/19/ Horror Stories

Our imagination
likes to play
with us;
some real
and some are not.

/19/ Horror Stories

[GOLDA]

"ANG boring!"

Nagulat kaming lahat nang biglang isigaw 'yon ni Waldy, sabay sara ng libro niya at napasabunot sa buhok.

"Hoy, nababaliw ka na?" sabi ko sa kanya sabay higop sa hawak kong cup ng kape.

"Hindi ba kayo naboboringan?" tanong ni Waldy sa'min.

Okay, nandito kaming lahat ngayon sa secret hideout namin sa old building, aka ang SOS Club room na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gamit maliban sa tambayan tuwing lunch break o vacant period katulad na lang ngayon.

Absent 'yung teacher namin sa subject bago mag lunch at inabisuhan kaming magself-study para sa entrance exams kaya dalawang oras din 'yung bakanteng oras namin. Masyado pa namang maaga para magtanghalian kaya nandito kami ngayon.

Si Psycho Lulu, as usual may sariling mundo, hindi ko alam kung nagrereview ba siya. Si Kahel naman tumutugtog ng gitara malapit sa may bintana. Si Jao, ayon may nakahanap ng kapartner sa ka-gc-han, si Ruffa, parehas silang maingay na nagtatanungan sa pag-aaral. At si Waldy, nag-aaral din siya pero unang sumuko. Si Paul, kakarating lang galing ng practice, dito raw siya dumiretso para magreview din.

"Walang masyadong event ngayong month of October, lahat ng estudyante sa school busy sa pagrereview sa para sa mga entrance exams, hindi ba kayo nauumay?" tanong ni Waldy.

Ako naman, nagkakape habang nagbabasa ng balita sa diyaryo—pinabili ko kanina kay Buloy.

"Kahel, pwede hinaan mo 'yang pagtugtog? Hindi kami makapagconcentrate," sabi ni Jao pero hindi siya pinansin ni Kahel.

"Well, I agree kay Waldy," sabi ni Paul na tumigil sa pagsasagot ng questionnaire book. Si Waldy naman ay halos mapunit ang bibig sa lapad ng ngiti.

"Talaga, Paul?!" animo'y may stars na nagtitwinkle ang mga mata ni Waldy.

"Nauumay na ako sa pagpapractice at pagrereview," sabi ni Paul. "Gusto niyong maglaro?"

"Anong laro?" tanong ko.

May kinuha si Paul sa bag niya at nilabas doon ang isang kahon ng baraha.

"Uy, gusto ko 'yan!" sabi ko at nilapag ko 'yung diyaryo. "Pusoy dos?"

"Playing cards and gambling are prohibited in school," biglang sumingit si Ruffa at napairap ako. "Paul, pwedeng maconfiscate 'yan—"

"Aish! Pwede naman 'yan kung walang magsusumbong!" sabi ko at kinuha ko 'yung kahon at binuksan 'yon. "Sasali ba kayo o hindi?"

Walang pumansin sa'kin at sa huli, ako si Paul at Waldy lang ang naglaro. Maya-maya'y huminto si Jao sa pagbabasa, sinarado ang libro.

"It's really getting boring," sabi ni Jao. "Paano laruin 'yan?"

Sa huli'y sumali rin si Jao sa'min, si Ruffa naman ay nanuod lang, si Lulu at Kahel na lang ang parehas may sariling mundo—pero maya-maya pa'y nakikinuod na sila, nakaramdam na rin 'ata ng boredom. Nakailang laro rin kami at hindi na 'ko natutuwa dahil natatalo ako.

"Tama na nga," sabi ko. "Wala ba kayong ibang alam na pwedeng gawin bukod sa mag-aral?"

"It's getting fun," sabi ni Paul. "Another round?"

"Ayoko na," sabi ko. "Bukod sa pagsusugal ano pa ba pwedeng gawin..."

"I'll tell you stories," napatingin kami kay Lulu na nagsalita. "Do you want some scary stories?"

