59

"Joshua already told me everything," panimula ko. Nasa loob kami ng sasakyan ko, she's on the passenger seat, looking outside the window with tears forming on the corner of her eyes.

"It was never my intention to leave you or ghost you, I just really cannot think of other way or solution that time kung paano ko hindi madaragdagan ang sakit na nararamdaman mo dahil sa kalagayan ng lola mo," aniya kaya napahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Kinailangan kong mag-working student para sa amin ng kapatid ko, the money that my parents left for us wasn't enough to provide everything that we need since my sister still needs to go to college, I need to pay for her needs and tuition fee, I do not want her to work kaya ako na lang." Pinunasan niya ang luhang pumatak sa mata niya.

"Nag-work from home ako noon para sa amin ng kapatid ko since hindi pa naman kami puwedeng lumabas-labas, mabuti nga at nakapasok ako sa isang call center kaya kahit papaano ay hindi kami nahirapan," dagdag niya saka tumikhim at muling nagpunas ng luha.

"Noong nagluwag na last year ay nakapasok ako roon sa coffee shop kung saan ako ngayon nagtatrabaho, kilala kasi ng mother ni Harold ang may-ari no'n at sakto pa na kailangan nila ng isang empleyado kaya nakapasok ako."

Mas lalo kong nahigpitan ang pagkakahawak ko sa manibela nang marinig ang mga kuwento niya. Hindi ko alam kung anong hirap ang pinagdaanan niya para lang maitaguyod niya siya at ang kapatid niya, isinabay niya pa talaga sa pag-aaral nila kaya alam kong mas mahirap 'yon para sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya. "Mas nadagdagan ang bigat at sakit na nararamdaman ko noong itinigil ko ang pakikipag-usap sa 'yo, you're the only person that I have that time, but I do not have any choice but to cut all my connections to you because I don't want to be a burden to you and add more pain to your heart."

Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng building ng condo kung saan ako nagsi-stay saka siya hinarap. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha niyang walang-tigil sa pagpatak.

"Hindi ka kahit kailan magiging pabigat sa akin, at hindi mo madaragdagan ang sakit na nararamdaman ko kung mas pinili mong manatili at sabihin sa akin ang totoo dahil ikaw lang din ang kinakapitan ko noong mga panahong walang-wala at down na down ako, Maeve." Nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.

Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan naman ang mga kamay niya. "Mahal na mahal kita, Maeve, kaya ngayong nandito ka na ulit sa tabi ko, hindi na kita hahayaan pang lumayo. I'll be with you through your ups and downs, I will never leave your side, I will always choose to be with you."

I heaved a sigh and hug her. "Dito ka na lang, hmm? H'wag mo na akong iwan, kahit kasi ilang babae pa ang makilala ko... hindi ka makalimutan ng puso ko, e. Ikaw lang talaga ang mahal at gusto ko, Maeve. H'wag mo na akong iwan, ha? Dito ka na lang, please..."

She hugged me back and gently tapped my back. "Dito na lang ako, hindi na kita iiwan."

Nang bumitaw kami sa isa't isa ay nginitian ko siya. "Now that you're here with me, isang tanong at isang sagot ulit, Maeve. Puwede ko bang ituloy ang naudlot na panliligaw ko sa 'yo noon?" tanong ko kaya natatawa siyang tumango sa akin.

"Yes, you can court me... again." Ngumiti siya at muli akong niyakap.

This woman I'm hugging right now in my arms is the woman I will always choose to be with and love. This woman is my life, and the love of my life...

My Maeve. My life. My love. My everything...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top