/23/ We are Young
You have the energy,
the time;
it is the sign
of youth.
All is fading,
stop wasting
more night.
Jump to the cliff
of the unknown,
feel the wind,
fly your wings.
/23/ We are Young
[GOLDA]
ALA singko na nang hapon nang makarating kami sa isang liblib na subdivision sa Cavite. Kanina maingay ang bus, 'yung mga nakapaligid sa'min ni Lulu ay nagrereklamo na bitin daw 'yung pamamasyal namin sa Enchanted Kingdom, halos lahat naman ng rides ay nasakyan namin. Ngayon, tahimik na sila, pagsilip ko sa likuran, mga tulog ang lintek dahil sa pagod.
Ilang sandali pa'y pumasok ang bus na sinasakyan namin sa isang private property, huminto ang bus at nakita kong tumayo si Sir Gil sa harapan.
"Alright, wake up, every one, we're here," anunsyo ni Sir Gil gamit ang mikropono kaya nagising ang lahat. Sumilip ako sa labas at nakita na puro kulay berde ang makikita mo, malayung malayo sa siyudad dahil para kayong nasa ibang mundo.
"Wow, where are we?" dinig ko ang mga kurukuro ng mga kaklase ko, ang iba'y tumayo pa sa mga pwesto nila para makita ang nasa labas.
"Class, listen," boses ulit ni Sir Gil. "We're in the Holy Light Monastery, when we go out please don't make any unnecessary noises and respect the place. Okay?"
"Yes, Sir Gil!" chorus nilang sagot.
Ilang sandali pa'y bumaba na kaming lahat dala-dala na ngayon ang mga bag namin. Kahit na kakasabi pa lang ni Sir Gil ay hindi pa ring napigilang mag-ingay ng mga kaklase kong tukmol. Sinaway sila ni Ruffa.
"Gusto ko nang maligo, ang lagkit ko na," dinig kong sabi ni Waldy.
Dumating ang isang lalaki at kinausap si Sir Gil, kalbo ito, base sa kanyang suot ay isa itong monghe. Hindi naman siguro kami gagawing monghe sa loob ng dalawang araw ano?
"Ano kayang gagawin natin dito?" tanong ni Kahel, nakasukbit sa balikat ang bag niya habang dala ang dalawang bag, isa kay Lulu at Waldy.
"Tuturuang magkung fu," sagot ko at natawa sila.
"Goldy, let me carry that," sabi ni Paul at akmang kukunin 'yung bag ko pero inunahan siya ni Blake.
Pagkatapos mag-usap ni Sir Gil at ng monghe ay sumunod kami sa kanila papunta sa kung saan. Pa-akyat baba ang daan dahil nasa bundok kami, malamig 'yung hangin kahit na may araw pa. Parang kitikiti 'yung mga kaklase ko dahil sa excitement sa kung ano mang gagawin namin sa retreat na 'to.
May hagdan paakyat sa itaas, hingal na hingal ang lahat nang makarating kami sa itaas at tumambad sa amin ang isang gusali na may istilong Japanese Zen, akala mo nga ay nasa Japan kami. Namangha ang mga kaklase ko sa nakita.
Humarap sa'min si Sir Gil at sumenyas na huwag kaming maingay.
"Guys, I know you're all tired. First, we'll go to your respective rooms, magkahiwalay ang boys at girls, para ilagay 'yung mga gamit n'yo. You can rest, eat, and if you want to shower. Six pm magsisimula ang una nating activity," sabi ni Sir Gil at sumang-ayon ang lahat.
Lumitaw maya-maya ang isang babae, pero hindi siya mukhang monghe. Nakasuot lang ng plain na t-shirt, at pants. Staff 'ata ng lugar na 'to. Pinasunod niya kami sa kanya, 'yung mga boys naman ay sumunod kay Sir Gil.
Nagtungo kami sa likuran ng gusali, doon may mga ibang mga gusali, akala mo talaga nasa Japan ka dahil sa itsura ng mga 'yon. Bago kami pumasok sa loob ay pinatanggal 'yung mga sapatos namin.
Binuksan ng staff 'yung pinto at bumungad doon ang isang malawak na silid, sobrang kintab at kinis ng kahoy na sahig, mataas ang ceiling at may mga kahoy na poste. Hinila ng staff ang isang pader, palagay ko storage room 'yon at doon namin nilagay 'yung mga bag namin. Tinuro rin ng staff na may bath house at hot spring sa likuran nito, na-excite 'yung mga kaklase naming girls.
