35
"Zacharius! Bumaba ka nga riyan at kakain na!" sigaw ni mama dahilan para mabilis akong mapabalikawas ng tayo sa kama.
Pagbaba ko ng mga paa ko sa kama ay napahinto ako, para kasi akong may biglang nasipa sa ilalim. Kinuha ko 'yon at sandaling tinitigan. Isang box.
"Hindi na po ako kakain, Ma! Kumain na po ako kanina!" sagot pabalik saka umupo nang maayos sa kama ko at inilapag iyong box na nakuha ko.
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang maliit na picture frame at isang photo album, may laman pa 'yong kung ano-anong bagay pero iyong picture frame ang pinagtuunan ko ng pansin. It was a photo of me and a childhood friend of mine.
My best friend. Piper.
"Bakit ba kasi kailangan n'yo pang lumipat ng bahay?" tanong ko sabay punas ng luha.
Nagkibit-balikat ito. "'Yon kasi ang gusto ng parents ko, Ace... Pero pangako, babalik ako." Pilit siyang ngumiti sa akin at itinaas ang pinky finger niya.
Itinaas ko rin ang pinky finger ko at pinagkrus iyon sa kaniya. "Babalik ka, ha? Kapag bumalik ka, kakain tayo ulit ng ice cream 'tsaka manonood ng gusto mong palabas."
Tumango ito sa akin at niyakap ako, mabilis ko rin siyang niyakap pabalik at pilit na pinigilan ang luha ko sa pagbagsak.
"Ang tagal na rin pala simula noong huli nating pagkikita, kailan ka kaya babalik? Ilang taon na rin, Piper. Miss na miss na kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top