/17/ An Elephant in the Room

Most of the time
we encounter lies
most of the time
we believe them,
and sometimes
we made them

/17/ An Elephant in the Room

[GOLDA]


BUONG araw naging usap-usapan sa campus ang issue. Sa hallway, sa cafeteria, kahit saang bahagi ng William Consuelo High School ay may bulung-bulungan tungkol sa issue.

Sino ba namang hindi maiintriga? Kahit ako man ay hindi mapalagay sa tsismis na 'yon. Ang isa sa pinakapopular kong kaklase at ang teacher na anak lang naman ng principal ng eskwelahang 'to ay may relasyon?

Walang nagkukumpirma ng mga hinala namin.

Si Sophie ay patay malisya lang sa classroom, kunwari wala siyang pake pero nakikita ko sa kanya na siya ang pinaka-apektado sa lahat.

Hindi ko alam kung patay malisya lang din 'yung mga tropa niya dahil wala namang nang-aasar sa kanya o nang-aapi.

Walang nagtatangkang mag-open ng topic sa classroom dahil paniguradong awkward 'yon. At kahit kating-kati na 'yung mga kaklase ko na magsalita o magtanong kung nasaan si Sir Gil. Wala silang sinabi.

"Parang may mali..." bulong ko sa sarili habang nakatulala.

Hindi ako nakikinig sa boring na lecture ng Literature teacher namin. Pumikit ako saglit para alalahanin 'yung mga nangyari noong nakaraang Biyernes sa party ni Nap.

Nang makita ko noon si Sir Gil ay tinangka ko siyang sundan. Iniwan ko si Blake at naglakad papuntang hagdanan, paakyat na sana ako sa third floor nang biglang may humarang sa'kin.

"Where are you going?" si Briana, o mas tinatawag nilang 'Brie'.

"Ah... Susundan ko si—"

"She's bored," sabi ni Blake na lumapit sa'min. "I think she's happy to have more than a beer, Brie."

"Gano'n ba? If Blake says so then... come with me."

"Huh?" wala akong nagawa nang bigla akong hawakan at hilahin ni Brie papunta kung saan. At ako namang si tanga ay nagpahila lang.

Namalayan ko na lang na bumaba kami sa basement ng bahay at nagulat ako nang makita na mayroong bonggang lounge doon, may bilyaran, at bar counter. Inalalayan ako ni Blake at siya ang nagserve sa'kin ng hard drinks.

"This will be our secret," sabi ni Blake at nakipagtoast sa'kin.

Namalayan ko na lang na nakikipagkantahan ako sa karaoke. At dahil nag-eenjoy ako bigla sa pag-inom at pagkanta ay kinalimutan ko na 'yung tanong ko sa isip kung bakit nasa party si Sir Gil, hindi ko na nga tinanong kung alam din ba nila na may teacher kaming kasama.

Mas lalo akong nag-enjoy nang maglaro kami sa mini bowling area sa basement. Namalayan ko na lang na nakikipaglaro ako kila Blake at Brie. Napuno rin ang basement lounge nang puntahan kami ng birthday boy na si Nap, at aaminin kong nagsaya rin ako.

Medyo marami akong nainom at mukhang tinangka ng kumag na Blake na 'yon na lasingin ako. Nagpasya akong umuwi nang malaman kong umuwi na pala sila Lulu, Waldy, Jao, at Kahel. Medyo nagtampo ako sa kanila na hindi man lang sila nagpaalam sa'kin bago umuwi.

Pag-akyat ko no'n ng ground floor ay saktong nakasalubong ko si Sir Gil na kakapasok lang sa loob ng bahay, galing siya sa labas? Saglit kaming nagkatinginan.

"Anong ginagawa mo rito?" mapangsuspetyang tanong ko sa kanya. "Akala ko ba—"

"A student called me, but it's okay now, may nakalimutan lang akong gamit sa taas," sabi niya at akmang aalis pero tumigil siya saglit. "Ikaw? Pauwi ka na?"

"Oo, nahihilo na 'ko."

