/25/ I Don't Want To Lose It Soon


The enlightened
 once said,
the cause of
our suffering
is attachment.
The only cure
is to let go
of things
 we care about,
and we love.


/25/ I Don't Want To Lose It Soon

[GOLDA]


"GOLDY, huyyy!" namalayan ko na lang na pumipitik si Waldy sa harapan ko. Magmula kasi nang bumalik ako ng classroom kanina ay naging lutang ako.

"Bakit ba?" iritable kong tanong.

"Nasaan regalo namin?" nakapamewang na tanong ni Waldy.

Namalayan ko na lang ang kasalukuyang nangyayari, naglilinis na ang buong klase dahil tapos na ang Christmas Party. Kakatapos lang ng exchange gift at ngayon ay oras na para ligpitin 'yung mga kinalat namin sa classroom.

"Hah?"

"Anong huh ka diyan. Wala ka man lang pa-gift sa'min?" nakangusong tanong ni Waldy.

"W-Wala akong gift sa inyo," sabi ako at siyang dating ni Ruffa sa harapan namin.

"Don't slack, tumulong naman kayo, guys," sabi ni Ruffa sa'min dahil kaming dalawa na lang pala ni Wald yang naka-sitting pretty, 'yung mga kaklase ko ay kanya-kanya ng ginagawa. Tumayo ako at naglakad ako sa may pintuan para kumuha ng walis.

"Ang sungit mo naman, girl!" dinig kong biro ni Waldy kay Ruffa. "'Eto na, tutulong na."

Naramdaman ko na nasa likuran ko si Waldy at nagulat ako nang bigla niya kong niyakap kaya natigilan ako.

"Hoy, punyeta ka," saway ko sa kanya.

"Goldyyy, joke lang naman 'yung gift, galit ka ba?" malambing niyang tanong.

"Huh? Hindi ako galit, shunga," sabi ko tapos bumitiw siya sa'kin.

"Weh?" 'di pa nakuntento ang gaga dahil pumunta siya sa harapan ko para silipin 'yung mukha ko. "Eh, bakit parang badtrip ka? Ikaw naman, hindi ma-joke."

"Hay nako, Waldy, tigilan mo ako," sabi ko at naglakad ako ulit papuntang pintuan.

"Sungit. Meron ka?"

"Oo," sagot ko na lang at hindi na niya ako kinulit.

Nang makalapit ako sa pintuan ay bigla akong natigilan ulit. Sinadya ko talaga na hindi muna sila bigyan ng Christmas gift, gusto ko sana pagsabayin 'yung ireregalo ko sa kanila sa graduation—hindi dahil sa nagtitipid ako... Kasi feel ko lang mas special kapag binigyan ko sila ng isang regalo sa pagtatapos.

Kinuha ko 'yung walis at nagsimulang maglinis sa labas. Naghaharutan pa rin 'yung mga kaklase ko sa labas habang naglilinis. Tumigil ako saglit para pagmasdan sila.

Sa totoo lang nababahala pa rin ako, naalala ko na naman 'yung mga salita ng lalaking 'yon.

"Kung gusto mong grumaduate sa March ng walang problema..."

Hindi ko ugaling mag-alala sa mga bagay na hindi pa mangyayari dahil naniniwala ako na lahat ng bagay ay may tamang solusyon. Alam ko na hindi ako gano'n dapat mabahala sa pagbabanta nito pero ewan ko ba kung bakit nagkukumuyos 'yung puso ko.

"Kung ayaw mong matapos 'agad ang mga maliligaya mong araw sa eskwelahang 'to... ibibigay mo an gusto ko."

Madali lang naman ibigay kung anong gusto ng Fredo na 'yon—walang iba kundi pera.

Hindi ko lang gusto 'yung pagbabanta niya sa'kin na kung hindi ako susunod ay maaari niyang sirain ang masasayang oras ko rito.

Dahil alam ko sa puso ko na ayoko pa munang umalis, ayoko pa munang matapos ang mga sandali na kasama ko sila.


*****


"AS expected," masaya niyang bati nang umupo ako kaharap niya. "You brought what I asked?"

Nilapag ko sa ilalim ng mesa ang dala kong bag at pasimple siyang sumilip doon atsaka ngumisi.

"Gusto mo ba bilangin ko pa sa harapan mo?" sarcastic kong sabi sa kanya at marahan lang siyang natawa.

