/22/ Just Live Now
Whatever happens,
stay at every moment.
Time will fool you
of the future.
Today is all
that there is.
Treasure every second.
Tomorrow all of today
will be only
a memory.
/22/ Just Live Now
[GOLDA]
"HEY, wake up." Naramdaman kong may bahagyang yumuyugyog sa balikat ko nang maalimpungatan ako. Dumilat ako at nakita ko ang mukha ni Lulu na nasa kaliwa. Tumingin ako sa kanan at nasilaw sa liwanag sa labas ng bintana. "We're here."
"Nasaan na tayo?" pupungas-pungas kong tanong.
"Enchanted Kingdom," bored na sagot ni Lulu.
Ah, naalala ko na may fieldtrip nga pala kami ngayong araw. Sumulyap ako sa orasan ko at nakitang mag-aalas gis na ng umaga. Actually, fieldtrip plus retreat namin ngayon dito sa Laguna, buong araw muna kaming magpapakasaya sa amusement park tapos mamayang gabi ay didiretso kami sa retreat house.
"Excited na 'ko!" Biglang umuga 'yung inuupuan ko nang dumukwang si Waldy na nasa likuran namin, katabi niya si Ruffa. "Anong mga rides ang sasakyan natin? Mag-extreme ride tayo!"
Nairita ako sa tinis ng boses ni Waldy. Maya-maya'y nakita ko sa unahang ng bus na nakatayo si Sir Gil habang may hawak ng microphone.
"Alright, guys, we're here," nakangiti nitong anunsyo. "Mas mabuti siguro kung by group kayong mag-explore. By the way, all of you got my contact number, right?"
"Opo!" chorus ng mga kaklase ko.
Nagsalita ulit si Sir Gil at paulit-ulit na binili na mag-iingat kami sa mga rides na sasakyan namin. Nangingibabaw 'yung mga ingay ng nasa likuran, nasa bandang gitna kami nakapwesto.
"4 pm ang call time mamayang hapon. As much as possible before 4 sana ay bumalik na kayo sa bus para on time tayong makarating sa retreat house. I hope you'll enjoy this day, guys!" iyon ang huling sinabi ni Sir Gil at bumukas na ang pinto ng bus.
Parang mga kitikiting excited ang mga kaklase ko sa pagbaba ng bus. Kaming dalawa lang 'ata ni Lulu ang hindi excited, ako kasi hindi gano'n kahilig sa mga rides sa amusement park, ewan ko ba.
Pagbaba ng bus ay nagsama-sama ang mga magkakagrupo. As usual magkakadikit kami nila Lulu, Waldy, Kahel, Jao, at Ruffa. Nakita naming papalapit sa'min si Paul at Blake.
"OMG, sa amin kayo sasama?!" nagningning ang mga mata ni Waldy nang sabihin 'yon.
"Yup," sagot ni Paul at humalukipkip. "Parehas kami ni Blake na gusto sa inyo sumama."
"What about your famous friends?" tanong ni Lulu, hindi ko alam kung sarcastic ba 'yon o ano. Pero tinawanan lang siya ni Paul.
"What famous friends? Most of my friends are in varsity, and I also think it's way cooler to be with you, guys," nakangiting sabi ni Paul at tinapik si Blake. "Right, Blake?"
Napansin ko na nakatingin sa'min ang grupo ni Briana na para bang hindi niya nagustuhan na sa amin sumama ang dalawang campus crush. Ilang sandali pa'y lumapit din si Sophie sa'min.
"I-Ikaw din?" tanong ni Ruffa na nagulat.
"Blake's here," matipid na sagot ni Sophie. Palagay ko okay naman na silang dalawa matapos ang insidente.
"Saan tayo unang sasakay na ride?" tanong bigla ni Kahel.
Naglakad na kami papasok sa loob, siyempre humirit 'agad si Waldy ng isang groupie photo sa may entrada. Pagpasok namin sa loob ay nakakuha kami ng kanya-kanyang mga mapa, tahimik lang akong tumitingin habang sila ay busy sa pagtatalo kung ano ang unang ride na sasakyan. Samantala, si Lulu, Blake, at Sophie naman ay tahimik lang din.
