[2] So Unexpectedly
CHAPTER TWO
KAHIT na wala pang isang oras na nakaalis si Luigi ay natutukso na si Rizly na tawagan ito.
Luis Geronimo dela Vega pala ang buong pangalan nito.
"In fairness, kahit na mapanghing pakinggan, bumawi naman siya sa itsura," aniya habang nakapangalumbaba sa mesa ng kusina. Pumalatak siya at itinabi ang calling card. "Sana pala sinamahan ko na lang si Staergen nang hindi ako ang nabubwisit ng gwapong kolokoy na 'yon."
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang jeans at tinawagan ang pinsan.
"Hello, Rizly?"
Imbes nga lang na si Staergen ang sumagot ay si Tita Stella niya ang kanyang nabosesan.
Napa-adjust siya sa kanyang upuan.
"Tita, kumusta na si Gen-gen?"
Bumuntong-hininga ito. "Nagpapahinga pa rin sa kwarto niya hanggang ngayon."
"Alam niyo na po ba?"
"Oo naman. Hindi naman makakapaglihim ang batang 'yon nang matagal. Totoo bang nasa Amerika pa ang ama ng dinadala niya?"
"Opo, Tita. Alam kong mahirap paniwalaan pero nanggaling sila sa magkabilang mundo."
"Naiintindihan ko kung bakit mas pinili na lang niyang lumayo pero naniniwala akong matatauhan din siya."
"Sa tingin ko, Tita, kailangang malaman na ito ni Jeron."
Saglit na tumahimik sa kabilang linya.
"Tulungan mo ang pinsan mo, Rizly," pagkuwan ay wika ni Tita Stella. "Parang magkapatid na ang turingan ninyo, 'di ba? Ikaw lang ang maaasahan niya."
Huminga siya nang malalim.
"Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para kay Staergen kahit na magalit pa siya sa akin."
"Maraming salamat, Rizly."
HUMINGA siya nang malalim nang sa wakas ay may sumagot na rin sa kabilang linya.
"Hello?" came Luigi's sexy, lazy voice.
Alas otso na ng umaga pero kakagising pa lamang nito? Naku, hindi uobra sa kanya ang pagiging batugan nito kapag naging boyfriend na niya ito.
"Gusto ko lang klaruhin kung ito ba si Luis Geronimo dela Vega?"
"I told you it's 'Luigi'."
Pinigilan niya ang mapabungisngis. Mabuti naman at hindi na niya kailangang magpakilala rito.
"Binasa ko lang ang nakasulat dito sa ibinigay mo. Well, though hindi naman kita masisisi kung mas gusto mong gamitin ang palayaw mo na mas taong pakinggan."
"Iniinsulto mo ba ang buong pangalan ko?" may bahid ng pagkairitang tanong nito.
"'Yong pangalan mong mapanghi? Hindi."
Ang lakas mo rin naman kasing mang-alaska, hija, anang isang bahagi ng utak niya.
He yawned. "Nakapagdesisyon ka na ba?"
"Sort of."
"So makikipagtulungan ka na sa 'kin?"
"Sa isang kondisyon."
"You wanted something in return? Fine. Kung kapalit ba naman ng cooperation mo, e." May bahid ng excitement sa boses nito.
"Yeah. I want a boyfriend. Available ka?" sabi niya at tumawa nang nakakaloko.
"Magkita tayo mamaya. Maliligo na 'ko," sa halip ay sabi nito.
"Okay," pakantang sabi niya at malapad ang ngiting ibinaba ang cellphone.
LUIGI looked so adorable and boyish habang papalapit siya sa pandalawahang mesang kinaroroonan nito. Hindi niya alam kung ano ang tinitingnan nito mula sa glass wall dahil naka-side view ito.
Sa pagkakatanda niya, may kalahating-taon pa lang na nagtatrabaho ang pinsan niya sa T-shirt printing business nito. Sa birthday party rin nito unang nagkakilala sina Staergen at Jeron kaya masasabi niyang saksi ang Luigi na ito sa pagmamahalan ng pinsan niya at ng kaibigan nito.
