/9/ When She Stood Up
It doesn't matter
how smart you are
if your attitude
sucks
/9/ When She Stood Up
[JAO]
I guess I will never be enough.
Nobody will understand how eager I am to prove that I am worthy of this family. My older brothers are both lawyers from a prestigious university, they're always telling me to keep up because I'm such a noob.
My dad is also a lawyer, but he's always busy because of his political agendas. My mom's attention is solely focused on my younger brother; they're both on abroad at the moment.
Ah, my younger brother. He's the reason why I'm being mocked by my older brothers. My younger brother is a member of Mensa, an international society for those who have high IQ; he's literally the genius in this family.
And me? I'm being left behind. Dalawa ang goal ko ngayong school year, ang makagraduate as class valedictorian, and to pass the UPCAT, dahil kailangan sa UP ako mag-aral ng college. Family tradition, I guess. My parents are both UP alumna and my brothers too.
That's why every single night, I'm studying hard. I need those energy drinks to keep me up, hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil napag-iiwanan na ako. Every summer ay nasa review center ako para mag-aral, matagal ko na 'tong pinaghahandaan. I will succeed to prove to my brothers that I can keep up.
That's why these strangers don't know what they're saying. Nag-aalala sila sa'kin dahil huwag daw akong magpakamatay sa grades? Hindi ako nagpapakamatay, I'm just doing what I need to do.
"Get out." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanila. Ayoko nang makipagtalo pa.
"Kakain muna kami ng merienda," sagot sa'kin ng transferee kong kaklase, her name is Mary Gold.
"Hindi, aalis na kami," sabi ni Kahel atsaka lumabas ito ng kwarto ko.
"Leave me alone, please," pakiusap ko at maya-maya pa'y nagsialisan na sila.
I shouldn't invite them here.
"Your visitors are gone?" nakita ko si Kuya Dan sa may pintuan ko, nakahalukipkip at nakangisi. "Mom called by the way. Kinakamusta ka niya."
"A-Anong sinabi mo?"
"Well, I said you're doing great," pumasok sa loob si Kuya Dan at tiningnan ang mga libro ko sa study table, "sinabi ko na nag-aaral ka nang mabuti. You know, you have to keep up with our little bro. And, you'll surely pass the UPCAT, right?"
I didn't answer him. Gusto ko siyang palabasin pero wala akong lakas ng loob. Until our parents are not in the house he's in charge. Living with him is torture. Kada makikita niya ako ay palagi niyang pinapamukha sa'kin na hindi ako magaling.
"Study well, Buggy." Nang umalis si Kuya Dan ay kaagad kong sinara at nilock ang pinto.
Nobody in this family sees what I'm going through. I'm tired of living their expectations but I have no choice, I need to prove to them that I can succeed without their support.
I'll probably become a lawyer too, again, because of the family's tradition. After I'll graduate, I will leave them behind.
*****
I never liked my school. My parents enrolled me here because it's the oldest school in our town. My older brothers went to William Consuelo High School too and because of them, the name 'Jao' is well-known.
The teachers knew me as the younger brother of the Jaos, sometimes it sucks to be compared with my siblings. Siguro isa 'yon sa dahilan kung bakit kinamumuwian ko ang eskwelahang 'to.
I don't have any friends. May mga nakakausap naman ako pero for pure acads lang, hindi ako nakikisalamuha sa kanila since first year dahil tutok ako sa pag-aaral at sa mga goals ko. And friends are just liabilities anyway.
Kaya sanay na rin akong kumaing mag-isa tuwing lunch break. I'm fine with it as long as nobody's bothering me. Naghahanap ako ng bakanteng table nang makita ko ang isang komosyon.
"Aw! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" narinig ko 'yung sigaw ni Tiana, nakita ko sila ng mga kaibigan niya 'di kalayuan.
Then there's this girl in my class who seems like me, who wants to be alone. Her name is Lulu, we never talked in class. Umupo siya sa isang bakanteng pwesto nang iwanan na siya ni Tiana, napansin ko na basa 'yung braso niya, natapunan ng juice na hawak ni Tiana kanina.
I looked around to find another table but the cafeteria is already full. Bumalik 'yung tingin ko kay Lulu at nakitang may mga bakante pang upuan sa table niya. Looks like I got no choice. Lumapit ako sa kanya.
"Uhm... Can I sit here?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo niya rin akong tiningnan bago siya matipid na tumango. "Thanks."
