/4/ Help Me or Else
If I ask you
the question,
what is your
reason to live
can you
answer?
/4/ Help Me or Else
[GOLDA]
"ARAY ko put—" magmumura pa lang sana ako dahil sa hapdi pero pinigilan ko. Napakagat labi na lang ako nang linisin 'yung sugat ko gamit ang bulak na may alcohol.
"Lalagyan ko na lang ng benda, konting tiis na lang," nakangiting sabi sa'kin ng school nurse. Habang iniikutan niya ng benda 'yung palad ko ay nagsalita siya. "Kakasimula pa lang halos ng school year napahamak ka na. Teka... bago ka lang dito, ngayon lang kita nakita."
May pagka-tsismosa rin pala ang nurse na 'to kaya pilit akong ngumiti.
"Transfer student ako—po ako," shemay. Hindi ako sanay mag-po, mukhang mas bata pa sa'kin 'tong nurse na 'to eh.
"Hehhh...." Tumangu-tango lang siya, medyo nairita ako sa reaksyon niya na 'yun, parang hindi kasi siya naniniwala. "Ilang taon ka na?"
"Eighteen."
"Weh, totoo?" aba—ang sarap pektusan nitong babaeng 'to. Talagang nanlaki pa 'yung mga mata niya nang marinig niya. Napalunok ako dahil mukhang hindi talaga siya naniniwala. Kinuha pa niya 'yung ID ko at sinilip ang likuran.
"June 4, 2001 ang birthday mo?" tumango ako at binitawan niya na 'yung ID ko, hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi ko namalayan na naka 'bitch face' na 'yung mukha ko at nakita ko siyang tumawa. "Sorry, sorry. Pasensiya ka na, girl, hindi lang ako makapaniwala na may eighteen years old na ganyan kalaki ang hinaharap." Tinuro niya pa 'yung dibdib ko at mas natawa pa siya lalo nang hawakan ko 'yon.
"Bakit, mam—"
"Just call me Ellen. Tsaka kahit huwag mo na akong i-po," kumunot 'yung noo ko at natawa na naman siya, bungisngis din 'tong babaeng 'to. "Ganyan din tawag sa'kin ng ibang students dito, ayoko kasi ng masyadong pormal at feeling ko ang tanda-tanda ko na."
"Okay," madali lang naman akong kausap.
Tumayo si Ellen habang dala ang tray ng mga pinanggamot niya sa'kin, dinala niya 'yon sa may lababo 'di kalayuan.
"So, kamusta naman ang new environment mo? Saan ka pala school galing? Tsaka paano ka nga pala nasugatan ng cutter?" sunud-sunod niyang tanong habang nagliligpit. Hinilot ko 'yung sentido ko dahil parang sumasakit 'yung ulo, nakita niya 'ko at 'agad siyang lumapit. "Masakit ulo mo? May White Flower oil diyan, o gusto mo uminom ng gamot?"
"White Flower na lang," sabi ko at dali-dali niyang inabot sa'kin ang isang maliit na bote. Hindi ko lang masabi, sumasakit ulo ko sa pagiging tsismosa mo. Magsasalita na naman siya pero biglang may narinig kaming nag-ring na cell phone. "Mukhang sa'yo 'ata 'yong tawag." Tinuro ko sa desk niya 'yung phone.
"Ah, oo nga, excuse me saglit," sabi niya at kinuha ang phone.
Nang makalabas si Nurse Ellen ay parang nakahinga ako ng maluwag, sawakas at wala na ang babaeng madaldal. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko siya na kakabangon lang, mukhang kakagising lang ng batang 'to, Lulu ang palayaw niya, parang pangalan lang ng pusa. Swsw
"Teka bakit nandito ka pa," sumulyap ako sa orasan at muling tumingin sa kanya. "Oras na ng klase."
"Coming from you," bored niyang sagot sa'kin. Aba... Kung makapagsalita 'tong batang 'to akala mo walang nangyari kanina. "Tinatamad akong pumasok."
"Ah, okay, tinatamad kang pumasok pero pumasok ka ng school para magpakamatay," sarcastic kong sabi sa kanya at sumimangot siya sa'kin. "Alam mo, utang mo 'to sa'kin," ipinakita ko sa kanya 'yung kaliwang kamay ko na may benda. "Dahil sa'yo nasugatan ang flawless kong balat."