Nagkatinginan 'yung mga kasama ko at maya-maya pa'y umusod silang lahat palapit kay Lulu. Parang nagkaroon sila ng telepathy powers, hindi nag-uusap pero alam 'yung mga susunod na gagawin. Si Kahel, binaba 'yung venetian blinds kaya dumilim. Si Waldy, out of nowhere ay kumuha ng kandila at sinindihan. Si Paul naman ay pinatay ang ilaw.

"Huh?" takang-taka akong nakatingin sa kanila, nasa gitna si Lulu, tinatanglawan siya ng kandila. Habang ang iba naman ay parang mga batang naghihintay sa anumang ikukwento niya.

Tumikhim si Lulu at nilaliman ang boses. "Bago pa maitayo ang William Consuelo High School... dating sementeryo ang lugar na 'to."

Halos umikot ang mga mata ko nang marinig 'yon—halos lahat naman 'ata ng eskwelahan ay kung hindi dating sementeryo ay dating punerarya o ospital na pinupugaran ng mg espiritu.

"Kaya hindi na nakapagtataka na maraming ligaw na espiritu ang gumagala sa campus... Kabilang na rito ang pinakakilala sa lahat... ang pitong kababalaghan sa William Consuelo High School."

"Huh? Gawa-gawa mo lang ba—"

"Sshhh!!!" saway sa'kin ng mga kasama ko. Umirap na lang ako, sumandal at nakinig sa mga kinakana nitong ni Lulu.

"Unang kababalaghan... Ang paring walang ulo sa chapel..." palalim nang palalim ang boses ni Lulu. "Isang estudyante ang nakasaksi nang minsan itong dumaan sa chapel para magdasal. Habang nakaluhod siya't taimtim na nagdadasal ay bigla siyang nakaramdam ng lamig, kung kaya't pagmulat niya'y nakita niya sa altar ang isang pari na walang ulo. Dahil akala ng estudyante na guni-guni lang niya ang nakita, muli siyang pumikit at nagdasal. Subalit muling umihip ng malamig at sa pagmulat niya ng mga mata... Nasa harapan niya na ang paring walang ulo, habang hawak nito ang sariling ulo na duguan."

"Kyahhh!" biglang tumili si Waldy at pasimpleng kumapit sa katabing si Paul.

Nagpatuloy sa pagkukwento si Lulu. Iba talaga ang nagagawa ng boredom.

"Pangalawang kababalaghan... Ang white lady sa puno ng mangga—"

"Hindi ba balete 'yun?" singit ko pero sinaway na naman nila ako.

"Ssshh!!!"

"Ang matandang puno ng mangga ang tanging tinira noong sinira nila ang sementeryo upang itayo ang eskwelahang 'to. Kaya naman hindi na kataka-taka na pinamumugaran ng mga ligaw na kaluluwa ang punong 'yon—kabilang na ang white lady. Malapit sa entrance ng main building ang puno ng mangga, may mga estudyante ang nakasaksi na mayroon silang nakikitang babae roon na kumakaway sa kanila. Kaya naman walang nagpapagabi dahil noon daw madalas lumabas ang white lady, kinakawayan ang sinumang lumalabas ng building."

"Teka... 'Yung puno ng mangga? Sa may parking lot 'yon ah!"

"Golda, just listen to Lulu," saway pa sa'kin ni Jao.

"Medyo malapit doon 'yung pinaparkingan ko."

"Ssshhh!!!" saway ulit nila sa'kin.

Pumangalumbaba na lang ako at nakinig sa mga kwento ni Lulu. Pangatlong kababalaghan, ang lumilipad na painting—may teacher daw na nag-overtime noon sa campus at nang madaanan nito ang malaking painting ni William Consuelo ay nagulat daw ito nang lumutang sa hangin ang painting at hinabol ang teacher. Hindi ko alam kung matatawa ako rito kasi imaginin mo na hinahabol ka ng picture ni William Consuelo? Funny kaya.

