[3] So Unexpectedly

CHAPTER THREE

ITINAAS ni Rizly ang mahahabang binti sa round table at nag-unat ng mga kamay. She's watching her favorite morning talkshow na kay tagal din niyang hindi nasubaybayan.

"Ang sarap ng walang ginagawa!"

Kinuha niya ang Piattos na nasa kandungan at binuksan iyon at sininghot.

"Ang sarap ng roast beef!"

Kung pwede lang sanang ganoon na lang ang gawin niya araw-araw at kumikita siya roon pero mukhang malabo naman iyon. Hindi bale, lulubus-lubusin na lang niya ang mga sandaling nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto bago siya magpaalipin sa iba.

Biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa kaniyang tabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

Future BF calling...

Kagat-kagat ang mga labing sinagot niya iyon.

"Hey, what is it that you got for me?"

Tikhim ang una niyang narinig.

"Ano kasi, e... um, ikaw ang una kong naisip. There's this woman who likes me so much..." Tumikhim na naman ito. Nahalata niyang naiilang ito sa pagkukwento.

"O tapos?"

"I don't like her. You see, I'm still in love with my ex-girlfriend but I can't have her back. Kailangan kong idispatsa lahat ng mga babaeng umaaligid sa 'kin para patunayan na seryoso ako sa pakikipagbalikan sa kaniya."

"Oh, and let me guess. Gusto mong tulungan kitang dispatsahin ang mga babaeng 'yon, 'di ba?"

"Yes," pabuntong-hiningang sagot nito.

Pumalatak siya. "Kayong mga lalaki talaga. Sa tingin mo papayag akong makipagsabwatan sa'yo para lang makitang masaktan ang mga kabaro ko?"

"Naisip ko lang naman na ayoko silang umasa at lalong masaktan. I'm not the man for them."

"Huh, ang mga lalaking katulad mo talaga ang kailangan nang maglaho sa mundong 'to. Iba na lang ang ipagawa mo sa 'kin."

"Babayaran ko ang isang taon mong upa."

"Saan? Kailan? Ano'ng plano?" sunod-sunod na tanong niya.

Kung ganoon naman pala ang offer, aarte pa ba siya?

MULI NIYANG sinipat ang sarili sa salamin ng comfort room ng restaurant na iyon. She looked gorgeous in her black off-shoulder dress na umabot lang sa kalahati ng kaniyang hita. Itim din ang sapatos na suot niya na gawa na naman ng paborito niyang Pinay shoe designer na si Carmina Soler. Adik talaga siya sa sapatos. She doesn't mind kung galing sa ukay-ukay ang kaniyang mga damit pero hindi ang kaniyang sapatos.

Bumuntong-hininga siya. "Kaya mo 'yan, Rizly. Sa ngalan ng isang taong upa."

Humigpit ang kapit niya sa kaniyang sling bag at saka naglakad papunta sa table nina Luigi at ng kawawang biktima ng palabas nilang iyon.

Isang taong libreng upa, Rizly...

"I'm so sorry, Jewel. Maghanap ka na lang ng iba."

"Pero, Luigi!" Ginagap ng babae ang kamay ni Luigi. "I can make you forget her. I assure you, I'm better than her!"

Hindi alam ni Rizly kung maiinis o maaawa siya sa babae. Ano ba ang nakita nito sa kolokoy na si Luigi at ganito na lang ito magmakaawa?

"Hey, Love," pabuntong-hiningang tawag niya nang makalapit sa table ng mga ito.

Love? Saan ko kinuha 'yon?

Kung parte lang ng palabas nilang iyon ang pagkagulat ni Luigi nang makita siya, bumilib na siya sa acting skills nito.

"L-love." Napatayo ito.

"W-who are you?" tanong ng babae sa pagitan ng naluluhang mga mata.

"I'm his girlfriend and we're getting back together."

Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang pagtutok ng ilang mga customers sa kinaroroonan nila.

Hinapit siya ni Luigi sa beywang.

"Love, it's not what you think. I'm not cheating on you. Nag-uusap lang kami ni Jewel."

"Alam ko," sabi niya at binigyan ito kunwari ng 'understanding' na ngiti. "Alam kong mahal mo talaga ako. At alam mo rin na mahal kita."

Bigla na lang nagwala ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Hindi pwede iyon. Bakit naman ganoon?

Rizly, mag-concentrate ka sa script, sermon niya sa sarili.

She reached for his face with slightly trembling hands.

"Hindi ka galit?" naninigurado pang tanong ni Luigi.

Papaano akong magagalit e makikinabang ako nang malaki rito, hayop ka!

Matamis niya itong nginitian at umiling.

"I love you." She pulled his face and claimed his lips.

Halata sa hindi agad pagkilos ni Luigi na nabigla ito sa ginawa niya. Siya rin naman, e. At hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. She found his eyes hypnotizing and his lips tempting, that's all!

