/14/ Enjoy While You Can

Fight expectations
with your weapon
of passion
and love


/14/  Enjoy While You Can

[PAUL]

"HINDI ka pa rin umuuwi?" nagtatakang tanong niya nang pumasok ako ulit sa practice room. Magse-seven na ng gabi at kakatapos lang namin sa dance routine.

"I bought these," sabi ko at hinagis ko sa kanya 'yung isang in-can energy drink na binili ko sa labas. Umupo ako sa sahig katapat niya. "Transfer student ka sa class namin, right?"

She looked at me with confusion, siguro nagtataka siya kung bakit nakikipagkwentuhan ako sa kanya ngayon. Ayoko pa kasi munang umuwi at baka pag dumaan ako ng gym ay makita ako ng mga team mate ko.

"Oo. Captain ka ng basketball team ng school, 'di ba?" siya naman ang nagtanong at binuksan ang energy drink.

"That's what everybody knows about me," I said then I looked down. "I just ditched my teammates today."

"Siraulo ka pala eh," sabi ni Golda at napatingin ako sa kanya. "Bakit ka nagstay dito at nagsasasayaw kung may practice pala kayo."

Napangiti ako bigla sa tinawag niya sa'kin. "You actually remind me of my older sister."

"Hah?"

I let out a sight then I looked at her. "I guess I stayed here because I needed a break."

Tinaas niya bigla 'yung kamay niya para pahintuin ako sa pagsasalita. "Teka, huhulaan ko," nag-isip siya saglit, "ayaw ng nanay mo na magsayaw ka, ano? Kaya ba may pa-tell no one tell no one ka pang nalalaman."

I slightly laughed because she's amusing, para talaga siyang si Ate. "Dude, manghuhula ka ba? Yeah, tama ka. My mom forbids me to dance, and guess why?"

"Hindi ako si Madam Auring," she said while pouting.

"My older sister... We're both good at dancing but she's a rebel, unlike me. She followed her dreams to be a dancer but she..."

"Anong nangyari?" she curiously asked. "Namatay siya?!"

"No—she... she got pregnant while she was a university student, of course, galit na galit si mom. My sister didn't finished her degree, my mom sent her to abroad to live with our relatives while raising the baby."

"Nasaan 'yung tatay ng anak niya?"

"Hindi pinanagutan si ate—"

"Aba, gago 'yun!"

Natawa na lang ako ng bahagya pero sa totoo lang nalulungkot ako kapag naalala ko. "It was sad. Sometimes following your dream is not the right thing to do."

"Kaya ba sumusunod ka na lang sa nanay mo?" tanong niya ulit.

I just nodded. "Mother knows best. I trust my mom, she believes in me. Basketball is my salvation; I'm going to use it for my future."

"Ah, para sa sports scholarship sa Ateneo," sabi niya habang umiikot ang mga mata. Naalala niya siguro 'yung sinabi ni mom sa clinic. "Alam mo, hindi ko pa rin ma-gets. Bakit hindi ka na lang sumayaw habang nagbabasketball?"

I burst into laughter when she said that. "Dude, you're hilarious."

"Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"I... I just thought of it literally."

"Shunga ka? Bakit mo naman ililiteral na habang nababasketball ka eh sumasayaw ka."

"But I get you... It's just that... I don't want to disappoint my mom by remembering what my sister did."

"Alam mo, Paul, hindi ko itatanggi na tama 'yung sinabi mo."

"Alin?"

"Minsan hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong sundin kung anong gusto mong gawin," seryoso niyang sabi habang nakatanaw sa malayo. "Pero maswerte ka kasi alam mo 'yung gusto mong gawin. Pero mabuti na rin na naiintindihan mo 'yung nanay mo. Minsan, wala talagang pera sa passion mo. Minsan sadyang gano'n talaga ang buhay, medyo unfair." Nagkatinginan kami ulit at narealize niya na ang dami niyang sinabi. "Ano ba 'yan, ang dami ko nang sinatsat."

Tumayo si Golda pero tumingin ulit siya sa'kin. "Pero alam mo kung saan ka pa maswerte, Paul?"

Hindi ako nakasagot 'agad.

"Bata ka pa, marami ka pang oras. Itong high school? Maswerte ka na naranasan mo 'to kahit sa maiksing panahon. Pagkagraduate mo ng high school at college doon mo makikita ang totoong mundo."

