61

Messenger

Zacharius Wallace Javier

Today, 7:47 AM

Zacharius:

Maeve, naiiyak talaga ako sa letter mo :(( ang sweet naman ng baby ko 🤸🏻‍♀️

ay, bago ko pala makalimutan! sunduin kita mamaya kasi ite-treat kita :)

happy birthday, Maevis Dawn ko 😍🫂

I love you 😘

Maevis:

Okay, mga 6:00 PM ang labas ko mamaya, hintayin kita sa bakery na malapit doon sa university.

Zacharius:

oki oki, ingat babe, good luck future licensed professional teacher ko! :⁠^⁠)

ako na last chat, I love you
(❤️)

•••

Napangiti ako at napabuntong-hininga saka naglakad papunta sa first class ko ngayong araw. Hindi kagaya noong mga nakaraang araw ay mas magaan na ang lahat para sa akin ngayon, siguro dahil maayos na kami ni Wallace at nasabi ko na rin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

"You look happy today," komento ni Harold kaya natatawang napailing ako. "Nasabi mo na sa kaniya lahat?" tanong niyang tinanguan ko naman.

"Sinabi na rin kasi ni Joshua kaya wala na akong dahilan para itago sa kaniya, ayaw ko na rin namang bitbitin pa ng mas matagal ang bigat na matagal ko nang tinitiis dahil sa guilt na nararamdaman ko noong iniwan ko siya." Napabuntong-hininga ako saka naupo.

Harold and I are classmates. Pareho naming kinuha ang architecture, I'm thankful that I have him too, kung wala siguro siya ay baka matagal na akong sumuko sa dami ng mga problemang pinagdaanan ko noong mawala ang parents ko. Mabuti na lang at nariyan siya at ang parents niyang naging magulang din sa amin ng kapatid ko.

I'm beyond thankful for him and his family.

"Happy birthday, Maeve." Inabot sa akin ni Harold ang isang kahon na may kulay pink na gift wrap.

Nagtataka ko iyong tinanggap. "What is this?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Open it," aniya kaya napailing na lang ako.

Binuksan ko ang regalo niya at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang laman ng kahon. Ito 'yong rubber shoes na nakita ko noong nakaraan sa mall, balak ko sanang bilhin 'to pero hindi ko nabili dahil kulang pala ang pera ko at may kailangan pa akong bayaran sa school ng kapatid ko.

"Apat na libo ang presyo nitong sapatos, Harold! Bakit mo naman binili?!" gulat na tanong ko habang nakatingin pa rin sa sapatos na binili niya.

"Alam kong gusto mo 'yan kaya binili ko na, don't worry because it is not that expensive, naka-sale naman 'yan noong binili ko dahil alam kong hindi mo tatanggapin kung mahal ang bili ko riyan," paliwanag niya kaya namuo ang luha sa mga mata ko.

Itinabi ko sandali sa lamesa ko ang sapatos at niyakap siya. Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko nang yakapin niya rin ako at marahang tinapik ang likuran.

"Thank you..." umiiyak na sambit ko kaya mahina siyang natawa.

"You are always welcome, Maevis. Happy birthday," sagot niya.

I don't know what to do without him with me especially on those times in my life when I have no one. Harold is my one and only friend before Wallace came, and I will be forever grateful and thankful for having him. The woman he's going to love would be so lucky to have him in her life.

And I wish that Harold would be loved the way he wanted to be loved, I hope the woman he's going to love would give him all the love and care I know he deserves. Harold is a good man, he deserves all the happiness and love. Sana makilala na niya ang babaeng itinakda para sa kaniya.

I wish him all the happiness he deserves in this lifetime.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top