"Hey, are you alright?" nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Jao, hindi rin pala siya nakikisawsaw sa usapan nila.
"Oo, sadyang hindi lang ako mahilig sa mga amusement park," sagot ko at napatango na lang si Jao.
Mga ilang minuto rin kaming nakatambay sa harapan ng Victoria Park hanggang sa mapagpasyahan na kumaliwa kami at sumakay sa Flying Fiesta. Medyo mahaba ang pila, kung tutuusin ay hindi gano'n karami ang tao dahil Thursday ngayon.
Nakasakay lang kami sa swing na umiikot-ikot habang tumataas at bumaba. Humihikab nga ko habang umaandar.
Pagkatapos namin sa Flying Fiesta ay naglakad na naman kami sa susunod na ride, hawak-hawak ni Ruffa ang mapa at sa kanya sila sumusunod. Naririnig ko si Waldy sa likuran na panay reklamo sa mga suot naming PE uniform, sana raw ay naka-OOTD man lang kami para maganda sa picture.
Nakita nila 'yung Disk-O-Magic, bilog 'yon na may mga upuan na parang pangmotor. Sumakay kami ro'n, umiikot 'yung bilog habang umaandar 'yon na kaliwa't kanan. Rinig na rinig ko 'yung tili nila pero no reaction pa rin ako.
"Grabe kayo, Goldy, Lulu, hindi man lang kayo nagrereact, nagkocontest ba kayo?" biglang tanong ni Kahel sa'ming dalawa pagkababa namin.
Nagkatinginan kami ni Lulu pero hindi kami kumibo. Tuloy ulit kami sa lakad, nadaanan namin 'yung Rio Grande at napagkasunduan nila na ihuli 'yon dahil mababasa kaming lahat panigurado. Dumiretso kami hanggang sa makita namin 'yung Space Shuttle, isa raw 'yon sa extreme dito sa EK.
"Wait! Let's try that one first," sabi ni Jao at tinuro ang isang ride 'di kalayuan, Air Race ang pangalan no'n, may mga umiikot na eroplano habang umiikot ng 360 degrees 'yung mismong sasakyan. Mabagal lang naman at mukhang pambata kaya pumayag kami.
Apat kada isang eroplanong sasakyan at dalawang magkatabi, kaming dalawa ni Lulu 'yung nasa unahan at nasa likuran namin si Kahel at Jao.
"Uy, gusto ko 'yung kanta," komento ko nang marinig ko 'yung background music. Hindi ko mapigilang sumabay sa pagkanta dahil lumang OPM song 'yon.
Unti-unting gumalaw ang ride at lumakas lalo ang tugtog, umangat kami sa ere at kumakanta pa rin ako.
"I can live, I can love, I can reach the heavens above," pagkanta ko at tumingin ako kay Lulu. Nakita ko siyang namumutla. "Hoy, natatakot ka?"
Hindi niya ako pinansin at bumilis na 'yung takbo ay nawindang ako nang umikot na ng pa360 degrees 'yung sinasakyan namin.
"I can live, I can love—Ahhh—putanginaaaaa!" hindi ko na napigilan at sumigaw ako nang sumigaw. Narinig ko na gano'n din si Lulu.
Gusto ko nang bumaba! Gusto ko sanang isigaw kaso baka pagtawanan ako nitong ni Lulu. Punyeta akala ko pambata lang 'tong ride na 'to hindi pala nakakatuwa putek na 'yan!
Tawa sila nang tawa pagkatapos ng ride na 'yon, pati rin sila ay nabiktima ng akala na wala lang 'yung punyetang ride na 'yon—hindi na 'yon mauulit!
"Tara, do'n naman tayo!" game na game na sigaw ni Kahel sabay turo sa Space Shuttle.
"Mauna na kayo, susunod ako sa pila, CR lang ako," paalam ko at akmang aalis pero napigilan ako ni Waldy.
"Wala! Walang tatakas! Bawahaha!"
