50

Messenger

Zacharius Wallace Javier

Today, 10:48 PM

Maevis:

Hi! May itatanong lang ako, gusto ko lang malinawan, Ace, naguguluhan kasi ngayon, e, kaya gusto ko ng clarification from you.

Wallace:

clarification about what, Dawn ko???

ay hala, wala yung "ko" napindot, hehehehe

pero about saan ba yan? lilinawin ko para hindi ka na maguluhan at para matulog ka na, late na, hindi maganda ang nagpupuyat.

Maevis:

Do you really like me? Bakit ako? Bakit ako ang nagustuhan mo? Ano ba ang mayroon sa akin na hindi mo nakita o nakikita sa iba?

Wallace:

gusto mo ba talagang sagutin ko ang mga tanong mong yan? sige, wait mahaba-haba 'to

marami ang mayroon ka na hindi ko pa kahit kailan nakikita o nakita sa iba, ang gandang taglay mo ay namumukod-tangi sa iba kong nakita, ang boses mo ang lambing sa tainga na parang isang musika.

ang pagiging morena mo ang mas nakapagpadagdag sa gandang taglay mo, ngiti mong hindi nakakasawang titigan, nagpapasaya sa akin tuwing aking nasisilayan.

napakaraming dahilan para magustuhan kita, Maeve, pero hindi lang dahil sa mga dahilang iyon kaya kita nagustuhan. nagustuhan kita bilang ikaw, bilang si Maevis Dawn Austria.

noong una pa lang kitang makita, maniwala ka man sa hindi, mabilis na tumibok kaagad ang puso ko, at mas nadagdagan pa 'yon nang masilayan ko ang matamis na ngiti mo. hindi lang kita gusto, Maeve, dahil mahal kita.

I've been admiring you from afar for years, now that I already had the chance to admit my feelings for you.

Isang tanong, isang sagot.

Puwede ba kitang ligawan, Maevis Dawn Austria?
seen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top