"Do you need a ride home?" medyo hindi ko inaasahan 'yung alok niya.

Kinumpas ko 'yung dalawang kamay ko. "'Di, okay lang ako."

Dala ng pinaghalong antok at hilo ay dali-dali na 'kong lumabas.

"Miss Marquez?" bigla akong dumilat at nakita ko 'yung teacher ko na si Mr.Flores na nasa harapan ko. "Mukhang napasarap ang tulog mo, baka gusto mong matulog muna sa clinic." Bakas 'yung sarcasm sa boses niya, halatang gusto akong ipahiya sa buong klase.

"Sige, sir, sabi mo eh," sabi ko at nagulat siya nang tumayo ako.

"M-Miss Marquez!" tawag ng teacher pero diridiretso lang akong naglakad palabas ng classroom.

Pumunta ako sa clinic katulad ng sinabi ni Mr. Flores.

"Oh, hello! May masakit ba sa'yo?" masayang salubong sa'kin ni Nurse Ellen nang pumasok ako sa loob ng infirmary.

"Bakit parang masaya ka pa," bulong ko at lumapit sa isang bakanteng kama. "Sabi ng teacher ko matulog daw ako rito eh."

"Huh? Ano? Bakit? Nahihilo ka ba?" tanong ni Nurse Ellen na nakangiti pa rin.

Hindi ko siya pinansin at humiga ako sa kama. Pero hindi ako natulog, nakatulala lang ako sa kisame. Lumapit si Nurse Ellen sa gilid ko at nagulat ako ng ilapat niya 'yung kamay niya sa noo ko.

"Naku, may sakit ka nga," nag-alala bigla 'yung boses niya kaya nagtaka ako. "Sakit ng katamaran."

Biglang tumawa si Nurse Ellen. Hirahira 'ata 'tong nurse na 'to, siguro sa sobrang bored niya rito ay naloka na 'ata.

"Lakas tama ka, teh?" tanong ko sa kanya at pinalis ko 'yung kamay niya sa noo ko. Bumalik siya sa pwesto niya na tatawa tawa pa rin.

"Hay, sige, pwede ka magstay," sabi niya. Akala ko lulubayan na niya ko pero bigla na naman siyang tumingin sa'kin. "Alam mo ba 'yung tsismis?" mahina niyang sabi. Maya-maya'y hinila niya 'yung swivel chair niya palapit sa gilid ko. "Adviser mo si Sir Gil, 'di ba?"

Kulang na lang ay umikot ang mga mata ko sa tsismosang nurse na 'to. Sabagay, ako rin naman ay tsismosa. Kaya pala okay lang na pagstay-in ako rito para makitsismis.

"Oo," maikling sagot ko.

"Anyare? Totoo ba ang tsismis?"

"Na?" kunwari wala akong alam.

"Na may karelasyon siyang estudyante," mahina niyang sabi with matching na nanlalaki pang mata.

"Nurse Ellen, sa tingin mo ba, si Sir Gil na anak ng principal ng eskwelahang 'to ay magagawa 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hmm..." tumingala siya para mag-isip saglit. "Alam mo, gwapo si Sir Gil, crush ko nga 'yon pero sinukuan ko na kasi 'di niya ako bet."

May tinatago rin palang kalan 'tong si Nurse Ellen. Kalan—Kalandian.

"Sa tingin ko... Hindi malayo kasi very pretty naman si Sophie at the same ay galing pa sa prominenteng pamilya na isa sa sponsor ng eskwelahang 'to."

"So, naniniwala ka sa tsismis kahit na wala namang basehan?" tanong ko sa kanya ulit.

"Hmm... Hindi natin alam, ang narinig ko sa faculty, sinesante mismo ni Principal Consuelo ang anak niya."


*****


UWIAN.

Bumalik ako sa classroom para kuhanin 'yung mga gamit ko. Buong maghapon lang kaming nagtsismisan ni Nurse Ellen sa infirmary. Pero nagulat ako pagpasok ko sa loob ng classroom, nakita kong tahimik ang mga kaklase ko—dahil nasa harapan si Principal Consuelo.

