/Prologue/

/Prologue/

[GOLDA]


"I'M sorry to say this Miss Goldanes... But you only got one year to live," walang bakas ng emosyon na sabi ng doktor subalit bigo nitong naitago ang awa sa boses.

Isa lang ang naisip ko noong mga sandaling 'yon. Putangina.

Teka sinong naaawa sa'kin? Siya? Naaawa sa akin? Kay Joanne Mari Goldanes o tinatawag ng karamihan na 'Boss Golda'?

Parang narinig ko na ang gasgas na linyang 'yon, parang narinig ko na noon sa mga pipitsuging teleserye o pelikula.

Hindi ko mapigilang matawa na siyang pinagtaka ng doktor na kaharap ko ngayon. Nakakatawa dahil totoo pala talaga.

Totoo pala talaga na lahat tayo ay mamamatay din sa bandang huli. Ano'ng saysay ng lahat? Wala. Mamamatay din naman pala tayong lahat! 

Putanginang buhay.

Huminto ako sa pagtawa at muling sumeryoso. Sinuot ko ang Gucci sunglasses ko at tumayo.

"Miss Golda—" taas noo akong lumabas ng opisinang 'yon.

"Boss Golda!" sabay-sabay na sabi ng mga tukmol kong tauhan, sila Buloy, Buni at Burnik.

"Saan tayo, Boss?!" kinuha ni Buloy ang Hermes handbag ko habang patuloy pa rin akong naglalakad palabas ng ospital.

"Sa Gold's Club." Kaagad akong pinayungan ni Buni nang huminto sa harapan namin ang isang luxury van.

"Yes, Boss!" at binuksan ni Burnik ang pinto ng kotse. Nakita ko ang personal assistant kong si Markum na nasa driver's seat.

"Markum, tawagan mo si Cindy, sabihin mo na free entrance tayo ngayong gabi at ilabas lahat ng special promos."

"Yes, Boss Golda," tumingin si Markum sa'kin sa rear-view mirror. "How's your appointment?"

"Markum, kailan pa kita naging tatay para tanungin ako?" hindi na siya kumibo at pinaharurot na niya ang sasakyan.

At dahil sa walang kamatayang traffic sa EDSA ay inabot kami ng tatlong oras sa byahe, super rush hour dahil Biyernes, nataon pang katapusan at bagong sweldo ang mga tao. Isang putangina ulit.

Saktong opening ng Club nang makarating kami, ala sais ng gabi. At katulad na nga ng inaasahan ko'y dinagsa ng mga tao ang club dahil sa free entrance at special promos.

"Good evening, Boss Golda!" bati sa'kin ng bawat staff na makasalubong ko. Isang matipid na ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. Halos lahat ng mga tao rito ay may takot sa'kin kaya gano'n kataas ang respeto nila. Tough business. Kailangan kong magpakita ng matigas na personalidad dahil kung hindi—hindi ko mararating kung ano'ng mayroon ako ngayon.

Habang lumalalim ang gabi'y mas lumalakas lalo ang hiyawan ng mga tao habang sumasabay sa musika, iba't ibang klase ng mga tao, may mga estudyante at may mga empleyado. Ang iba'y nagkakasiyahan, ang iba'y naghahanap lang ng panandaliang kaligayan. Hindi ko maiwasang ma-bitter. Puta.

Nasa may mezzanine lang ako habang hawak ang isang kopita at pinagmamasdan silang lahat. Naisip ko, tingnan mo 'tong mga putanginang kabataang 'to. May nalalaman pa silang YOLO YOLO (You Only Live Once), kung makapag-walwal akala mo wala ng kinabukasan. Akala 'ata ng mga putangina ay habambuhay silang mabubuhay.

Maya-maya'y tinigil ng DJ ang tugtog at bigla akong tinapatan ng spotlight. Punyeta. Nakakasilaw.

"Before we continue to rock this night, we'd like to have this moment to sing a happy birthday song to our boss, the one and only, Boss Golda!" masiglang sabi ng DJ at tumugtog ang classic happy birthday song.

