/29/ Golda's List

The only way we can 
live forever is to
 touch people's hearts.
You will never
fade away
in their memories
—for a lifetime.


/29/ Golda's List

[GOLDA]


SABI ko last episode na lang pero heto inabot na naman ako ng umaga, hindi ko napigilan 'yung sarili ko na i-marathon 'tong K-drama (hindi ko na nga alam kung pang-ilan 'to eh).

As usual, magkakatuluyan ang bidang babae at bidang lalaki. Tapos magki-kiss sila at tutugtog ang cheesy na music, slow-motion na iikot sa kanila ang camera—the end.

Sana gano'n lang kadali ang buhay, ano?

Kinuha ko 'yung remote para maghanap ng susunod na panunuorin. Tapos napansin kong ubos na 'yung ubas na kanina ko pa kinakain.

Tumayo ako at bumaba sa kusina para kumuha ulit ng makakain.

Pagbaba ko ay nakarinig ako ng katok sa gate.

"Tao po?" nang marinig ko 'yong boses na 'yon ay halos umikot ang mga mata ko. "Golda?"

Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa salamin na nakasabit sa pader at nakita kung ga'no kasabog 'yung itsura ko.

Ang laki ng eyebags ko tapos 'yung buhok ko gulu-gulo. Punyeta naman.

Inayos ko lang ng kaunti 'yung mukha ko bago ako lumabas ng bahay.

"Ikaw na naman?" nakasimangot kong sabi nang makita ko siya. "Kay aga-aga nang-iistorbo ka."

"I'm sorry... G-Gusto lang naman kitang makausap," nahihiyang sabi niya habang nasa labas ng gate.

Humalukipkip ako. "Gil, nagpunta ka lang naman dito para mag-sorry, 'di ba? Tsaka nakaka-ilang sorry ka na kaya please lang huwag mo na 'kong guluhin dahil hindi ko rin naman na kayo ginugulo."

"Golda, I just want to talk with you."

"'Eto na nga, nag-uusap na tayo. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin," sabi ko.

"Pwede ba 'kong pumasok sa loob?" tanong niya.

Ang kulit talaga nito. Hindi ko alam kung anong kailangan sa'kin.

"Ha? Baka mamaya kung ano pang gawin mo sa'kin," sabi ko. "Umalis ka na lang."

"Golda—"

Pumasok ako sa pinto at sinarado ko 'yon. Bahala siya riyan.

Bumalik ako sa kwarto para manuod ulit. Hindi na 'ko inaantok kaya manonood na lang ulit ako magdamag.

Pero habang nanonood ay hindi na 'ko mapalagay.

Punyetang Gil 'yon. Hindi na tuloy ako makapagconcentrate sa gusto kong panoorin.

Sa huli, pinatay ko 'yung TV at tumihaya ako. Nakatingin sa kisame.

Akala ko magiging madali na ang lahat pagkatapos. Pero hindi pala. Akala ko madaling mag-move on, hindi pala.

Tapos na 'yung bagong taon at napako na 'agad 'yung pangako ko sa sarili ko na umalis dito. Nandito pa rin ako. Sa huli, hindi ko pa rin alam kung saan magsisimula.

"Putangina," sabi ko habang nakatingin lang sa kisame. "Hindi ka pwedeng maging ganito lang, Golda."

Bumangon ako at lumapit sa mesa 'di kalayuan. Kinuha ko sa loob ng bag ko 'yung binigay nila Lulu, muntik ko nang makalimutan na may binigay nga pala sila sa'kin.

Sa totoo lang, ilang linggo na ang lumipas pero hindi ko binubuksan 'yon.

Pakiramdam ko kasi kapag nabasa ko kung anong nasa loob no'n ay tapos na talaga ang lahat.

Pero iyon naman ang totoo. Hindi pa ko pa handang tanggapin.

Nakakatawa kasi hindi naman ako ganito noon—o katulad ng iniisip ko. Na ako si Boss Golda, palaging magaling at nakakamit ang gusto niya sa buhay.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ko binuksan 'yung envelope. Nang makita ko 'yung pamilyar na papel sa loob ay tama ang hinala ko.

Sabi ko na.

Umupo ako at nilabas ang mga papel.

Nakita ko ro'n 'yung mga papel na minsan kong pinasagutan kila Kahel at Jao noon.

WHAT IS YOUR IKIGAI?

IKIGAI is your reason of being. Our reason to live.

What is yours?

Isa-isa kong binasa ang mga papel.


