/16/ Party Night
We live only once
so why not do
what you want?
But we are not
free to the
consequences of
our actions
/16/ Party Night
[GOLDA]
DALA ng kuryosidad ay hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan ang sasakyan na minamaneho ni Sir Gil.
Puta ka, Golda? Anong kalokohan 'tong ginagawa mo? Kailan ka pa naging usisera sa buhay ng ibang tao?!
Pero tila may sariling buhay ang mga paa at kamay ko sa pagkontrol ng kotse ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakarating kami ng sinusundan ko sa town proper.
Nakita ko na pumasok sa isang parking lot ang kotse nila kaya sumunod din ako roon. Hindi muna ako 'agad bumaba dahil hinintay ko silang mauna.
Nang makita ko na nakababa na sila ng sasakyan ay tsaka ako lumabas. Nakita ko na tumawid sila sa kabilang kalsada at pumasok sa loob ng isang gusali.
Pumasok sila sa loob ng Star Bucks?
Hindi ko alam kung bakit parang hindi pa rin ako mapakali, punyetang pagiging tsismosa na 'to, gusto kong isumpa ang sarili ko sa pagiging judgmental.
Para masiguro ko na wala silang kababalaghang gagawin ay tumawid din ako sa kabilang kalsada, pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay hinanap ko kung may 'secret door' ba ro'n papuntang motel o ano pero wala naman.
Putragis ka, Golda. Mamamatay ka na, tsismosa ka pa rin? Nakita ko si Sir Gil at Sophie na nakaupo sa pangdalawahang pwesto 'di kalayuan, ang bilis naman nilang umorder?
Tutal nandito na lang din naman ako'y umorder na rin ako ng maiinom. Umupo muna ako saglit para hintayin 'yung kape ko, malayo ako sa kanila pero inoobserbahan ko kung anong ginagawa nila.
Kanina ko pa kasi iniisip: may relasyon ba silang dalawa?
Dala nga ng kuryosidad—este pagiging tsismosa ko ay sinundan ko sila rito para masigurong hindi tama ang hinala ko.
Mabuti na lang ay malinaw ang mga mata ko at kitang-kita ko ang ginagawa nila. Nilabas ni Sophie ang mga gamit niya—mga libro, notebook, ballpen.
Ah. Tutor niya si Sir Gil? Pero pwede ring tutor na magjowa.
Erase. Erase. Napakamalisyosa ko na.
Tsaka teka, ano naman kung meron silang relasyon? Ano bang pake ko sa mga love life nila?
Siguro dahil ayoko lang din maging iba ang tingin ko sa anak ni Principal Consuelo, hindi naman siguro si Sir Gil 'yung tipo ng tao na papatol sa estudyante niya. Hindi ba?
Nang makuha ko na 'yung order ko ay nagtagal muna ako saglit para obserbahan silang dalawa. So far, mukhang professional ang body language na nakikita ko sa galaw ni Sir Gil.
Pero kay Sophie, iba ang dating ng mga kilos niya sa'kin—halatang may gusto siya kay Sir Gil.
*****
MABILIS na umikot ang oras. Naging tsismis sa buong campus ang pambabasted na ginawa ni Sophie kay Nap, sinong mag-aakala na mga famous pala sa eskwelahan ang mga kaklase kong 'yon (partikular sa grupo ni Blake, 'yung F4 kuno), sa kabutihang palad ay kaagad ding namatay ang tsismis.
Huwebes na ngayon at usap-usapan pa rin ang paparating na enggrandeng birthday celebration ni Nap na gaganapin bukas ng gabi sa mansion daw ng mga lolo at lola niya.
Hindi ko maiwasang maintriga kung anong klaseng party ang magaganap kaya sa totoo lang ay medyo inaabangan ko ang mga kaganapan bukas. Gusto ko ring makita kung mas bongga ba magpaparty ang tukmol na 'yon at kung mas bongga ba ang mansion nila sa mansion ko sa Maynila. Wala lang.
Pero hindi pa rin ako nilubayan ng kuryosidad sa pagitan ni Sir Gil at Sophie. Simula nang sundan ko sila sa Star Bucks noong Lunes ay hindi ko na maiwasang mapansin ang mga kilos nila sa classroom.
Kung dati wala naman akong pake pero ngayon parang nabuhay 'yung radar ko na makiramdam sa mga tao sa paligid ko.
Si Sir Gil, normal lang naman siya, professional pa rin sa loob ng classroom—minsan pinagtitripan niya pa rin akong tawagin para magrecite o magsagot ng problem sa blackboard (Wala naman ng bago 'yon at sanay na 'ko sa power trip niya)
Si Sophie naman, siya 'yung tipo na walang pake at parang walang friends sa loob ng classroom, pero kasali siya sa circle ng mga bitchesa—sila Briana. Naisip ko tuloy, alam kaya nila Briana 'yon?
