/3/ The Girl Who Wants to Die

No one 
truly care
not until
you're gone

/3/ The Girl Who Wants to Die


[LULU]

THEY say that when you just died that's the only time when people will genuinely care for you. For a moment they will stop what they're currently doing just to give a fuck that you just died. And then when they're done grieving, they will continue to live on, some are stuck, some are unable to move on.

There are plenty of reasons why I find dying fascinating.

It wasn't surprising that they found me odd and weird, even lunatic. But hey, nobody still bothered to listen.

I found the perfect day and perfect moment to end it all. 'On the First Day of School, Student Committed Suicide', it sounds silly and horrible title of an article but I found it amusing. I already searched numerous ways how to take my own life but I chose to jump in our school building.

Nakikinikinita ko na ang magiging reaksyon ng admins ng school, ang mga kaklase ko? They won't probably care. Baka nga matuwa pa sila na patay na ako.

But that perfect one was ruined by that woman.

Heto, kailangan ko ulit maghanap ng tama at magandang pagkakataon para pagkamatay.

"Lulu, honey, are you sure hindi mo na kailangan ng kasama sa bahay? I can always call your cousin to stay with you," my mom said while holding her travel bag.

"Oo nga, Lulu, hindi ka ba mabo-bored dito mag-isa? Hindi pa namin sure ng mommy mo kung kailan matatapos ang business trip namin sa Singapore," sinundan 'yon ni dad.

"I'll be fine," pilit akong ngumiti sa kanila.

"Well, third day pa lang naman ng school. I'm sure you can still chill habang wala kami," hinawakan ako ni mom sa balikat. "We'll go ahead, honey."

"Bye, Lulu," humalik si dad sa pisngi ko at si mom naman ay yumakap saglit.

I waved at them and when they disappeared from my sight, my smile vanished. Well, I'm home alone—again. I'm an only child, my parents provided me everything I needed, and our home is fine too. They're just too busy to check me out and I think it's fine, okay naman akong mag-isa.

Now, time to go to school.

"Hep! Hep! Nasaan ang ID mo, Miss?" harang sa'kin ng guard atsaka ko lang napagtanto na wala pala 'yung ID sa lace ko. Tiningnan ko lang siya at napakunot ito. "Sa guidance ka na lang magpaliwanag."

Early morning pinapunta ako sa Guidance Office. I said that I lost my ID kaya wala silang nagawa kundi papuntahin na ako sa homeroom ko.

When I entered the room, I felt all their gazes to me. Then there's the murmurs and the secret insults. I didn't mind them. Umupo ako sa pwesto ko at nilabas ang notebook ko.

I need to think of another way to kill myself, the sooner the better.


*****


[GOLDA]

BADTRIP.

Ang aga-aga inulan ako ng sermon ng lintik na lady guard sa entrance. Paano ba naman, bawal daw 'yung kulay ng buhok ko tapos 'yung iksi raw ng palda ko, ano'ng magagawa ko kung ganito 'yung size na binigay sa'kin?

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa? Hindi ko na lang sila pinansin at diri-diretso akong naglakad. Maya-maya'y napansin kong may nag-flash sa gilid ko at saktong may nakita akong mama na may hawak na cellphone.

Akma itong aalis pero mabilis akong nakalapit.

"Hoy, manong—" nang makalapit ako sa kanya ay may napansin ako. "Teka..." nanlaki 'yung mga mata ko nang makita ko kung sino 'yung kumag. "Buloy?!"

"H-hi, Boss." Kumaway pa ang gago sa'kin at dali-dali ko siyang hinila palayo kung saan walang ibang mga tao.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" gigil kong tanong sa kanya at luminga-linga ako sa paligid. Napansin ko 'yung uniporme at ID niya. "Kailan ka pa naging janitor ng eskwelahang 'to unggoy ka?!"

"Ngayon lang, Boss, hehe," kakamut kamot nitong sabi at napahilot ako sa sentido.

"Huwag mong sabihing nandito rin si Buni at Burnik."

"Hardinero si Burnik, si Buni naman nagtitinda sa cafeteria. Sorry na, Boss," pinagdikit pa nito ang dalawang kamay na kala mo ay dinadasalan ako. "Sinunod lang naman namin si Bossing Markum."

"Si Markum?" halos pumutok 'yung ugat sa noo ko nang marinig 'yung pangalang 'yon. "Ano'ng sinabi niya sa inyo?"

"S-sabi niya lang bantayan ka lang namin dito." Ngumiti si Buloy pero halatang ninenerbyos pa rin.

"Sinabi niya rin ba sa'yo na walang nakakaalam dito kung sino ako at kung ano'ng totoo kong edad?"

"Ah, gano'n, Boss?!" manghang sabi ni Buloy at binatukan ko siya sa lakas ng boses niya. "Don't cha worry, Boss, kaming bahala sa'yo."