Anong ginagawa ng matandang 'to rito?

"Miss Marquez, I heard you're not feeling well," sabi ni Principal Consuelo sa'kin kaya tumango na lang ako. "Take your seat, hija."

Tahimik pa rin ang klase. Maingat akong pumunta sa pwesto ko at umupo. Tumikhim si Principal Consuelo at mas lalong tumindi ang tensyon sa klase.

"I came here to inform your class that starting tomorrow until graduation your homeroom adviser, Mr. Gil Consuelo, is not coming anymore to teach in this school."

Kanya-kanyang reaksyon ang lahat nang sabihin 'yon ni Principal Consuelo. Alam ng lahat kung ano ang dahilan, hinihintay ng buong klase kung babanggitin ba 'yon ni Principal Consuelo.

Nagtaas bigla ng kamay ang Vice-President ng klase, si Ruffa.

"Yes, hija?"

"I-Is it because of the issue?" sawakas ay may naglakas loob na magsalita. Nanahimik ang buong klase nang sabihin 'yon ni Ruffa.

Napahinga nang malalim si Principal Consuelo at tumingin sa buong klase. "Yes, to avoid more scandal. I fired my own son so that the PTA won't make this a big issue. Regarding the circulating photo in social media from an anonymous account, I asked the school's IT department to remove it."

Hindi ko alam kung mamamangha ba ko o ano rito kay Principal Consuelo. Ang bilis din niyang gumawa ng aksyon tungkol sa issue. Gano'n talaga niya gustong isalba ang reputasyon ng eskwelahang 'to? Hindi man lang ba niya pinatawag si Sophie para kausapin? O alamin ang totoo?

Mas lalo lang pag-uusapan ang mga issue na 'yon panigurado, pero sigurado ring lilipas ang mga araw at makakalimutan ng mga tao ang tsismis—hindi na mahalaga kung totoo o hindi.

Medyo unfair lang para sa part ni Sir Gil.


*****


HINDI ako kaagad umuwi. May kung anong nag-udyok sa'kin na dumaan sa Star Bucks at hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siya ro'n.

Si Sir Gil.

Mag-isa siyang nakaupo sa usual niyang pwesto, ang kaibahan nga lang ngayon ay wala siyang kasama. Kita ko sa malayo ang kakaibang lungkot sa mukha niya.

Hindi ko na natiis at lumapit ako sa kanya.

"Hoy," tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Halatang nagulat siya nang makita ako. Umupo ako kaharap niya kahit hindi niya inalok.

"W-What are you doing here?" gulat niyang tanong.

"Wala lang, natiyempuhan lang kita," sagot ko pero parang hindi siya kumbinsido. "Sinundan ko kayo ni Sophie dito last time." Mas nagulat siya nang sabihin ko 'yon.

"I see."

"Gano'n lang? 'Yon na 'yon? Wala ka man lang bang gagawin para depensahan 'yung sarili mo?" sabi ko sa kanya, humalikipkip ako at sumandal sa upuan.

"Golda..." nakita ko sa itsura niya na parang gusto niyang magsabi ng saloobin pero kita ko rin na pinipigilan niya 'yung sarili niya.

Kaya medyo dumukwang ako sa mesa.

"Gusto mong uminom?" tanong ko sa kanya.


*****


PUMUNTA kaming dalawa sa isang pub sa katabi ng bayan. Mahirap na at baka kaming dalawa naman ang ma-ispot-tan ng mga tiga-school. Sigurado naman akong walang makakakita sa'min dito.

Chill lang ang atmosphere kaya pangchill na inumin lang din 'yung inorder naming dalawa, beer.

"So, may relasyon nga kayo ni Sophie?" direktang tanong ko sa kanya nang dumating 'yung mga order namin.

"Do you really think that?" balik tanong niya sa'kin.

"Nakita ko kayo noong sabado ng umaga na magkasamang nag-eexercise. Tapos nakita ko kayong pumunta ng Star Bucks, tapos 'yong picture."