Pang-apat na kababalaghan, isa rin sa mga classic, ang batang naglalaro sa hallway. May mga estudyante raw ang nakakakita ng isang batang tumatakbo sa hallway. Mag-uumpisa raw na may maririnig kang tunog ng bola hanggang sa makikita mo ang isang bata na puting-puti ang mukha.

Panglimang kababalaghan, may teacher daw na nagtuturo sa WCHS ang namatay. Sa sobrang dedikasyon daw sa pagtuturo ng teacher na 'yon ay kahit patay na raw ay pumapasok pa rin ito sa eskwelahan, hindi 'ata aware 'yung mumu na patay na siya. May mga kwento raw minsan na may umiiyak daw sa library—ang sabi 'yung teacher daw 'yon na hindi matanggap ang kanyang pagkamatay. May nakakita raw na minsan lumulutang 'yung chalk sa classroom at may nagsusulat sa blackboard kahit wala naman.

Pang-anim na kababalaghan, ang nakakatakot na killer janitor, nagpatiwakal daw ito matapos mahuling guilty sa pangrarape at pagpaslang sa isang estudyante. Isa raw ang kwentong 'yon sa pinakakinatatakutan dahil nanghahabol daw ang killer janitor habang may hawak na kutsilyo—duguan, parang may sa demonyo. Kahit sino naman 'ata mapapatakbo kapag nakita 'yon.

"At ang pang-pitong kababalaghan..."

"Sawakas, pang-pito na," sabi ko pero sinaway na naman nila ako. Naghikab na lang ako at nakinig na lang sa kwento ni Lulu.

"Ang multo sa CR ng girls sa third floor... Kung nagpapakita ang killer janitor, mas lalong nagmumulto sa eskwelahan ang naging biktima nito..."

"Shet, CR sa third floor? Doon tayo palaging nagsi-CR!" takut na takot na komento ni Waldy habang nakakapit pa rink ay Paul.

"...kapag sasapit ang dilim at natiyempuhan mo ang oras ng pagpaparamdam ng multong 'yon... Maririnig mo itong umiiyak sa loob ng CR. May isang kwento ang dating fourth year student, ten years ago. Ginabi ito sa paggawa ng project sa school at nang magpunta siya sa CR para maghilamos ay nakarinig siya ng pag-hikbi."

"T-Tapos?" tanong nila.

"Tiningnan ng senior student na 'yon ang mga cubicle pero wala namang ibang tao kundi siya lang. Kaya naghilamos na lang siya, habang naghihilamos ay nakarinig na naman siya ng paghikbi... dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nakita sa salamin..."

*BOG*

Biglang may kumalabog sa pintuan kaya halos mapatalon kami sa gulat.

"A-Ano 'yon?!" takot na tanong ni Kahel.

*BOG*

Kumalabog ulit 'yung pinto at para silang mga ewan na nagsisiksikan sa takot habang nakatingin lang doon.

"Goldy, tingnan mo kung ano 'yon," walang pakundangang utos sa'kin ni Lulu.

"Ha? Bakit ako?" turo ko pa sa sarili ko pero mukhang wala akong choice.

"Sus," sabi ko at tumayo ako para pumunta sa pintuan.

Palakas nang palakas ang kalabog ng pinto at nang buksan ko 'yon ay parehas kaming sumigaw ng nakita ko—narinig kong napasigaw din 'yung mga kasama ko.

"Ahhh!!! M-Miss Marquez?!" nang huminto kami sa pagsigaw ay nakita ko si Mr. Santos, ang guidance counsellor.

Anong ginagawa ng kumag na 'to rito?

"S-Sir!" reaksyon ni Ruffa nang makita kung sino ang pinagbuksan ko ng pinto.

"A-Anong kalokohan ito?!" tanong ni Mr. Santos sa aming lahat nang pumasok siya sa kwarto. Binuksan ko na 'yung ilaw, pinatay na nila 'yung mga kandila.

Ang ending pinatawag kami sa guidance office. May isa palang magaling na SSG officer ang nagsumbong sa'min kay Mr.Santos, nakita raw kaming pumapasok sa prohibited area which is 'yung old building. Kung sino mang inggeterang palaka ang nakadiskubre ng secret hideout namin, humanda sa'kin 'yon.