Kaso sinuggest ng staff na kung gusto naming maligo sa bath house ay mamaya na lang pagkatapos ng activity kasi pagpapawisan daw kami panigurado.
Nang maayos ko 'yung sarili kong gamit ay nakita ko si Lulu na nakatingin sa isang direksyon at napatingin ako ro'n. Nakita ko si Waldy na pinalilibutan ng mga alipores ni Briana.
Umiling ako at naglakad papunta ro'n. "Hoy," sita ko sa kanila at nakita ko ni Tiana aka Pepero stealer at kaagad itong humawi. "Nasa monasteryo na tayo't lahat-lahat ganyan pa rin mga ugali n'yo?"
Tiningnan lang nila ako ng masama at umalis na sila. Naiwan nasi Waldy. "Ano ginawa sa'yo ng mga 'yon?" tanong ko.
"P-Pinapasama na nila ako ulit sa grupo nila," mahina niyang sagot at napa-arko ang kilay ko.
"Oh, edi okay?" sabi ko naman.
Umiling si Waldy. "Sabi ko mas gusto ko sa inyo," sagot niya.
*****
ALA sais ng gabi, nagtipon kaming lahat sa isang multi-purpose room. Nakaupo kaming lahat sa sahig habang si Sir Gil ay umiikot sa lahat habang may hawak na kahon.
"Starting tonight until tomorrow I'll keep your gadgets," sabi ni Sir Gil habang naglilibot. Labag sa kaloobang nilalagay ng mga kaklase ko ang mga cellphone at gadget nila sa hawak nitong kahon. "No cellphones, no gadgets. You need to disconnect to your social life so that you can focus on the present moment."
"Sir, paano po namin ia-update 'yung parents namin?" tanong ng isa kong kaklase. Gumagawa pa ng palusot para lang hindi makuha ang cellphone niya.
"Don't worry, ako na ang bahala na mag-update sa parents n'yo," sagot ni Sir Gil at walang nagawa 'yung mga kaklase ko. Ha, sagot pa kasi.
Nang matapos kolektahin ni Sir Gil 'yung mga cellphone namin ay bumalik siya sa unahan. It turns out na si Sir Gil ang 'Retreat Master' namin. Pinalabas niya kaming lahat, nasa may courtyard kami ng multi-purpose. Mabuti't mga nakasuot kami ng jacket at jogging pants kasi malamig.
"I'll explain our first activity," sabi ni Sir Gil nasa harapan ulit, kita 'yung excitement sa mukha niya na parang nag-eenjoy din siya sa retreat na 'to. Tinaas niya ang isang maliit na kahon. "Nasa loob ng box na 'to ang mga pangalan n'yo, I'll pair you by lottery."
Umugong ang bulungan nang sabihin 'yon ni Sir Gil.
"Fifteen meters away ang entrance ng Temple Woods, by pair kayong papasok ng forest," lumakas ang mga bulungan dahil na-excite ang lahat, may mga iba na natakot. Pinatahimik muna sila ni Sir Gil bago ito muling nagsalita. "It's a traverse forest, trekking will take for only one hour. Sa entrance forest ang exit n'yo."
"Pero, sir! Baka po may mga wild animals!" reklamo ng isa kong kaklase na nagtaas ng kamay.
"Don't worry, guaranteed ng management na walang wild animals sa forest."
"Eh, paano po pag may multo?" sabi naman ng isa.
Ngumiti ng nakakatakot si Sir Gil, bigla niyang inilawan ang baba niya at nagsalita ng nakakatakot, "Well, that's the thrill. Whatever you see inside the forest, it's up to you how to react. This is your first task, to successfully go out"
"Woooooohhhhh," ugong ng nila lalo na ng mga boys na hinihiling na sana 'yung crush nila 'yung maging partner nila.
Paniguradong may purpose ang activity na 'to. Siguro parang getting to know ang peg sa magiging partner mo, at 'yung patibayan ng loob. Sisiw lang 'yan sa'kin. Nakita kong tumingin sa'kin si Blake, for sure iniisip niya n asana maging partner kami—well, kasi crush niya ko 'di ba?
Nagsimulang bumunot ng pares si Sir Gil, sakto lang dahil forty students kami, bale twenty pairs ang isa-isang papasok sa Temple Woods.
"The next pair is Golda and..." sino kaya magiging partner ko? "Briana."