Pag-upo ko'y kaagad kong kinuha 'yung tissue sa bag ko at inabot sa kanya.
"Here," alok ko at nag-aalinlangan niya 'yong tinanggap.
"Aba, kailan pa kayo naging friends?!" sabay kaming napatingin sa bagong dating. Nakita namin si Mary Gold at Kahel, umupo silang dalawa sa tabi namin nang hindi nagpapaalam.
"We are not friends," sabi ni Lulu.
"Ah, gano'n ba? Hoy, Buggy," bigla akong tinawag ni Mary Gold. "Ang laki na naman ng eye bags mo, nagpuyat ka na naman, ano?"
"Shut up," sagot ko sa kanya.
"Ang gusto lang sabihin ni Golda," nagsalita si Kahel, "ano na ang plano mo sa cooking contest?"
Napatingin ako sa kanilang dalawa. In the first place, I knew that nobody in the class will support me to win that contest, they're all well aware that I just want to join to gain extra points. Now, they're genuinely interested?
"I-I don't know."
"Anong hindi mo alam?" mataray na sabi ni Mary Gold sa'kin. "Hoy," tinutok nito ang hawak na tinidor sa'kin. "Ayokong ayoko ng natatalo kaya siguraduhin mo na ipapanalo mo ang grupo natin sa stupid contest na 'yan."
I gave her a confused look. Did she want to win?
"Huwag kang mag-alala, tutulungan ka naman namin," sabi ni Kahel.
"Actually, may naisip na 'kong idea," sabi ko sa kanila.
Mary Gold is right, our team can't lose.
*****
[GOLDA]
"WHERE are you going?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot bigla si Psycho Lulu sa gilid paglabas ko ng classroom.
"Kailangan ba lahat ng kilos ko eh irereport ko sa'yo?" nakapamewang na sagot ko sa kanya. "Pupunta kong cooking lab, may meeting kami ng mga kagrupo ko."
Aalis na sana ako pero natigilan ako nang magsalita ulit siya.
"It seems like you're enjoying your playtime, Goldy," sabi niya at lumapit sa'kin. "Make yourself useful, then."
"Binigay ko na kay Kahel 'yung papel for Ikigai na 'yan, hindi pa niya binabalik sa'kin. Anong gusto mong gawin ko?" naiirita kong sagot sa kanya.
"Buggy Jao."
Sa sinabi niyang 'yon alam ko na ang gusto niyang iparating. Si Jao naman ang gusto niyang puntiryahin para sa Ikigai thing na 'yan. Umalis na 'ko ro'n, baka kung ano pa sabihin ng batang 'yon.
Pagdating ko sa cooking lab, naabutan ko roon si Jao na kausap si Tiana the Pepero stealer, nasa loob din si Blake pero wala siyang pake na nakaupo sa isang tabi habang nakikinig ng music.
"What the hell are you saying, nerd?" mataray na sabi ni Tiana kay Jao.
"S-Sabi ko tigilan n'yo na si Lulu," sagot ni Jao. "You've been bullying her since our first year in senior high."
Pumanewang si Tiana, tumaas lalo ang makapal niyang kilay. "Huh? Why do you even care? Atsaka ano ka ba niya? Boyfriend?"
"Anong meron?" biglang dumating si Kahel at sinilip niya ang nangyayari sa loob.
"No, its' just that—"
"It's just ano?! Huwag mo akong mautus-utusan!" kinuha ni Tiana ang isang itlog sa tray at akma 'yong ihahagis kay Jao.
Parehas kami ni Kahel na akmang papasok pero tumigil si Tiana nang magsalita si Blake.
"Tiana," tawag ni Blake at tumigil si Pepero stealer. "You're too loud."
"I-I'm sorry, Blakey!" nag-iba ang mood ni Tiana at lumapit kay Blake at umangkla rito. "Si Jao kasi masyadong OA!"
"Ikaw ang OA," sabi ko nang pumasok ako sa loob. "Kung wala kang itutulong lumayas ka na kaya rito."
"Shut up—"
"Magsimula na kaya tayo kesa mag-away kayo," saway sa'min ni Kahel.
"L-let's start."
Hindi pa rin umalis si Tiana dahil nandito pa rin si Blake. Pinakita sa'min ni ni Jao 'yung recipe na nahanap niya at pinaliwanag sa'min kung ano ang dapat na gawin. Ako na ang nagvolunteer na bumili ng ingredients para sa practice pero ang totoo inutusan ko lang 'yung tatlong kumag kong alipores at dineliver 'yon sa cooking lab.