"Aprubado ang club namin ni Principal Consuelo, sir," nanggigigil na rin ako rito kay Mr. Santos dahil ayaw pa rin niya kaming pakawalan.

"You mean, you're a club?" turo ni Mr. Santos sa amin. "What a bunch of troublemakers."

"Teka, kailan pa tayo naging club?" bulong ni Kahel sa'kin. Lahat ng mga kasama ko ay nagtataka sa idea na 'yon pero hindi sila umimik. Tama nga naman kasi si Mr. Santos na bawal pumunta sa old-building pero may nag-eexist pala na club room doon.

"Makisama kayo kung ayaw n'yong masuspend," pasimpleng bulong ko sa kanila.

Pinaglaban ko kay Mr.Santos na backer namin si Principal Consuelo kaya sa huli pinatawag ako ng matandang principal na 'yon sa office niya kasama si Mr.Santos. 'Yung mga kasama ko naman ay pinabalik na sa classroom.

"Madam Principal, Ms. Marquez insisted that they are an operating club and their office is currently at the old-building. She also insisted that you approved them," imprimitidong sabi ni Mr.Santos.

Tumikhim muna si Principal Consuelo at makahulugan kaming nagkatitigan—hindi ako ilalaglag ng matandang 'to. May kasuduan kami at mas matimbang ang pera.

"Yes, Mr. Santos," sagot ni Principal Consuelo. "I approved their club as the special enforcer of this school."

"Special enforcer?" sabay pa kami ni Mr. Santos na sabihin 'yon.

Anong enforcer ang pinagsasasabi ng matandang 'to.

Walang nagawa si Mr.Santos sa reklamo niya sa'min dahil si Principal Consuelo na mismo ang nagbigay ng approval sa'min. Pinaiwan muna ako ni Principal para kausapin niya.

Humalukipkip ako nang lumabas na si Mr. Santos. "Ano 'yon?" tanong ko.

"Since your club is a special enforcer, may ipagagawa ako sa inyo," sabi niya habang busy sa mga pinipirmahan niya.

"Huh? Seryoso ka talaga ro'n?"

"Don't worry, ngayon lang naman 'to dahil sobrang busy ng student council," sabi niya. "I'd like you and your club to do something..."

"Something..." huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin.

"There's an upcoming outreach program for orphan children, sa totoo lang ay sinuggest lang ito ng isang parent from PTA, to boost William Consuelo's reputation, and unfortunately... two days from now na ang event. Gusto ko sana ang club niyo ang magpack ng relief goods at magdecorate ng venue sa Consuelo Hall."

"Hah?" angal ko. "Bakit kami? 'Di ba may student government ang eskwelahan na 'to? Bakit hindi sila?"

"As I've said, they're also busy—in reviewing for the entrance exams. Karamihan sa mga officers ay ang mga senior honor students ng eskwelahang 'to, nakasalalay sa kanila ang pagtaas ng passing rate ng William Consuelo sa mga big universities."

"Ahh... Okay so dahil hindi naman honor students ang mga kaklase ko—kami na lang ang iaalay?" sabi ko habang tumatangu-tango.

Napahinga nang malalim si Principal Consuelo. "I know it sounds unfair to you—"

"Unfair talaga! Busy din ang mga friends ko sa pag-aaral—" wait, sinabi kong 'friends'?

"It's also a good chance for you to prove your club."

"I-prove ang alin?"

"You don't want to lose that club room, right?"

Teka pinagbabantaan niya ba 'ko?

"Hay, sige na nga."

Feeling ko hawak ako sa leeg ng matandang 'to, bukod do'n parang may point naman siya. Any time pwedeng makwestiyon at mawala sa'min ang club room na 'yon. Medyo naging special na sa'kin 'yung lugar na 'yon kaya nakakapanghinayang kung mawawala.