"H-Huh?" medyo nawirdohan ako sa sinabi niya dahil parang ang tanda na niya magsalita.

"Ang point ko, sa ngayon habang nandito ka, mag-enjoy ka na lang muna."

Inayos niya na 'yung gamit niya at akmang aalis.

Tumayo na rin ako. "Thank you."

"Para saan?" she stopped.

"For teaching me those sick dance moves. And... for letting me talk about my..." Because this is the first time I talked about this to someone, about my sister and my passion of dancing.

"Maliit na bagay, bata. Ikaw na magpatay ng aircon at ng ilaw ha. Babush!"

*****

"COACH Ron called me and he said that you didn't show up to your practice?" iyon ang pambungad ni mom pagpasok ko sa loob ng bahay. She looked at me from head to toe, an unchangeable habit of hers. Siniguro ko na bago ako umuwi rito ay nagpalita ko ng jersey. "Where have you been, Paul?"

"Practice," matipid kong sagot pagkatanggal ko ng sapatos. Diretso akong pumunta ng kusina at sumunod si mom sa'kin.

"Practice? You better explain—"

"I practiced somewhere else, kasagsagan na ng Intrams sa school kaya crowded sa gym sa dami ng students na nagpapractice, ma." I know she'll buy my answer. Kumuha ako ng bottled water sa ref, binuksan 'yon at uminom.

"Dapat nagpaalam ka man lang sa coach mo, o kaya you texted me man lang para alam namin kung nasaan ka," sermon ni mom.

"Ma, I'm not a kid anymore. Besides, hindi ako papayagan ni Coach Ron magpractice ng mag-isa. I just needed a time to be alone."

"What did you say?" parang gusto kong pagsisihan 'yung huli kong sinabi. "You are the captain ball of your school's team, Paul. You must be a responsible leader, anak." Lumapit si mom sa'kin at hinawakan ako sa balikat. "I understand that you need some time alone, but if that's the case you should always tell your mom."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Okay, I'll text you next time. I'm sorry."

I quickly went upstairs in my room. I understand why my mom's kind of paranoid dahil ayaw niya lang na maulit ang nangyari noon kay ate. But since I'm a boy, nararamdaman ko na medyo binibigyan niya ako ng kalayaan—na hindi niya binigay kay ate noon.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay kaagad akong humiga at tumingala sa kisame. I should be doing better dahil sa basketball nakasalalay ang scholarship ko sa college. We're not that really rich because dad already left us, he's just sending a monthly financial support for me. My mom has her own small business, but I want to get a scholarship so that I can help her kahit papaano.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ko kay Golda kanina, 'Sometimes following your dream is not the right thing to do.'

At hindi ko makalimutan 'yung mga sinabi niya:

"Bata ka pa, marami ka pang oras...Ang point ko, sa ngayon habang nandito ka, mag-enjoy ka na lang muna."

"...habang nandito ka, mag-enjoy ka na lang muna."

She's right. Why I'm sulking for future? Why can't I just enjoy myself being a high school student? That's it. I'm going to join Golda in that dance contest.

*****

"EXPLAIN this to me, Paul!" umagang umaga iyon ang bumungad sa'kin pagbaba ko sa living room. It's mom, angrily holding her tablet.

"What?" kunot-noo kong tanong. "Mom, I'll be late—"

"No! Hindi ka aalis hangga't hindi mo pinapaliwanag sa'kin kung ano 'to!" lumapit sa'kin si mom at halos ingudngod niya sa mukha ko 'yung tablet niya. Kinabahan ako pero malinis ang kunsensya ko na wala akong ginagawang scandal or what.

Sa una hindi ko makita ng malinaw kung ano 'yung video dahil malabo 'yon at medyo madilim, pero narinig ko 'yung music at nakita ko na may dalawang taong sumasayaw—it's me and Golda. What the... Paanong nagkaroon ng video nito? Base sa pagkakakuha ng shot ay nasa labas ng room 'yung kumukha ng video at halatang patago. It can't be!

"Mom—"

"Sinend sa'kin 'yan ng kumare ko sa facebook! Nakita raw niya na shinare ng anak niya at nakalagay na ikaw 'yung sumasayaw! You lied to me, Paul! How could you lie to your mother?!" Mom's voice is like a raging thunder. I can't find my words, I'm really busted.