RUFFA MORADO'S IKIGAI:

'Find my Ikigai is not an easy thing to do. Wala kasi akong ibang ginawa kundi mag-aral lang ng mabuti. Naisip ko tuloy kung pag-aaral lang ba talaga ang gusto kong gawin habambuhay. For the first time I finally asked myself what I really wanted to be... What will be the reason of my being to continue waking up every day?

Well, I think I want to pursue medicine. I wanted to take care of people. Alam ko na medyo malayo pa 'yong mangyari dahil bata pa ako.

My Ikigai is constantly pursuing to be the better version of myself and to take care of those people who also care for me.


PAUL REID 'S IKIGAI:

Hi, my name is Paul! And I always found dancing as the flame of my life. I think I'm fortunate to find my passion early. However, my mom's still not supporting, but I won't lose hope, someday she'll understand.

Hindi ko sigurado kung magiging career ko ba ang pagsasayaw. Honestly, I don't want to overthink for the future, as much as possible I just wanted to dance at the moment, to feel the beat and rhythm of life.

I can say that I am happy where I am right now. I don't exactly know what do I call this feeling, siguro ito na 'yung sinasabi nilang Ikigai, no explanations—masaya ka lang sa ginagawa mo. And for my case, dancing is my passion

Dancing is my Ikigai.


WALDY MAE CAPRE'S IKIGAI:

Akala ko noong bata ako ay makapag-asawa ang magiging goal ko sa buhay. Ewan ko ba kung sadyang malandi ako pero simple lang naman 'yung mga naiisip ko noon: darating 'yung prince charming ko tapos we will live happily and ever after.

Happily and ever after... Maagang pinamulat sa'kin ng mundo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may happy ending. Hindi na nga ako sure kung meron ba talagang gano'n. Kasi paano tayo magiging masaya sa ending kung ang ending ay mawawala rin tayo sa mundo?

Haha, ang morbid ko ba mag-isip. Ang dami kong ligoy.

Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sa kung ano 'yung Ikigai ko eh.

Kasi iniisip ko lang pumasok sa eskwela, tapos uwian.

Hays...

Alam ko na... Siguro ang Ikigai ko sa ngayon?

Babawi ako kay mama.


BUGGY JAO'S IKIGAI:

High school taught me so many things.

It taught me not to take life seriously and it made me realize that it's not bad to let yourself loose sometimes and enjoy your life at the moment.

If those events didn't happen maybe I won't be able to make awesome memories for the last time of my senior year.

And my Ikigai?

It's a difficult question. Pinakamahirap na tanong na nakita ko sa buong buhay ko—mas mahirap pa sa mga questionnaires. And unlike sa mathematics na may formula para makagawa ng solution...

Mukhang wala palang formula para ma-figure out kung anong gusto mo sa buhay. Kung ano 'yung reason ng being mo.

I had to trust myself that I know what's best in me. And for now, my Ikigai is simple: Continue waking up to do my best.


KAHEL REYES'S IKIGAI:

Pangarap kong tumugtog para sa mundo.

Pero hindi kami gano'n kayaman para ipagpatuloy ang pangarap ko.

Akala ko kasi noon, depende sa estado at pera kung paano mo mararating 'yung gusto mong puntahan. Akala ko hadlang ang kalagayan ng pamilya ko para makamit ang gusto ko.

Bilang panganay na anak, tungkulin kong alagaan ang mga kapatid ko at nanay kong may sakit. Sa totoo lang, iyon na nga 'ata ang dahilan kung bakit ako nabuhay—para alagaan sila kasi ako ang kuya.

Araw-araw, kahit mahirap, pagsasabayin kong mag-aral at magtrabaho. Walang mahirap, hindi uso ang pagod. Basta maging okay sila, okay na rin ako. Kahit pa na maudlot ang pangarap ko.

Hindi naman kasi nauubos ang balang araw, at sa bawat kinabukasan maraming pwedeng mangyari. Kaya hindi ko 'to susukuan.

Wala akong bibitawan, wala akong iiwanan.

Uunahin ko lang muna ang mga taong mahal ko.


BLAKE GODINI'S IKIGAI:

When I was a kid I thought that you'll be fine as long as you're happy. Now I'm right on the path to adulthood, happiness became vague. It was something hard to get—because time can always take away it.

Finding my Ikigai is like an odyssey deep inside my being.

First, I don't know where to begin or where to look for it. But I know that it's just deep inside me.

But if I'll just change the perspective by changing my question, what is that I truly want to live for?

I grew up with a wealthy family—but money truly can't indeed buy happiness.

