/24/ All Too Well
Always anticipate
the unseen forces.
You never know
when the shadows
of fear
will attack.
Be keen.
Do not let
your guard down.
/24/ All Too Well
[GOLDA]
BAKIT nga kaya gano'n?
Bakit nga ba tila may ilusyon ang oras? Kapag oras ng nakakaantok na klase ay napakabagal ng oras, kapag naghihintay ka sa isang bagay akala mo tinubuan ka na ng ugat sa tagal. Pero kapag masaya ka naman o 'di kaya'y kapag nag-eenjoy ka ay hindi mo namamalayan ang oras—mabilis na lang pala lumipas 'yon, kamukat-mukat mo tapos na pala ang maliligaya mong oras.
Hindi na ako nagtaka, kaya pala kapag oras ng klase ng Literature ni Mr.Flores ay akala mo ilang siglo na ang dumaan dahil sa pang-lullaby niyang boses. Parang kahapon lang ay unang beses akong pumasok sa classroom ng STEM 2-C, heto ako ngayon.
Noong una ayokong aminin sa sarili ko dahil parang ang korni—at well, dahil matanda na 'ko para sa mga ganito pero sa totoo lang ay namalayan ko na lang nag-eenjoy ako sa pagpasok sa school.
'Yung kahit maboplaks ka sa quizzes, exams, at recitation—okay lang kasi itatawa mo na lang ang lahat pagkatapos. Kumbaga, hindi big deal ang mga bagay-bagay pero bawat estudyante ay may mga pinapahalagahan. Katulad na lang nila.
Si Lulu, ayon wirdo pa rin ang batang 'yon. Noong una ko siyang nakilala akala mo parang pasan niya ang daigdig. Pero natutuwa ako sa kanya kasi katulad ko alam kong ayaw niya lang din ipakita sa iba kung anong tunay niyang nararamdaman. Ang pinakakinatutuwa ko? Hindi na 'ata niya gustong mamatay.
Si Kahel, walang palyang pumapasok sa eskwelahan. Ubod ng sipag ng batang 'yon, walang kaalam-alam 'yung iba naming kaklase na may part-time job siya sa gabi para suportahan ang pamilya niya. Pero kahit kailan hindi ko siya nakitaan na nahirapan siya, para sa pamilya niya ay lihim siyang nagsusumikap.
Si Jao, GC pa rin ang nerd, pero hindi na 'yung tipong nagpapakamatay siya para sa grades katulad noon. Nababalanse na niya ang oras ng pag-aaral at oras ng pagsasaya. Nakakatuwa kasi dati raw hindi siya mahilig makihalubilo , pero ngayon at least bago siya grumaduate ay naranasan niyang mag-enjoy.
Si Waldy, in fairness inu-update niya ako sa progress ng reconciliation nila ng nanay niya at malaki ang improvement ha. Madalas tuloy magpabaon ng maraming lunch ang nanay niya para i-share sa'min. Kahit na may pagkahaliparot ang batang 'yon, malambing naman, at siya 'yung tipo ng kaibigang hindi pwedeng mawala dahil wala kang sasabunutan.
Si Paul, na akala ko noon ay puro payabang at papogi lang ang alam dahil sa kasikatan niya sa campus, sumasama pa rin sa'min kapag wala silang practice, well, dahil cool daw kami. Paminsan-minsan din ay nagbabonding kami—ano pa ba kundi pagsasayaw. Humble ang kolokoy.
Si Ruffa, gc pa rin katulad ni Jao at close na ulit sila ni Sophie (kala mo hindi nag-away, ang sarap pag-untugin), pero mabuti na rin 'yon dahil nagagawa na ni Ruffa na magpakatotoo sa sarili niya at hindi na naabuso ang pagiging mabuti niyang tao.
Si Blake, gano'n pa rin, pangiti-ngiti lang at minsan pasimpleng tsumatsansing pero kahit na nilinaw ko sa kanya na hanggang friends lang kami ay naiintindihan niya naman 'yon. May isang salita siya sa pangako niyang hindi ipagkakalat ang sikreto ko.
