64

Messenger

Zacharius Wallace Javier

Today, 9:45 PM

Zacharius:

Maeve, hindi kaya masyadong mabilis? I mean, oo nagsimula na akong ligawan ka noon, pero pakiramdam ko talaga mabilis, e

parang wala man lang akong ka-efort-efort na nanligaw sayo, parang ang bilis naging tayo, pero hindi ko naman sinasabing ayaw ko, ha

naisip ko lang na hindi pa natin kilalang-kilala ang isa't isa, hindi ko maipaliwanag e, parang napakabilis lang talaga ng lahat

Maevis:

Sigurado na ako sa 'yo, Ace, matagal mo nang napatunayan ang sarili mo sa akin, we can still know more things about each other while we're together :)

Zacharius:

alam ko na, liligawan pa rin kita kahit tayo nang dalawa, at kahit ikasal na tayo, manliligaw pa rin ako sayo

Maevis:

Kung 'yan ang gusto mo, by the way, you should sleep now, you still have class tomorrow

Don't worry about me, matutulog na rin ako, bukas na lang tayo kumain sa labas, babawi ako.

Good night.

Zacharius:

good night, love 💞 mahal kita, ako na last chat
(❤️)

sunduin ulit kita bukas, message kita kapag nandoon na ako, ingat ka pagpasok mo 🫂
(❤️)

•••

Napabuntong-hininga ako saka inilagay ang cell phone ko sa bag. Tumayo ako sandali para ayusin ang kumot ng kapatid ko saka bumalik sa sofa at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Hanggang sa paggising ko ay wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang magaan na pakiramdam, everything feels so light when Wallace is by my side. All I can feel is assurance and happiness when he's with me, when he's around. I could never ask for more as long as I have him with me, Wallace will always serve as my home and my rest.

I am beyond happy now that we're together. Minsan akong napaisip kung ano ang pakiramdam ng mayroon kang taong makakasama at masasandalan kapag halos lahat ng tao sa paligid mo ay pinili kang talikuran at iwan, at ipinaramdam sa akin ni Wallace ang pakiramdam ng mayroon kang matatakbuhan sa oras ng kagipitan.

Wallace, the man who gave colors to my life. Boring akong tao, iyon ang tingin sa akin ng karamihan, pero hindi iyon ipinaramdam sa akin ni Wallace, kapag kasama o kausap ko siya, ramdam kong totoo at genuine ang sayang nararamdaman niya, and he would always remind me how beautiful and precious I am.

Wallace is more than enough for me.

"Ano? Pumasa ba ako?" kinakabahang tanong ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako na puno ng kalungkutan.

Ngayon inilabas ang result ng licensure examination for teachers, sinabi kong siya na lang ang tumingin ng result dahil natatakot akong baka hindi ako pumasa, at mukhang hindi nga talaga ako pumasa base sa ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

I took STEM in high school but I decided to be a teacher, iyon naman talaga ang gusto at pangarap ko, gustong-gusto kong magturo. High school students ang balak kong turuan ng subject na mathematics, iyon ang kinuha kong major dahil favorite subject ko rin naman iyon.

I graduated as a Cum Laude in college, it is the same with Wallace. I'm so proud of him and proud of myself too, I never thought I'll graduate as a Cum Laude, nahirapan kasi ako noong una na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho kaya napakasaya ko noong nalaman kong Cum Laude ako.

Ngumiti siya sa akin na ipinagtaka ko. "Pumasa ka, mahal!" sigaw niya kaya napatakip ako sa bibig at nagsimulang umiyak.

Mabilis niya akong niyakap na kaagad ko namang sinuklian. "I love you, Ace..." umiiyak na bulong ko sa kaniya.

"I love you so much more, Maeve. I'm beyond proud of you, Licensed Professional Teacher ko, mahal kita." Humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you, proud na proud ako sa 'yo, palagi akong magiging proud sa 'yo, mahal kita hanggang sa huli kong hininga at hanggang sa susunod kong buhay kung mayroon man." Ngumiti siya at pinatakan ng isang halik ang labi ko.

I will always be thankful for Him for giving me Wallace in my life, and for being with me through all my ups and downs in life, for listening to all my prayers and wishes, for everything that he has given me, for all the happiness and blessings I've received. Everything I have now is from Him, and I am beyond thankful.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top