"Anong kaming bahala ka diyan, siguraduhin ninyo lang na huwag ninyo akong kakausapin dahil kung hindi pagbubuhulin ko kayong tatlo." Sunud-sunod na tumango si Buloy at kaagad ko siyang iniwanan.

Sumakit tuloy lalo 'yung ulo ko sa tatlong bugok na 'yon. Hay nako, Markum, pag nakita ko talaga 'yung lalaking 'yon makakatikim siya sa'kin. Bakit niya pinadala 'yung tatlong bugok? Nag-aalala ba siya sa'kin?

Nang marating ko 'yung classroom naming ay napatingin sa'kin ang mga kaklase ko pero kaagad din naman silang bumalik sa sari-sarili nilang mga mundo. Nakahalukipkip ko habang nakasandal sa upuan, at dahil hindi pa nagsisimula 'yung klase nilabas ko muna 'yung isang kahon ng Pepero sa bag ko at kumain.

Ngayon ko lang napagtanto na talagang ibang-iba na ang mga kabataan ngayon dulot ng makabagong teknolohiya. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin nawawala ang mga iba't ibang uri ng mga estudyante na madalas na nakikita sa loob ng classroom.

Sa first row naka-upo ang mga GC at nerd, habang wala pa ang teacher ng first subject ay busy na silang magbasa ng lessons sa libro o notes nila. Second row, mga tahimik at may kanya-kanyang mundo habang hawak nila ang mga cellphone. Third row, halu-halo na ang mga maiingay, mayroon ding magkakatabing magjo-jowa na akala nila may forever pero wala! Fourth row, kung nasaan ako, kahilera ko ang mga kasabwat sa harutan ng nasa third row. At fifth row sa likuran ko kung saan ay tila jungle dahil naroon ang mga iba't ibang klase ng hayop—katulad na lang ng mga KSP na nuknukan ng ingay at mga bully ng klase.

Napatingin ako sa katabi ko, siya 'yung batang gusto na raw mamatay. Halos hindi ko na makita 'yung mukha niya dahil sa buhok niyang nakaharang sa mukha niya, napansin ko rin 'yung suot niyang kulay green na hairband na may ribbon. Busy siya sa sinusulat niya sa notebook niya at tila walang pake sa nangyayari sa loob ng classroom. Bigla akong may naalala, napulot ko nga pala 'yung ID niya.

"Excuse—" akma ko siyang kakalabitin pero biglang may humarang sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako at nakita ko ang isang babae na may mahabang straight na buhok at naka-make up. Humalukipkip siya at walang pasintabing umupo sa desk ng katabi ko na mabilis na nailis ang sinusulatan niya. At sino 'tong punyetang 'to? Kalma ka lang, Golda, huwag kang papatol sa bata.

Pilit akong ngumiti sa babae. Nasulyapan ko na may mga kaibigan siya sa fifth row na nakatingin sa'min.

"Hi," pilit kong bati.

"Mukhang masarap 'to," sabi niya at inagaw sa'kin ang Pepero ko. Pakiramdam ko lumabas 'yung ugat ko sa noo. Tumayo na siya at akala ko babalik na sa pwesto ko pero sa pagkakataong 'to ay humarap naman siya sa katabi ko. "Hi, weird! You wanna have some Pepero?"

"Shoot! Three points!" natamaan ng papel na nilumukos 'yung katabi ko, galing 'yon sa likuran at ang nagbato ay isang estudyanteng lalaki—siya 'yung nagtanong sa'kin noong isang araw kung gaano kalaking saging ang gusto ko.

"Hey! Don't do that, I'm trying to feed my pet!" saway ng babae na may hawak ng Pepero ko at pilit niyang pinapakuha ang katabi ko nito. Nagtawanan ang mga nasa likuran. Napatingin ako sa katabi ko at nakita na para lang siyang estatwang nakatingin sa kawalan at parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

Confirmed. Bullying nga.

Biglang bumukas nang malakas ang pinto at sabay-sabay na napatingin ang buong klase roon. Kaaagad na bumalik ang babae sa pwesto niya at natahimik ang lahat. Sunod naming narinig ang malakas na halakhak.

"Hello, motherfuckers!" sigaw ng isang estudyanteng lalaki na sa itsura pa lang ay alam mo ng tarantado, taas-taas ang buhok at may hikaw. Presko itong naglakad habang nakasukbit ang bag sa likuran. Kasunod niya ang isang lalaki na maputi at matangkad, mukha itong emo dahil sa bagsak na buhok.

"Good morning, friends!" May dalawa pang babae ang pumasok sa loob, isang mukhang maarte na akala mo'y pupunta sa beauty pagent ang pustura dahil sa pang-Goldilocks niyang buhok (akala ko ba bawal ang may kulay ang buhok sa school na 'to?) at ang isa naman ay parang walang pake na naka-headphones.