Tumayo ito nang magawi ang mga mata nito sa direksiyon niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paghagod nito sa kaniyang kabuuan.
Kungsabagay, hindi lang naman ito ang nag-iisang tumingin sa kaniya nang ganoon pagkapasok pa lang niya sa restaurant. She's wearing a white tube under her white see-through blouse. Pinaresan niya iyon ng black skinny jeans at itim na Carmina Soler sandals.
She looked at her fancy watch. Akalain niyang eighty pesos lang niyang nabili iyon nang mamasyal sila ni Staergen sa mall noong isang buwan?
"I believe I'm on time."
"Good morning."
Lihim niyang ikinagulat nang pinaghila siya nito ng silya sa tapat nito.
"Thank you," mahinang sabi niya nang maupo.
"Inistorbo mo ang tulog kaya siguraduhin mo lang na hindi masasayang ang oras ko."
Hindi na naman niya mapigilan ang magtaray.
"Inistorbo ang tulog mo? Alam mo bang sinadya kong eight AM ka tawagan kasi iniisip kong business hours na 'yon? Talo mo pa ang call center agent, a?"
"I can do whatever I want. Boss ako, e," mayabang na sabi naman nito.
She rolled her eyeballs. Bigla namang ngumisi si Luigi.
"Just kidding."
"Naghahanap ako ng bagong trabaho."
Nag-dekwatro ito. "And?"
"Bigyan mo 'ko."
"Huh? Bakit naman ako ang hinihingan mo?"
"Kasi 'yon lang ang tanging kondisyon para sabihin ko kung saan nagpunta ang pinsan ko. Magagalit tiyak si Staergen sa akin kapag ginawa ko 'to kasi nangako ako sa kanyang walang ibang makakaalam. Pero sabi mo nga, nag-aalala si Jeron sa kaniya kaya titiisin ko na lang ang galit ng pinsan ko. Kaya kailangan mo 'kong bigyan ng trabaho bilang pakonswelo ko sa sarili ko."
Nagsalubong na naman ang mga kilay nito. Nang bumuka ang bibig nito ay itinaas niya ang kanyang palad.
"Yeah. Inaamin ko namang oportunista ako talaga."
Mukhang hindi nito alam kung paano siya susupalpalin kaya napailing na lang ito. Sakto namang may lumapit na dalawang waiter sa mesa nila at naglapag ng mga pagkain.
Lihim siyang na-impress. Thoughtful din naman pala ito kahit papaano. At mukhang hindi basta-basta ang presyo ng mga pagkain sa restaurant na iyon.
Nangalumbaba siya at kunwari ay sinuri ang mushroom pasta.
"Sana pala sa fast food na lang tayo nag-meet," komento niya. "I don't think mabubusog ako nito."
"Kumpara sa fast food, hindi hamak naman na mas masustansiya 'yan. Health is wealth. Ikaw rin," ani Luigi at nagkibit-balikat.
She winced. Daig pa nito ang Nanay niya.
"Palibhasa, hindi mo naranasang magtipid para lang magkasya kung anong meron ka," bulong niya.
"Kung may gusto kang sabihin, lakasan mo ang boses mo," anito.
"Sabi ko ang gwapo mo, ba't ngayon lang tayo nagkausap nang ganito?" sarkastikong sabi niya rito.
Imbes na patulan siya ay kumain na lang ito. Cool din ang nature ng isang ito. Kinuha naman niya ang garlic bread at kinagatan.
"Nasa probinsiya lang si Staergen, doon sa mga magulang niya," pagkuwa'y sabi niya sa kaswal na tono.
"Ano ba ang pinag-awayan nila ni Jeron?" tanong naman nito.
"Well, tikom ang bibig ko sa bagay na 'yan. Ang alam ko lang, kung hindi lalayuan ni Staergen si Jeron, malaki ang posibilidad na masira ang pangarap n'ong kaibigan mong 'yon. At ayaw mangyari ng pinsan ko 'yon."