Paglabas ko ng Principal's Office ay nagulat ako nang halos makabangga ko ang isang tao—si Sir Gil.

"Huwag mong sabihing nakikinig ka sa pinag-uusapan namin ng nanay mo?" direktang tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Umm... Sorry to put you in that position," sabi niya. Bakit siya nagsosorry? "I can ask the Principal that I'll be the one to supervise your club."

"Talaga?" medyo nagdududa na 'ko sa taong 'to dahil parang sobrang bumait naman 'ata siya.


*****


AS usual umangal sila nang sabihin ko sa kanila 'yung pinag-usapan namin ni Principal Consuelo. Uwian na ngayon at kami na lang ang natitira sa classroom.

"What?!" kanya-kanya silang angal nang sabihin ko sa kanila ang gustong mangyari ni Principal Consuelo.

"I don't understand, we do not even know that room is a club room," sabi ni Ruffa at sumang-ayon sa kanya sila Waldy.

"Aish! Simula nang tumambay kayo sa kwartong 'yon—club member na ko sa ayaw niyo o hindi," sabi ko sa kanila habang nakahalukipkip.

"Mag-oovernight tayo kinabukasan para magpack ng relief goods at magdecorate ng venue? That's not fair, anong silbi ng student council?" protesta naman ni Waldy.

Hinilot ko 'yung sentido ko. "Nasabi ko na 'yan kay Principal Consuelo, okay. Simple lang naman ang usapan namin, kung ayaw nating gawin 'yung pinagagawa niya, mawawalan tayo ng tambayan—"

"We'll do it," sabi ni Lulu. Mabuti naman dahil siya 'tong may pakana ng club club na 'to. Pero parang mukhang siya lang ang willing.

"Hay, sige na, tutulong na rin ako," maya-maya'y sabi ni Kahel.

"I'll join too because it sounds fun," sabi naman ni Paul.

"Ako rin!" biglang sabi ni Waldy, gusto ko siyang pitikin sa kalandian niya.

Sa huli'y wala rin silang nagawa.


*****


KUNWARI pa silang aayaw-ayaw noong una pero parang mga mukha silang excited na mag-oovernight kami ngayon sa school. Siyempre, walang kamukat-mukat 'yung mga kaklase namin dahil hindi naman namin pinagkalat, mahirap na.

At nang sumapit ang uwian, naghintayan kami sa club room sa old building. Napansin ko na halos lahat sila may dalang kanya-kanyang maliit na unan.

"Bakit may unan kayo? Overnight 'di ba? Hindi sleepover," sabi ko habang nakahalukipkip. Walang pumansin sa'kin at napansin kong may mga dala rin silang kanya-kanyang snacks. "'Yung totoo, hindi tayo magmumovie marathon."

"Ang dami mo namang reklamo, Goldy," sabi sa'kin ni Waldy.

Pumanewang na lang ako at hinayaan ko sila sa kung anong trip nila.

"Ready na ba kayo?" biglang pumasok sa loob si Sir Gil.

"Sir Gil!" bulalas ng mga kasama ko.

Nang sumapit ang ala sais, wala nang mga estudyante sa campus. Pumunta kami sa opisina ng student council para magsimulang magpack ng relief goods na idodonate sa mga orphan children. At dahil walo naman kami ay medyo mabilis lang ang trabaho.

Habang nagpapack siyempre hindi nawala ang kwentuhan at harutan. Si Kahel nagpatugtog pa ng music. Tapos itong si Waldy at Jao nagbabatuhan ng butil ng bigas.

"Hoy, tumigil nga kayo!" saway ko sa kanila pero binato ako ni Waldy ng butil ng bigas sa mukha. Siyempre binato ko rin siya pabalik.

"Huwag kayong mag-aksaya ng bigas," tumigil lang kami nang sawayin kami ni Sir Gil.

"Sila kaya nauna," turo ko sa dalawa.