"I don't mind. May tiwala naman ako sa'yo," kumindat siya atsaka binasa ang menu sa mesa. "Nagbreakfast ka na ba? Anong gusto mo? Of course, it's my treat."

"Busog ako, at may pasok pa 'ko—" akma akong aalis nang titigan niya ako ng masama.

"Miss Goldanes," tawag niya sa pangalan ko at natigilan ako. "I'm not asking you to go yet."

"Ano pa bang gusto mong gawin ko, ha?" naiinis kong tanong sa kanya.

Napawi ang pagiging seryoso sa mukha niya at napalitan ulit 'yon ng ngiti, hindi ako makapaniwala na kaya ng taong 'to na magpalit ng emosyon ng gano'n kadali. Bipolar ba siya?

"Gusto ko lang din linawin sa'yo na hindi porque binayaran mo ako ngayon ay tapos na tayong dalawa," sabi niya habang nakangiti. "Sit down."

Sumunod ako sa kanya kahit labag sa kalooban ko. 'Yung pakiramdam na parang may hawak siyang detonator ng bomba na kapag hindi ako sumunod ay maaari siyang magpasabog? Gano'n 'yung pakiramdam.

"You'll eat breakfast with me from now on, until before Christmas vacation begins, and you'll bring the same amount of money," sabi niya habang binabasa ulit 'yung menu. "I'd like to clear something here, you won't tell this to my mother and even my brother."

"Bakit? Ayaw mong malaman nila na nagpapakasasa ka sa pera ko?" binigyang diin ko 'yung huli. "At isang milyon sa isang araw? Sumosobra ka naman 'ata."

"You're rich, barya lang 'yon sa'yo, right?" katwiran niya. "Besides, gusto mo bang mapaaga ang graduation mo? You seems enjoying the school, I bet you still wanna hang out with those foolish kids."

Nagkuyom ang dalawa kong palad nang sabihin niya 'yon. Gusto niya araw-araw ko siyang bigyan ng isang milyon hanggang last day bago mag Christmas break, nasa pitong milyong piso rin ang total ng gustong kurakutin ng hinayupak na 'to.

Tinawag niya ang waiter at umorder ng mga pagkain para sa'ming dalawa.

"Alam mo, nabanggit na sa'kin ni Gil na mayroon siyang gagong kapatid, hindi na 'ko nagulat."

Binaba niya 'yung hawak na menu at masamang tumingin sa'kin. "What did my little brother told you?"

"Hmm..." humalukipkip ako at sumandal, ayokong ipakita sa taong 'to na porque binigay ko ang gusto niya ngayon ay makokontrol niya ako ng basta-basta. "Wala naman siyang masyadong mabanggit maliban sa kung gaano kakurakot ng kapatid niya na siyang naging dahilan ng munti na pagkalugi ng William Consuelo High School."

Tinitigan ako ni Fredo ng ilang segundo, hindi kami kumukurap parehas at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Hindi ko matantiya kung galit ba siya o ano. Maya-maya'y bigla siyang tumikhim.

"Gil, he's just jealous," iyon ang bigla niyang sinabi kaya napakunot ako.

"At bakit naman siya magseselos sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya sabay biglang dumating ang mga pagkain, nagsimula siyang kumain samantalang ako naman ay hindi iyon ginalaw. Wala akong gana lalo pa't kaharap ko siya.

"Because I'm the heir of that school, once my mom died I'll take over," sabi niya na parang wala lang habang binubuhos ang syrup sa pancake. "Hindi rin ba nakwento sa'yo ni Gil na hindi naman niya talaga gusto maging high school teacher, he wanted to be university researcher but when I got swamped he quickly went to that school—to support my mom, sabi niya."

"Busy? O baka naman na-fucked up ka," sabi ko at natawa siya, hiniwa niya 'yung pancake at sumubo.

"Don't judge me, Miss Goldanes. Sometimes we need to take the risk, for Gil he thought I wasted our money, but for me, it's just a result—not a failure of risking for something better. Don't you agree? You're a businesswoman, you should know better," sabi niya habang patuloy pa ring kumakain.

"Ahh... So ngayon, bumalik ka para manggulo?"

Lumunok muna siya bago magsalita. "No, I'm not," kinuha niya 'yung table napkin at pinunasan 'yung bibig niya, "it's just a coincidence that I found you when I returned. You're an opportunity that I can use, you know... to rise again from my failed business venture. Your money won't go in vain, I assure you."

Hindi na ako kumibo at pinanood ko lang siyang kumain.

"I can't believe they didn't tell you," narinig kong bulong niya habang naghihiwa siya.

