63
Messenger
Zacharius Wallace Javier
Today, 7:32 PM
Maevis:
Ace, I'm so sorry, nagkaro'n lang ng emergency 'yong kapatid ko kaya hindi kita na-reply-an kaagad, I'm so sorry
Puwede bang bukas na lang tayo kumain sa labas? I didn't mean to make you worried, emergency lang talaga kaya nawala sa isip ko 'yong usapan natin
Kinailangan ko lang talagang puntahan 'yong kapatid ko, I'm sorry, Ace
Zacharius:
hindi naman ako galit, hmm? nasaan ka ngayon? pupuntahan kita, sobra akong nag-alala
hindi ako makakatulog kung hindi kita makikita ngayon
Maevis:
Okay, I'll send you the address of the hospital, mag-iingat sa pagmamaneho, ha? I love you
Zacharius:
nubayan, alam mo talaga kung paano mo ako kukunin, e 🙇🏻♀️
(😆)
mag-iingat ako, promise :^) I love you so much more.
•••
Tahimik ako habang pinagmamasdan ang kapatid kong mahimbing ang tulog sa hospital bed niya. Dahil sa sobrang kaba at pagkataranta ko kanina noong malaman kong nasagasaan siya ay nakalimutan ko ang usapan namin ni Wallace, ni i-check ang phone ko ay hindi ko na rin nagawa pa.
Palabas na ako noon sa university at pupunta na sana kay Wallace nang makatanggap ako ng tawag sa kaibigan ng kapatid ko na nabundol daw ito ng isang humaharurot na motorsiklo kaya imbes na si Wallace ay sa ospital kung nasaan siya ako kaagad na dumiretso.
Mabuti na lang at minor injuries lang ang natamo ng kapatid ko kaya hindi naman malala ang naging lagay niya. Wala na rin akong plano na magsampa pa ng kaso sa taong nakabundol sa kaniya dahil sa pakiusap na rin niya sa akin, nangako rin naman ang taong iyon na siya ang bahalang sumagot sa lahat ng kailangan ng kapatid ko.
Nagkaroon daw ng problema ang motor niya kaya nawalan siya ng kontrol kaya nabundol niya ang kapatid ko. Kung hindi lang nakiusap ang kapatid ko ay magsasampa talaga ako ng kaso lalo na kung mas malala ang naging kalagayan ng kapatid ko.
Napatayo ako sa upuan ko nang marinig ko ang katok sa pinto. Pagbukas ko noon ay ang nag-aalalang mukha kaagad ni Wallace ang bumungad sa akin. Para na siyang maiiyak nang makita niya ako at niyakap.
"Nag-alala ako, akala ko ghinost mo ulit ako, e..." parang batang bulong niya kaya natawa ako.
Niyakap ko siya pabalik at marahang tinapik sa likod. "Hindi ko binabali ang pangako ko, Ace. Tumahan ka na, ayos lang naman ako kaya wala ka nang dapat na ipag-alala pa, hmm?" bulong ko sa kaniya kaya mas lalo niya akong niyakap.
"I need to tell you something." Pagkasabi ko noon ay lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin hanggang sa bumitaw na siya.
"Ano 'yon?" tanong niya sabay punas sa luha.
"Dahil birthday ko ngayon, may regalo ako sa 'yo," nakangiting wika ko kaya kumunot ang noo niya. "On this day, on my special day in my life, I Maevis Dawn Austria saying yes to you, Zacharius Wallace Javier, I am now officially your girlfriend."
Naluluhang niyakap na naman niya ako. "Pinapaiyak mo na naman ako! I love you so much, Maeve. I love you, girlfriend ko."
Mahina akong natawa saka sinuklian ang yakap niya. A smile escaped my lips as I said the three words to him.
"I love you, Wallace..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top