"Sophie, dear, we need to talk."
"What do you want, Brie?"
Lalabas pa lang sana ako ng cubicle nang marinig ko 'yong mga boses na 'yon. Hindi ako lumabas dahil pakiramdam ko ay narinig ako ng langit at heto naririnig ko lang namang nag-uusap si Briana at Sophie.
"Girls, leave us alone," utos ni Briana. Narinig ko ang mga yabag palabas at sinarado nila ang pinto ng CR.
"Pupunta ka sa party ni Nap?" tanong ni Briana.
"Brie, iyan lang ba ang pag-uusapan natin?" bakas ang iritasyon sa boses ni Sophie. "I'm tired of hearing about Nap's party; everyone in the campus is talking about it, even in social media."
"Exactly, Sophie, everyone's talking about it. So, pupunta ka ba o hindi? Yes or no lang naman ang hinihingi kong sagot," sabi ni Briana. Brie pala ang nickname niya. Naiimagine ko na 'yung mukha niyang maldita.
"I'm not sure, okay? Busy ako sa pagrereview para sa entrance exam—"
"Really? Busy ka ba talaga? O may iba kang pinagkakaabalahan?" tanong bigla ni Briana.
"What are you talking about?"
"Sophie, dear, magkababata tayo nila Blake at Nap, kilalang kilala ko na kayo. Even Blake, I know he likes that Golden bitch..." huh? Ano raw? "...That's why I also know why you dumped Nap. You dumped him because you like our teacher—may gusto ka kay Sir Gil."
Uh-oh, mukhang problema 'to para kay Sophie. Akala ko ako lang ang nakapansin pero sa dinamirami ng tao na pwedeng makapansin ay 'yung pinakabitchesa pa.
"You're absurd, Brie. Personal tutor ko si Sir Gil," mariing pagtatanggi ni Sophie.
"Yeah right, but you're not exempted to fall for him, right?" mapanuksong sabi ni Briana.
"You're accusing me without evidence, Brie. Think about what you want to think—"
"Kung wala talagang something sa inyo, pupunta ka ng party ni Nap."
"Fine, kung saan ka masaya."
"Very good, Sophie. It'll mean so much for our friend, Nap."
Ilang sandali pa'y naramdaman ko na umalis sila. Tsaka ako lumabas ng cubicle. Halatang halata na may pinaplanong masama si Briana kaya niya pinipilit na pumunta si Sophie sa party.
Nagulat ako nang biglang bumukas 'yung cubicle na katapat ko sa dulo. Nakita ko 'yung kaklase ko, 'yung Vice President, si Ruffa.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ruffa, siya ang unang umiwas ng tingin at kaagad siyang lumabas ng CR.
Ibig sabihin, narinig din niya ang pinag-usapan kanina ni Sophie at Briana.
*****
"HAPPY teacher's day!" bati ng buong klase pagpasok sa loob ni Sir Gil.
Biyernes na ngayon at araw ng mga guro.
May pakulo ang class officers, sa pangunguna ni Ruffa, ang Vice-President (As usual wala namang pake si Lulu dahil napagtrip-an lang siyang President).
Nagsulat 'yung mga kaklase ko ng magarang lettering sa blackboard ng isang pagbati para sa adviser namin. Tapos bumili sila ng cake, kaya pala naningil noong nakaraan 'yung class treasurer namin.
"Thank you, class. This is very thoughtful, I appreciate it," sabi ni Sir Gil sa buong klase. Mukhang totoo namang na-touch siya dahil sa genuine smile niya.
"Sir! Sir!" nagtaas bigla ng kamay si Saging boy. "Pupunta po kayo sa party ni Nap mamayang gabi?"
Sinundan 'yon ng mga iba ko pang kaklase.
"I... I don't think I can go," sabi ni Sir Gil.
"Awww... Bakit naman, sir?" kanya-kanyang reaksyon 'yung mga kaklase ko at halatang pinipilit na papuntahin si Sir Gil sa party.
Pero sa huli hindi rin nila ito napilit at nagsimula na ang klase.
*****
"DITO ba talaga 'yung address?" tanong ko sa mga kasama ko nang pumasok kami sa loob ng isang madilim na eskinita.
"Sabi sa waze dumiretso ka lang daw," sabi ni Lulu sa'kin na nasa tabi ko. Ako 'yung nagmamaneho ng sasakyan, si Waldy at Jao 'yung nasa likuran. Si Kahel kay Paul sumabay.