Inabot din kami ng dalawang oras sa pagbabalot. Sumapit ang alas otso ng gabi nang makaramdam ng gutom ang lahat. At siyempre dahil ako si Boss Golda, advance akong mag-isip. Kanina pa ako nag-utos sa tatlong bugok kong alipores na bilhan kami ng dinner.

Lumabas ako sa hallway para salubungin ang tatlo.

"Boss!" sabay-sabay nilang tawag habang kanya-kanyang dala. Parang pangfiesta 'ata 'yung dami ng inorder ko. Si Buni may dalang tatlong kahon ng pizza, si Buloy may dalang dalawang bucket ng chicken at isang spaghetti, at si Burnik ang may dala ng drinks.

"Ssshhh!" saway ko sa kanila. "Ay kabayo!" bigla ba namang sumulpot si Sir Gil sa gilid ko.

"Pinabili mo?" tanong niya.

"Hindi, pinanakaw ko," pilosopo kong sagot. Naglabas ako ng pera sa wallet nang pigilan ako ni Sir Gil.

"Ako na," sabi niya at akmang huhugot ng wallet.

"Ako na magbabayad, ako nagpabili nito," sabi ko.

"Hindi, ako na lang sasagot."

"Ako nga sabi."

"No, I insist."

Natigilan kami sa pagtatalo nang makarinig kami ng malakas na tili sa third floor—nasa second floor kasi kami ngayon. Lumabas 'yung mga kasama ko mula sa student council room.

"OMG, si Ruffa 'yon!" sabi ni Waldy. "NagCR siya sa third floor!"

"Huh?" dali-daling tumakbo sila Sir Gil, Waldy, Kahel, at Paul sa third floor para tingnan kung anong nangyari kay Ruffa.

Inabutan ko ng pera sila Buloy, tapos pinapapasok ko 'yung mga pagkain kila Jao at Lulu sa loob ng kwarto habang hinihintay sila Sir Gil. Maya-maya pa'y bumaba sila at nakita ko na nanginginig si Ruffa sa takot.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Nakahawak si Ruffa kay Waldy, mukhang may nangyaring hindi maganda.

"M-May... May multo," mahinang sabi ni Ruffa at natahimik ang lahat. Walang nagtangkang magsalita dahil hindi nila alam ang sasabihin. Mukhang hindi naman nampaprank si Ruffa.

"Alam n'yo guys, kumain na tayo, gutom lang 'yan!" sabi ko para iwasiwas ang takot sa mga isip nila.

"That's right, maybe you're just tired, Ruffs," sabi naman ni Paul para pakalmahin ang kalooban ni Ruffa.

Pumasok kaming lahat sa loob ng kwarto para kumain. Nabuhayan sila ng loob nang makita ang mga inihanda kong pagkain kaya parang nakalimutan nila ang nangyari nang kumain kami. Walang nag-open ng topic tungkol sa nangyari kay Ruffa—siguro dahil ayaw din nilang matakot pa.

Pagkatapos kumain ay nasiCR ako. Gusto ko sanang magpasama kaso baka isipin nila naduduwag ako kaya pumunta na lang ako mag-isa. Umakyat ako sa third floor at hindi ko maiwasang maalala ang mga kinuwento ni Lulu.

"Aish!" winasiwas ko 'yon sa isip ko. "Kwentong barbers lang 'yon."

Pagkalabas ko ng cubicle ay wala naman akong naramdamang kakaiba. Sabi ko na nga ba at guni-guni lang 'yon ni Ruffa. Pero habang naghuhugas ako ng kamay ay naramdaman ko na bumubukas 'yung pinto ng cubicle sa likuran ko.

P-Puta?

Dahan-dahan akong lumingon at nakitang bumukas 'yon—may babaeng nakatayo na nakaputi, may mahabang buhok na natatakpan ang mukha at nakataas ang dalawang kamay na parang zombie.

"T-Tulungan mo ako..."

Gusto kong sumigaw pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. M-Multo?!

Sisigaw na sana ako nang bigla akong natauhan, punyeta ka Golda mamamatay ka na pero takot ka sa multo?! Nang magkaroon ng kalinawan ang isip ko'y biglang nawala ang takot sa isip ko. Nakita kong mabuti 'yung multo at parang naaninag ko na manipis na puting tela ang suot nito.