"You must be having a good time," sumilay ang ngiti sa kanyang labi, pero parang nakaramdam ako ng itim na aura sa batang 'to. Sa totoo lang wala sa itsura niya 'yung tipong magpapakamatay, atsaka hindi ako naniniwala na basta-basta niya 'yun gagawin, ewan ko ba at nagpakabayani akong hablutin sa kanya 'yung punyetang cutter.
"Bakit ba pinipilit mong magpakamatay? Attention seeker ka?" prangka kong tanong sa kanya, sumandal ako at humalukipkip. Nawala ang ngiti sa labi niya at ilang segundo rin siyang tumitig sa'kin.
"Bago ko sagutin ang tanong na 'yan... Sagutin mo muna ang tanong ko," bigla akong kinutuban sa sinabi niya, parang alam ko na kung anong sasabihin ni Lulu. "Why are you even here? Why do you need to pretend as something you're not—"
"Aish!" dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya para takpan 'yung bibig niya.
"Hello!" parehas kaming nagulat nang biglang sumulpot mula sa pintuan si Nurse Ellen. "Eh? Okay lang ba kayo? Lulu? Hindi na ba masakit ang ulo mo?"
"Okay na kaming dalawa!" sabi ko at dali-daling hinila si Lulu palabas ng clinic. Narinig namin ang pagtawag ni Nurse Ellen pero diri-diretso lang kaming naglakad sa hallway.
"Let go of me." Pinalis ni Lulu 'yung kamay ko na nakahawak sa braso niya. Kaming dalawa lang 'yung tao sa hallway ng ground floor, oras na kasi ng klase. Akma siyang aalis pero hinarangan ko siya.
"Teka nga, mag-usap tayo ng matino," sabi ko sa kanya. Kaunti na lang susungalngalin ko na 'tong batang 'to eh.
"Fine," bored niyang sagot.
Nagpunta kami sa lugar na walang ibang makakakita sa'min, sa likuran ng cafeteria kung saan may bakanteng lote at lumang basketball court. Nang masiguro kong wala nang makakakita sa'ming dalawa ay nilabas ko 'yung sigarilyo at lighter. Si Lulu naman ay sumandal sa pader at humalukipkip.
"So?" bumuga muna ako ng usok atsaka ko lumapit bahagya sa kanya.
"Ano'ng alam mo tungkol sa'kin?" ngumisi siya ng itanong ko 'yon. 'Yung totoo, may topak 'ata 'tong si Lulu, alam ko na ang palayaw ko sa kanya... Psycho. "Sumagot ka, kanina pa 'ko napipikon sa'yo ha."
"You're an old lady who disguised as an eighteen-year-old student." Medyo napaatras ako nang direkta niyang isagot 'yon sa'kin. Napalunok ako ng sunud-sunod, alam niya nga talaga.
Punyeta. Ilang araw pa lang ako nandito may nakaalam 'agad ng sikreto ko?
"Paano mo nalaman?" sunod kong tanong sa kanya.
Imbis na sagutin niya ko'y naglakad siya papuntang basketball court, pinulot niya 'yung bola na nakakalat at sinimulan 'yong i-dribble.
"I already met you before," sagot niya at diretso siyang tumakbo papuntang ring at ni-layup ang bola, na-shoot 'yon. Napakunot ako. Kailan niya ako nakita? Hindi ko siya maalala. "You won't really remember me. Noong araw na 'yon... sa sementeryo."
Sementeryo? Napatingin ako sa kawalan at pilit na inalala. Lumapit siya sa'kin habang hawak ang bola.
"Sa sementeryo ng bayan na 'to, nakita kita noon. Kaya naalala kita nang makita kita noong first day of school, kausap mo si Principal Consuelo."
Hindi ako kumibo at hinayaan lang siyang magkwento. Tama siya na pumupunta ako kada taon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kapatid ko, hindi ko sukat akalaing doon niya ako makikita at maalala niya.
"I got curious and then I stalked you that day—"
"Huwag mong sabihin na narinig mo ang usapan namin ni Principal Consuelo sa opisina niya?"
"Yup," tumango siya na parang wala lang, tapos tumalikod ulit siya sa'kin para mag-dribble. "I found it amazing, you know. Nakuha mo ang gusto mo dahil sinuhulan mo ng pera ang principal. Kalat din naman kasi sa campus na 'to ang tsismis na nalulugi na raw ang eskwelahang 'to."
"Ha?" so, kaya pala madaling nalaman 'yon ni Markum? Kalat naman pala ang tsismis.
