/11/ Wake-Up Slap
"Some say that
respect must be earned.
Respect is not earned.
Respect is a God-given right.
Trust must
be earned"
/11/ Wake-Up Slap
[GOLDA]
TINITIGAN ko lang 'yung panyo na inabot sa'kin ni Blake, hanggang sa napasinghap silang lahat nang punasan niya ng panyo 'yung pisngi kong natalsikan ng sarsa.
Tinanggal ko 'yung kamay ni Blake at humarap ako kay Waldy na nakangisi lang, samantalang 'yung mga katabi niya ay halos napangaga sa ginawa ni Blake.
"So, cool ka na n'yan?" sabi ko kay Waldy.
"Ha?"
"Sabi ko, cool ka na ba n'yan sa alagay na 'yan?" kumunot ang noo niya at napalitan ng inis ang kaninang itsura niya. Humarap naman ako sa mga barkada ni Waldy na natuwa sa ginawa nito sa'kin. "Kayo? Cool na kayo n'yan?"
"Ano bang problema mo?" sabi ni Waldy sa'kin na naiinis na. Hindi ko siya pinansin.
"Daig pa kayo ng mga elementary, ang bababaw n'yo." Sabi ko sa kanila at ilang segundo ang lumipas nang umalma silang lahat.
"What the hell?!" alma ni Tiana, pero mas nainis siya sigurado sa ginawa ni Blake sa'kin.
Kung anu-ano ang sinigaw nila sa'kin. Ang mga kaklase naming nasa front row at middle row ay tahimik lang na nanunuod sa'min.
"Quiet!" biglang sumigaw si Sir Gil, muntik ko nang makalimutan na may teacher na nga pala na dumating. "Blake, go back to your seat, and you Golda—" nagulat ako nang hawakan ako ni Sir Gil sa braso.
"Bitawan mo nga 'ko," bulong ko sa kanya at kaagad naman siyang sumunod. Naglakad ako paalis.
"Goldy, saan ka pupunta?" tanong ni Kahel sa'kin. Hindi ko siya pinansin at dali-dali lang akong lumabas ng classroom.
Mabuti na lang at oras ng klase ngayon at walang ibang estudyante sa hallway. Kung makikita nila ko ngayon ay mandidiri sila. Para akong zombie sa itsura ko. 'Yung sarsa ng ulam, na mechado 'ata o afritada, ay nagkalat sa uniform ko.
Pagkatapos kong magshower at magpalit ng PE uniform ay dumiretso ako sa hideout namin, ang room ng SOS Club, sa lumang building. Hindi ko alam kung bakit badtrip pa rin ako.
Punyeta ka, Golda. Ginusto mong pumunta rito kaya magtiis ka sa mga kagagahan mo.
Biglang bumukas ang pinto at napatingin ako roon. Nagulat ako nang makita ko si Lulu.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong sa kanya.
"I asked Sir Gil to follow you," poker-faced niyang sagot sa'kin. "Are you alright?"
Tumitig ako ng ilang segundo sa kanya.
"Don't tell me nag-aalala ka sa'kin?" tanong ko.
Imbis na sumagot ay umupo si Lulu. "Not really. Gusto ko lang magcutting class."
"Iba ka rin, ginawa mo pa 'kong excuse," sagot ko sakanya at umupo na rin ako.
"Waldy..." dinig kong bulong ni Lulu, nakita ko siya na nakatingin sa kawalan. "We... We used to be friends."
"Ha? Magkaibigan kayo?" 'Di ko makapaniwalang sabi.
Tumingin sa'kin si Lulu. "Yeah, noong junior high."
Hindi ko tuloy maiwasang macurious, humarap ako kay Lulu. "Anong nangyari sa inyo?"
"Well, people change, Goldy," simpleng sagot niya. "Besides, she made a good choice."
"Good choice saan?"
"For not being friends to someone like me." Nag-iwas ng tingin si Lulu. "You saw her friends, they're kind of powerful, you don't stand a chance against them."
"Teka, teka." Tinaas ko 'yung kamay ko para pahintuin siya sa pagsasalita. Naloloka ako sa sinasabi ng batang 'to, anong powerful ang pinagsasasabi niya. "You mean powerful na sila porque kaya nilang mambully ng ibang tao?"
"It's the way of things here," sagot niya. "And they're doing it because it's fun."
Nagulat siya ng bigla kong hinampas 'yung mesa.
"Kalokohan 'yang pinagsasasabi mo," sabi ko sa kanya. "They're not powerful as long as you're not permitting them to hurt you."
Teka, napa-english ako ro'n ah. Epekto na ba 'to ng 'pag-aaral' ko rito ng halos dalawang buwan?
Napangiti bigla si Lulu, hindi ko alam kung bakit. "You seems like a powerful fella, Goldy."
"Aba, powerful talaga ako—"
"You tamed the lone-wolf."
"Ha?"
"Blake, he seems to like you. That's why I think hindi ka nila 'gagalawin'."
Halos malaglag ang panga ko sa pinagsasasabi nitong ni Lulu. Mga kabataan talaga, hays.