"Anong sabi mo?"

Tumingin siya sa'kin at tumitig ng ilang segundo. "Be a good girl for me, Golda."


*****


ONE million per day? No big deal.

Nagkikita kami tuwing umaga sa isang diner na malayo sa eskwelahan para sabay 'magbreakfast' pero sa totoo lang, binibigay ko sa kanya 'yung isang bag ng pera, tapos papanoorin ko siyang kumain hanggang sa matapos siya.

Pakiramdam ko ay nakipagkasundo ako kay Satanas, parang binebenta ko 'yung kaluluwa ko sa demonyo. Siguro nga karma ko 'to sa pagpapanggap—walang libre sa mundo, sabi siguro ni Lord, masyado akong masaya hindi pwedeng gano'n kailangan ko pa ring maghirap.

Kung malalaman ni Markum 'yung ginagawa ko ngayon ay tiyak kong katakut-takot na sermon ang aabutin ko sa taong 'yon. Pero may mga pagkakataong hindi ako makatulog sa gabi at iniisip ko kung okay lang ba na parang wala lang na itatapon ko 'yung isang milyon dahil tutal mamamatay din naman ako—atsaka kung tutuusin ay malaking abala ang ginagawa ko sa kay Principal Consuelo at Gil sa pagtatakip sa'kin.

Palagi tuloy akong puyat sa kakaoverthink sa naging desisyon ko na 'isangla' muna sandali ang sarili ko kay 'Satanas' para hindi muna magwakas ang masasayang araw ko sa eskwelahang 'to—para makagraduate ako sa March.

Mabuti na lang at marami kaming vacant na oras para magpractice, may mga mababait kasi kaming teachers na pumapayag na magpractice na lang kami para sa graduation song competition at magself-study na lang dahil kung hindi ay panay bokya na naman ako nito.

Tuwing vacant sa classroom kami nagpapractice, kapag naman tuwing uwian ay sa lumang court malapit sa old building kami nagpapractice dahil malilim dito.

Nakaupo ako ngayon sa gutter habang nakatingin sa mga kaklase ko 'di kalayuan na nagbo-vocalization. Si Ruffa ang tumatayong leader, pinaghiwalay niya 'yung mga nasa tono kumanta at 'yung mga sintunadong katulad ko.

"Nakakainis naman si Ruffa, maganda rin naman boses ko ah," reklamo ni Waldy sa tabi ko habang kumakain ng ice cream na binili niya sa labas pa ng eskwelahan.

"Waldy, kakasabi lang ni Ruffa na bawal tayong kumain ng ice cream," saway ni Jao na katabi niya. Sila Kahel, Lulu, at Paul ay kasama roon sa mga grupo na nasa tono kumanta. 'Yung mga kaklase naming iba na wala rin sa tono ay naglalaro lang 'di kalayuan.

"Hmp! Hindi naman daw maganda boses ko kaya kakainin ko kung anong gusto ko," sagot naman ni Waldy kay Jao.

"Are you okay?" dinig kong tanong ni Blake na nasa tabi ko, muntik ko nang makalimutan na nandiyan nga lang pala siya. "You're quiet."

"Oo nga, Goldy," sabat ni Waldy. "Pansin ko lang parang ang tahimik mo lately. Meron ka pa rin?"

"Maybe she's not feeling well," sabi ni Jao.

"Bakit ba masyado kayong worried sa'kin, guys, ako lang 'to, si Golda?" sabi ko sa kanila sa mapangbirong boses.

Pagkatapos magvocalization ng mga nasa tono kumanta ay inanunsyo ni Ruffa na may fifteen minutes break kami, pagkatapos magpapractice na ulit kaming lahat. Pinayagan naman kaming magpractice ni Principal Consuelo hanggang 6:30, hangga't may liwanag pa.

Lumapit sa pwesto namin si Lulu, Paul, at Kahel na may dalang gitara.

"Hay, nakakagutom, bukas pa kaya 'yung cafeteria?" tanong ni Paul.

"Anong gusto mo, Paul?" malanding tanong ni Waldy. "Sarado na 'yung cafeteria pero pwede kitang samahan sa labas."

"Ah, sa labas pa? Baka maubos lang oras natin, huwag na lang," sagot ni Paul.

Maya-maya'y napansin kong may tiningnan ang mga kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yung taong palapit sa'min. Si Fredo.

"Who wants some snacks?" sabi nito at itinaas ang dalawang malaking plastic na dala.