Nang lalapitan ko ang multo ay bigla nitong sinara ang cubicle. Punyeta sabi ko na nga ba.

"Hoy! Buksan mo 'to! Taragis ka!" kinakalampag ko 'yung cubicle. "Hoy! Punyetang multo ka buksan mo 'to!" Hanggang sa bumukas ito at nagulat ako sa nakita ko. "S-Sophie?! Anong ginagawa mo rito?!"

Huminga siya nang malalim at naiinis na tumingin sa'kin. "I heard it from Blake na magoovernight kayo sa school, gusto ko lang maghiganti kay Ruffa."

"Hah?!"


*****


AT dahil buking na ang salarin. Sinama ko ang magkasabwat na si Blake at Sophie sa ginagawa namin. Kung paano nalaman ni Blake 'yung tungkol sa ngayong gabi hindi ko alam. Kinausap ni Sir Gil si Sophie at pinahingi nito ng sorry kay Ruffa.

Ngayon nandito kami sa first floor, sa may Consuelo Hall, at nagdedecorate ng venue para sa paparating na event.

"Hay nako, pagkatapos 'yung student council na naman ang magmumukhang bida dahil sa ginawa natin," reklamo ni Kahel habang naggugupit ng banderitas.

Nakita kong pumasok na sa loob sila Sir Gil, Sophie, at Ruffa, mukhang tapos na silang mag-usap-usap. Busy kaming lahat sa ginagawa namin. Medyo nabuhayan na ulit sila ng loob nang malamang prank lang pala 'yung multo kanina sa CR.

"Ubos na 'yung glue," sabi ni Jao.

"May glue do'n sa office ng student council," sabi ni Lulu. "Goldy will get it."

"Ako talaga?" reklamo ko.

"You're the oldest," sabi niya at pinanlakihan ko siya ng mata. Mabuti na lang walang nakapansin ng sinabi niya kaya tumayo na lang ako.

Sumunod sa'kin si Blake. "I'll go with you."

"Glue lang ang kukunin ko hindi bato," sabi ko pero nakasunod pa rin siya.

Mabilis akong naglakad papuntang second floor, nakasunod pa rin si Blake sa'kin at hindi kami nag-uusap. Pagkakuha ko ng glue at pagkalabas namin ng office ay natigilan kami parehas nang makarinig kami ng tunog ng bola sa hallway.

"Ano na naman 'to," reklamo ko. "Pag ito prank n'yo na naman," dinuro ko si Blake ng glue pero sunud-sunod siyang umiling.

Bumaba kami ng first floor pero narinig ulit namin 'yung tunog ng bola.

"Blake..." tawag ko sa kanya nang makita namin 'yung bola na gumulong sa harapan namin. Sabay kaming lumingon at nakita namin sa hagdanan ang isang batang lalake.

Hindi ko na napigilang sumigaw sabay takbo ng mabilis. Iniwan ko si Blake, bahala siya sa buhay niya! Pagpasok ko sa loob ng Consuelo Hall ay napatingin sila sa'kin.

"M-May multo! May batang multo!" sigaw ko sa kanila at nagsimula silang magpanic.

"Calm down, Golda!" sigaw ni Sir Gil. "Anong multo? Sophie, is this another prank?" pagbintang niya.

"N-No!" tanggi ni Sophie.

Bumukas 'yung pinto ng Consuelo Hall at sabay-sabay kaming napasigaw nang makita namin na pumasok ang isang batang lalaki. Nagkumpulan kami at halos yumakap sa isa't isa.

"Hello!" sabi ng batang lalaki.

Biglang pumasok sa loob si Blake. "Chill, guys, he's a real boy."

Natigilan kaming lahat.

"A-Anong ginagawa ng batang 'yan dito?!" sigaw ko.

"He's my little brother." Halos malaglag ang panga namin nang sabihin 'yon ni Blake.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top