How can be karma so cruel to me? Halos buong buhay ko naman ay sinusunod ko si mom sa mga gusto niya, kahapon lang ako ulit nagsinungaling sa kanya and now mabilis 'agad akong kinarma? Hindi ko na nga naisip kung sino 'yung kumuha ng video, alam ko rin na kahit anong idahilan ko kay mom ay mali ako.

"At bakit kasama mo sa video na 'to 'yong babaeng 'yon?! Nilandi ka ba niya?!"

"No, mom! It's not what you think—"

"Magpaliwanag ka!Whyd

"Mom, bakit ba hindi mo na lang ako payagan na gawin 'yung gusto ko?" I pleaded her for the first time. "I'm doing well in varsity, I'm confident that I can secure a sports scholarship—why don't you just let me dance?"

"No! Hindi ka tutulad sa ate mo! Hindi mo ba nakita nangyari sa kanya sa katigasan ng ulo niya? Dahil sa sayaw-sayaw na 'yan kung kani-kanino siya nabarkada at ayon! Nabuntis!"

"Don't speak like that, she's my sister!" I protested.

"I can't let you take the same path what your sister did, itatakwil kita kapag nakabuntis ka—"

"I'm not doing anything wrong!"

"Huwag mo akong sinasagot ng ganyan, Paul!"

I became silent when I realized what I just did. I remember the same scenario when I was a kid, I saw my sister fighting my mom for the same reason—for doing what she wants. Eventually, the path that my sister followed didn't turn out well.

The truth is... it scared shit out of me. That's why I'm refraining myself to do the things I wanted. I became dependent on my mother's decision so that I won't have a mistake. So far it's good, I'm near in getting to that dream school.

But now, it really sucks. My mom's right.

*****

[GOLDA]

"AKALA ko ba member na rin si Papa Paul ng dance group mo, Goldy? Isang oras na tayong naghihintay pero hindi pa rin siya dumadating!" Naririndi na 'ko sa kakadaldal nitong ni Waldy.

Huminto ako sa pagsasayaw, tinigil ko 'yung music at humarap sa kanilang tatlo, nakaupo si Waldy at Kahel sa monoblock chairs, at si Blake naman ay nakasandal lang sa pader at magdamag lang akong pinanunuod.

"Una sa lahat, wala akong sinabi na member siya dahil wala naman siyang sinabi na sasali siya sa dance contest. Pangalawa, sino bang pumilit sa inyo na pumunta rito para tumunganga?" sabi ko sa kanila habang nakapamewang.

"Ako, bored lang ako kung bakit ako sumali," sabi ni Kahel habang naglalaro sa cellphone niya. "Ikaw lang naman 'tong hinihintay namin na turuan kami."

Kumulo bigla dugo ko. "Wow ha, halika rito at babaliin ko 'yang buto mo."

Parang batang ngumuso si Waldy. "Kainis bakit hindi mo sinabi 'agad?"

"Manahimik ka, Waldy, lumayas ka rito kung wala ka namang balak sumali," sabi ko at tumingin naman ako kay Blake. "Ikaw din, kung wala kang gagawin tsupi!"

Imbis na sumagot si Blake ay lumapit nga ito sa'kin. Si Kahel naman ay nag-unat tsaka lumapit din. At si Waldy? Akala ko lalabas na siya pero lumapit din siya sa'kin.

"I'll dance." Si Blake.

"Ako rin!" si Kahel at nagtaas pa ng kamay ang kolokoy.

"Teka nga," may naisip ako bigla, "siguro kaya kayo sumali kasi hindi kayo magaling sa sports no?" sabi ko at hindi kumibo ang dalawang bagets. "Hahaha! Sabi ko na nga ba! Mga lampa! Mga weak!"

"H-Hindi ako weak. Sadyang hindi lang ako sporty," pagdadahilan ni Kahel. Si Blake naman ay poker-faced lang.

"At ikaw," tumingin naman ako kay Waldy, "kunwari ka pang dancer ka pero sa totoo lang gusto mo lang magboy hunting!"

"Hoy kapal mo, Goldy, dancer ako!" si Waldy.

"Weh?" pang-aasar ko. Nakakaloka 'tong batang 'to, sarap pagtripan. "Hindi ako naniniwala sa'yo! Patingin nga ng sayaw?"

At dahil nauto ko siya, sumayaw nga ang babaita.

Mukhang medyo sincere naman talaga sila na sumali kaya hinayaan ko na lang. Tinuruan ko sila ng sayaw hanggang sumapit ang ala siete ng gabi.

Hindi na dumating si Paul.