Puta? Bakit sa dinami-rami ng pwede kong maging partner ay 'yung pinakabitchesa pa? Nagkaroon ng dead air at nagkatinginan kami ni Briana na nasa malayo, nakasimangot siya at mukhang hindi nagustuhan na ako ang naging partner niya. Well, ayoko rin naman siyang maging partner.
Natapos din ang bunutan ng partners at pinagsama-sama na kami. Parehas kaming nakahalukipkip ni Briana, kapag siya umarte mamaya sasabunutan ko siya. Kalahati ng klase ay masaya dahil okay sila sa partner nila, kalahati naman ang mga nakabusangot.
Isa-isa nang pinapasok ni Sir Gil ang mga magkakapareha sa loob ng Temple Woods. Kanya-kanya kaming bitbit ng flashlight. Nang kami na ni Briana ang pumasok ay wala kaming imik parehas.
"Good luck, Goldy," dinig kong sabi nila Waldy na nasa likuran—mukhang masaya siya dahil si Paul ang partner niya, sinuwerte ang malandi.
Tahimik lang kaming naglalakad, magkalayo kami sa isa't isa ni Briana. Well, hindi naman kami close kaya ano namang pag-uusapan naming dalawa? Tsaka karamihan sa mga kaibigan ko ay inapi niya.
Ilang sandali pa'y parehas kaming napapitlag nang maramdaman naming may sumisitsit sa'min. Huminto siya sa paglalakad at inilawan ang paligid.
"What's that?" takot niyang tanong, pinipilit niya pang itago pero halata naman.
"Ah, ewan, siguro multo," sagot ko habang diretsong naglalakad, naiwan siya sa likuran.
"W-Wait for me!" dinig kong sabi niya pero hindi ko siya nilingon.
Maya-maya'y nakarinig kami ng sigawan sa paligid kaya parehas kaming huminto sa paglalakad. Naramdaman ko na kumapit bigla si Briana sa likuran ko. Tiningnan ko siya ng nawiwirdohan at bumitaw siya.
Naglakad ulit kami ng walang imikan. Bigla akong nakutuban na may something dito sa forest na 'to. Malinis, may mga poste naman ng ilaw, halatang minemaintain. Hindi multo nararamdaman ko kundi ibang tao, siguro may mga staff na nananakot somewhere.
Pagkasabi ko no'n ay biglang may tumalon mula kung saan sa harapan namin, isang nilalang na nakaputi at may suot na nakakatakot na maskara. Tumili si Briana at kaagad na tumakbo pabalik.
Tiningnan ko ulit 'yung 'multo' at nakitang tumatakbo na ito palayo, tama nga 'yung hinala ko na parang scare prank lang 'yon ng staff.
"Ahh!" narinig ko ulit 'yung sigaw ni Briana at nakitang nadapa siya. Kaagad ko siyang nilapitan.
"Hoy, babae, anong nangyari sa'yo?" Tanong ko.
"M-My ankle," daing niya at yumukod ako para tingnan 'yon.
"Hays, ang bobita mo naman," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. Inalalayan ko siyang tumayo kaso hindi siya makapaglakad ng diretso at kumikirot 'yung paa niya kaya wala akong choice kundi akayin siya.
"I'm fine by myself," sabi niya at sinubukang maglakad kaso dumadaing siya.
"Hay nako, huwag ka nang maarte," inis kong sabi sa kanya at wala na siyang nagawa nang alalaayan ko siya ulit. Naglakad na ulit kami. Medyo awkward nga lang. Bakit kasi may mga ganitong gimik pa si Sir Gil.
"Hey," maya-maya'y nagsalita si Briana.
"Hey ka rin," sagot ko. "Alam mo kayo, tigilan n'yo na si Waldy at Lulu ha. Dahil kung hindi itatapon kita sa bangin dito."
Hindi siya nagsalita nang sabihin ko 'yon, seryoso kasi ako. "Actually... Inutusan ko sila Tiana kanina na sabihin kay Waldy—"
"Na gusto niya siya ulit maging friend? Bakit? Para ano? Para may api-apihin na naman kayo?" masungit kong sagot.
"It's not that... Sa totoo lang naiinggit ako sa grupo n'yo."
"Ha? Okay ka lang?"
Yumuko siya at mahinang nagsalita. "You all looked happy. I just realized that I've never been that happy with friends before."
Hindi ako sumagot nang sabihin niya 'yon.
"Ever since I was little, they've been befriending me well because I'm rich and popular. Sila Nap, Blake at Sophie naman naging friends ko lang dahil sa mga magulang ko."
"Oh, tapos?"