"I don't understand."
"As expected."
Nangunot ang noo ni Luigi.
"Anong klaseng sagot 'yan?"
"Love matters are not a guy's thing," aniya at isinubo ang natirang garlic bread. "Naranasan mo na bang ma-in love?"
"Oo naman."
"Pero hindi ang pinagdadaanan ng dalawang 'yon kaya malamang hindi mo pa rin maintindihan."
"Bakit? Ikaw ba na-in love na?"
"Hindi pa. Pero tingin ko malapit na. Alam mo kasi, may mga pagkakataon sa buhay ng tao na lahat ng makabubuti para sa mga mahal natin ay gagawin natin kahit pa ang pagsasakripisyo. Gano'n ang drama ng pinsan ko."
Gosh, pwede na akong magsulat ng libro.
"Pero hindi ba pwedeng hindi bale na lang na hindi mangyari ang makabubuti do'n sa taong mahal mo basta't makasama ka lang niya?"
"Pero ayaw naman ng taong 'yon na may pagsisihan ang mahal niya sa bandang huli."
"Pa'no pala kung ang pagsasakripisyo niyang 'yon ang pagsisihan ng taong mahal niya?"
"E di..." Ano na ba ang sasabihin niya? "Ewan. Magsama sila." Sumubo siya nang malaki sa pasta at nangalahati na agad ang nasa plato niya.
"Minamadali na ni Jeron ang pag-uwi niya," sabi na lang ni Luigi matapos uminom sa juice nito.
"Naku, sabihin mo bilisan pa niya dahil may isang taong handang saluhin si Staergen."
"At sino naman ang taong 'yon?"
"Si Elson, 'yong ex niya."
"May ex din naman si Jeron, a?"
Saglit na umasim ang mukha niya.
"'Yong cookie monster na kasing payat ng kawayan? Huh, akala mo kung sinong maganda e halata naman na cleavage ko pa lang 'yong dibdib niya."
Nahuli niya si Luigi na napasulyap sa kanyang dibdib. Ang bibig talaga niyang walang kimi kung minsan.
Kumuha na lang siya ng sign pen sa kanyang pink na sling bag at sinulatan ang tissue sa mesa.
"Address niya 'yan sa probinsiya," sabi niya nang iabot iyon kay Luigi. "Basta, pakisabi riyan sa kaibigan mo na 'wag muna siyang magalit kay Staergen at intindihin muna ang pinsan ko. Hindi naman niya 'yon ginawa para lang saktan si Jeron, e. Masakit din sa kaniya ang nangyari... lalo na sa kondisyon niya ngayon."
"Bakit? Ano ba'ng kondisyon ni Staergen ngayon?" tanong nito nang itago ang tissue sa wallet nito.
"E di heartbroken nga!" Sinimot niya ang natitira sa kaniyang plato. Talaga ngang mas mabuti pang sa isang fast food na lang sila nito nagkita.
"Gusto mo pa?"
"Hindi na. Pa-order na lang ng tubig."
Agad naman itong sumenyas ng waiter.
IN FAIRNESS naman dito kay Luigi, sinamahan pa siya nito hanggang sa kotse niya.
"Ngayon ko lang napansin na parehong-pareho kayo ng sasakyan ni Jeron."
Ikinumpas niya ang kamay.
"Segunda mano lang 'to, 'no. Actually, malaki ang utang-na-loob ng dalawang 'yon dito sa kotseng 'to. Kung hindi kasi napagkamalan ni Staergen na sa akin ang sasakyan ni Jeron, hindi sana sila magiging friends. Bongga, 'di ba?"
Simula nang magkrus ang mga landas nila ay nakita rin ni Rizly na ngumiti si Luigi sa pangalawang pagkakataon.
Sabi ko na nga ba may igugwapo ka pa, e, saloob niya.
Nginitian din niya ito nang matamis.
"Kailangan ko talaga ng bagong trabaho, Luigi. I'll wait for your call this week."