Napahinga siya ng malalim. Uminom muna siya. "Wala. Walang namamagitan sa'ming dalawa."

"Okay, so dideny mo ang tsismis."

"It's just that... She's my tutee."

"Tuta?"

"Hindi," napaface palm siya. "I'm just her tutor. 'Yon lang."

"Ahh, pero gano'n kayo ka-close," sabi ko at pinagdikit ko 'yung dalawa kong daliri.

Napabuntong hininga na naman siya. "Her parents and my parents are friends, as everyone knew; Sophie's parents are one of the school's sponsors. That's why her mother personally requested my mom to tutor Sophie."

"At siyempre pumayag ka."

Tumango siya at sinuklay ang buhok. "We grew closer to each other. For me, para kong sinusubaybayan ang paglaki ng isang nakababatang kapatid. Sophie's like a younger sister to me. But she... you know... I'm aware of it, she saw me as someone she could love."

"Aware ka na may gusto siya sa'yo more than just a teacher?"

"Yeah. She confessed to me before but I already told her that we can't. Sinabi ko sa kanya 'yung nararamdaman ko na hanggang kapatid lang 'yung tingin ko sa kanya."

Ang sakit siguro no'n para kay Sophie.

"Anong nangyari sa party? Paano napunta sa gano'ng sitwasyon?" tanong ko sa kanya na parang imbestigador.

"I saw Sophie's miscalls and texts, she wants me to go to Nap's party but I refused. Hanggang sa nakita ko 'yung text ni Sophie na lasing siya kaya pumunta ako."

"Text ni Sophie?"

"Sophie was drunk, and worse. She told her parents that she went with me to Nap's party. That's why pumunta ako. Naabutan ko siya sa kwarto na lasing, then... that hug happened."

"At malinaw na may kumuha ng picture, nakita mo ba kung sino 'yung ibang tao na nando'n?"

Umiling siya. "I don't know."

"Gil, malinaw na malinaw na may nagset up sa'yo," sabi ko at kumumpas pa 'yung kanang kamay ko. "Sinabi mo ba 'yan sa nanay mo na nagsisante sa'yo?"

"Oo, I told my mom what happened. But she... of course she—we have to protect Sophie and the school's reputation more. Para mabilis na mapatay ang tsismis, I needed to go—"

"Ang bullshit lang. Payag ka na gano'n lang? Wala kang balak na linisin 'yung pangalan mo? Wala kang ginagawang masama."

Tumitig siya sa'kin at nagulat ko na matipid siyang ngumiti. "Golda, I... I appreciate your concern. I want to know who the culprit is too, but it's out of hand."

Hindi na lang ako kumibo at uminom na lang kami parehas. Nagtagal din kami sa pub, siguro namiss din niyang uminom at sinamahan ko lang siya.

Namalayan ko na lang na nagkukwento siya tungkol sa personal niyang buhay. Sa totoo lang ay inis ako sa kanya noong una kaming nagkakilala, palagi niya ang pinapower trip sa classroom kaya madalas kaming mag-inisan sa labas.

Pero ngayon, habang nagkukwento siya ay bigla akong naawa. Parang ngayon na lang ulit siya nakapaglabas ng saloobin sa ibang tao. Siguro masyado siyang naging subsob sa trabaho at maging isang mabuting anak.

Napag-alaman ko na broken family pala sila. Dahil noong nabubuhay pa raw 'yung tatay niya—si William Consuelo, eh nambabae ito at nagkaroon ng anak sa labas—na naging sanhi ng problema ng pamilya nila.

Nalaman ko rin na may kuya pala siya na hindi na raw nagpapakita at naging dahilan ng halos pagkalugi ng eskwelahan dahil kinukurakot ng kapatid niya 'yung pera.

Nakinig lang ako hanggang sa magsawa siyang magkwento. Parehas na kaming may tama dahil nakakarami na kaming bote nang hawakan niya 'yung kamay ko.

"I just wanted to say thank you," sabi niya habang mapungay ang mga mata. Lasing na 'to. "Thank you for listening to all my shits."