"Ako naman ang may tanong sa'yo," humarap siya ulit sa'kin at bigla niyang pinasa ang bola, mabuti na lang at mabilis ko 'yong nasalo. "Mayaman ka panigurado, hindi ko maimagine kung magkano ang binayad mo sa principal. But it will be troublesome if you got exposed. My question is... Why? Why are you here? Why are you doing this?"
Napatingin ako sa ibaba at napaisip. Bakit? Bakit mo nga ba ginagawa 'to, Golda? Inisip ko ulit kung bakit. Kung bakit iniwan at binitawan ko lahat ng mayroon ako sa Maynila para lang dito. Naalala ko 'yung larawan. Napadilat ako at napahinga ng malalim.
"Nandito ako para tuparin ang isang pangarap na hindi ko pa natutupad noon," tumitig lang siya sa'kin. "Ang maka-graduate ng highschool."
Base sa ekspresyon ng mukha niya ay parang hindi siya makapaniwala, kaya bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko siya.
"Kasi mamamatay na 'ko."
Pagkasabi ko no'n ay namayani ang katahimikan, narinig ko nga 'yung kuliglig eh. Pagkatapos ay bigla siyang tumawa. Punyetang 'to, tinatawanan ako ng gaga?
"Really? If that's true then that sounds fun."sabi niya at halos mapanganga ako.
"Ha?" Psycho talaga 'tong Lulu na 'to. "May problema ka nga talaga sa utak, ano?" hindi ko mapigilang sabihin at hindi naman siya na-offend sa sinabi ko.
"Why don't we work together?"
"Ha?" pang-ilang 'ha' ko na ba 'to? Kulang na lang salpakan ako ng hatdog sa bibig eh. "Anong work together?"
"Help me or else I'll kill myself."
"Ha—Hoy, 'yung totoo malakas tama mo? Anong hinithit mo?"
"Help me or else I'll expose your secret," walang anu-ano'y pinakita niya sa'kin ang isang video sa cellphone niya... Puta? Iyon 'yung nag-uusap kami ni Principal Consuelo? Nilakasan niya pa 'yung volume at dinig na dinig ko 'yung pag-uusap namin noong araw na 'yon. Kitang kita na nilapag ko sa mesa 'yung briefcase na puno ng cash.
Akma kong aagawin sa kanya 'yung cellphone niya pero mabilis niyang nalayo 'yung braso niya. Biglang sumakit 'yung likuran ko kaya napangiwi ako sa sakit.
"A-aray... p-puta..." huminga ako ng malalim bago ko humarap sa kanya. "I-ikaw... Ano ba talagang gusto mo? Kung makapagsalita ka na gusto mong mamatay... Akala mo ba gano'n lang kadali 'yon? Ha?!" sa inis ko'y hindi ko napigilang sumigaw sa kanya.
"You're interesting, Golda," iyon 'ata ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa palayaw ko. "Just help me and you'll be fine."
"Putangina ano bang itutulong ko?!" marahan siyang natawa nang isigaw ko 'yon. Ang sakit... Sumasakit na naman... Hindi na nakakatawa.
"Help me to find Ikigai."
"I-Iki—ano? Sino 'yon?" Saang lumalop namin mahahap 'yong putanginang Ikigai na 'yan.
Mas natawa siya lalo at nang huminto siya sa pagtawa ay sumeryoso siya. Hawak ko pa rin 'yung likuran ko dahil sa kirot.
"It's not who, it's what. Ikigai... It is the reason to live."
*****
"THIS is bad. May estudyanteng nakakaalam ng totoo tungkol sa'yo? At sa pagsuhol mo sa principal?"
Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Markum sa kabilang linya. Pagkauwi ko ng bahay ay kaagad ko siyang tinawagan para sabihin ang nangyari ngayong araw. Ayokong ma-stress ng bongga dahil baka matuluyan ako kaagad.
"Oo, wala akong choice kundi makipagkasundo sa punyetang batang 'yon," sagot ko sa kanya at napatingin ako sa may kusina, kanina pa nagkakalampagan 'yung mga gamit doon. "Teka nga, akala mo nakakalimutan ko 'yung atraso mo sa'kin?"
"Ano'ng atraso?" sagot ni Markum. Nagmamaang-maangan pa 'tong mokong na 'to.
"Bakit pinadala mo 'yung tatlong bugok?" kumalabog na naman 'yung mga kaldero kaya napatingin ako sa kusina. "Hoy! Pasasabugin niyo ba 'yung bahay ko?!" sigaw ko sa kanila at lumabas doon si Buni na naka-apron pa.