Pagkatapos ng huling klase ay kaagad kaming nag-ayos at nagpalit ng pangparty na damit. Ang sabi eh pwede raw maki-overnight kila Nap pero wala kaming balak ng mga kasama ko.
Ako, gusto ko lang makiusyoso sa mga party ng mga bagets. Ang tagal na rin simula ng huli akong magparty. Noong birthday ko pa 'ata.
Narating namin sa dulo ng eskinita ang isang malaking gate, sinong mag-aakala na may gate pa rito? Tinanong kami ng mga guard kung saan ang punta namin.
"Anong sasabihin ko?" bulong ko sa mga kasama ko.
"Sabihin mo sa party ni Napoleon Carlos," sagot sa'kin ni Lulu at iyon nga ang sinabi ko sa guard.
Hiningian kami ng ID patunay kung nag-aaral daw ba talaga kami sa William Consuelo High School at ipinakita naman namin.
Pagkatapos ay bumukas ang gate at pinapasok kami sa loob ng premihiso.
"Napoleon Carlos?" sabi ko sa mga kasama ko. "Iyon ba buong pangalan ni Nap? Kamag-anak niya 'yung mayor?"
"Goldy, ano ka ba, hindi mo alam?" 'eto na naman 'tong si Waldy. Edi ako na walang alam.
"Nap's father is Mayor Carlos."
"Ha?!" gulat na gulat kong sabi. "'Yong tarantadong batang 'yon anak ng mayor?!"
"Ugh, lagi ka na lang late sa balita," sabi ni Waldy.
"Teka nga, kanina ka pa excited Waldy," pag-iiba ko ng usapan. "Hindi ka ba man lang kinakabahan kasi nando'n 'yung mga nambubully sa'yo?"
"Ahh sila Briana ba? I won't mind them, besides, nandiyan naman kayo," sagot ni Waldy.
Hindi na lang ako kumibo.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit talk of the town ng halos isang linggo ang birthday party ni Nap sa buong campus.
Malayo palang ay tanaw na namin ang mansion ng mga Carlos. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga Carlos ang isa sa mga land lords ng probinsya na 'to. Hindi na 'ko nagtataka kung gaano kalaki ang lupaing 'to.
Maging ang mga kasama ko ay namangha nang makalapit kami sa gusali. Pagkapark ko ng sasakyan ay saktong nakita namin sila Kahel at Paul.
"Ready na ba kayo, guys?" tanong ni Paul sa'min.
"Yes, Paul!" sagot ni Waldy at pasimpleng kumapit dito.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa entrada, maririnig ang malakas na music sa loob ng bahay. Si Paul ang nagbukas ng pinto at bumungad sa'min ang party.
Akala mo ay nasa isa kang club sa dami ng tao pero sa totoo lang ay hindi na nakakagulat kung kasya rito sa mansion ang lahat ng estudyante ng WCHS.
Kanya-kanyang business ang lahat, 'yung iba nagkukumpulan habang may hawak na mga baso at nagkukwentuhan. May area naman kung saan pwede kang sumayaw dahil may music DJ.
Sinundan namin si Paul dahil sinenyasan niya kami, mukhang hindi na ito 'yung unang beses na nakapunta siya rito.
Lumabas kami ng mansion at nakita namin ang malawak na swimming pool area, kung saan naroon ang halos lahat ng kasiyahan. May mga naliligo sa pool, may mga nag-iihaw, may mga naglalaro ng beer pong.
Pagtingin ko sa mga kasama ko ay nakita kong wala na sila! Saan sila napunta? Mukhang kanya-kanyang mundo na nga talaga kaya hinayaan ko na lang.
Tumayo lang ako sa gilid at nag-obserba, sa totoo lang ay hindi ko maiwasang mag-alala kung anong klase ng party ang magaganap at higit pa sa inaasahan ko 'to.
Hindi ko naman kasi alam na big time pala 'tong Nap kupal na 'to.
"Why are you standing there? Have some fun, Golda," sabi ni Paul nang lumapit siya sa'kin at inabutan ako ng isang cup.
Pagtingin ko sa loob ng cup. "Beer?"
"Don't worry, most of here are seniors at mga hindi na minor. Bakit parang worried ka?" tanong ni Paul.
"Ha? Ako? Worried?" tanong ko sa sarili ko.
Siguro dahil nag-ooverthink ako na wala naman sanang masama at kababalaghang mangyari sa party na 'to.
"Chillax, Golda! I know what you're thinking," sabi ni Paul sa'kin. "Don't worry, walang magtatangkang gumawa ng kalokohan dito dahil nasa premises sila ng mga Carlos. It's a wholesome party."
Pagkasabi ni Paul no'n ay saktong nakita namin sa pool area na may nag-kiss.