"Wala 'yon."

"Ikaw... Hindi ka ba magkukwento? Tungkol naman sa buhay mo?"

"Ako?" nag-isip ako ng pwedeng ikwento sa kanya. Medyo unfair nga naman kung siya lang ang nag-ambag ng kwento. Kaso magkukwento pa lang ako nang makita ko siyang nakatulog sa mesa.


*****


UMAGA.

Naglalakad ako papuntang homeroom namin nang mapansin kong may nagkukumpulang mga estudyante roon. Nakita kong bumukas 'yung pinto at tumatakbo 'yung kaklase kong 'look out', hinarang ko siya.

"Hoy, ang aga-aga, anong meron?" tanong ko sa kanya.

"T-Tatawag ako ng teacher, m-may nag-aaway!" natatarantang sabi ng kaklase ko at tumakbo na siya ulit.

Binilisan ko 'yung paglalakad hanggang sa marating ko 'yung classroom. Nagulat ako nang makita ko na gulu-gulo 'yung mga upuan, at may space sa gitna. 'Yung mga kaklase ko ay nasa gilid, habang sa gitna ay may dalawang parang manok na nag-aaway.

"Ouch! Let me go, Sophie!" si Brie na umaaray dahil nakasabunot sa kanya si Sophie.

"You did it, Brie! You bitch! Ikaw ang nagkalat ng picture! You set us up!" galit na galit na sigaw ni Sophie rito.

Walang nagtangkang umawat sa mga kaklase ko. Kahit si Nap at Blake ay nakatulala lang sa mga nangyayari. May mga nagrerecord pa ng video.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila. "Tumigil nga kayo!" ako na ang nagmalasakit na pahintuin sila.

Pero walang pumansin sa'kin. Nagpatuloy lang si Sophie sa ginagawa niya kay Brie, ayaw niya 'tong bitawan hangga't hindi umaamin.

"Tama na 'yan—" lumapit ako kay Sophie para awatin siya dahil naaawa na rin ako kay Brie na umiiyak na sa sakit. Pero malakas akong tinulak ni Sophie kaya sumubsob ako sa mga upuan.

"Goldy!" dinig kong sigaw ni Waldy.

"Aray ko, masakit ah," reklamo ko. Biglang lumapit si Blake para alalayan ako pero tinanggihan ko 'yung kamay niya.

Tumayo ako ng maayos at pinatunog ko 'yung kamao ko. Babalikan ko sana si Sophie nang dumating na 'yung guidance counsellor. Walang nagawa si Sophie kundi bitawan si Brie pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsasabi na si Brie ang may pakana ng picture na 'yon.

Sa huli, pinatawag sa guidance si Brie at Sophie. Pinaayos ng counsellor ang mga upuan bago sila umalis. Napatingin ako sa pintuan at nakita si Ruffa na sinarado ang pinto—napansin ko ang kakaibang ngisi sa mukha niya.


*****


SINADYA kong hindi sumabay ng lunch kila Lulu. Sinusundan ko siya ngayon kung saan man siya papunta, nang mapansin niyang sumusunod ako sa kanya ay huminto siya sa paglalakad.

"Yes? Mary Gold?" tanong ni Ruffa sa'kin.

"Golda na lang," sabi ko at humakbang ako palapit sa kanya habang nakapamulsa. "Ikaw, anong alam mo sa issue nila Sophie?"

"Huh? I don't understand," inosente niyang sagot at ngumiti.

"Ruffa," sabi ko at inakbayan ko siya. Naramdaman ko na napapitlag siya. "Alam mo, natutuwa rin ako na nakitang nag-away sila kanina."

Nagulat siya nang sabihin ko 'yon pero pinilit niyang hindi magpahalata, kumawala siya sa akbay ko.

"Sorry, pero wala akong alam sa mga sinasabi mo," sabi niya at naglakad palayo.

Napahinga ako ng malalim dahil halatang-halata na may alam ang batang 'yon.

At dahil ako si Boss Golda, alam kong hindi siya uubra sa'kin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top