Hinila ako ng club manager, si Cindy, pababa at doon ay nagbigay ng espasyo ang mga tao sa gitna, naroon ang mga staff ko, at may hawak silang mga lobo at cake na walang edad (mabuti naman dahil hindi ko gustong pag-usapan kung ilang taon na ako).

Nang matapos ang pagkanta'y narinig ko ang DJ.

"Make a wish, Boss!"

Parang humina ang ingay sa paligid ko at naalala ang mga sinabi ng doktor kanina.

"...you only got one year to live."

Kung hihilingin ko ba na mabuhay ako ng matagal ay mangyayari kaya 'yon?

"...you only got one year to live."

Napapikit ako saglit at muling nagmulat.

"Bloooooooow!" udyok ng lahat at wala sa hulog na hinipan ko ang kandila.

"...you only got one year to live."

I'm going to fucking die. But who cares? Tama... Sinong may pake? Putangina ninyong lahat!!!

Inagaw ko mula sa DJ ang mikropono.

"Tonight... let's party hard. All fucking drinks are on the house!" sigaw ko at nanlaki ang mga mata ni Manager Cindy nang marinig 'yon.

"B-Boss, totoo ba—"

Bago pa siya makaprotesta ay kaagad na inabot sa'kin ni Buni ang pinakamahal na champagne ng club at kaagad ko 'yong nabuksan at pinaulan sa paligid ko. Naghiyawan ang mga tao at muling bumalik ang dumadagundong na musika.

Nilunod ko sa kasiyahan ang sarili ko noong gabing 'yon. Halos kaladkarin na 'ko nila Cindy at Markum para pigilang buksan ang wine cellar ng club. Nagising na lang ako noong kinaumagahan sa opisina ng club—nag-iisa.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa at nakita kong nagkalat ang mga pera, bukas 'yung vault! Napahilamos ako dahil hindi ko maalala 'yung mga pinaggagawa ko kagabi. Sobrang sakit din ng ulo ko sa dami ng ininom ko. Putragis. Pinulot ko 'yung mga pera sa sahig para ibalik sa vault.

Pero natigilan ako nang makita ko ang isang bagay sa loob ng vault.

"Joanne," narinig ko ang boses ni Markum. "Dinalhan kita ng kape. Kakauwi lang ni Cindy, she'll clean this mess later. You need to go home."

"Markum," tawag ko sa kanya habang hawak at nakatingin ako sa larawan.

"Yes, Boss?"

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, "Mamamatay na 'ko."

"Palagi mo 'yang sinasabi kapag may hangover ka—"

"Sabi ng doktor, isang taon na lang ang itatagal ko."

Parang nanigas si Markum at ilang segundo rin kaming nagtitigan, siguro'y hinihintay lang niya na bawiin ko ang sinabi ko at isang joke lang 'yon.

"Golda, tell me this is just a joke."

"Putangina, Markum, mamamatay na nga ako!" sigaw ko sa kanya at natameme siya.

"Then... anong gagawin mo?" biglang naging malambot ang boses niya. Sa tinagal ng pinagsamahan namin ng personal assistant ko na 'to, ngayon ko lang siya nakitang nag-alala sa'kin, 'yung mukhang malungkot na parang paiyak. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon.

"Kagabi gusto ko lang lunurin 'yung sarili ko sa kasiyahan at alak, iniisip ko kung anong dapat kong gawin, halos lahat yata nagawa ko na, maging successful, maging mayaman, mag-travel sa iba't ibang parte ng mundo, tumikim ng mga masasarap na lalake—" natigilan ako at tiningnan ang hawak kong larawan. "Maliban sa isa. May gusto akong gawin na hindi ko nagawa noon."

"Ang mag-asawa?"

"Gago, hindi," bahagya akong natawa sa sinabi niya at muli akong sumeryoso. "Gusto kong bumalik ng high school... Gusto kong grumaduate." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top