Maghapon kaming nasa cooking lab, si Jao ang nagpaalam sa mga teachers namin para ma-excuse sa klase at hindi ko alam kung anong klaseng magic ang ginamit niya para payagan kami. Ayun pala ay may letter siyang ginawa na may approval ni Sir Gil, ang adviser namin.
Mas gugustuhin ko na lang din magstay dito kesa makinig sa boring na klase at magseatwork. Seryosong tumulong kami ni Kahel, si Tiana at Blake ay may sariling mundo, kung pwede ko lang silang sipain paalis pero mukhang mas gusto din nilang mag'cutting'.
"Saan mo naman nakita 'tong recipe na 'to?" tanong ko.
"Cherry Apple Skillet Pie is my mom's recipe, it's my favorite," sagot ni Jao habang hinihiwa 'yung pie.
Napatango na lang ako.
"Feeling ko mananalo tayo," biglang sabi ni Kahel at tinignan ko siya. "Malay n'yo naman."
"It doesn't' really matter if we win or not," sabi ni Jao. "I just want to gain some extra points for my grades."
"Well, at least nag-enjoy ka," napatingin si Jao sa'kin nang sabihin ko 'yon. "Bakit?"
"I hate to say this but..." nag-aalinlangan siyang magsalita. "I love to cook, well because of my mom. When I was a kid we used to do these.
Nagkatinginan kami ni Kahel, parehas naming 'di inaasahan ang pag-oopen up ni Jao. Biglang sumulpot si Tiana at kinuha kay Jao 'yung plato na may isang pie.
"Hey, Blakey! The food is ready, susubuan kita!" malanding sabi nito at muntikan ko na siyang itulak, pinigilan lang ako ni Kahel.
Bumalik ang tingin namin kay Jao at naghihintay sa susunod niyang ikukwento.
"Anong nangyari?" tanong ni Kahel.
"Well, simula nang makitaan ng pagkagenius 'yung bunso naming kapatid... mas nagfocus si mom sa pag-aalaga sa kanya," sabi ni Jao at naghihiwa ulit ng pie.
"Jao," tawag ko sa kanya. "Mananalo tayo. Sure 'yan."
Malungkot na ngumiti lang siya sa'kin. Isa lang ang napagtanto ko ngayong hapon, mabait na bata 'tong si Jao.
*****
ARAW ng competition. Walang mga klase para sa celebration ng Nutrition Month, busy ang buong William Consuelo High School.
Sa gymnasium nagset-up ng kanya-kanyang table ang mga participants ng cooking demo. Hindi pa nagsisimula ang contest pero ayos na ang table namin, contestant number seven kami.
"Huh? Sinong nag-ayos nito?" takang-takang tanong ni Kahel nang makita na maayos at kumpleto na ang mga gamit.
"Aba, sino pa ba e 'di ako," pagmamayabang ko sa kanya at winasiwas ko pa 'yung buhok ko.
Ang totoo, inutusan ko lang ulit 'yung tatlong kumag kong alipores na sina Buni, Burnik, at Buloy. Nakita ko sila 'di kalayuan na nagtatago pero nakasilip, nag-thumbs up pa ang mga kumag.
"Ikaw lahat nagset-up?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Kahel. Kumikinang pa 'yung mga gamit namin at fresh na fresh ang mga ingredients.
Ilang sandali pa'y unti-unting dumami ang mga tao sa loob ng gym. Nagsimula na 'yung contest, at tutal pangpito pa kami'y mga thirty-minutes pa siguro bago pumunta sa'min ang mga judges.
Dumating na si Tiana at Blake, sa kasamaang palad sila ang presenter para sa grupo namin.
"Hindi ako sigurado sa dalawang 'to," bulong ko kay Kahel. "Baka sila pa ang dahilan ng pagkatalo natin." Nanggigigil kong sabi.
Paano ba naman, silang dalawa ang naatasan ni Jao na kasama niyang magpresent. Co-presenter si Tiana, at si Blake naman ay assistant, dahil daw popular kids ang dalawa at audience impact ang dahilan ni Jao kung bakit.
"Wala kang magagawa, tsaka mukhang tama naman si Jao sa desisyon niya, tignan mo nga hindi pa tayo nagpepresent pero marami ng nakikiusisa," sabi ni Kahel at nginuso ang mga nanonood.