*****

PASABOG ang opening ng Intramurals sa William Consuelo High School. Siguro assumera lang ako sa idea na kaya malaki budget nila dahil sa pamemera sa'kin ni Principal Consuello. Kung totoo man, edi ayos at hindi sayang ang ginagastos ko. Maraming banderitas, maingay at masigla ang banda, marami ring foodstands at mga booths na nagkalat. Akala mo nga may fiesta eh.

In fairness din naman sa section namin dahil talagang nagpagawa pa sila ng customized Red Tshirt na may tatak na STEM 2-C na suut-suot namin ngayon. Nasa gymnasium ang lahat ng estudyante, nakaayos ang pwesto ang lahat kaya kitang-kita ang iba't ibang team na magkatunggali.

Nang dumating ang oras para opisyal na buksan ang patimpalak ay tinawag ng host ang torchbearer, walang iba kundi ang campus star athlete na si Paul. Gwapings na gwapings na nakasuot ng jersey, habang hawak ang torch ay tumatakbo ito papuntang stage.

Nagtilian ng nakakarindi ang mga babae sa paligid ko, patay na patay sa crush nila.

Tatlong araw bale gaganapin ang Intrams, ngayong Miyerkules hanggang Biyernes ng gabi. Bawat araw ay may schedule ng mga laro. Kaya walang klase dahil lahat ng students ay magpaparticipate sa mga laro, ang mga bakanteng oras naman ay pwede kang manuod ng games.

Nagstay kami sa gym pagkatapos dahil gusto ng mga kaklase ko na manuod ng basketball, well dahil nirerepresent ng section namin si Paul sa Red Team.

"Sure win na 'yan!" sigaw ng karamihan dahil malakas ang kumpiyansa nila sa star athelete.

"Hoy, pagkatapos nitong game may practice tayo," sabi ko kay Waldy at Kahel na nasa tabi ko.

"Oo na—Kyaahh! Go Papa Paul!" sigaw ni Waldy na may dalang pompoms. Si Kahel naman ay tumango lang, sa kanya ko inutos na sabihin kay Blake.

"You really looked having fun, Goldy," nagulat ako nang magsalita si Lulu sa tabi ko na hanggang dito ba naman ay nagbabasa pa rin siya at walang pake sa mundo.

Sa inis ko'y inagaw ko sa kanya 'yung binabasa niya.

"Alam mo, try mo rin kayang mag-immerse sa surrounding mo nang sa gayon ay sumaya ka naman," sabi ko sa kanya at mabilis niyang inagaw 'yung hawak ko sa'kin.

"Shut up, oldie," sabi niya at lumayas.

Aba, pikon?

Nangibabaw ang ingay sa gym nang magsimula na 'yung game. Singe elimination ang sistema ng basketball tournament. Red Team vs Blue Team ang magkalaban.

Panay at sigaw ang hiyawan ng mga tao sa gym kaya maririndi ka talaga. Medyo mahigpit 'yung laban kasi magaling din 'yung kalaban, sabi ni Waldy nasa Blue team daw 'yung varsity na teammate ni Paul. 'Di kalaunan ay nakisigaw na rin ako, nadadala ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa laro. Halos mamaos ako pero worth it naman dahil nanalo 'yung team namin.

"Teka, nakaregister na ba 'yung grupo natin sa dance contest?" out of nowhere ay biglang tanong ni Waldy matapos 'yung game.

"Ha?"

*****

SECOND day ng Intrams, mataas pa rin ang energy level ng mga estudyante sa William Consuelo High School. Nagpunta kami ng kagrupo ko sa office ng student government para magparegister pero gumulantang sa amin ang isang nakakagulat na balita.

"Minimum of five members?!" 'di ko mapigilang sumigaw nang sabihin 'yon sa'kin ng head committee para sa dance contest. "Kung hindi kami aabot ng five members ay hindi kami qualified na sumali?"

"O-Oo," sagot ng head committee, natakot 'ata sa'kin dahil nag-init 'yung ulo ko, sa itsura ngayon gusto kong manapak.

Napaface palm na lang ako at lumabas kaming apat ng opisina na 'yon.

"Pa'no 'yan? Apat lang tayo?" sabi ni Kahel. "Sayang naman 'yung mga pinraktis natin."

"Anong sayang, hindi pwede, sasali tayo! Isang member lang ang kulang!" nanggigigil kong sabi at iniwanan ko sila.