Sila Briana, Nap, Tiana, saging boy, at iba ko pang mga kaklase? Ayon, simula nang mangyari 'yung retreat parang nag-iba ang atmosphere sa loob ng classroom. Mas naging magaan lang sa pakiramdam 'yung mga katuwaan at paghaharutan nila. Siguro dahil naiisip na rin nila na pagkatapos ng high school ay magkakahiwa-hiwalay sila—kaming lahat.
Hindi na nagpakita o nagparamdam sa'kin si Markum simula nang mangyari 'yong sa ospital. 'Yung tatlong bugok kong alipores ay gano'n pa rin naman, mga mabubuti at masunurin.
Si Sir Gil? In fairness, good friends naman kami sa labas ng classroom. Pero paminsan-minsan ay nagkaka-asaran kaming dalawa lalo pa't madalas niya pa rin akong pag-tripan kapag recitation.
Kamukat-mukat ko na lang ay December na, malapit na namang mag-Pasko at magtapos ang isang taon. Damang-dama ang excitement ng mga estudyante sa William Consuelo High School dahil puro activities ang buwan na 'to at pagkatapos ay Christmas vacation naman.
Pagkapark ko ay kaagad akong lumabas ng sasakyan, kinuha ko sa likuran ang isang malaking parol at isang kahon, napag-usapan kasi kahapon na kailangan naming magdala ng kanya-kanyang Christmas décor para sa classroom.
Bitbit ko 'yung malaking parol habang papasok sa loob ng campus. Biglang nahulog 'yung laman ng kahon na nakasukbit sa braso ko, punyeta nagtalbugan tuloy 'yung mga Christmas balls. Hindi ko malaman kung ilalapag ko ba 'yung parol para pulutin 'yung mga 'yon.
Ilalapag ko palang sa sahig 'yung parol nang makita ko ang isang lalaki ang pumulot isa-isa sa mga nagkalat na bola. Pag-angat niya ay nakita ko ang maaliwalas niyang ngiti habang papalapit siya sa'kin.
"Here, I think you dropped these. Let me help you," sabi niya at kinuha 'yung kahon sa'kin at nilagay doon 'yung mga Christmas balls, inayos niya 'yung kahon bago iabot sa'kin. "Do you want me to carry that for you?"
Napatitig ako sa itsura ng lalaki, nakasalamin, maamo ang mukha, makapal na kilay—sa madaling salita, mala-anghel ang kagwapuhan. Mas matangkad siya sa'kin at nakasuot siya ng puting long sleeve na tinupi, ang linis-linis niyang tingnan.
"Miss?" tawag niya sa'kin dahil tila nahipnotismo ako ng titig niya. Ewan ko ba, pakiramdam ko nakita ko na siya noon dahil parang pamilyar 'yung itsura niya.
"Hindi na, kaya ko na 'to," sabi ko at akmang aalis pero nagsalita siya ulit.
"Are you a student here?" tanong niya na may himig ng pagtataka.
Tumango lang ako at dali-dali akong naglakad at iniwanan siya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ang gwapong lalaking 'yon, ngayon ko lang siya nakita at parang hindi naman siya teacher dito.
Winasiwas ko 'yung mga iniisip ko nang makalapit ako sa classroom. Pagpasok ko sa loob ay saktong nag-uumpisa pa lang sila sa pagmimeeting.
"You're late," nakasimangot na salubong sa'kin ni Sir Gil habang nakakunot. Anong problema nito? Meron ba siya?
Madalas aasarin ko lang siya pabalik kapag nalelate ako pero wala ako sa mood ngayon, inabot ko sa kanya 'yung parol at wala siyang nagawa kundi kunin 'yon, pati 'yung isang kahon ng
"Let's begin, kumpleto na tayo," nakangiting sabi ni Ruffa na nasa harapan.
Pagkaupo ko sa pwesto ko sa ay narinig kong nagsalita si Lulu. "Ngayon ka na lang ulit na-late, Goldy."
"May nakita kasi akong gwapo," sagot ko at nanahimik na lang siya. Nangibabaw 'yung boses ni Ruffa. Binigay kasi ni Sir Gil ang oras ng klase niya para pagmeeting-an ang mga magiging events para sa December. May napansin ako at humarap ako kay Lulu. "Teka nga, president ka dapat ikaw nando'n sa unahan."
Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin sa unahan. "Kaya na ni Ruffa 'yan, she's good in speaking. Baka maging awkward potato lang ako kapag ako ang nagsalita."