Pumunta ang apat sa pinakalikuran at pasimple akong tumingin. Sa pinakalikuran ay may apat na upuan, doon sila umupo. Ngayon ko lang sila nakita dahil ngayon mukhang ngayon lang sila pumasok. Nag-behave ang nasa fifth row, mukhang sila ang 'Boss' ng classroom na 'to ah, kumbaga sa hierarchy, sila ang nasa top.

Hindi ako makapaniwalang may ganitong kaartehan sa klase na 'to. Pero hindi ko maiwasang ma-curious dahil base sa reaksyon ng lahat ay parang silang apat ang pinakakinatatakutan dito. Bakit?

"Good morning, class!" biglang dumating na ang teacher ng first subject at nagsipag-ayusan ang lahat.

"Good morning, Sir Gil!" hindi ako nakatayo 'agad kaya tumingin sa'kin 'yung kumag na teacher at masama lang na tumingin.

"Today we're going to discuss Functions as Models. We need to review first Functions from your Junior High School."

Nagsimula na siyang mag-turo, first lesson pa lang bored na bored na ako. Nakatingin lang ako sa textbook habang winawari ang existence ko sa mundo. General Mathematics shit.

"As a review, can someone please define Functions?" tumingin si Sir Gil sa buong klase at naghahanap ng matatawag. Saktong nagkatinginan kami at mukhang ako ang balak tawagin ng gago.

Puta ka subukan mo lang akong tawagin. Tiningnan ko siya ng masama. Kingina huwag ako huwag ako huwag ako gago ka huwag ako. 

"Sir!" may nagtaas bigla ng kamay mula sa first row at walang choice si kumag kundi tawagin 'yon. Nakahinga ako ng maluwag. "Function is a relation where each element in the domain is related to only one value in the range by some rule."

"Very good, you may sit down," sumulyap ulit sa'kin si Sir Gil at parang sinasabi niya sa isip niya na swerte mo. Sinamaan ko siya ng tingin, mukhang pag-iinitan ako nitong kumag ng buong school year.

Tumingin ako sa textbook at nakita na nakasulat lang din pala ro'n 'yung definition ng punyetang Functions na 'yan. Golda, girl, kalma ka lang, definition pa lang 'to.

Mabuti't mabilis na tumakbo ang oras at dumating na rin sawakas ang paborito kong subject: ang lunch break. Nag-unat ako habang sinulyapan 'yung katabi ko, mabilis niyang naayos 'yung gamit niya atsaka umalis.

Kailangan ko nga palang ibigay 'yung ID niya kaya tumayo na rin ako para sundan ang seatmate ko. Pero may humarang sa'kin.

"Well, may bago pala tayong classmate," siya 'yung mukhang tarantado kanina na pumasok, isa sa F4­­—Famfam four. Mas maliit siya sa'kin kaya nakatingala siya, pero mukhang maangas ang batang 'to at base sa suot niyang relos ay mayaman sila.

Biglang may lumapit sa'ming dalawang lalaki, si saging boy at isa namang naka-semi kalbo.

"Transfer student, Boss Nap." Nagsalita si saging boy. Napantig 'yung tenga ko sa salitang 'Boss',

Inikutan ako ni nano (unano, kasi ang liit ng height niya) na tinawag ni saging boy na Boss Nap. Nagulat ako nang hawakan niya 'yung laylayan ng palda ko. Aba, lintek 'tong nano na 'to!

"Napoleon," bumitaw sa'kin si nano nang tawagin siya ng isa sa kasama niya. 'Yung lalaking bagsak ang buhok, si emo boy.

Ewan ko kung may telepathy powers ba sila at nag-usap sila sa isip. Walang Sali-salitang iniwanan nila ako, nauna si emo boy lumabas, sumunod sa kanya si nano. Pagkatapos ay sumunod sa kanila ang dalawang babae, si emo girl at si Goldilocks. Hindi ko kasi alam pangalan nila kaya bibigyan ko na lang sila ng codename sa utak ko.

Pumunta ako ng cafeteria para mag-lunch. Wala naman kasi akong baon. Pagdating ko roon ay tumambad sa'kin ang maingay na lugar, malawak naman ang lugar at maaliwalas. Ayon nga lang ay parang nakakawala sa koral ang mga estudyante.

Nakapamulsa akong naglalakad habang naghahanap ng pwedeng kainin, marami kasing food stands na pwedeng bilhan ng pagkain. Nakita ko 'yung Takoyaki stand at nakita ko roon si Buni, nagtago pa si tanga pero nakita ko na siya.