I aspire for contentment.

And if I'll have my own family someday, I don't want to be like my parents. I don't want to shatter my children's heart.

If just being a better man is also an Ikigai.

I want to be one—every day.


LUVINA 'LULU' LUNTIAN'S IKIGAI:

I tried to escape my life several times. Because of guilt by trying to carry all the problems alone, helplessness, and hostility, chasing death was normal to me. I trusted no one. My world became an ugly place to live.

After so long of giving in my power to other people, I finally accepted the fact that I shouldn't blame other people for my misery, and I shouldn't condemn myself too much.

My Ikigai... is to be free, to fight for myself every day, to grow, to expand, to evolve. So that all the love that was taken from me will return, and I am going to help those who didn't have someone when they need it the most.

Death denied me because I yet have the reason to fight for life.



Hindi ko maiwasang mapangisi matapos kong mabasa ang mga pinagsusulat nila sa mga papel.

Parang kailan lang noong una ko silang makilala, ngayon ay ang mature na nila mag-isip.

Nakakatuwa.

Totoo. Natutuwa ako para sa kanila.

Pero bigla na naman akong nalungkot.

Nalungkot nang maisip ko na mabuti pa sila... Mabuti pa sila ay naging matapang sa kabila ng lahat.

Binigay nila 'to sa'kin, para ano?

Napaisip ako saglit.

Binigay ba nila 'to sa'kin dahil gusto nilang malaman ko?

Nakita ko na may isa pang papel na nasa loob sa envelope kaya nilabas ko 'yon. Para 'kong tanga nang maluha ako nang makita ko na blangko lang 'yon pero may nakasulat sa itaas.


JOANNE MARI GOLDANES'S IKIGAI:


Blangko.

Walang nakasulat.

Ano ba kasi 'yung punyetang Ikigai ko na 'to?

May rason pa ba ko para bumangon? Para mabuhay?

Kung sasagutan ko 'tong papel na 'to... Wala naman sigurong maling sagot, hindi ba?

Hindi naman 'to katulad ng exams o quizzes na tse-tsekan at eekisan kapag nagkamali ka.

Gano'n naman kasi ang kaibahan ng totoong buhay sa eskwelahan.

Sa eskwelahan tuturuan ka muna ng lesson bago ka mag-test, tsaka mo malalaman kung mali ka o tama. Sa totoong buhay bibigyan ka na 'agad ng test, tapos kapag nagkamali ka ay doon mo pa lang malalaman ang lesson.

Pumikit ako saglit at inalala ang mga sinabi nila.

Kung nakaya nila na sagutin ang isang bagay na mahirap sagutin sa buhay.

Pwes, kaya ko rin.

Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang magsulat.

Wala akong pakialam kung tama ba 'to o mali.

Pagkatapos kong magsulat, naramdaman ko 'yung sakit ng kamay ko. Nakita ko na halos mapuno ko na 'yung papel sa dami ng mga sinulat ko.

Hindi ko alam kung Ikigai ba 'to pero nilista ko 'yung mga dapat kong gawin.

Humarap ako sa salamin.

"Let's do this, bitch."


*****


HINDI ko na hinintay ang kinabukasan.

Kaagad akong nag-empake, hindi ko na dinala 'yung mga damit na binaon ko noon. Binilin ko sa tatlo kong alipores 'yung bahay na alagaan nila habang wala ako.

Bumalik ako sa Maynila, sa marangya kong bahay sa isang ekslusibong subdivision.

Ang tagal ko rin palang nawala kaya halos manibago ako nang dumating ako sa bahay.

Gulat na gulat si Yaya Liliah. "Diyos mio, Golda! Dis oras na ng gabi ang uwi mo, bakit hindi ka nagpasundo kay Markum?"

Si Yaya Liliah lang ang hindi tumatawag sa'kin ng boss dahil siya ang tinuturing kong nanay-nanayan sa lahat ng mga empleyado ko. Sobrang mapagkakatiwalaan ko siya sa pamamahay.

Niyakap ko siya. "Na-miss kita, 'Ya."

Naramdaman ko na parang naninibago siya sa'kin, bumitiw ako sa kanya. "Kumain ka na ba? Namamayat kang bata ka. Ano bang ginawa mo sa abroad?"

"Business trip nga ho," pagsisinungaling ko. "Matutulog na ho ako."

Iniwan ko siya at dumiretso ako sa kwarto ko. Pagkahiga ko sa malaki at malambot kong kama ay kaagad akong nakatulog.

