ELEVENTH: DANCING WITH YOUR GHOST
I'm Kihara Trouvaille-Domingo, the wife of Dwight Domingo. We've been 6 years together and we have a happy life even we don't have any child.
But, it comes from an end when he died from an accident. I was devastated that time and the only person that I can rely on is my bestfriend, Malachi Crosetté.
"Hara, you need to visit your doctor. Masyado mo ng napapabayaan ang sarili mo," mariin siyang umiling, "Hindi ikaw 'to, hindi ikaw ang bestfriend ko na palaging nakangiti. Please, sasamahan kita magpakonsulta." pakiusap niya sa akin.
“Why do I need to smile? Ano pa ang rason para ngumiti ako kung wala na si Dwight. You know how much I loved him, Malachi. Ngayon na wala na siya, I don't even consider myself to live longer anymore.” malungkot na wika ko.
Hinawakan niya ang mga balikat ko at ngumiti, “But I am still here, Hara. Your best friend is still here. Bago si Dwight, nandito na ako. Hahayaan mo bang maiwan akong mag-isa?” malungkot na tanong niya sa akin.
Dahil sa palagian niyang pamimilit ay wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Nang bumisita kami sa isang doktor, niresetahan ako nito ng gamot upang makatulog ako nang maayos.
Dahil sa gusto ko ring makalimot kahit sa pagtulog lang ay palagian kong iniinom ang gamot na inireseta ng doktor.
Habang mahimbing ang aking pagkakatulog ay naramdaman ko na may humahaplos sa aking mukha kaya kaagad akong nagmulat ng mga mata.
Medyo nagulat ako nang salubungin ako ni Dwight na nakangiti habang nakahiga sa tabi ko. Pilit na pinoproseso ng aking utak kung totoo ang nakikita ko kaya naguguluhan ko siyang tinitigan.
"Good evening, Ki." bati niya habang hinahaplos ang aking mukha.
Kinuha ko ang kamay niya at pilit na pinapakiramdaman iyon. Naluluha ko na hinawakan ang mukha niya.
"B-buhay ka, papaano ka nabuhay?" naguguluhang tanong ko.
Ngunit imbes na sumagot ay inalalayan niya ako na tumayo kasabay nito ang musika ng paborito naming kanta. Hinapit niya ako at pinagsiklop ang aming mga kamay habang sinasabayan ang musika na bumabalot sa aking sistema.
Ni hindi ko namalayan kung ilang oras kaming sumayaw. Ang alam ko lang ay puno ng saya ang nabalot ko'ng kalungkutan. Sa sobrang kasiyahan ay nakaramdam ako ng antok.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Mabilis akong bumangon nang mapansin ko na wala na si Dwight sa aking tabi.
Kinabahan ako kaya hinahanap ko siya sa buong bahay. Umupo ako sa sahig at humagulgol nuong hindi kp siya mahagilap.
"Hara, anong nangyayari sa iyo?" natatarantang tanong ni Malachi habang patakbo akong nilapitan.
Malungkot ko siyang tiningnan.
"Buhay si Dwight, Malachi. Kasama ko ang asawa ko kagabi. Nakasayaw ko siya," pagkukwento ko ngunit tila biro iyon dahil mariin itong umiling bago nagpipigil ng tawa.
"Huwag mo nga ako pagtripan, Hara. Alam naman natin na patay na ang asawa mo." napapailing na sabi nito ngunit ipinagpilitan ko ang nakita ko.
"Nako, Hara. Epekto lang iyan ng gamot na iniinom mo." pagpapakalma ni Malachi sa akin.
Ilang araw rin akong hindi makatulog dahil hinahanap-hanap ko ang aking asawa. Alam ko ang nakita ko, hindi iyon panaginip. Ngunit hindi kalaunan ay sumuko na ako at uminom ng aking gamot para makapagpahinga.
Muli akong nakaramdam ng tuwa dahil nakita ko na naman ang aking asawa. At katulad nuong una, ginugol namin sa pagsayaw ang buong gabi.
Napagtanto ko na nagpapakita lang siya tuwing umiinom ako ng gamot kaya palagi ko na dinadamihan ang inom para mas matagal ko siyan makasama. Hindi ko na rin kinuwento kay Malachi dahil hindi niya ako paniniwalaan.
Ngunit dumating ang araw na hindi na natapos ang oras na magkasama kami. Palagi na kaming magkasama at sumasayaw. Nakalimutan ko na ang mamuhay ng normal dahil ang normal para sa akin ay ang makasama si Dwight.
Narito kami sa malawak na Garden at dinadama ang init ng araw habang may malakas na musika nang biglang may sumigaw.
"Sumasayaw na naman kayo," seryosong sabi ng nakaputing babae bago ibaba ang mga pagkain sa damuhan at may ilabas na papel, "May ipinapabigay sa iyo 'yung kaibigan mong si Malachi."
Iniabot niya sa akin ang isang letter kaya tiningnan ko si Dwight bago binasa ang letter. Halos tumigil ang aking mundo habang tinitingnan ang larawan ni Dwight at Malachi na magkasama habang nakapangkasal.
Naguguluhan ko na tiningnan ang kasayaw ko na si Dwight at sa isang iglap ay naglaho siya sa aking paningin. Doon na tuluyang bumagsak ang aking mga luha nang mapagtanto ko na ang nangyari habang binabasa ang sulat ni Malachi.
Napapailing ako habang sinasabunutan ang aking buhok dahil sa sobrang galit at kalungkutan.
They made me fool for many years. Dwight's death is just a cover up for them to be together. While suffering from anxiety, they took advantage of it. They gave me a medicine that affects my brain, and it was really Dwight, the one who visited me just to make me crazy over him. And they succeded that is why I am here, standing alone in a Mental facility.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top