Una kong pinuntahan si Tiana AKA Pepero stealer, natiyempuhan ko sila sa ng dalawa niyang friends sa CR na nagmemakeup.

"Hoy, Tiana," maangas kong tawag sa kanya. "Kasali si Blake sa grupo ko, sasali kaming dance contest. Sumali ka." Walang kabakas-bakas ng pakikiusap 'yung tono ko pero alam kong malaki ang pag-asa na sumali siya dahil kasama ko si Blake.

"Hays, you know what I really want to because of Blakey my loves," maarte niyang sabi habang pumipitik pa ang kamay sa ere. "But Waldy is in your group na eh, kaya baka when Briana knows it she'll kick me out."

"Bakit ba kita kinausap," sabi ko at lumayas ako ro'n.

Sunod kong kinausap si Psycho Lulu, natagpuan ko rin siyang nagtatago sa secret hideout namin sa lumang building . Ewan ko ba kung paano siya nakakapagbasa, maingay sa labas dahil naglalaro sa lumang court 'yung mga students for larong pinoy.

"No way." Iyon ang sabi niya nang alukin ko siyang sumali sa grupo namin.

"Sige na naman, Lulu, kahit na bayaran pa kita, magkano bet mo?" heto at inaalok ko na siya ng pera para lang sumali siya sa'min.

"Kahit bayaran mo pa 'ko, hinding hindi mo ko mapapasayaw."

Susuko na sana ako sa paghahanap nang maalala ko na may isa pa pala akong hindi nayayaya. Si Jao.

"Sasali ka sa group namin, hindi ka pwedeng umangal," pagbabanta ko kay Jao nang makasalubong ko siya sa corridor.

"G-Golda, hindi ako marunong sumayaw—"

"Wala akong pake, kaya nga tuturuan ka namin!"

"P-Pero—"

"Nako, Jao, baka nakakalimutan mo na dahil sa Tiramisu na pinakain mo sa'kin nagtae ako!"

Sa huli'y dala ng pananakot ko sa kanya ay napapayag ko siya na sumali.

*****

THIRD day ng Intrams.

Nagpapractice kami para sa huling pagkakataon. Mamayang gabi pa naman 'yung dance contest kasabay ng awarding ceremony. Ngayon ko lang narealize na 'yung dance contest pala ang isa sa pinakainaabangan ng lahat. Medyo napressure tuloy ako.

"Okay, magaling," sabi ko pagkatapos ng ika-apat naming pagpapractice ng isang buo. Pinatay ko 'yung music at humarap ako sa kanila.

Si Waldy, walang duda dancer naman talaga siya. Si Kahel naman ay nakakasayaw kahit papaaano. Si Blake, sinong mag-aakala na may tinatago siyang galing sa pagsasayaw. Si Jao? Ayon, saling ketket, hindi talaga siya marunong sumayaw.

"P-Pwede bang magback out na lang ako, Golda?" nahihiyang sabi ni Jao. "H-Hindi talaga ako marunong. S-Sorry kasi baka ako lang magpatalo sa grupo."

Napahinga ako ng malalim. "Alam mo tama ka, hindi ka nga marunong sumayaw." Sabi ko.

Walang anu-ano'y biglang bumukas ang pinto at nagulantang kami nang makita namin siyang nakatayo—pawis na pawis, nakasuot pa ng basketball jersey.

"Paul?"

Pumasok siya sa loob ng practice room habang nakayuko at bagsak ang balita.

"Bakit nandito ka? Tapos na ba 'yung championship?" tanong ko.

"Yeah," sagot niya tsaka nag-angat ng tingin. "We lost."

"Huh?" lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

"Okay ka lang, Paul?" concern na tanong ni Kahel.

Ngumiti bigla si Paul. "Yeah, I'm okay. Tanggap ko na manalo 'yung Black Team dahil mas magaling ang team work nila kaysa sa amin."

"Oh? Bakit parang pinagsakluban ka?" tanong ko naman.

"It's just that... I've thought of what you said to me," sagot niya sa'kin. "You're right, I shouldn't waste my youth. I should do what I want while I can."

"OMG, ibig sabihin..." si Waldy.

"I want to enjoy my last year in senior high school. I want to dance with you, guys."

*****

SA totoo lang, hindi ko naman hinangad na manalo nang maisipan kong sumali sa dance contest na 'to. Wala lang, gusto ko lang sumayaw, period.