Sa huli, nasama rin ako sa Space Shuttle. Mabuti na lang at pagkatapos ng ride na 'yon ay nakaramdam sila ng gutom kaya sabay-sabay kaming naglunch.
Hay, grabe ang enerhiya ng mga kabataan ngayon hindi ko kinakaya. Naglalakad kami papuntang kainan nang sabayan ako bigla ni Lulu sa paglalakad.
"Goldy?" tawag niya sa'kin at nakita kong parang nag-aalala siya. "Are you alright?"
"Concern ka ba?" nang-uuyam kong tanong at sumimangot siya. Ngumiti ako. "Oo, huwag kang mag-alala, mas malakas pa ko kesa sa kalabaw."
Pagkakain namin ng lunch ay nagpasya sila na huwag munang sumakay sa mga extreme ride kaya naisipan nilang sumakay muna sa Wheel of Fate, ang Ferris Wheel ng Enchanted Kingdom.
"Golda," tawag ni Blake sa'kin at tumingin ako sa kanya. "Your shoelace." Tinuro niya pa 'yung paanan ko.
Yuyukod pa lang ako pero naunahan niya ako at siya ang nagsintas ng sapatos ko. Tumayo siya pagkatapos, nakita kong naiwan na kami ng mga kasama namin.
"Goldy! Blake! Bilis!" tawag sa'min ni Waldy na nakapila na.
Kaso pagdating namin do'n ni Blake ay saktong nacut kami sa pila kaya kailangan naming maghintay ng susunod na batch. Nang makapasok kami sa loob ay kaming dalawa lang tuloy ang magkasama sa iisang boot.
Tahimik lang kaming dalawa habang umaangat ang sinasakyan naming boot, natanaw namin ang buong area ng amusement park. Mabuti na lang din at hindi gano'n kainit ang araw dahil maraming ulap.
"Kamusta na si Kyle?" tanong ko sa kanya. Magkatapat kaming dalawa, nakapatayong 'yung braso niya sa hawakan.
Nakakalula 'yung tanawin kaya hindi ako gano'n ka tumitingin sa ibaba.
"He's fine, my parents finally settled their annulment, Kyle will go with my mom," sagot niya na parang wala lang. Pero siguro deep inside nalulungkot siya.
"Ikaw?"
"Me?" turo niya pa sa sarili at bahagyang natawa. "I'll be fine. So, don't worry about me. Besides I'll be a university student next year, magdodorm ako sa Manila. I can manage."
"Mabuti naman kung gano'n," sabi ko sa kanya at natahimik kami ulit. Bigla akong may naalala at kinuwento ko sa kanya 'yung tungkol sa napanaginipan ko, 'yung nakidnap si Kyle pati siya at nakipagbakbakan ako sa kidnappers—sa panaginip.
Natawa si Blake pagkatapos, sumeryoso siya ulit at tumingin sa'kin. "Thank you, Golda."
"Sus, ano ka ba, wala 'yon. Tsaka panaginip lang 'yun."
"No... I meant it, thank you."
"Para saan?"
Nag-isip siya saglit. "For making the school an interesting place to go."
"Ha?" maang ko dahil 'di ko magets 'yung point niya. May pumasok sa isip ko at hindi ko maiwasang makutuban na tungkol do'n 'yung pinupunto niya. "Teka... May naalala ako na sinabi mo dati. Alam mo... kung—"
"Sino ka ba talaga?" putol niya sasasabihin ko.
"Wow ha, may powers ka ba?" sarcastic kong tanong at napangisi siya.
"Hmm... Yeah, I know."
"Paano mo nalaman? As in alam mo na..." hindi ko tinutuloy dahil baka mamaya pinaglalaruan lang pala niya ako.
"Yes, Golda, I know that you're just pretending to be a higschooler, you're not eighteen years old. But as a matter of fact you are a rich careerwoman."
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Kung gano'n, alam niya nga talaga. Pero ewan ko ba pero hindi man lang ako nabahala nang malaman 'yon kasi... feeling ko matagal na niyang alam pero parang wala siyang intensyong ipagkalat sa iba.
"Kailan at paano mo nalaman?" tanong ko.