Kinabukasan, pagkamulat ng mga mata ko ay kaagad akong bumangon.

Ito na ba 'yon? Ito na ba 'yong Ikigai? 'Yung ang bilis mong bumangon tapos parang excited kang gawin 'yung mga nasa goal list mo?

Hindi ko pa sure pero mabilis akong kumilos.

Nagulat si Yaya Liliah pagbaba ko sa kusina para uminom ng tubig.

"Oh, ang aga mo naman magising, Golda? Nakatulog ka pa ba?" nagtataka niyang tanong. "Bueno, wait lang at papahanda ko na 'yung breakfast mo."

"Sige ho, yaya, padala na lang ho sa kwarto ko," sabi ko at umakyat muli sa kwarto ko.

Pagpasok ko'y kaagad kong hinanap sa bag ko 'yung listahan na ginawa ko kahapon.


GOLDA'S LIST TO DO:

#1 CLEAN THINGS

Hindi ako nag-aksaya ng oras at kaagad akong pumunta sa walk-in closet ko para roon magsimulang maglinis ng mga abubot.

Nagpakuha ako kay Yaya Liliah ng mga kahon para ilagay ro'n 'yung mga bagay na hindi ko na kailangan.

Mga damit, sapatos, bags, at iba pa. Halos malula si Yaya Liliah nang iligay ko sa kahon 'yung mga mamahalin kong gamit.

"Golda, itatapon mo na ba 'yang mga 'yan?" tanong ni Yaya sa'kin nang pumasok siya sa kwarto ko para dalhan ako ng tanghalian.

"Hindi ho, ipamimigay ko," sagot ko.

Pagkatapos sa kwarto ay sa study room naman ako nagligpit. 'Yung mga koleksyon, libro, laruan, mga bagay na binili ko lang dahil cute, display, 'yung mga bagay na sa tingin ko ay mapapakinabangan ng iba ay nilagay ko sa kahon.

Halos mapuno 'yung garahe ng mga balikbayan box. Takang-taka si Yaya Liliah.


#2 TO DONATE STUFF

May tatlong kasambahay na katuwang ni Yaya Liliah sa bahay, tinawag ko sila sa garahe.

"Bakit po, ma'am?" tanong ng isa.

"Ibebenta n'yo po ba 'to, ma'am?" tanong naman ng isa.

"Pumili na kayo ng mga gusto niyo, tapos sa inyo na," sabi ko at halos mapanganga sila nang marinig 'yon.

Iniwanan ko na sila para makapili sila. Pagkatapos sunod kong pinatawag 'yung driver namin at binigyan siya ng mga laruan para sa mga anak niya.

"Appliances baka gusto mo?" tanong ko.

"Ano po, ma'am?" gulat na tanong ni Manong.

"'Yung flat screen na TV, okay lang ba sa inyo? 'Yung treadmill baka gusto n'yo rin?" tanong ko pero hindi makasagot si Manong.

"Golda! Diyos mio ka, anong nakain mo't namimigay ka ng mga gamit?" naghihisterikal na tanong ni Yaya Liliah nang maabutan ko siya sa kusina.

"Ikaw, Yaya, gusto mo ba ng bag? Prada? Hermes?" wala lang na tanong ko at gulat na gulat pa rin si Yaya.

Pinatawag ko si Cindy para tulungan niya 'kong ipamigay sa mga charity at sa iba pang mga nangangailangan 'yung mga gamit ko. Sinabi ko rin sa kanya na huwag siyang maingay tungkol sa sakit ko dahil hindi alam ng mga tao sa bahay.


#3 TO BUY MY COFFIN

Pangatlong araw, magkasama ulit kami ni Cindy para maghanap ng kabaong ko. Lumuwas kami ng probinsya para maghanap, mahirap na at baka kasi may makakita sa'kin sa Maynila. Gusto ko surprise 'yung burol ko.

"Boss naman, hindi ka pa patay bakit tayo mamimili ng ataul mo?" naiiyak na tanong ni Cindy nang makababa kami sa harapan ng gusali.

"Ay, nako Cindy huwag kang mag-inarte riyan," sabi ko ta's pumasok ako sa loob.

Sinalubong ako ng isang staff. "Good morning, madam! Welcome to Heavenly Funeral Services!" bakla ito at may hawak na Starbucks na kape.

Sumunod kami ni Cindy sa staff at nilibot kami sa show room ng mga kabaong nila.