Nagulantang ang madlang people nang lumabas ang grupo namin sa entablado para sumayaw. Gulat na gulat sila dahil magsasayaw ang star athlete na si Paul at ang emong crush ng bayan na si Blake.

Kumikinang 'yung mga suot naming damit at nakapustura kaming lahat—thanks to my friend Steven na bumyahe pa rito para ayusin kaming lahat. Hindi naman porke wala akong pake kung manalo ay hindi ko paghahandaan 'yung gabing 'to.

Takang-taka naman sila Waldy kung saan ako nakahanap ng mga 'sponsors', hindi nila alam na mayaman ang maganda nilang leader. Nakita ko si Markum na katabi si Steven sa may audience, nasa likuran nila ang tatlong alipores ko na sila Buni, Buloy, at Burnik na may hawak na tarpaulin na sumusuporta sa'min.

Nang magsimulang tumugtog ang musika ay nagsimula na rin kaming sumayaw. Mabuti na lang at last minute na sumali si Paul para palitan si Jao, mabilisang practice lang kaya hindi gano'n kakomplikado 'yung steps—well ang mahalaga nakakapagsayaw kami ngayon.

Hindi ko ineexpect na maraming magtsicheer sa'min, perfect score sa audience impact. Simula hanggang huli ng sayaw ay nagsisigawan ang mga audience. Sabay-sabay kaming nagbow at nag-exit papuntang backstage.

"OMG! Kita n'yo 'yon! They love us!" sabi ni Waldy na sinabayan ng tili at hinampas-hampas ako.

May dumaan na isang committee at pinuri kami, sinabi na kung medyo mahaba pa raw sana 'yung sayaw namin ay may pag-asa kaming mag-champion.

"I don't care if we don't win," sabi ni Paul sa'min. "What matters is we had fun."

"Paano mo 'yan ipapaliwanag sa nanay mo?" tanong ko.

Ngumiti si Paul. "Don't think about it. She'll understand."

"Thank you, Golda," out of nowhere na sabi ni Kahel. "Mabuti na lang sumali ako. Ang saya."

"Agree!" segunda ni Waldy.

Tiningnan ko sila at mukhang masaya naman sila. Ewan ko at nangiti na lang din ako, hindi ko maexplain 'yung feeling na ang saya na makita silang masaya.

*****

"I am so proud of you, sister! Hindi pa rin kumukupas ang alindog ng isang Boss Golda!" sabi ni Steven sa'kin nang magkita kami rito sa parking lot.

"Baklaaaa, thank you sa pagpunta at pagtulong sa'kin kahit na knows ko na ayaw mo ng mga last minute," sabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko napigilan dahil namiss ko ang baklang 'to eh.

"Ano ka ba, maliit na bagay! Anything for you!" sabi niya pagkabitaw sa'kin. "Alam mo, kitang kita ko ang spark sa mga mata mo, marami kang ikukwento sa'kin!"

"Marami talaga!" sabi ko.

"Unfortunately, may importante pa 'kong lakad bukas kaya hindi ako pwedeng magpagabi," malungkot na sabi ni Steven at parang naiiyak.

"Hoy, bakla! Ano ka ba, okay lang 'yon. Huwag kang umiyak diyan papatayin kita," banta ko. Heto na naman siya sa drama. "Sige na, gora ka na, naabala na kita masyado. Chat chat na lang tayo."

"Sige," nagyakap ulit kami at nagbeso-beso bago siya sumakay sa sasakyan niya at umalis.

Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Steven ay pumunta ako sa sasakyan ko at natigilan ako nang makita ko si Markum na nakasandal doon.

"Golda," tawag niya sa'kin nang makalapit ako.

"Markum, gabi na, bakit hindi ka pa umuwi?" sabi ko sa kanya pero mukhang wala siyang balak na paraanin ako.

"Can you... can you just go back... and..."

"Tatapusin ko 'yung agenda ko rito, Markum. Ilang beses na ba nating pinag-usapan 'to—"

Walang anu-ano'y bigla niya akong kinabig at hinalikan. Sa sobrang gulat ko'y hindi ko na siya naitulak, nang matapos siya'y hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Stop this childish game already, Golda," nangungusap niyang sabi. "Go back—"

"Wala akong babalikan, Markum." Sinubukan kong kumawala pero mahigpit 'yung pagkakahawak niya sa'kin.

"Ako, balikan mo ako," nagulat ako sa sinabi niya. "Marry me, Golda."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top