Para siyang magnet at kaagad siyang nilapitan ng mga kaklase ko maliban sa mga katabi ko. "Sir Fredo!"

"I saw you earlier, narinig ko sa principal na nagpapractice raw kayo for graduation song competition?" sumulyap siya sa'kin saglit at tiningnan ko siya ng masama. May usapan kaming dalawa na magkocomply ako sa gusto niya pero ang kapalit no'n ay hindi niya ako gagambalain sa eskwelahan, tapos ngayon gumagawa siya ng eksena? Bida-bida rin pala 'tong demonyong 'to.

"Yes, sir, this is really for us?" dinig kong sabi ng isa kong kaklase.

"Hay, ang gwapo pa rin talaga ni Sir Fredo," dinig kong sabi ni Waldy.

"Yes, I brought snacks for you dahil napakasipag n'yong mga bata," puri ni Fredo sa mga kaklase ko. Akala mo kung sinong mabait!

"Yay! Thank you, Sir Fredo!"

"Ang cool talaga ni Sir Fredo!"

"You don't need to thank me. As a matter of fact, there's a generous sponsor of our school..." pasimpleng sumulyap sa'kin si Fredo. Sinasadya niya talaga 'yon para bwisitin ako. Ilang metro rin ang layo naming dalawa pero nanggigil ako sa kanya.

"Guys, snacks daw para sa'tin!" sigaw ni Ruffa sa lahat para kumuha ng pagkain sa plastic, sandwhich at isang in-can drink.

"Makakuha nga ng pagkain," tumayo si Waldy, Jao, Paul, at Kahel. "Lulu, saan ka pupunta? Hindi ka kukuha?"

"MagsiCR lang ako," sabi ni Lulu at pumunta sa old building eh wala namang CR do'n.

"Ikaw, Goldy? Blake?" tanong sa'min nito.

"Busog ako," sabi ko.

"Same," sagot din ni Blake.

Naiwan kaming dalawa ni Blake pagkatapos. "Mukhang sikat at malakas sa mga estudyante 'yang Sir Fredo na 'yan ah," sabi ko.

"Not really," sagot ni Blake at medyo nagtaka ako.

"Bakit parang bitter ka?" tanong ko sa kanya.

Akala ko hindi siya sasagot. "Yeah, sikat siya sa school dahil cool siyang teacher. He's good at teaching. Remember my crush, 'yung sinabi ko sa'yo?"

Kumunot ako sa huli niyang sinabi. "'Yung dati n'yong teacher.... 'yung namatay?"

"She married that man," sabi ni Blake na kinagulat ko.

"Ha? Talaga?" 'di na 'ko nagtaka kung bakit bitter ang batang 'to.

Lumingon ako at nakita ko si Lulu na kakapasok lang sa loob ng lumang building, bigla kong naalala... Sinabi noon ni Blake na close si Lulu at 'yung babaeng teacher na 'yon—na dating asawa ni Fredo.

Tumayo ako. "Where are you going?" tanong ni Blake.

"Kakausapin ko lang si Lulu. Diyan ka lang, stay, sit," utos ko sa kanya para hindi na siya sumunod. Hindi naman na siya kumibo at sumunod nang maglakad ako papuntang old building.

Pagpasok ko sa SOS Club room ay nakita ko roon si Lulu na matamlay na nakaupo.

"Lulu," tawag ko sa kanya. "Okay ka lang?"

"I should the one asking that," sabi niya at nag-iwas ng tingin. Umupo ako kaharap niya.

"Parehas tayong hindi okay. Ako, may sakit na pisikal. Ikaw, ano masakit sa'yo? Sa emosyon mo?" nag-aalala kong tanong. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa kawalan. "Tungkol ba 'to sa Fredo na 'yon?"

Pagkasabi ko ng pangalan na 'yon ay nakita ko ang takot sa mga mata niya. Pero hindi pa rin siya nagsalita.

"Lulu... Sinabi sa'kin ni Blake," dahan-dahan akong nagsalita, "... na may naging close kang teacher... Pero... namatay. 'Yung teacher na 'yon... ang napangasawa ni Fredo."

"Blake told you?" hindi makapaniwalang sabi ni Lulu.