Tingnan lang niya kung makaangal pa ito sa paraan ng pagbitaw niya ng huli niyang sinabi.
Luigi opened the car door for her.
"Sana pala sa DOLE ka nagpunta."
Sumakay naman siya.
"Ang usapan ay usapan. Pero mas umaasa akong magiging maganda ang resulta ng pag-uusap nating 'to. Parang kapatid ko na si Gen-gen at hindi ako sanay na malungkot siya."
Isinara na nito ang pintuan ng kotse niya.
"Ako rin naman kay Jeron, e. I'm sure he'll be happy with the good news. Ingat ka."
"Yeah. Ikaw rin."
NAKAKAMANGHANG magaan na magaan ang kanyang pakiramdam nang makauwi siya.
"'Oy, Gen-gen! Buti naman at nakausap din kita," sabi niya sa pinsan na nasa kabilang linya.
"E sa ngayon lang ako ginanahang bumangon, e. Bakit ba?" pabirong sabi naman ni Staergen kahit na halatang kulang sa sigla ang boses nito.
"Nami-miss na kita, Gen! Hindi na ako sanay sa katahimikan sa bahay," sabi niya kasabay ng pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"Ang OA naman. Ilang araw pa lang naman akong wala riyan."
"Hindi mo man lang ako na-miss? Grabe ka. Ang sama mong pinsan!"
"Naku, ang OA mo nga."
Natawa na lang siya at pinahid ang kaniyang mga mata.
"OA naman talaga ako sa kagandahan, 'di ba? Duh." Kumuha siya ng tasa sa cupboard dahil balak niyang magtimpla ng kape.
"Oo nga, e. Sana pala kagandahan mo na lang ang namana ko at hindi ang saltik sa ulo."
Natawa siya nang pumalatak ito.
"Kumusta naman ang pinagkakabaalahan mo ngayon diyan?"
"Kasisimula ko pa lang sa restaurant ni Elson. Masaya naman. Alagang-alaga nga ako sa kaniya. Hindi niya kami pinapabayaan ni baby."
"That's good," napatangong komento niya. "Halatang may pagtingin pa rin sa'yo 'yong loko. Siguro sising-sisi 'yon dahil pinakawalan ka niya sa mababaw lang na dahilan."
"Rizly naman..."
"Hindi ako bulag, Staergen."
Si Elson ang huling boyfriend ng pinsan niya bago nito nakilala si Jeron. Nag-break lang naman ang mga ito dahil ayaw ni Elson ng long distance relationship.
Bumuntong-hininga ito. "Nagprisinta pa nga siyang akuin ang baby ko."
"At siyempre, dahil ayaw mong maging unfair sa kaniya, hindi ka pumayag, 'di ba? Kasi umaasa kang hanggang sa huli, kayo pa rin ni Papa Jeron."
Ilang sandali ring naging tahimik sa kabilang linya bago niya narinig ulit ang boses ng kaniyang pinsan.
"Hindi ko alam kung magiging handa siya sa malalaman niya."
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal sa'yo ni Jeron?"
"H-hindi naman sa gano'n, Rizly. Ayoko lang paasahin ang sarili ko."
"Jeron deserves to know. Huwag naman 'yong sarili mo lang ang iniisip mo. Kung magkalapit lang tayo, sinabunutan na kita kanina pa."
Natawa naman ito.
"Maghanap ka na nga ng matinong boyfriend nang hindi ako ang pinagdidiskitahan mo," anito.
"Huwag kang mag-alala, tinatrabaho ko na," sabi niya at tumawa nang nakakaloko.
"Baliw ka talaga! Sige na, tumawag ka na lang ulit. May trabaho pa kasi ako."
"Okay. Ingat ka. Pakikumusta na lang ako kay baby, ha?"
"No problem!"
"At 'wag kang magpaka-stress. Alam mo namang wala na akong ibang mahigpit na karibal pagdating sa kagandahan."
Ud>o%
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top