48

Messenger

Zacharius Wallace Javier

Today, 3:15 PM

Wallace:

hi, Maeve! kumain ka na ba ng meryenda? kung hindi mo kasi itatanong, ako kumain na 😊

wala, ina-update lang kita para naman alam mo ganap sa buhay ko 🥰

Maevis:

Yeah, katatapos ko lang din kumain ng meryenda.

You don't have to tell me everything, Zacharius, hindi ko naman kailangan malaman lahat ng galaw mo.

Wallace:

gus2 q pa ring malaman mo kasi gus2 q may assurance kang nararamdaman na ikaw lang 💓💓💓

Maevis:

Okay.

Wallace:

cold replies mo ngayon, galit ka ba sa akin? :((

hindi ko na talaga gusto si Piper, ikaw naman talaga laman ng heart and mind ko ngayon, e :D

ilang taon na kaya kita crush, pero siyempre hindi ko inamin kasi baka layuan mo ako

kineep ko ng ilang taon feelings ko sayo, ngayon lang lumakas loob ko kasi gus2 mo rin pala aq 😁

Maevis:

Desisyon lang? Pa'no mo naman nasabing gusto rin kita? Kailan mo pa nabasa ang laman ng isip ko?

Wallace:

hehehehe, hindi ko alam, basta alam ko gusto mo rin ako

Maevis:

Ewan ko sayo.
(😞)

•••

Wala sa sarili kong sinampal-sampal ang magkabilang pisngi ko nang maramdaman ko ang pag-iinit noon. Napailing na lang ako kasabay noon ay ang pagguhit ng ngiti sa labi ko.

"Ang ganda niya talaga 'no?" wala sa sariling sambit ng kapatid ko na ipinagtaka ko naman.

"Sino?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

Ipinaharap niya sa akin ang cell phone niya. "'Yan, si Ate Yzaleiya Piper Delos Santos," aniya na nagpatigil sa akin.

Kinuha ko ang cell phone niya at pinakatitigan iyong "Piper" na tinutukoy niya. Tama nga siya dahil napakaganda nga noon, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, mapupungay ang medyo singkit niyang mga mata, may pagkamanipis ang kilay niyang talaga namang bumagay sa kaniya. Manipis din ang natural na mapupula niyang mga labi.

"Paano mo ba 'to nakilala?" tanong ko sabay balik sa kaniya ng cell phone niya.

"Pinsan siya ng kaibigan ko, na-meet ko na siya noon, e. Kung maganda siya sa picture, mas maganda naman siya sa personal," aniya pa na hindi ko na sinagot pa.

Posible kayang ito rin iyong "Piper" na kaibigan ni Wallace? Kasi kung ito rin nga 'yon, hindi ko siya masisisi kung bakit nagkagusto siya rito, napakaganda nga talaga niyang babae. Pero ang sabi naman niya ay hindi na niya siya gusto, 'di ba? Siguro naman nagsasabi siya ng totoo, 'di ba? Siguro naman wala na talaga siyang feelings para kay Piper, 'di ba?

Sandali nga, bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba ako natatakot? Ano ba ang ikinakatakot ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top