57

Messenger

Dome Aries Torres

Today, 7:43 AM

Dome:

uy tol, nasaan na kayo? mamaya lang magsisimula na class!

Zacharius:

traffic tol, pero malapit naman na kami, sandali na lang

mga 10 minutes siguro kasi sa may short cut kami dadaan

Dome:

sige sige, ingat kayo basta bilisan nyo, baka dumating na si sir

Zacharius:

sige tol
seen

•••

"Ano? Dumating na raw ba si sir?" tanong ni Joshua at halatang natataranta.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita dahil nasa kalsada ang tingin. "Wala pa naman daw pero bilisan daw natin," sagot kong tinanguan naman niya.

Joshua heaved a sigh. Nakikita ko sa mukha niyang parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa hindi ko naman malamang dahilan.

"Si Maeve..." aniya at hindi kaagad tinuloy kaya kumunot ang noo ko. "Kaibigan ni Maeve 'yong girlfriend ni Ranzen, 'di ba? 'Yon ang nag-iisang kaibigan niya," dagdag niya kaya mas lalo akong nagtaka.

Alam ko naman ang tungkol doon, pero ano naman ang koneksyon ko ro'n?

"When Ranzen's girlfriend met new friends, nagkaroon ng pagbabago sa kanilang dalawa ni Maeve, nawala ang closeness nila kaya naging mag-isa ulit si Maeve." Muli siyang bumuntong-hininga.

Alam ko na rin ang tungkol doon, minsan na iyong naikuwento sa akin noon ni Maeve, but why is he telling me about it?

"Harold is Maeve's only friend before Ranzen's girlfriend came and before you came." Sandali siyang tumingin sa akin at tila malungkot ang mga mata. "Kung wala si Harold, baka ngayon ay talagang mag-isa na lang si Maeve," dagdag niya kaya bored lang akong tumango.

I'm not interested to know about their friendship, inaamin kong nagkaroon ako ng sama ng loob kay Maeve dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin at wala man lang sinabing kahit anong dahilan.

"Maeve's parents died the day she stopped talking to you..." halos pabulong niyang wika.

My eyes widen in shock. "Ano? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to? At kailan mo pa alam? Kailan mo pa nalaman?!" tanong ko, tumaas na rin ang boses ko sa inis at galit na nararamdaman.

"Ayaw ni Maeve na malaman mo, she knows that you're having a hard time because of your grandmother's condition that time, nakiusap siya sa aming huwag sabihin sa 'yo," kalmadong paliwanag niya.

Napasabunot ako sa buhok. "Bakit, Mave?" pabulong na tanong ko sa sarili.

"Sinabi ni Maeve sa girlfriend ni Ranzen ang tungkol sa nangyari sa parents niya at si Ranzen ang nagsabi sa amin ng tungkol doon, sinabi ni Maeve na sabihin sa 'yo ang totoo kapag ayos na ang lahat," aniya saka napabuga ng isang malalim na hininga.

"Mahirap din kay Maeve ang lahat, dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang mga magulang niya noon ay wala silang magawa ng kapatid niya kung hindi ang mag-stay rito dahil sa COVID, abo na lang ng magulang nila ang nakuha nila at ibang mga personal na gamit ng mga iyon."

Alam kong mas masakit 'yon para kay Maeve lalo na't malayo ang magulang nila, naiintindihan ko kung bakit hindi niya sinabi sa akin ng totoo at ngayon ay wala na akong ibang gusto kung hindi ang makita ay mayakap siya, nangako ako sa kaniyang kapag naging maayos ang lahat ay magkikita kaming dalawa at pupuntahan ko siya kahit nasaan pa siya.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko kaya napalingon siya sa akin.

"Nandoon yata sila nagsi-stay ng kapatid niya sa bahay ng isa nilang kamag-anak, pero sa pagkakaalam ko ay may pasok siya ngayon," sagot niya kaya tumango na lang ako.

Sisiguraduhin kong magkikita tayo, Maeve. And once we meet each other again, I promise you that mo matter what happens, I will always be by your side, loving you, taking care of you, helping you, and will be forever with you.

Just wait for me, Maeve...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top