Ngumisi na naman siya. "Since nang makagrupo kita sa cooking contest, I saw how you slapped Jao's brother. I was on the on the other side kaya nawitness ko. " Napanganga ako nang sabihin niya 'yon. "Since then, nacurious ako sa'yo. I stalked you."
"Ha?! Ano?!"
"Yup, well... I admit that I got a little crush on you since that day."
'Di ko alam kung anong isasagot ko sa batang 'to. Humalukipkip ako. "So, sa pag-istalk mo kaya mo nalaman?"
"Yup, I got my ways."
"Bakit hindi mo pinagkakalat?"
Nawala 'yung ngisi niya. "Well... Why would I? Gusto ko ako lang ang nakakalaam and besides... as I've said kanina, school became an interesting place."
"Bakit? Paano naging interesado ang school ng dahil sa'kin?"
Marahan siyang natawa, amuse na amuse 'tong batang 'to sa'kin ah. "Because whenever I see you on school every day, I was always wondering kung bakit ka nagpanggap... kung paano mo 'yon nagawa, tho clearly you might have bribed the Principal."
Oh, okay. Kung gano'n hindi siya aware na alam din ni Lulu 'yung tungkol sa'kin. Hindi rin niya alam na may malalang sakit ako.
Hindi na muna ako nagsalita.
"I won't ask you why," sabi niya. "Just stay with us until graduation."
Ewan ko kung bakit parang may kumurot sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Napangiti ako at tumingin sa malayo. "Kung aabot ako," bulong ko.
"May tanong pala ko," bigla niyang sabi.
"Ano?" tumingin ako sa kanya.
"Kung liligawan ba kita pagkagraduate... Is there a chance?" seryoso niyang tanong.
Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako humagalpak ng tawa. Maririnig sa paligid 'yung paghalakhak ko habang nakasimangot siya.
"Blake," tawag ko sa kanya at umiling ako. Pinunasan ko 'yung luha sa mata ko dahil sa kakatawa. "Huwag mo nang tangkain. Okay? Bata ka pa, marami ka pang makikilala lalo na kapag nagcollege ka na."
Napabuntong hininga siya. "I'm kinda expecting that," malungkot niyang sabi. "Why? Dahil ba may gusto kang iba?"
"Ha?"
"Is it Sir Gil?"
"Hoy, masyado kang funny," sarcastic kong sabi sa kanya. "Tsaka matanda na 'ko, okay. Ayokong maging sugar mommy."
Natawa siya nang sabihin ko 'yon. "It's not like that, it's just that I prefer older girls," sabi niya at kumindat pa. "I remember my first crush... She's our homeroom adviser; she's really pretty and smart."
"Ah, kaya naman pala," sabi ko.
"Sadly, she died."
"Bakit naman?"
"I really don't know. You can ask Lulu, ang alam ko they're close to each other."
Marami pa kaming napag-usapan ni Blake hanggang sa makababa kami ng Wheel of Fate. Excited na ulit silang sumakay sa mga susunod na ride, wala silang kamalay-malay na binasted ko lang naman si Blake.
Tumingin si Blake sa'kin habang nagtatalu-talo ang mga kasama namin, ngumiti siya at ngumiti na lang din ako. Tumingin ako sa mga kasama ko at pinagmasdan silang lahat, ang mga kainosentehan nila, ang mga kababawan, at simpleng kaligayan... Ito nga, ito nga ang kabataan.
"Golda! Let's go!" sigaw 'yon ni Paul. Ako na lang pala ang hinihintay nila. Tumango ako at hinila ako ni Waldy.
Siguro hindi ko na lang muna kailangang isipin ang mga mangyayari sa hinaharap, ang mahalaga masaya ako ngayon na kasama sila dahil bukas magiging alaala na lang ang lahat ng 'to.
-xxx-
A/N: At may result na po mga kaibigan. XD Sirl GilxGolda wins! #TeamGoGil #TeamGilDa. Better luck next time daw sa Team Markum at Team Blake. Haha. Thanks for reading #STIY! <3 Nalalapit naaaaaa ang pagtatapos pero marami-rami pang chapters. ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top