Pero hindi rin naman nagtagal ay lalo siyang hinapit ni Luigi palapit sa katawan nito at gumalaw ang mga labi nito. Dahil sa pagkabigla ay napaawang ang kaniyang mga labi na sinamantala naman nito. He thrust his tongue inside her mouth and started exploring. She closed her eyes. Humawak siya sa mga balikat nito upang hindi siya mabuwal. Goodness! Bakit parang nahihigop ang lakas niya?

She moaned softly. She had never felt that kind of kiss before!

Kung hindi pa niya narinig ang marahas na paggalaw ng upuan at ang mabibilis na mga yabag palayo ay hindi pa siya matatauhan.

Ilang sandali rin silang nagtitigan ni Luigi bago niya naisipang maupo dahil sa panginginig ng kaniyang mga tuhod.

Dinampot niya ang wine glass na may tubig at ininom iyon. Hindi pa rin humuhupa ang tila paghahabulan ni Tom and Jerry sa kaniyang dibdib.

Napabuga siya ng hangin. Pahamak na halik iyon. Kamuntikan na niyang makalimutan ang nasa paligid niya.

"Okay ka na ba?" nananantiyang tanong sa kaniya ni Luigi pagkuwan.

Tumayo siya at agad ding napahawak sa mesa ng kamuntikan na siyang ma-out-of-balance.

"Tapos na ang trabaho ko rito."

Mabilis din itong tumayo. "Sasamahan na kita."

Hindi na siya tumutol pa. Hinawakan siya ni Luigi sa siko bilang pag-alalay. Napakislot siya pero hindi siya pumiksi. She liked the warmth coming from his touch.

Hanggang sa labas ng restaurant ay wala silang kibuan.

"Nasaan ang kotse mo?" basag nito sa katahimikan.

"I... um, hindi ko dala ang kotse ko."

Ang plano kasi niya ay sadyang iwan ang kotse niya para may rason siyang magpahatid kay Luigi at matagal niya itong makasama. Hindi naman niya inakalang hindi aayon ang lahat sa plano niya.

Lumapit ito sa isang nakaparadang sasakyan sa kaliwa nito.

"Sumakay ka na kung gano'n."

Tahimik siyang sumunod. Ang akala niya ay ihahatid na agad siya nito pauwi pero huminto sila sa isang restaurant na malapit sa park na hindi kalayuan sa bahay niya.

"I supposed hindi ka pa naghahapunan."

"I'm fine," tipid na tugon niya.

Huminga muli siya nang malalim. She can feel her heart becoming normal again.

Ganyan nga, Rizly. Ibalik mo ang poise mo. Kayang-kaya mo 'yan.

"Whew," pabuntong-hiningang anas niya at pagkuwan ay ngumiti nang matamis. "Ilan pa sila?"

"Sinong sila?" maang na tanong ni Luigi.

"Ang mga natirang umaaligid sa'yo na kailangan mong dispatsahin."

"Labing-isa?"

Hindi napigilang tumaas ng kilay niya. "Labing-isa, ha. At hindi ka sigurado kung saktong bilang na 'yon. Ibang klase."

"Ano'ng magagawa ko kung gwapo talaga ako?"

"Yabang mo rin, Tsong. Ikaw na, o," pakli niya saka ito inirapan at nangalumbaba.

Sa wakas ay may lumapit na waiter at hinayaan na niya si Luigi na makipag-usap dito.

Nakagat niya ang ibabang labi.

My gosh, ang sarap pala niyang humalik.

HABANG naghihintay sila sa pagdating ng kanilang order ay wala sa loob na nayakap niya ang sarili. Sa lahat naman ng makakalimutan niya ay bakit ang jacket pa niya. Madali pa naman siyang lamigin.

"Aalis muna ako, babalik ako kaagad," sabi ni Luigi sa kaniya.

Tumango lang siya dahil alam na niyang sa CR lang naman ito pupunta.

"Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagsuot ako ng ganito?" sermon niya sa sarili at tinampal ang kaniyang noo.

"O, 'ayan. Para 'di ka lamigin."

Napaigtad siya nang marinig ilang sandali pa ang boses ni Luigi sa kaniyang likuran kasabay ng paglalagay nito ng kung anong makapal na bagay sa kaniyang balikat.

Nang tingnan niya ay hindi siya makapaniwalang jacket pala iyon na kulay itim.

Bumalik na ito sa upuan nito.

"Baka isipin mong wala akong kwentang ka-date kasi pinapabayaan kita. Hindi ako gano'n, ha."

"Wala naman akong sinasabi, a? Defensive ka masyado, 'no?"

"You're welcome."

"Thank you!"

"TUMUPAD ka sa usapan, ha? Kung hindi, aba'y magtago ka na," nakaturong aniya kay Luigi nang nakatayo na sila sa labas ng gate ng bahay niya.

Pinalis naman nito ang kamay niya.

"Oo na. Hindi kita tatakbuhan."

"Tsaka 'yong trabaho. Kailangan na kailangan ko na 'yon ngayong linggo. Ayokong maging kawawa 'tong beauty ko, 'no."

"Ang dami mo pang sinasabi, e. Tatandaan ko nga," tila nakukulitang ani Luigi sa kaniya.