"Pwede mong sabihin sa'kin, Lulu," kampante kong sabi sa kanya. "Kung may ginawa siyang masama sa'yo noon—akong bahala para hindi na siya ulit makalapit sa'yo—"

"He talked to you?" putol niya sa'kin at bigla akong nawalan ng sasabihin sa kanya. Tumango lang ako at nakita ko ang pagkagulat sa kanya. Pagkatapos ay umiling si Lulu. "What did he tell you?" Parang anumang sandali ay sasabog siya kaya naisipan kong sabihin sa kanya ang totoo.

"Alam niya, Lulu. Alam niya ang sikreto ko. Hindi naman na nakakagulat 'yon... dahil anak siya ng principal ng school na 'to," malumanay kong sabi.

"Then?"

"Ayon, gusto niya ng pera para manahimik siya."

Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Lulu hanggang sa nag-angat siya ng tingin, nagbabadya ang mga luha sa mga mata niya.

"I'll tell you what happened."


*****


LAST day ng practice namin mamayang uwian. Friday na bukas, tapos Senior's Prom na sa Sabado. May usapan kami nila Waldy mamaya na pagkatapos ng practice ay pupunta kami ng mall para maglast minute shopping para sa prom.

Umaga na naman at nandito ako ngayon sa tagpuan naming dalawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng diner. Nandoon siya sa usual spot niya, kumaway pa si Satanas sa'kin.

Pagkaupo ko sa harapan niya'y binagsak ko sa paanan niya 'yung bag at nakita kong napangiwi siya sa sakit.

"That hurts," daing niya at sinilip ang bag. "This is heavy. May pa-Christmas bonus ka ba sa'kin? What the hell is this? Bato?"

"Oo, bato, kainin mo 'yan. Hindi na kita bibigyan ng pera, manigas ka, gago," sabi ko sa kanya. "At sa susunod na lumapit ka sa mga kaklase ko—"

"Then what?" sabi niya at napangisi. "Wala kang maipapanakot sa'kin, Miss Goldanes."

"Meron, akala mo ba madadaan mo 'ko sa pananakot mo? Alam ko ang baho mo, Fredo," may gigil na sabi ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya nang maramdaman na seryoso ako at hindi na ako natatakot sa mga sasabihin niya.

"I'm not surprised," napakunot ako nang sabihin niya 'yon. "I thought she'll tell you sooner or later,"

"Ano—"

"Lulu, my late wife's favorite student," sabi ni Fredo na mas lalong kinakulo ng dugo ko.

"Akala mo kung sino kang malinis at mabait sa eskwelahan, paano kung malaman nila na ang tulad mong santo-santohan ay may karumal-dumal na—"

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin 'yung mesa. Bigla niya akong dinuro.

"Don't you dare to threaten me," sabi niya sa'kin. "That's it, huh? You really don't care anymore if you graduate? Wala ka nang pakialam kung mabulgar sa buong eskwelahan ang sikreto mo, ha, Miss Goldanes?"

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Ngumisi ako. "Kung ikukumpara naman 'yon sa sikretong mabubulgar tungkol sa'yo, okay lang, mamamatay naman din ako. Eh, ikaw? Ang reputasyon mo?"

Nakita ko na mabilis ang paghinga niya, halatang nagtitimpi ng galit. Pakiramdam ko sa mga sandaling 'to ay wala na siyang magagawa para takutin ako dahil okay na sa'kin kahit hindi ako maka-graduate sa March, huwag lang maging sunud-suran sa demonyong 'to.

Pero ilang sandali pa'y biglang kumalma si Fredo. Bumalik ang maamo niyang mukha.

"Hindi mo naman talaga gustong grumaduate," kalmado niyang sabi. "You came back in William Consuelo because you want to know the truth about your brother's death."

Checkmate.

Parang biglang tumaob ang mesa nang sabihin niya 'yon. Dumukwang si Fredo sa mesa para makalapit sa'kin, hindi ako makagalaw at nakatitig lang ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nahuli niya ako.

"Tama ako, hindi ba?" hindi ako kumibo. "Joseph Mago Goldanes, he was my classmate. Gusto mo bang malaman ang totoo?"

"A-Ano ang totoo?"

"It's a shame that my mom and my brother didn't even tell you the truth—"

"Sabihin mo!"

"Calm down, Miss Goldanes," nakangisi na siya ulit ngayon habang ako naman ang halos hindi makahinga. "I'll tell you in one condition."

"Magkano?"

Umiling siya. "This is a different matter, my dear. I want... something more valuable than money."

"Kung gano'n—"

Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Gusto kong magwala pero parang nanigas lang 'yung buo kong katawan nang bumulong siya sa'kin.

"Let's talk about this in bed, shall we?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top