Hindi na lang ako kumibo at muli akong nakinig. Umugong ang ingay ng mga kaklase ko nang banggitin ni Ruffa ang mga activities.
"This coming Saturday we'll have our Christmas Party, according to the faculty mauuna ang mga seniors sa party dahil busy tayo sa mga susunod na Linggo para sa Graduation Song Competition at Senior's Prom." Matapos banggitin ni Ruffa ang huli ay umugong ang ingay ng mga kaklase ko, marami ang na-excite nang marinig ang 'Senior's Prom'.
"Hindi ba't tuwing February ginaganap ang mga prom?" bulong na tanong ko kay Lulu.
"Prom ng juniors tuwing February. We're seniors, graduating tayo sa March kaya inuna 'yung prom natin, besides may mga entrance exam pa next year," sabi ni Lulu at tumingin siya sa'kin.
"Ahh..." sabi ko at humalukipkip, sumandal ako sa kinauupuan ko.
"Quiet, class," saway ni Sir Gil sa klase dahil parang mga bubuyog 'yung mga kaklase ko na putak nang putak tungkol sa prom. Halatang excited silang lahat dahil sa kahuli-hulihang prom ng high school life nila.
Nang tumahimik ang klase ay nagpatuloy si Ruffa. "As of the moment magpo-focus tayo sa preparation ng Christmas Party this Saturday. Class Officers ang magiging committee ng mga games, and maniningil ang treasurer para sa ambag ng mga pagkain, prizes, stuff, and so on."
Pagkatapos ay naglabas si Ruffa ng mga photocopies ng isang papel at pinamigay sa aming lahat. Nakita ko 'yung nakasulat doon at napabilib ako dahil naka-jot down na 'yung mga expenses, kung magkano 'yung magiging ambag, mga listahan ng kailangan, pati program meron na.
Napangiti ako at napailing. "Ibang klase 'tong si Ruffa. Mas magaling pa siya sa secretary ko, pwede ko siyang i-hire, in fairness," bulong ko at narinig 'yon ni Lulu.
"I told you she's good at this," komento niya habang nakatingin sa papel.
"Regarding the graduation song competition, may na-compose ng kanta si President Lulu at Kahel, we still have 2 weeks to practice every uwian. For the English category, we have to vote now kung anong kanta ang iko-cover natin," sabi ni Ruffa at umugong na naman ang ingay ng mga kaklase ko. "The nomination for an English song for graduation is now open."
"Lulu, anong meron sa graduation song competition? Talagang merong gano'n?" tanong ko sa kanya habang busy 'yung mga kaklase ko sa nomination.
"Only in William Consuelo High School, naging tradisyon na tuwing graduation ay may mapipiling graduation song, isang tagalog na dapat ay original composition ng isang section, at isa naman ay cover song ng kahit anong English song for graduation. Tuwing December ginaganap ang competition."
"Ahh..." napatango ako. "Ano naman gagawin natin do'n? May maggigitara tapos kakanta tayo na parang choir?" Tumango si Lulu. "Teka, kailan pa kayo nakapagcompose?" tanong ko at lumingon ako kay Kahel.
"Last month pa namin ginagawa ni Lulu 'yung kanta," nakangiting sabi ni Kahel. "Siya sa lyrics ako naman sa tono. Gusto mo pakinggan?" alok niya pa sa earphones niya pero tumanggi ako.
"Ahh... Kaya pala palagi kayo magkadikit, akala ko kayo na eh," pang-aasar ko pero inisnob lang ako ni Lulu. Akalain mo't may secret talent pala si Lulu sa pagcompose ng lyrics.
Nagbotohan ang klase at makalipas ang ilang sandali ay may nanalong kanta na gagamitin namin para sa English category. Nanalo ang kanta na 'Forever Young' dahil iyon ang may pinakamaraming boto.
Hindi ko maiwasang mapangisi dahil naalala ko 'yung lyrics ng kantang 'yon. Forever young, I wanna be forever young... Do you really to live forever?. Ang ironic lang para sa'kin. Anyway, good choice dahil ang boring ng ibang kanta na nanominate, masyadong cheesy. Sakto lang 'tong Forever Young para sa mga bagets katulad nila.
