52
Messenger
Maevis Dawn Austria
Today, 8:00 AM
Maevis:
Ace, I need your help
Wallace:
help? bakit? may nangyari ba? i-send mo sa akin ang location mo at nang mapuntahan na kita ngayon din 🏃🏻♀️
(😆)
bakit ka tumatawa??? kinakabahan ako, Maeve, ano ba yan 🤨
Maevis:
I need your help sa genmath, may hindi lang ako naintindihan kahapon kaya magpapatulong ako 😁
Wallace:
ay akala ko naman kung ano na, e! sige, i-send mo sa akin lahat ng hindi mo naintindihan para mag-video ako ng explanation kung paano
Maevis:
Hindi ka ba busy? If you're busy right now, it's okay :>
Wallace:
nukaba! basta ikaw palagi akong may free time, I'll always make time for you, Dawn 😉
Maevis:
Okay... I'll send it to you later, may gagawin lang ako sandali 😉
Wallace:
okie okie, ako na last chat
(❤️)
•••
Napabuntong-hininga ako saka kumuha ng isang white board at marker pati eraser saka inilagay ang cell phone ko sa phone holder na nasa ibabaw ng study table ko. Gagawa kasi ako ng video para i-explain kay Maeve iyong hindi niya naintindihan sa genmath namin.
Siniguro ko pang maayos ang hitsura ko bago pinindot iyong pulang button sa phone ko. Bumuntong-hininga muna ako bago ngumiti sa camera at kumaway.
"Hi, Maeve! Ito 'yong video explanation ng hindi mo maintindihan sa genmath, medyo hindi ako magaling sa explanation pero gagawin ko lahat para maintindihan mo," panimula ko saka ngumiti at nagsimulang magsulat sa white board na hawak ko.
Nang matapos ako sa video ay ngumiti lang ako at sinabing kapag may hindi pa siya maintindihan ay sabihin niya lang sa akin para ma-explain ko sa kaniya. Pinanood ko muna 'yong video para makita kung maayos ba ang pagkakapaliwanag ko saka iyon in-edit.
Busy ako sa pag-e-edit ng video na ise-send ko kay Maeve nang bigla na lang kumatok sa pinto ng kuwarto ko si papa. Pinapasok ko siya na ginawa naman niya.
"Nak," tawag niya sa akin kaya kumunot ang noo ko, parang malungkot kasi ang tono niya.
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kaniya. "Pa, bakit po? May problema ba?" tanong ko pero imbes na sagutin ay niyakap niya lang ako.
Namuo ang luha sa mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko magawang tanggapin ang sinasabi niya, hindi ko magawang ipasok 'yon sa isip ko.
"Positive sa COVID ang Lola Wilma mo, nasa ospital siya ngayon," aniya saka humiwalay ng yakap sa akin.
"K-Kumusta si Lola Wilma?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kaniya.
Namumuo ang luha sa mga matang tiningnan niya ako. "Critical siya ngayon, at ang magagawa na lang natin ay ang ipagdasal na sana maging maayos siya," aniya saka nagpaalam na lalabas na sa kuwarto ko.
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko saka ako kusang napaupo sa kama ko. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako. My heart feels so heavy, I cannot imagine my grandmother's pain right now, I know she's having a hard time fighting, matanda na si Lola Wilma, pero may tiwala ako sa kaniya dahil alam kong malakas siya.
Kung kailangan kong paulit-ulit na magdasal para lang gumaling siya ay gagawin ko, ang Lola Wilma ko ang minsang tumayong magulang ko kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa amin, na sana ay hindi naman mangyari.
Nakatulala ako sa kisame nang magising ako nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Sunod-sunod ang messages na natanggap ko galing kay Maeve na sineen ko naman kaagad.
•••
Messenger
Maevis Dawn Austria
Today, 3:43 PM
Maevis:
Hi, Ace! Napag-isipan ko na 'yong tanong mo. Medyo matagal bago ko naisip ang isasagot ko sa 'yo, pero may napagdesisyunan na ako.
Pumapayag akong ligawan mo ako, Ace.
I know it's too fast, or it's too early. I've been thinking about this ever since you asked me, I've thought about this carefully. And I'm sure with my decision.
Yes, Zacharius Wallace Javier, you can court me.
Wallace:
Maeve, naman e :(( pinapaiyak mo naman ulit ako.
thank you for giving me a chance, Maeve. I promise you that I will never waste this chance. Thank you, Maeve.
Maevis:
Wait, what do you mean by "pinapaiyak mo naman ako ulit" ??? What happened, Wallace?
It's okay if you're not comfortable to tell me, you don't have to force yourself.
Wallace:
kaya ko naman sabihin, mas komportable ako kung ikaw ang mapagsasabihan ko nito ngayon.
critical ang condition ng lola ko sa ospital, e, nalaman ko lang kanina kaya iyak ako nang iyak hanggang sa makatulog ako
positive siya sa covid, nung nalaman ko yon parang nanghina ako, hindi ko kayang i-sink in sa utak ko e
Maevis:
Hmm... don't worry, I know your grandmother is a strong woman, sigurado akong gagaling siya, I'll pray for her fast recovery.
Huwag ka nang umiyak, magiging okay rin siya, hmm? Nandito lang ako.
Wallace:
thank you, Maeve. Ikaw rin, kapag may problema ka, palagi akong nandito.
siya nga pala, ise-send ko yung video ng explanation ko about sa hindi mo maintindihan sa lesson natin :>
edit ko lang, ssob
Maevis:
Kahit hindi naman na, but thank you!!
Tumahan ka na, kung kailangan mo ng kausap, anytime puwede ako. Don't be shy to talk to me :>
Wallace:
wait, lalo akong nahuhulog sayo
Maevis:
Mahulog ka lang, I'm more than willing to catch you.
(😳)
Wallace:
basta talaga sayo, paulit-ulit na nahuhulog puso ko.
(😆)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top