Dahil nga sa gwapo si emo boy, Blake, ay maraming mga fan girls ang nanunuod sa'min ngayon. Si Tiana naman ay busy na busy sa pagmemakeup.
"Hoy, hindi 'to beauty pageant," sita ko kay Tiana.
"Shut up, Goldy."
"Hoy, wala kang karapatang tawagin akong Goldy, close ba tayo?" mataray kong sagot. MakaGoldy 'to, siguro narinig ni Tiana kay Kahel 'yon. Kaimbyerna.
"Nasaan na si Jao?" tanong ko.
'Yung katabi na namin 'yung nagpepresent, susunod na 'yung grupo namin. Pero hindi pa rin dumadating si Jao.
"Guys, tayo na ang next," sabi ni Kahel. "Paano 'yan, wala si Jao?"
"Group number seven are you ready?" tanong sa'min ng isang teacher. Patay, nandiyan na 'yung mga judges.
"Kyaahhh, go Blakey!" may nagcheer na sa audience. Dahil oras na namin para magpresent ay dinagsa na ng mga manonood 'yung pwesto namin.
Seryoso, nanonood sila dahil kay Blake. Si Tiana naman ay F na F ang nakukuhang atensyon.
"Paano 'yan?" si Kahel.
"I'll do it." Nagulat kami nang biglang magsalita si Blake.
Ha? Siya? Siya magpepresent? Eh hindi nga siya nagsasalita ni ha ni ho, tapos siya magpepresent?
"Okay, begin." Wala na kaming nagawa ni Kahel nang magsalita 'yung teacher. Nakaharap na 'yung tatlong judges.
"Hello, everyone, my name is Tiana and this is Blake!" intro ni Tiana at medyo napanganga ako dahil aaminin ko na magaling siya magsalita.
"We'll show you how to make a Cherry Apple Skillet Pie, but first we'll show you the ingredients," nakangiting sabi ni Blake. Halos malaglag panga ko sa nakita. Totoo ba 'to?
"Kyahhh, Blake!" sigaw ng mga malalanding fan girls ni Blake.
Namalayan ko na lang na natapos 'yung cooking demo presentation ng group namin, at nagpapalakpakan ang mga judges at mga manonood.
"Ang galing n'yo, guys!" masayang puri ni Kahel, nang maalala niya na hindi pa rin ang leader namin ay napalitan din 'yon ng lungkot.
"Too bad that Jao didn't make it," poker-faced na sabi ni Blake. Pagkasabi niya no'n ay biglang may dumating, hinihingal ito at halatang kakatakbo lang.
"I-I'm sorry!" si Jao!
"Bakit ngayon ka lang?!" sigaw ko sa kanya.
"I-I overslept," sagot ni Jao na hinihingal pa rin. "What happened?"
"Oh, we just slayed it without you," mayabang na sagot ni Tiana. "Take note, I and Blakey just carried our group! You should thank us, duh!"
"Aba—" papatulan ko sana si Tiana pero pinigilan ako ni Kahel.
"You did?" 'di makapaniwalang sabi ni Jao.
Oras na para inanunsyo ang winners. At katulad ng inaasahan, nagwagi ang grupo namin ng first prize! Si Jao ang inutusan naming kumuha ng award kahit nag-aalinlangan siya. Pagbalik niya sa pwesto namin ay hindi pa rin siya makapaniwala.
"Sabi ko na nga ba at magdidilang anghel ako," pagmamayabang ni Kahel.
"Oo nga, 'yon lang naman kasi ang ambag mo," biro ko at sinimangutan niya 'ko.
"I... I'm happy," sabi ni Jao. "But it's a shame that you did this without me."
Akma niyang iaabot kay Blake 'yung trophy pero hindi nito 'yon tinanggap.
"You're the leader, you made this happen," cold na sagot ni Blake.
"You're so cool, Blakey!" malanding sabi ni Tiana at umangkla na naman kay Jao. "Kahit na tayong dalawa naman talaga ang nagdala!"
"Jao?" tawag ni Kahel. Napatingin ako kay Jao at nakita na parang nanghihina siya.
Maya-maya pa'y nagulat kaming lahat nang biglang bumagsak si Jao sa sahig, walang malay.
