kape naming sala.

Nakayakap si Papa sa magkabilang katawan ni Shannon at Mama habang ang mga ito ay hindi na makikitaan ng paghinga. Puno ng dugo ang puting damit ni Papa kaya mas lumakas ang hinala ko.

"P-pinatay mo sila.." nanginginig na sabi ko bago napahagulgol ng iyak, "Mamatay tao ka! Pinatay mo sila!" buong lakas na sigaw ko.

Napapailing si Papa.

"Anak, hindi ko sila pinatay.." pagtanggi nito at balak akong hawakan ngunit buong lakas ko siyang iniwasan bago patakbong tinungo ang sala.

Maririnig ko pa ang mga yabag niya na sumusunod sa akin kaya nagtago ako sa ilalim ng sopa bago inabot ang telepono at mabilis na tumawag ng pulis.

Nang dumating ang mga pulis at rescuer ay kaagad akong pinatungan ng makapal na tuwalya at isinakay sa Mobile, medyo nagtaka ako nang mapansin na iba ang suot kong pangtulog. Habang nakasilip sa bintana ay naabutan ko pa na bitbit ng mga pulis ang aking ama habang nakaposas ang dalawa nitong kamay.

Simula ng gabi na iyon ay isinumpa ko siya at hindi binisita sa kulungan kahit isang beses. Dahil sa kaniya ay hindi naging maganda ang buhay ko..

Palagi akong nabu-bully sa Paaralan dahil kriminal ang aking ama, hindi rin ako nagkaroon ng magandang buhay dahil wala na kaming pera kaya buong-buhay ko ay nagtratrabaho ako para lang makapagtapos at maging Psychogist.

Father's day.

Naimbitahan ako na maging volunteer upang makatulong sa mga preso na hindi na pinupuntahan ng kanilang mga anak. Gusto ng mga nag-imbita sa akin na pagaanin ko ang loob ng mga tao sa kulungan.

Maganda ang naging event para sa mga preso, akala ko ay walang magiging problema habang kausap ko ang iba't-ibang personalidad na hindi nakikita sa labas.

May mga nahuli dahil sa pagdrodroga, rapist, magnanakaw at ang pinakamalala ang mga mamamatay-tao.

Bumigat ang loob ko nang makita kung sino ang nakaupo ngayon sa aking harapan. Nagsilabasan din sa kwarto ang mga pulis na nagbabantay sa akin na labis kong ikinagulat.

Makapal ang bigote na may mga puti katulad ng kaniyang manipis na buhok. Payat din ito at mukhang hindi nakakatulog ng maayos.

Isang mapangutyang ngiti ang sinalubong ko sa kaniya.

"Mukhang naaalagaan ka ng mabuti sa kulungan," kumuyom ang aking kamao, "Na hindi dapat dahil mamamatay-tao ka." may diin na sabi ko.

Imbes na kumibo ay pilit lang ito na ngumiti na mas ikinagalit ko.

"Wow! Nagagawa mo pang ngumiti matapod mong patayin ang pamilya mo?! Sa ginagawa mo, mas napatunayan mo sa akin na wala ka talagang silbi na ama. Bat nga ba ako magugulat? Hindi ka naman naging mabuting ama sa akin." nakakuyom ang aking kamao.

Umiling ito.

"Paano ba maging mabuting ama, Aria? Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sa iyo para matawag mo ulit akong 'Papa'?" malungkot na tanong nito.

Napahalakhak ako dahil sa tanong niya bago umiling-iling.

"Hindi ako makapaniwala, anong hindi pa ba sapat ang tinutukoy mo? Sa pagkakatanda ko kasi, ang pagtawag lang sa iyo na 'Papa' ang pinakanakakadiring sinabi ko sa buong-buhay ko. Anong klaseng ama ang malamig ang trato sa sarili niyang anak? Pati kapatid at ang mama ko, pinatay mo! Sabihin mo sa akin ngayon? Ano yung 'hindi pa ba sapat' na tinutukoy mo? Ang pahirapan ako buong buhay ko?" lumuluhang tanong ko at napatayo habang paulit-ulit na hinahampas ang lamesa sa pagitan naming dalawa.

Tipid siyang ngumiti bago kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Alas-dose na ng gabi. Mahimbing na kaming natutulog ng mama mo at kapatid mo, nang magulat ako dahil may dahan-dahang pumasok sa kwarto. Hindi ko iyon pinansin at natulog na lang. Laking-gulat ko nang paggising ko, nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay ang anak at asawa ko," sandali siyang huminto, "May nakita akong tao na tahimik na naglalakad sa kabilang kwarto kaya sinundan ko iyon," mataman niya akong tiningnan, "Nagulat ako nang makita na ikaw iyon kaya mabilis kita pinalitan ng damit at patakbong lumapit ulit sa mama at kapatid mo." paglalahad nito na ikinatigil ko.

Nagtatanong ang bawat tingin ko sa kaniya at walang salita ang makakapagpaliwanag ko ano ang nararamdaman ko.

Pinunasan niya ang mga luha sa kaniyang mata.

"You are my child, Aria. But they were not your family, namatay ang mama mo katulad ng pagpatay mo sa kanila kaya naging malamig ang trato ko sa iyo." muling pagbasag nito ng katahimikan, "Now tell me, hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para masabi mong mabuti akong ama?"

Hindi ako nakakibo at pabagsak na umupo sa monoblock bago napahagulgol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top