"Madam, ito maganda, matte black casket, very elegant," sabi ng staff at kinatok nito 'yung kabaong. "Meron kaming package nito, including flower arrangements, 'yung service sa simbahan..."

Hindi ko naman iniintindi 'yung sinasabi ng staff at busy ako sa pagtingin ng ataul. Si Cindy tahimik lang sa sulok na nakatingin sa'kin.

Ano kaya 'yung simple lang pero 'yung magiging komportable ako?

Nakarating kami sa pangatlong show room at nakita ko sa may gitna sa sahig ang isang gold na kabaong. Lumapit ako ro'n.

"Magkano 'to?" tanong ko sa staff.

"Ay, ma'am, mahal ho 'yan, nasa three million po kasi gold tsaka 'yung design niya—"

"Ito na lang," sabi ko at yumukod ako.

"Ah... Sure ka na madam?"na tanong ng staff sa bilis kong magdesisyon. Tumango lang ako. "For order po 'yan, eh. Kailan na po ba need?"

"Okay lang, willing to wait. Hindi pa naman ngayon. Hindi naman ako nagmamadali," sagot ko tapos biglang natahimik ang paligid. "Bakit?"

Natawa 'yung staff. "O-Okay, madam, bongga! Excuse me lang saglit mga madam at tatawagin ko lang ang aming manager."

Pagkaalis ng staff ay kaagad kong binuksan 'yung kabaong.

"B-Boss! A-Anong ginagawa mo?" takut na takot na tanong ni Cindy nang makita kung ano 'yung ginagawa ko.

Nang mabuksan ko 'yung kabaong ay kaagad akong humiga sa loob no'n.

"B-Boss!" hindi ko alam kung maiiyak ba si Cindy o matatakot.

"Sshhh..." sabi ko. "Huwag kang maingay, Cindy." Sabi ko tapos pumikit ako.

Hmm... Ganito pala pakiramdam kapag nakahiga sa kabaong.

Mga isang minuto akong humiga ro'n tapos tumayo na rin ako. Hindi naman ako nahuli ng staff.

Mas nagulat ang staff at ang manager niya nang magbayad ako ng full payment.

Nilubos ko na rin 'tong araw na 'to at nagpunta kami sa malapit na mall ni Cindy para bumili ng susuotin ko.

Malatang-malata si Cindy, parang mas pagod pa siya kesa sa'kin. Naloloka na siguro sa pinaggagawa ko. Pero hindi naman na siya umangal.


#4 FUNERAL PLAYLIST & PRESENTATION

Sa araw na 'to, buong araw lang akong nasa study room ko at nakaharap sa laptop.

Naghahanap kasi ako sa internet ng mga kanta na gusto kong patugtogin sa burol ko. Siyempre ayoko naman ng mga masyadong korni na kanta 'yung ipatugtog nila.

Gumawa ako ng folder para i-compile ro'n 'yung mga kanta.

Kabilang sa mga napili ko: Seasons of Love by Rent, Time After Time by Cindi Lauper, If I Die Young by The Band Perry, See You Again by Wiz Khalifa, Somewhere Over the Rainbow, My Immortal by Evanescence, Goodbye my Friend Linda Ronstandt, In the End by Linkin Park atbp.

Gusto ko 'yung iba-iba genre para masaya sila.

Gumawa naman ako ng folder para i-compile naman 'yung pictures ko para sa presentation. Pinili ko 'yung mga magagandang shots ko, mahirap na at baka mamaya pangit ako sa mga picture na ilalagay nila.


#5 PAMPER DAY WITH STEVEN

"Hoy kaloka ka! Tumawag sa'kin si Cindy na umiiyak! Gaga ka bakit namimili ka na ng ataul mo? Buhay ka pa, huy!" bungad sa'kin ni Steven nang magkita kami.

Nandito kami sa mall. Tinawagan ko siya kasi gusto kong magpamassage. Kaso niratrat ako ng bakla nang magkita kami.

"Ano naman ang masama maging advance mag-isip?" sabi ko. "Tsaka, I'm just being me, I want to manage my life," sabi ko at natawa si Steven.

"Anu raw! Kaloka ka! Marami kang itsi-tsismis sa'kin, pokpok ka!" hinila niya 'yung buhok ko.

Kung hindi ko lang 'to kaibigan sinapak ko na 'to eh.

Habang nasa spa ay kinuwento ko ang mga kaganapang nangyari noon kay Steven. Wapakels kung marinig man kami ng ibang tao sa kwentuhan namin.

Siyempre, gulat si bakla.