"W-Wala lang... Naisip ko lang kung bakit—"
"Bakit wala kang real friends? Isipin mo nga kung bakit, sa ugali mo pa lang," direkta kong sabi sa kanya. Hindi siya makapalag, masakit paa niya eh.
"Don't rub it in my face, bitch," bulong niya.
"Anong sabi mo?"
"Alam ko naman 'yon. I've been bitch for my whole life; I need to do it to protect myself from those people who are taking advantage of me."
Napabuntong hininga ako nang sabihin niya 'yon. May point naman siya, sa totoo lang, sa real world kasi kapag sobrang bait mo maraming mang-aabuso sa'yo kaya okay na rin minsan na ipakita mo sa iba na hindi ka nila pwedeng tapak-tapakan.
"Pwede ka pa ring maging malakas nang hindi nagiging masama," sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin bigla. "D-Do you think it's not too late for me... to change?"
Huminto kami parehas sa paglalakad at ilang segundo kaming nagtitigan bago ako tumawa.
"What's funny?" inis niyang tanong.
Tumigil ako sa pagtawa at sumeryoso. "Bakit hindi? Kaloka ka," sabi ko at naglakad na ulit kami.
Narating namin 'yung exit kung saan naghihintay ang ilang staff at si Sir Gil, kaagad nilang dinaluhan si Briana para tingnan 'yung injury niya, sa kabutihang palad ay hindi naman malala 'yon at hilot lang daw ang katapat.
"Are you alright?" pagkatapos ni Briana ay ako naman ang nilapitan ni Sir Gil.
"Oo, okay lang ako," sagot ko.
Natapos ang first task at wala naman ng naging ibang problema. Bumalik kaming lahat sa multi-purpose hall kung saan nakahanda na 'yung dinner namin. At dahil napagod ang lahat sa first task, sabik ang lahat na kumain, parang mga PG.
Pagkatapos ng dinner ay pinayagan na kaming maligo sa bath house, magkabukod ang bath house ng boys at girls. Pero siyempre hindi maiwasang manukso ng mga tukmol na boys.
Magkakadikit kami nila Lulu, Waldy, at Ruffa. Kanya-kanyang mundo ang bawat grupo sa loob ng bath house. Nakasandal ako sa bato habang nakaupo, ang sarap ng tubig, nakakarelax.
"Goldy," lumapit si Waldy, "ano nangyari sa inyo ni Bree?" curious niyang tanong.
"Ah, wala naman," sagot ko habang nakapikit.
"Wehh, 'yon lang?" kinukulit ako ni Waldy kaya sa bwisit ko'y kinuwento ko sa kanila. Hindi naman sila makapaniwala.
At pagkatapos makaligo't makapagbihis ng lahat, may huling activity para ngayong gabi. Tinawag kami ni Sir Gil sa may courtyard kung saan may bonfire.
"Before we retire for this night we'll have our first sharing activity," sabi ni Sir Gil habang may hawak na mug. "Isa-isa n'yong ise-share sa lahat kung ano ang mga naging insight n'yo sa experience sa Temple Woods."
Nakabilog kaming lahat sa bonfire at nag-umpisa ang sharing pa-clockwise. Nakikinig naman ang lahat sa mga nagsasalita, may mga nakakatawa, may mga nanunukso dahil 'yung iba opposite sex ang naging kapartner pero nang si Briana na ang tumayo, sumulyap muna siya sa'kin bago magsalita.
"I've been thinking about many things lately, mostly about myself. To be honest, I'm that self-centred," umpisa ni Briana habang nakatayo. Nakikinig lahat sa kanya. "I asked my partner if it's not too late for me to change, she said that it's not."
Para siyang iiyak kaya tumahimik lalo, maririnig lang ang kuliglig at ang pagtupok ng apoy sa kahoy na nasa gitna.
"I just wanted to say to those people I hurt... That I'm sorry for being such a bitch," sabi niya. "I just wanted to be loved."
Namayani ang katahimikan nang matapos si Briana, walang nagsasalita nang umupo siya. Si Sir Gil din ay hindi alam kung paano susundan ang natapos na pagsasalita nito.
"Uhmm... Thank you Briana," sabi ni Sir Gil pero napatingin siya sa katabi kong si Lulu na biglang tumayo.
Nakatingin ang mga kaklase ko kay Lulu. "I just wanted to say to Briana," panimula niya. "Fuck you for bullying me and my friends."
"Owwww..." mahinang reaksyon ng iba. Mas malutong pa sa kahoy 'yung mura ni Lulu, tumawa ako ng walang boses. Go Psycho Lulu!