"Dinner's ready, Boss!" masaya niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at bumalik ako kay Markum.
"Ah, 'yon ba," narinig ko 'yung pagtawa ni Markum. "Kailangan mo pa rin ng katuwang diyan. Katulad niyan, hindi ka naman marunong magluto—"
"Aish! Tama na," sabi ko sa kanya. "Balik tayo sa problema ko."
"What are you planning to do now?" tanong ni Markum.
"Gusto ng Psycho Lulu na 'yon na tulungan ko siya para hindi niya raw papatayin ang sarili niya at hindi niya raw ikalat ang sikreto ko. Sa totoo lang para akong kumuha ng bato at pinukpok ko sa ulo ko."
"Ngayon mo lang na-realize?"
"Ha? Ano'ng sabi mo—"
"Then just play along, just help the kid. Para rin malibang ka at hindi mo mamalayan ang oras, ga-graduate ka na pala."
"Ayon nga eh, gusto niyang tulungan ko siyang hanapin daw 'yung Ikigai."
"Ikigai?"
"The reason to live daw. Ang daming alam ng mga kabataan ngayon, ewan ko ba, siguro sadyang matanda na talaga ako at hindi ko sila ma-gets, napakababaw."
"Don't say that," sabi ni Markum. "She's just a kid. You should know better."
Natameme ako sa sinabi niyang 'yon.
"Hello? Golda?"
"Oh?"
"It's interesting."
"Ang alin?"
"To find Ikigai, it's interesting. Why don't you just help her and who knows kung ano'ng mahanap mo."
"Wala naman akong choice. Kahit mag-reklamo at magmaktol ako rito, hawak na ako sa leeg ng batang 'yon."
"Don't forget to update me, okay? How's your health? Sumasakit pa ba—"
"Okay lang ako. Oo, ia-update kita, siguraduhin mo lang na hindi nababawasan ang kayamanan ko habang wala ako," tumawa siya nang sabihin ko 'yon. "Huwag mo akong tawanan, seryoso ako."
"We miss you, Golda. I miss you."
"Ge, bye."
Binaba ko na 'yung tawag at nakita ko sa kumedor ang tatlong bugok na masayang naghahain, mukhang dito pa 'ata nila balak tumira.
"Boss, kain na!" yaya nila sa'kin.
Tumayo ako at pumunta sa kanila. Walang alam ang tatlong bugok tungkol sa sakit ko. Tama si Markum, kailangan ko pa rin talaga ng kasama. Tahimik lang akong kumain habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw.
Ikigai, huh.
*****
"GOOD morning, Goldy," papasok pa lang ako ng classroom nang may bumati sa'kin. Nakita ko si Lulu na nakangiti, as usual mukha pa ring psycho ang batang 'to.
"Goldy?" na-realize ko kung ano'ng tinawag niya sa'kin. "Golda 'yon. Ano akala mo sa'kin, isda?"
"Whatever," sabi niya. "Don't forget our agreement. Starting today, we're working together."
"Oo na, wala naman akong choice. Basta hindi mo ako ibubuking at hindi ka na ulit magtatangka na magpakamatay," kung totoo man talaga na magpapakamatay siya, hindi pa rin kasi ako naniniwala na gagawin niya 'yon, mukhang attention seeker lang talaga ang batang 'to. Sino'ng nakakaalam? Tsaka parang mukhang hindi rin naman siya naniniwala sa sinabi ko na mamamatay na ako. Kaya quits lang.
"Yup, that's our agreement."
Akma kong bubuksan ang pinto pero pinigilan niya ako.
"Ano na naman?" ang aga-aga sinusubukan ng batang 'to ang pasensiya ko.
"As I've said, ngayong araw tayo magsisimula."
"So... Ano'ng gagawin natin?" seryoso talaga siya.
"Kailangan natin ng club room, why don't you go to the principal and ask for it? Mayaman ka naman kaya for sure kaya mo ulit suhulan si Principal Consuelo."
"Ha?" naglinis naman ako ng tenga pero parang bakit nabibingi ako sa mga sinasabi ni Lulu. "Club room? Aanhin mo ang club room?"
"Isn't it obvious? We're going to make a club." Hindi naman ako slow pero pakiramdam ko nabobobo ako lalo sa mga sinasabi niya.
"Club?"
"We're going to find Ikigai, remember?"
"Oo nga pala." Putangina naman.
"I'm going to name it... The SOS Club."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top