58

Messenger

Dome Aries Torres

Today, 6:21 PM

Dome:

tol, sabi ni Ranzen nakita niya raw si Maeve sa isang coffee shop, doon daw yata nagpa-part time job ngayon

send ko na lang sayo kung saan exact location, pero wag mo muna siya kukulitin kasi busy 'yon sa trabaho niya

Zacharius:

salamat tol, pa-send na lang ng exact location niya para mapuntahan ko na

Dome:

sige sandali
seen

•••

Nang mai-send na sa akin ni Aries ang lugar kung saan nagtatrabaho si Maeve ay kaagad ko na 'yong pinuntahan, kahit na ilang minuto lang naman ang kailangan kong ibiyahe papunta ro'n ay pakiramdam ko naman ay napakatagal.

"Sandali na lang, Maeve..." bulong ko sa sarili.

Nang makarating ako sa coffee shop na sinabi sa akin ni Aries kung saan nagtatrabaho si Maeve ay hindi ako kaagad bumaba sa sasakyan ko. I stayed inside my car while watching her from the glass wall of the coffee shop.

She looks more beautiful now...

"Welcome!" bati ni Maeve nang buksan ko ang pintuan ng coffee shop.

Mukhang hindi niya pa ako nakikita dahil busy siya sa paglalagay ng cup sa isang tray. She's wearing a face mask, a cap, and an apron. Her hair is tied in a bun, she's smiling as she gave her customers their orders.

"One cup of Americano, please," wika ko nang makalapit ako sa counter.

"Ace..." bulong niya sa pangalan ko at halatang nagulat.

Ngumiti ako sa kaniya. "We'll talk later." Kinindatan ko siya kaya napailing siya sa akin.

I stayed inside their coffee shop until the time of her duty was done. Sa paraan ng paggalaw niya at pagsasalita kapag kausap niya ang mga customer niya ay parang napakatagal na niya itong ginagawa, she looks so professional.

The Maeve I know is an introvert, the Maeve I know doesn't like to socialize with other people, she's scared that the people she'll meet or will be close with will just hurt her and give her pain, or will add more pain to her.

But this Maeve that I'm seeing and watching right now is a lot more different from the Maeve that I once knew, I once liked and I still like, I once loved and still loves. Pero kahit gaano pa karami ang magbago sa Maeve na gusto at mahal ko, hindi kahit kailan na magbabago ang nararamdaman ko.

Kahit anong version pa ni Maeve ang makilala ko, paulit-ulit ko 'yong mamahalin at pipiliin, paulit-ulit ko 'yong gugustuhin at ibibigin. Dahil kung hindi lang naman din si Maeve ang taong makakasama ko hanggang sa pagtanda ay mas pipiliin ko na lang ding maging mag-isa, if it's not her, then I do not want it.

Maeve is the only woman that I will always choose to love and to be with, kahit paulit-ulit ay hindi ako magsasawa dahil ang pagmamahal at nararamdaman ko sa kaniya ay katulad ng kalawakan... walang katapusan at hangganan.

Kahit saang lugar pa ako makarating, kahit ilang babae pa ang makilala ko, hindi kahit kailan magbabago na si Maeve ang mahal ko at ang laman ng puso at isip ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top