Gusto ko sana siyang lapitan para pektusan pero mas nangibabaw 'yung gutom ko. Bumili lang ako ng burger at iced tea. Kumakain ako sa isang gilid nang makita ko 'di kalayuan 'yung seatmate ko na kumakain mag-isa. Ano kayang pwede kong i-code name sa kanya? Suicidal girl? Ang haba masyado. Ang baduy kasi ng pangalan niya, Luvina.

Habang kumakain nakamasid lang ako sa kanya, hanggang sa nilapitan siya ng isang grupo. Mga kaklase rin namin sila—'yung babaitang kumuha ng Pepero ko!

"Hi, Lulu! You'll gonna treat us right?" sabi ni Pepero stealer sa seatmate ko na Lulu pala ang nickname. Nakita ko na umiling si Lulu pero ang mga alipores ni Pepero stealer sapilitang kinuha 'yung wallet sa bag niya.

Hawak na ni Pepero stealer 'yung wallet ni Lulu pero namalayan ko na lang 'yung sarili ko na nasa tabi nila.

"Huh?" maang nila nang makita ako. Kinuha ko kay Pepero stealer 'yung wallet ni Lulu. "Bitch, what the hell?" kumulo dugo ko nang tawagin niya akong 'bitch'.

"Hindi ba itinuro sa'yo sa GMRC na bawal magnakaw?" mataray kong sabi at mas nagngitngit ang kalooban nila.

"Hindi namin siya ninanakawan, DUH!" sabi ni Pepero stealer sa'kin. "Tsaka bakit ka ba nangingialam? Bago ka lang dito—"

"Tiana," natigilan si Pepero stealer nang may tumawag sa kanya. Nakita namin si Goldilocks, isa sa Famfam four, na palapit sa'min at umatras si Pepero stealer para padaanin siya. "Hi, I'm Briana, and you are?"

"Golda." Maiksi kong sagot at pilit na ngumiti sa kanya pabalik.

"Nice to meet you, Golda, I hope we can be friends." Inabot niya 'yung kamay niya pero hindi ko 'yun pinansin dahil tumakbo na palayo si Lulu.


*****


TAMA nga ang hinala ko na rito ko siya sa rooftop matatagpuan.

Nandoon ulit siya malapit sa may railings pero hindi siya gumagalaw. Nilabas ko mula sa bulsa 'yung ID niya at lumapit ako sa kanya.

"Don't come near me," sabi niya bigla at huminto ako. May mata ba siya sa likod ng ulo niya?

"Isosoli ko lang naman sa'yo 'yung ID mo," sabi ko, lumingon siya sa'kin at nakita ko ang mga mata niyang walang buhay. "Luvina? Lulu for short?" pinakita ko sa kanya 'yung ID niya. Tumango lang siya pero hindi siya lumapit sa'kin kaya binaba ko na lang 'yung kamay ko.

"Why did you follow me here?" tanong niya.

"Ang kulit nito—'yung ID mo nga sabi eh."

"You stopped me yesterday. You ruined my plan."

"Hah?" ano bang pinagsasabi nitong batang 'to? Ah... 'Yong gusto na raw niya mamatay. "Alam mo, gutom lang 'yan."

"Ganyan naman kayong matatanda, hindi kayo naniniwala hangga't hindi niyo kami nakikitang patay."

"Ano bang—" natigilan ako. Anong sabi niya?

"I know your secret, you're just pretending."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. P-paano niya nalaman?

"O—kay, bata," tinaas ko 'yung kamay ko para pakalmahin siya pero sa totoo lang ako 'tong biglang kinabahan. "Anong alam mo?"

"But I really don't care," sabi niya. "I just want to die."

Biglang kumulo 'yung dugo ko sa kanya, napalitan ang kaba ng inis.

"Alam mo, may problema ka sa utak. Kulang ka ba sa aruga?" hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Hindi siya sumagot at nakita ko na lang na naglabas siya ng cutter at binuksan 'yon. Tch! Punyetang buhay 'to.

Bago pa niya gawin 'yung gusto niyang gawin ay napigilan ko na siya. Hawak ko 'yung cutter at nanlaki 'yung mga mata niya nang makita na may umagos na dugo sa kamay ko. Hinagis ko 'yung putanginang cutter sa malayo.

"Gaga ka?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko pa maramdaman 'yung sakit pero nanginginig 'yung mga kamay ko. Pangalawang beses na niyang tinangkang saktan 'yung sarili niya!

"W-why? Why are you stopping me?!" sigaw niya sa'kin.

"Ano bang akala mo sa buhay? Parang papel lang na kapag nadumihan itatapon mo na lang?" hindi siya sumagot. Yumuko lang siya at maya-maya'y nakita kong yumuyugyog ang balikat niya.

Umiiyak siya?

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa'kin, tubigan ang mga mata.

"I just want to die. Please... help me."



-xxx-



(Credits to the owner)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top