"Grabe, ang haba ng buhok mo, mamshi, tatlo-tatlo ang lalaki mo!" sabi ni Steven pagkatapos kong magkwento.

"Sa haba ng kwento at drama ko, 'yong kalandian lang talaga 'yung napansin mo?" nakasimangot kong sabi.

"Aba, of course! Ikaw na ang diyosa at maalindog! Si Markum, alam ko talaga may past kayo, tapos may bagets na pogi kang napaamo, tapos isang papabol at hot na teacher?! At take note may nagtangka pang mangharass sa'yo na another pogi. How to be you, Golda?!"

"Bwisit ka, bakla!"

"So, sino sa kanila ang natikman mo—este napili mo?!" naiirita ako sa tinis ng boses niya, halatang masayang masaya ang gaga.

"Wala."

"Ha?! Wala?!"

"Hoy, ang OA mo," nakasimangot kong sabi.

"Hmm... Bakit feeling ko may tinatago kang feelings. Huhulaan ko," nag-isip kunwari si bakla. "'Yung teacher ba?"

Hindi ako sumagot.

"Ayieee!!! Tama akez!"

"Gago, hindi," sagot ko.


#6 PICTORIAL

Nilubus-lubos ko 'yung oras na magkasama kami ni Steven. Nagpaayos ako sa kanya ng buhok at nagpa-make up ako, pagkatapos ay nagpunta kami ng studio para magpictorial sa portrait ko.

Nagtagal din kami ng mahigit dalawang oras sa pictorial bago ako makapili ng magandang shot. Pinaprint ko 'yon at pinalagay sa frame.

Ayan, ready na ang funeral picture ko.

Fierce and elegant.

Mamamatay akong maganda.


#7 MAKE LAST WILL TESTAMENT

Pinatawag ko 'yung lawyer ko para ipaasikaso sa kanya kung kanino ko ipapamana 'yung mga property ko kapag nawala na 'ko.

Siyempre, kinailangan kong sabihin kay attorney kung bakit at nagulat siya nang malaman ang sitwasyon.

Sa huli,nagcomply din naman siya sa mga utos ko.

'Yung bahay... kay Yaya Liliah ko ipapamana, kaso baka mahimatay siya pag nalaman kaya siguro kapag namatay na 'ko na lang niya malaman.

Nilista ko 'yung mga property na gusto kong ipamigay sa mga ibang tao.

Nakakatawa lang kasi buong buhay ko 'tong pinaghirapan para makuha tapos ipapamigay ko na lang ng basta-basta.

Hindi naman dahil labag sa loob ko pero... sadyang nakakatawa lang ang buhay.

Kapag namatay ka hindi mo rin naman masasama lahat ng kamatayan mo sa langit o impyerno—kung meron man talaga no'n.

Bigla akong nakaramdam ng pagod. Halos isang linggo akong walang humpay na kumikilos, walang tigil na hinaharap ang katotohanan ng kamatayan.

Mag-isa akong nasa loob ng kwarto ko nang bigla akong makaramdam ng lungkot.

Ngayon ko lang 'to naramdaman.

Sobrang bigat.

Sobrang sakit.

Naalala ko 'yung mga pinaggagawa ko: ipamigay 'yung mga gamit ko, bumili ng kabaong, mamili ng susuoting damit, at kung anu-ano pa.

Bakit... Bakit ako nalulungkot?

Hindi ako dapat nalulungkot para sa sarili ko.

Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama.

Dinama ko 'yung pus ko.

Buhay ka pa, Golda.

Bigla kong naalala...

What's your Ikigai?

Parang hindi ko pa rin alam, tangina.

"Putangina," napatingala ako dahil nagbabadyang bumagsak 'yung mga luha ko. "Putangina naman," hindi na 'yon napigilan at nag-uunahang umagos sa aking pisngi.

Ayoko pang mamatay, puta naman. 



-xxx-



FUN FACT: THE NAMES ARE INSPIRED BY COLORS: (Ewan ko kung may nakapansin nito sa inyo, haha!)

Ruffa Morado – Morado means violet

Paul Reid – Paul is anagram of 'Pula' and Reid is rhyming to 'Red'

Waldy Mae – Waldy is 'dilaw'

Luvina "Lulu" Luntian – Luntian means Green

Kahel Reyes – Kahel means 'Orange'

Buggy Jao – I got it from 'Bughaw', it means 'Blue'

Blake Godini – Godini is an anagram of 'Indigo' 

And Golda is Gold :D

And they said that a pot of GOLD is at the end of the RAINBOW.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top