Ngumiti na naman siya nang matamis. "Good! Hindi ba mas maganda kung ang mundo ay may pagkakaunawaan?" Hinubad na niya ang jacket at ibinigay rito. "Maraming salamat ulit para rito."

Kinuha nga ni Luigi ang jacket pero iyon ay para isampay lang muli sa balikat niya. Dahil doon ay nag-tumbling na naman ang puso niya.

"Sa'yo na muna 'yan. Next time mo na lang isauli. Siguraduhin mo lang na nalabhan."

Iningusan niya ito. "Ginawa pang labandera ang beauty ko. Umuwi ka na nga nang makapagpahinga ka na. Okay na 'ko. Salamat ulit. Bye! Good night!"

"Good night."

Binuksan na niya ang gate at tuloy-tuloy na pumasok hanggang sa kwarto niya. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Pinanood niya si Luigi na sumakay ng kotse nito saka humarurot palayo.

Napangiti siya at nakapa ang kaniyang mga labi. Hinding-hindi talaga niya makakalimutan ang gabing iyon, tiyak niya.

Hinubad niya ang jacket at sininghot ang amoy niyon. Ang bango. Lalaking-lalaki. Napahagikhik siya na parang baliw.

SA KABILA ng haba ng biniyahe ni Jeron ay hindi napigilang bumilib ni Rizly sa kagustuhan nitong makita na agad ang pinsan niya. Nakipagkita siya rito sa isang restaurant kasama si Luigi pagkagaling na pagkagaling nito sa airport.

"Alam mo, maiintindihan ko kung ipagpaliban mo na muna sa susunod na araw ang pagsunod kay Staergen," sabi niya. "Sa kabilang panig ng daigdig ka pa nanggaling, 'di ba? Kailangan mong mag-ipon ng lakas."

Napahilamos ang half-Chinese basketball player na naging habit na nila ni Staergen na subaybayan sa mga laro nito.

"Ayokong magsayang ng panahon. Paano kung hindi pa 'ko kumilos ngayon at mawala na nga siya sa 'kin habang-buhay?" sabi nito sa malungkot na tinig.

"Hindi mangyayari 'yon, 'no. Wala ka bang tiwala sa pagmamahal ni Staergen sa'yo?"

"Bakit hindi mo pwedeng sabihin ang pinagdadaanan ni Staergen para maintindihan ko na ngayon pa lang?"

Kinuha niya ang juice at uminom sa straw niyon.

"Wala ako sa posisyon. At hindi sa sitwasyon mong 'yan. Sa totoo lang, wala dapat ako ngayon dito kasi nangako ako kay Staergen na hindi ko sasabihin kahit na kanino ang plano niya. Pero dahil sa tingin ko mali ang paglayo niya at gusto kong sumaya siya, sumira ako sa usapan namin."

"I'm afraid I have to agree with her," sabi naman ni Luigi at sinulyapan siya.

Pumalakpak tuloy ang tenga niya.

Dismayadong napailing si Jeron saka yumuko sa mesa at umunan sa mga braso nito.

Parang hinahaplos ang puso niya. May iba pa bang katulad nitong nabubuhay sa mundo na totoo kung magmahal?

Ilang sandali pa ay narinig nila ang paghilik nito.

"Ay, hala."

"KAPAG hindi nagkatuluyan sina Staergen at Jeron, hindi na lang din ako maniniwala sa tunay na pag-ibig," wika niya habang sakay na sila ng kotse ni Luigi.

Katatapos lang nilang ihatid sa bahay ng mga ito ang kawawang si Jeron.

"Magkakatuluyan 'yong dalawang 'yon, magtiwala ka lang," puno ng kumpiyansang sabi naman ni Luigi.

"Aba dapat lang! Para love life ko naman ang aasikasuhin ko. Hindi ko naman pinangarap na maging single habang-buhay, 'no. Sayang naman 'tong ganda ko."

Then a bright idea flashed her mind. Bahagya siyang tumagilid sa kinauupuan at nginisihan nang makahulugan si Luigi.

"Ano'ng ibig sabihin ng ngiting 'yan?" salubong ang kilay na tanong nito nang sulyapan siya.

"Kailan nga nagsimula ang friendship niyo ni Jeron?"

"Ever since freshman in college."

"At naglalaro na siya ng basketball no'n, tama?"

"Obviously."

"Ibig sabihin marami ka ring mga kaibigang basketball player na nasa PBA na rin ngayon?"

"Of course." Ang kilay nito ay isang linya na lang.

"Pwede mo ba 'kong ipakilala sa kanila? 'Yong single lang at open sa pakikipag-date. 'Yong mabait katulad ni Jeron. Okay lang kahit hindi na chinito basta matangkad lang."

"Ano?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Ang usapan natin, ihahanap lang kita ng trabaho. Hindi ko na problema ang love life mo, 'no."

Napanguso siya. "Hindi naman 'yon kondisyon kundi isang pabor." Napaayos siya ng upo at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib.

"E ba't kailangang nakasimangot?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Sino kaya sa kanilang dalawa ang naunang sumimangot?

"Kasi hindi ako sanay na may katabing pangit!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top