"And apology accepted," halos mapanganga sila pagkatapos sabihin 'yon ni Lulu at umupo ito.
Natapos ang sharing activity at para sa isang closing ceremony ay nagvolunteer si Kahel na tumugtog ng gitara. Ni-request niya na kumanta kaming lahat at ang kanta ay pinamagatang, 'We are Young'.
'Tonight, we are young, so let's set the world on fire, we can burn brighter than the sun...'
*****
NATUTULOG na ang mga kaklase ko at ako lang 'ata ang hindi makatulog kahit na anong pikit ang gawin ko. Bumangon ako at tiningnan sila.
Patay na 'yung ilaw at liwanag sa labas lang ang tumatanglaw, magkakatabi kaming nakahiga sa futon mattress na nakalatag sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo at maingat na naglakad palabas ng silid.
Matapos kong masara 'yung sliding door, pagpihit ko paharap ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siya.
"Bakit gising ka pa?" mahinang tanong niya habang nakakunot.
"Aatakihin ako sa'yo," sabi ko.
Hindi rin pala makatulog si Sir Gil, kanina pa siya rumuronda sa hallway para siguraduhing walang pumupuslit na estudyante. Pumunta kami sa may likuran kung saan may Zen garden, tumambay kami sa may bridge at nakatanaw kami sa maliit na sapa na may statue ni Buddha at bamboo water fountain.
Nilabas ko 'yung tinatago ko sa bulsa, ang tagal ko ng hindi humihithit ng sigarilyo.
"Gusto mo?" alok ko sa kanya. "Kaso isa lang eh."
Sinindihan ko 'yung yosi at pagkahithit ko'y inabot ko sa kanya. Akala ko hindi niya tatanggapin pero kinuha niya 'yon.
"Nagsisigarilyo ka pala," sabi ko.
"Ngayon na lang ulit," sagot niya at humithit, pinasa niya 'yon sa'kin. "So, nag-enjoy ka naman ngayong araw? How's your health?"
"Okay na sana 'yung tanong mo eh," sabi ko, humithit ako ulit at pinasa sa kanya 'yung yosi. "Masaya naman. Ngayon ko lang naranasan 'yung field trip at retreat."
"Bakit?" tanong niya.
"Anong bakit? Nakita mong hindi naman ako nakatapos ng high school."
"Sorry," sabi niya.
"Okay lang."
Nag-share kami sa yosi hanggang sa maubos 'yon. Nasa bag ko 'yung isang pakete kaso tinatamad na 'kong bumalik sa kwarto.
"What can you say?" tanong niya bigla.
"Saan?"
"To high school? How is it so far?
"Cool. Masaya naman kahit papa'no."
"It's good to know. Your bribe to my mom is worth it then," sabi niya tapos tumingin sa'kin.
"Hehh, sana lang makatulong mga 'donasyon' ko para 'di na malugi 'yung school n'yo," sabi ko. "Pero alam mo, nakakacurious lang kung ano ang magiging buhay nila pagkatapos ng graduation." Hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon nasabi.
"They'll graduate, enter university, gradutate ulit, tapos maghahanap naman sila ng trabaho—"
Pinutol ko 'yung sinasabi niya. "Tapos mag-aasawa, tapos magkakapamilya, tatanda sila tapos mamamatay."
"Sana gano'n lang kadali mabuhay," sabi niya at nakangiti. "The other side of being a teacher is guessing what will happen to their lives. Lahat nangyari sa kanila sa high school makakalimutan din nila balang araw."
Natahimik kami parehas.
"Mamimiss ko sila," sabi ko habang nakatanaw sa sapa. "Kapag namatay ako."
"Don't say that," sabi niya. "Para namang mamamatay ka na bukas."
"Malay mo. Hindi natin alam."
"Don't you want to make a petition with God?" nawirdohan ako sa tanong niya.
"Para saan naman?"
Nagkibit balikat siya. "To extend your life, to have a family, kids..." Nagkibit balikat din ako nang sabihin niya 'yon.
Tumingala ako at napangiti nang makita na napakadaming bituin, ngayon ko lang nakita ulit na gano'n kalinaw ang langit.
"Ang daming stars," bulong ko. Napatingala rin siya at parehas kaming nagulat nang makakita kami ng bulalakaw.
"Make a wish!" excited niyang sabi.
"Ha? 'Di na ko bata."
Pero ewan ko ba, pumikit na lang ako saglit at humiling.
Lord, pa-extend naman ng life, please?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top