*****
[JAO]
THE next thing I knew, I woke up in an unfamiliar bed. Then, it hit me, I lost my consciousness earlier, and I'm at the clinic right now.
I don't know how exactly it happened. Ang natatandaan ko lang na nangyari kagabi ay nagpuyat ulit ako para mag-aral, I overslept, late akong nakarating sa competition, tapos bigla na lang bumigay 'yung katawan ko.
"Mabuti't nagising ka na," I saw Nurse Ellen face, she's smiling. "Nawalan ka ng malay kanina sa gym."
Tumingin ako sa gilid ko at nakita na nakapatong sa side table ang trophy, we won the first prize.
I bitterly smiled because I remember my mom, her recipe won and if only I could tell her that. Magiging proud din kaya siya sa'kin? Pero... kung ikukumpara 'yon sa genius kong kapatid... Walang kwenta ang premyo na 'to.
"Are you okay?" tanong sa'kin ni Nurse Ellen, tsaka ko lang napagtanto na nangingilid 'yung luha ko. No way, I can't cry.
I just nodded.
"Pinatawag ko na 'yung guardian mo para sunduin ka," sabi ulit ni Nurse Ellen tsaka ako iniwan.
Tumingin ako sa kisame at hindi ko na napigilan 'yung luha ko na bumagsak. It's because of my mom, I just miss her. And I realized that all this time I'm doing my best for her. I'm just wishing that one day she'll notice my efforts.
"Umiiyak ka ba?" I almost jumped in my bed when she suddenly showed up.
"M-Mary Gold!"
"Golda na lang ang itawag mo sa'kin," sabi nito. Kaagad kong pinahid ang luha sa pisngi ko. "Tears of joy, Buggy?"
"H-Hindi."
"Alam mo, okay lang 'yan. Sobra mong iniistress 'yung sarili mo sa maliliit na bagay."
"You're wrong."
"Huh?"
"T-This is important to me." This is for my mom.
"Buggy!" and then there he is, my older brother, Kuya Dan. "What the hell happened to you?!"
Golda set herself aside, my brother didn't notice her and he quickly walked towards me. He is furious.
"I-I passed out."
"Alam mo ba kung gaano kalaking abala 'tong ginawa mo? The school called me because you passed out?! What are you even doing?!"
"I-I'm sorry." I don't know why I'm apologizing, but I feel it's the right thing.
"I'm going to call mom," pagbabanta ni Kuya Dan sa'kin. "I'm going to tell her that you messed up."
"D-Don't—" nilabas ni Kuya 'yung phone niya. "I've done nothing wrong, Kuya Dan!"
Tumigil saglit si Kuya Dan at tumingin sa'kin.
"Then what would I tell her?" sarcastic nitong tanong.
"T-Tell her that we win cooking demo contest," mahina kong sagot. Kuya Dan laughed, as if he heard the most ridiculous joke. I clenched my jaw, and I tried to hold back my tears.
"You mean this?" kinuha ni Kuya Dan 'yung trophy sa gilid ko. "Do you really think that this little piece of shit will make mom proud of you?"
"H-Hey!" akma niyang ibabato 'yung trophy sa sahig pero nagulat kami parehas nang tumigil sa ere 'yung kamay niya.
"What the—" Kuya Dan is surprised to see Golda holding his hand. The next thing he knew, Golda snatched away the trophy from his hands. "You—huwag kang mangingialam dito, outsider!"
"For your information, Mister—"
"I'm Attorney Dan Jao—"
"Wala akong pakialam kung attorney ka, Mister Whatever," Golda said. I can't believe what she's doing. "FYI, ka-member ako sa grupo na nagpanalo nito kaya wala kang karapatan na sirain ang trophy namin."
"Walang kwenta ang bagay na 'yan—" Golda suddenly slapped my older brother. I can see the pain in Kuya Dan's eyes.
"Wala kang karapatan na tawaging walang kwenta ang pinaghirapan ng ibang tao!" Golda shouted to my brother. "Matalino at may titulo ka nga, pero masama naman ang ugali mo! Ikaw ang walang kwenta!"
"G-Golda." I know it's no use to stop her. But weird, it feels soothing for me to see someone to stand up for me.
Golda looked at me, she looked mad as hell but there's something in her eyes, it's passion. "Buggy, huwag kang tutulad sa kuya mo. Walang silbi ang talino kung wala kang puso, tandaan mo 'yan."
And then I can't hold back myself anymore. I cried like a baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top