Sunod namang napag-usapan ang tungkol sa prom at dito na parang nangingisay sa kilig 'yung mga kaklase kong mahaharot sa likuran. Sinabi ni Ruffa 'yung dress code, at iba pa. Si Sir Gil wala nang nagawa kundi hayaan na lang 'yung mga kaklase ko na ma-excite kahit na napakaingay nila.
Pagkatapos ng meeting may natitira pang oras sa klase ni Sir Gil kaya ginamit na lang namin 'yon para magdecorate sa homeroom namin gamit 'yung mga kanya-kanya na dinala naming parol at iba pang pangdekorasyon.
Iginilid namin lahat ng mga upuan para makapaggeneral cleaning, 'yung mga kaklase ko ay kumuha ng mga walis at mop, 'yung iba ay nagpunas ng bintana. Tapos isa-isa naming nilagay at sinabit sa homeroom 'yung mga parol at iba pa.
Si Nap ang may pinakabonggang dalang décor, nagdala ba naman ng 6 feet na Christmas Tree, tamang-tama dahil may paglalagyan 'yung mga Christmas balls ko.
Nasa may Christmas tree ako at nilalagay isa-isa 'yung mga bola nang lumapit sa'kin si Blake.
"Golda," tawag niya.
"Oh?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Can you be my date?" nag-aalangan niyang tanong. "S-Sa prom?"
Tumingin ako sa kanya at nakita na naghihintay siya ng sagot. Napabuntong hininga ako. "Hay nako, Blake, baka sabunutan ako ng mga babaeng patay na patay sa'yo."
"It's a yes then?" nakangiting tanong niya at tumango ako.
*****
"READY... Get set... Go!"
Pagkapito ni Sir Gil ay napuno nang sigawan ang hallway. Siyempre hindi ako nagpapahuli.
Christmas Party namin ngayon at ang kasalukuyan naming nilalaro ay Longest Line na laro. Nahati sa dalawang grupo ang buong klase, mixed boys and girls, kasali ang class officers. Ang rules ay napaksimple, gagawa lang kayo ng linya gamit ang mga gamit na dala n'yo o suot niyo. At ang may pinakamahabang magagawang linya ay ang panalo.
Damang-dama ko ang pagiging competitive ng mga kaklase ko, hindi naman obvious na masyado silang nag-eenjoy. At sa sobrang pagiging competitive nila, 'yung mga girls ay pinilit na ipahubad sa mga boys ang mga suot nilang pantalon, pantaas, hanggang sa naka-boxers na lang ang mga boys.
"Diyos mio!" sigaw ng isang matandang teacher na napadaan nang makita ang mga kaklase ko na halos nakahubad na. "Que horror! Anong kaguluhan ito?!" kaagad itong nilapitan ni Sir Gil para pakalmahin.
Akala ko hindi na matatapos 'yung laro at akalain mong nakarating kami sa kabilang dulo ng hallway, mabuti na lang at Sabado ngayon at walang ibang lower years dahil kung hindi ay tiyak na pagkakaguluhan nito ang mga crush ng bayan.
Tiningnan ni Sir Gil kung sino ang pinakamahabang linya at nagwagi ang grupo namin!
Pagkatapos ng Longest Line ay bumalik kaming lahat sa classroom para maglaro ng susunod. Sa totoo lang korni at cliché 'yung mga larong hinanda ni Ruffa, karamihan ay pang-children's party pero himalang wala namang nagreklamo at nag-eenjoy ang lahat, mapa-nerd, gc—lahat masaya!
Naglaro kami ng paper dance at si Paul ang naging partner ko, bukod sa magaling kaming magsayaw parehas ay pareho rin kaming magaling magbalanse.
"Hoy, Goldy! Paul ko 'yan!" kanina pa sigaw nang sigaw si Waldy dahil naiinggit siya na kami magkapartner ng crush niya. Binelatan ko lang siya. Nasulyapan ko si Blake at mukhang hindi rin siya natutuwa. Haha, bahala sila sa buhay nila!
Dumating 'yung round na isang paa na lang 'yung kakasya sa dyaryo, tumapak si Paul doon at pinasan niya 'ko sa likuran niya. Tatlo na lang kaming magkakalaban, bumilang si Ruffa hanggang sampu—nahulog na 'yung dalawa naming kalaban at natira kami ni Paul.