"Wholesome ha?" sarcastic kong sabi sa kanya.
"What's wrong with that?"
"Naku, Paul, umayos ka lang dahil lagot ka sa nanay mo," pagbabanta ko sa kanya na parang ate niya.
"Wala akong gagawing kalokohan!"
Iniwan ko na si Paul sa swimming pool area at pumasok ulit ako sa loob para maglibot. Kung may pabeer sila baka merong nakatagong ibang pwedeng inumin na mas masarap kaysa rito.
Dala na rin ng pagiging usisera ko ay naglibot ako sa bahay ng mga Carlos. In fairness, kahit old American ang istilo, wala pa ring tatalo.
Hindi ko na nahanap sila Kahel, Lulu, Waldy, at Jao. Medyo nag-aalala lang ako ng kaunti dahil sa totoo lang ako lang 'ata ang adult dito na nagpapanggap na teen-ager. Pakiramdam ko tuloy ay responsibildad kong bantayan 'yung mga batang 'yon—kahit hindi naman.
Hays. Matanda ka na talaga, Golda.
Nang magsawa akong maglibot ay napadpad ako sa veranda sa second floor kung saan natatanaw ko 'yung swimming pool area. Nakita ko si Nap na tumatawa habang napapaligiran siya ng mga kaibigan.
Pumangalumbaba ako at pinanood sila. Hindi ko maiwasang maisip na ang swerte ng mga batang 'to dahil parang wala silang pinorpoblema sa mundo.
Sa totoo lang gano'n ang tingin ko sa kanilang lahat noong una. Mga ma-attitude, spoiled, at mababaw. Pero simula nang makilala ko sila Lulu, Kahel, Jao, Waldy, at Paul, medyo nag-iba ang tingin ko sa mga kabataan.
Siguro kaya ko sila nagagawang husgahan dahil hindi ko naranasan kung ano 'yung kasiyahang tinatamasa nila ngayon. Siguro isa 'yon sa dahilan kung bakit sinubukan kong bumalik sa eskwelahan—para maranasan kung anong naranasan ni Kuya Joseph sa eskwelahang 'yon.
Naalala ko tuloy bigla 'yung sinabi ni Markum.
Hindi ko naman 'yon tinatanggi.
Kahit na alam kong imposibleng humanap ng kasagutan, heto ako, nagpapanggap.
"You looked bored." May narinig akong pamilyar na boses at paglingon ko ay nakita ko siya. Si Blake, nakasuot ng itim na silk polo, bukas 'yon hanggang dibdib. Gulu-gulo 'yung buhok niya at napansin kong malayo 'yong aura niya ngayon sa aura niyang emo sa eskwelahan.
"Bakit wala ka sa ro'n sa mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya at sumandal ako sa railings, lumapit siya sa tabi ko at dumungaw sa ibaba.
"They're fine by themselves," bored niyang sagot at humarap siya sa'kin.
"Magkababata ba kayo ni Sophie?" tanong ko bigla.
"Yeah, since we're in kindergarten."
"Sa tingin mo bakit niya binasted si Nap?" tanong ko ulit.
"I don't know, maybe she likes someone else," nagkibit balikat siya nang sumagot. Umusod si Blake palapit sa'kin. Bigla ko tuloy naalala 'yung sinabi ni Briana noon.
"May crush ka sa'kin?" tanong ko bigla at natawa siya.
"Yeah, even you're old."
Nanlaki 'yung mga mata ko nang sabihin 'yon ni Blake. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko habang palapit 'yung mukha niya sa'kin. Alam ko kung ano 'yung binabalak niya pero masyado akong nagulat.
Nang ilang dangkal na lang ang pagitan nang mukha namin ay nasulyapan ko sa may hagdanan ang isang pamilyar na tao.
"Sir Gil?" sabi ko nang umiwas ako sa halik ni Blake habang nakatingin sa taong umakyat papuntang third floor.
Akala ko ba hindi siya pupunta?
*****
LUNES.
Punyeta, napahaba 'yung tulog ko kaya nagmamadali akong pumunta ng homeroom, naabutan na ako ng bell pero pagpasok ko sa loob ng classroom ay tahimik ang buong klase.
Paglapit ko sa pwesto ko ay napansin ko si Lulu.
"Absent si Sir Gil?" tanong ko sa katabi ko.
"He might not come anymore," sagot ni Lulu.
"Huh? Bakit?"
Imbis na sumagot ay may pinakita si Lulu sa'kin sa cell phone niya, nakabukas 'yung facebook app at nakita ko ang isang picture.
"Kumalat 'tong picture na 'to noong weekends."
Picture 'yon ni Sir Gil habang nakayakap kay Sophie sa isang kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top