54

Messenger

Maevis Dawn Austria

Today, 2:10 PM

Wallace:

Maeve, busy ka?

Maevis:

No, why? Do you need someone to talk to?

Wallace:

uu, pero ivo-voice message ko na lang yung sasabihin ko kasi mahaba siya, baka mapagod lang mata mo sa pagbabasa

Maevis:

No, it's okay. You can just send me a message, no need to voice message it :)

Willing naman akong magbasa kaya no need to worry.

Wallace:

tawagan na lang kaya kita? pero kung hindi ka komportable okay lang, ha, ayaw kong gawin mo yung bagay na hindi ka komportableng gawin

Maevis:

No, it's okay, you can call now.

•••

Napabuntong-hininga ako saka nagsalita. "Maeve?" tawag ko sa kaniya sa kabilang linya.

Hindi ako nakipag-video call dahil baka hindi siya maging komportable na kausapin ako, mas okay na 'yong call na lang para mas magkaintindihan kaming dalawa.

"Hmm? Why? What's the problem?" mahinahong tanong niya.

Simpleng tanong, napakaiksing mga salita pero napakalambing at sarap pakinggan kapag galing sa kaniya, hulog na hulog talaga ako sa kaniya na kahit simpleng pagsasalita niya lang ay kinikilig na kaagad ako at halos tumalon na ang puso ko. Siguro kasi ito iyong unang beses na narinig ko na sa malapit kahit sa call lang ang boses niya.

"Sabi ng isang tita ko na kapatid ng papa ko, lumalaban daw si Lola Wilma, nag-video call kami kanina kay Lola, pero alam mo 'yon? Kahit nakikita naming lumalaban siya, parang pagod na rin siya, e. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya," panimula ko, nagsimula na ring mamuo ang luha sa mga mata ko.

I heard her heaved a sigh. "Pero lumalaban siya, 'di ba? Ibig sabihin lang noon ay gusto niya pa kayong makasama, gusto niya pang makapag-spend kayo ng mas maraming oras para sa isa't isa, dahil kung talagang ayaw na niya at pagod na siya ay hindi na siya lalaban pa," aniya kaya mas lalong bumagsak ang mga luha ko.

"Hindi ko siya kayang mawala, Maeve..." umiiyak na wika ko, kasunod noon ay ang mahihina at pigil kong hikbi.

"Hindi siya mawawala, Wallace. She's fighting, right? Let's pray for her, samahan din natin siyang lumaban dahil sigurado akong ang mga taong pinagkukuhanan niya ng lakas ngayong nahihirapan siya ay ang mga taong mahal niya sa buhay." Para akong niyayakap ng mahinahon at kalmadong boses niya.

Pinunasan ko ang luha ko saka nagsalita. "Yeah, thank you, Maeve. Your presence is more than enough for me, but thank you for listening too," sagot ko saka napabuga ng isang malalim na hininga.

Kahit papaano ay gumaan naman na ulit ang pakiramdam ko, sapat na ang presensya ni Maeve pero hinigitan niya pa 'yon sa pakikinig niya sa akin.

"You're welcome, you can run to me anytime, I will always be here for you."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin ako sa kaniya na ibababa na ang tawag dahil narinig kong tinawag siya ng kapatid niya, baka mamaya ay may gagawin o ginagawa talaga siya pero pumayag siyang tumawag ako.

Napatayo ako sa kama ko nang marinig kong kumatok siya mama. Binuksan niya ang kuwarto ko at may pang-aasar sa mga mata, nang-aasar din ang ngiti na nakapaskil sa mga labi niya kaya mabilis akong nagtaka.

"Bakit ganiyan ang mukha mo, Ma? Ano'ng meron?" tanong ko saka bumaba sa kama ko at lumapit sa kaniya.

Pintik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon. "'Yong crush mo ay nandoon sa baba! Ikaw, anong oras na, ha! Dapat hindi mo na siya pinapunta rito, nag-abala pa tuloy siyang dalhan tayo ng ulam," aniya saka napailing sa akin kaya kumunot ang noo ko.

Crush ko? Si Maeve lang naman ang crush ko, at katatapos lang naming mag-usap na dalawa kaya ano naman ang ginagawa niya rito ngayon? Malapit nang mag-alas-tres, baka gabihin pa siya rito.

Mabilis akong lumabas sa kuwarto ko at tumakbo pababa, pero gano'n na lang ang gulat ko nang hindi naman si Maeve ang maabutan ko roon. It was Piper, nakaupo ito sa sofa habang busy sa kaniya sa pakikipag-usap ang kapatid ko na para bang close na close silang dalawa.

"Piper..." mahinang sambit ko nang makababa na.

Hindi ako makapaniwalang siya ang kaharap ko ngayon dahil ibang-iba ang hitsura niya sa mga pictures niya sa Facebook niya at sa personal. I mean, she looks beautiful there, but she looks a lot more beautiful in person.

"Ano ang ginagawa mo rito? Hindi safe ang masyadong paglabas-labas ngayon," wika ko saka naupo sa isa pang sofa na katapat ng inuupuan niya.

Mahinang natawa siya. "Nandiyan lang ako sa pang-apat ng bahay mula rito sa inyo kaya hindi ko naman kakailanganing bumiyahe pa," sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

So all this time napakalapit niya lang pala?

"Noong nag-start ang COVID natapos ang pagpapaayos ng bahay namin dito so basically ay kalilipat lang namin," aniya at tila nabasa ang tanong na nasa isip ko.

Nagkumustahan lang kaming dalawa at nag-usap tungkol sa mga naging ganap sa buhay namin sa ilang taong nagkahiwalay sa kaming dalawa, nang sumapit ang alas-tres ng hapon ay naghanda si mama ng meryenda.

We were busy talking when my phone vibrated. Nakatanggap ako ng isang message galing kay Maeve kaya mabilis ko iyong sineen.

•••

Messenger

Maevis Dawn Austria

Today, 3:07 PM

Maevis:

Ace, I made something for you :)

Wallace:

uy, wat is dat? (⁠ ⁠╹⁠▽⁠╹⁠ ⁠) baka bahay at lupa yan, nakakahiya naman, nag-abala ka pa
(😆)

Maevis:

Siyempre hindi 'no! Hindi ko pa 'yon afford, at isa pa, masyado pang maaga para maghanda sa future nating dalawa
(😳)

Wallace:

ikaw, ha! humuhugot ka na rin, baka lalo akong ma-fall niya, mahirapan kang saluhin ako 😊

ay, kahit hindi mo naman ako saluhin okay lang e, isasabay na lang kita sa pagkahulog ka para mahulog ka rin sa akin 😁

Maevis:

Matagal na akong nahulog.
(😳)

Wallace:

ihh, pa'no kita sasaluhin e nahulog na rin ako??? 😅

Maevis:

Ewan ko sa 'yo, I'll send you something later, before 12:00 AM, maybe around 11:30

Wallace:

okie okie, Dawncakes ko 🫂

ako last chat
(❤️)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top