"Yes, we won!" sigaw ni Paul at bigla siyang nawalan ng balanse kaya parehas kaming bumagsak sa sahig.
Hindi kaagad ako nakabangon kasi hindi maganda 'yung pagkakabagsak ko sa sahig.
"Goldy!" nakita ko si Lulu at kaagad niya akong dinaluhan.
"Are you alright?" nakita ko si Blake at Sir Gil na sabay dumating.
"Ano ba kayo, okay lang ako," sabi ko at inalalayan akong tumayo ni Lulu.
"Sorry, Goldy!" sabi ni Paul nang makatayo rin siya.
"I'm okay," pagdidiin ko.
Sumapit ang tanghalian at dumating na 'yung mga pagkain. In fairness naman dahil sulit 'yung binayad sa ambag dahil marami ang pagkain at masarap pa. Busy ang lahat sa pagkain habang tumutugtog nang malakas ang music sa speakers.
"Hey, what do we have here?" biglang may sumungaw sa pintuan. Biglang humina ang musika na tumutugtog. Pumasok sa loob ang lalaki. "Everyone's having fun?"
"Sir Fredo!" chorus na bati ng mga kaklase ko at napakunot ako.
Siya 'yung lalaking tumulongsa'kin noong isang araw sa pagpulot ng Christmas ball. Kilala siya ng mga kaklase ko? Teacher siya?
"Hey, guys! Do you missed me?" nakangiting bati ng lalaki at pinagkumpulan siya ng mga kaklase ko—mostly mga babae.
Tumingin ako sa katabi kong si Lulu na namumutla.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Sir Fredo," sagot ni Lulu habang nakatingin pa rin doon. "He's Sir Gil's brother."
"Kapatid ni Sir Gil?" sabi ko at saktong pumasok sa loob si Sir Gil ng classroom at nagulat nang makita ang lalaki.
*****
PAPUNTA ako ng sasakyan ko para kuhanin 'yung pambomba para sa mga lobo, nakalimutan ko kasi kanina dalhin at susunod na naming lalaruin 'yung putukan ng lobo.
Nang makuha ko sa compartment ng sasakyan ko 'yung pambomba ay pumasok ulit ako sa campus pero natigilan ako nang makita ko sa lobby ang tinawag nilang Sir Fredo.
"Hi," nakangiting bati niya sa'kin.
Noong una aaminin ko na nagwapuhan ako sa kanya pero ngayon iba ang aura na binibigay niya sa'kin. Parang bigla akong natamaan ng kidlat, kung kapatid siya ni Sir Gil... hindi kaya alam na niya...
Ngumiti lang ako at maglalakad ulit pero humarang siya. Tumingin ako sa kanya.
"Nawala lang ako saglit sa eskwelahang 'to hindi ko sukat akalaing may sasalubong sa'king kakaibang balita," nakangiti niyang sabi. Humakbang siya at bigla akong napaatras. "Sorry for not formally introducing myself—"
"Kilala na kita, tinanong ko sa kaklase ko," hindi pa rin niya ako pinadaan. Nagsisimula na 'kong kabahan sa taong kaharap ko—nakangiti siya at mala-anghel ang itsura pero pakiramdam ko may tinatago siyang...
"How could I not introduce myself to our school's sponsor?" natigilan ako nang sabihin niya 'yon.
"Alam mo—"
"Yes, Joanne Goldnes, I heard the news from my mom, which is...you know... the principal. As the heir of this school, I must know."
"At ngayong alam mo na... Anong binabalak mo, Sir Fredo?" tanong ko sa kanya, hindi ako nagpakita ng kahit anong kaba o emosyon.
Nawala 'yung ngiti niya sa labi niya. "I've done my research about you since the first I saw you. You seems having a good time for playing a student here. Was it fun?"
"Anong kailangan mo?"
"Direct to the point, I like that. Well, you know, masyadong nagiging mabait si mom at ang kapatid ko sa'yo... Tutal nag-eenjoy ka, let's have a deal."
"Deal?"
Halos kilabutan ako nang lumapit siya at may binulong sa tenga ko. "Kung gusto mong grumaduate sa March ng walang problema..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top