*****
ANG bilis ng oras at pumasok na naman ang bagong buwan, August na at abala na naman ang buong eskwelahan sa papalapit na panibagong school activity—ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Sinong mag-aakala na ako ang mapipili ng Literature teacher namin na pambato para sa declamation in Filipino category, at si Waldy naman ang napiling pambato para sa English category.
"Congrats, Boss Golda!" naglalakad ako sa hallway mag-isa nang sumulpot bigla ang tatlong ulupong na sina Burnik, Buni, at Buloy. Nakita kong may dala silang maliit na cake. Biglang nag-init ulo ko.
"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na huwag n'yo kong kakausapin dito sa loob ng campus?!" Mabuti na lang walang nakakakita sa'min ngayon.
"Eh, kasi naman Boss, nabalitaan namin na ikaw daw pambato ng section n'yo," kakamut kamot na sabi ni Buni.
"Oo nga, Boss. Proud lang naman kami sa'yo." Sinundan 'yon ni Burnik.
"Kaya heto nagpadala si Bossing Markum ng cake at letter for you!" Sabi ni Buloy at inabot sa'kin ang isang box ng cake. Kinuha ko 'yung letter na nakaipit sa ribbon.
'Dear Golda, I heard that you're doing well. I'm so proud of you. Love –Markum'
Parang kinilabutan ako bigla ro'n sa Love ekek ni Markum. Nilamukos ko 'yung papel.
"Teka, ibig sabihin minamanmanan n'yo ko sa classroom ko?!" nabisto ko ang tatlo at pinagkakaltukan ko sila. "Lumayas nga kayo sa harapan ko."
Pumunta muna ako ng CR. Pinauna ko na sila Kahel na maglunch kasi late akong natapos sa long quiz namin sa isang subject. Medyo nastress ako kasi nagreview talaga ako ng mabuti.
Habang nasa loob ako ng cubicle ay may narinig akong pumasok sa loob ng CR ang dalawang babae, mga pamilyar na boses.
"Girl, nanggigigil pa rin ako dyan sa babaeng 'yan, the way Blakey looks at her! It's so irritating!" parang boses 'yon ni Tiana the Pepero stealer.
"Ano bang nakita sa kanya ni Blakey? 'Di ba magkakagrupo kayo no'n sa cooking demo? Baka nilandi niya!"
"Hindi ko alam, girl! Imposible 'yon because for the whole time magkadikit kami ni Blakey my loves!"
Tch. Mukhang ako ang pinag-uusapan ng mga punyeta. Pero, teka nga, ano bang kalokohan ang pinagsasasabi nila sa'kin na may gusto sa'kin si emo boy?!
"We can't touch that Golda bitch, baka maturn off sa'tin si Blakey!" aba at ako nga talaga ang pinag-uusapan. Pinatunog ko 'yung kamao ko dahil parang gusto kong banatan 'tong si Tiana dahil tinawag akong bitch.
"Don't worry about that, since that Golden bitch is with Lulu all the time, Briana told us to come back at her."
"Lulu the weirdo?"
"Yeah, Briana asked Waldy to take care about it."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas ako ng cubicle. Gulat na gulat ang dalawang mahadera nang makita ako.
"Goldy?!" bulalas ni Tiana.
"Huwag mo akong ma-Goldy Goldy," kaagad kong hinila 'yung buhok niya.
"Ah! Aray ko!"
"Anong gagawin n'yo kay Lulu?!"
Akmang lalabas 'yung isa nang mahila ko rin 'yung buhok nito. Hawak ko silang dalawa ngayon,
"W-We're not doing anything to her! It's going to be Waldy!"
Mas hinila ko nang mahigpit 'yung buhok nila kaya napangiwi sila sa sakit. "Ah, si Waldy pala ha, wala talaga kayong magawang matino sa buhay ano? Tingin n'yo talaga cool na kayo sa pambubully n'yo?"
"Let go of us!"
"Sino ba 'yang leader n'yo na 'yan para mang-utos ng mga kalokohan n'yo?!"
"Y-You're hurting us!"
Bigla akong natauhan. Binitawan ko silang dalawa at kumaripas sila ng takbo. Medyo pumitik ako ro'n.
Pumunta na lang ako ng cafeteria. Ang alam ko kasi kasama rin ni Kahel sila Buggy at Lulu.
Nasa may lobby na 'ko ng main building nang may tumawag sa'kin.
"Ineng!" natigilan ako nang makita ko ang nanay ni Waldy. Hinawakan niya ko sa braso nang makalapit siya sa'kin, natutuwa ito. "Mabuti nakita kita."
"Bakit ho?"
"Ah, eh... Alam mo ba kung nasaan ang anak ko?" nakita ko na may bitbit 'yong lunchbox, iba na ang itsura no'n.
"Hindi ko ho alam—"
"Golda!" napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si Jao na hinihingal, mukhang kakatabo lang.
"Bakit, Jao?"
"S-Si Lulu."
"Anong meron kay Lulu?" napakunot kong tanong.
"Waldy's bullying her," sagot ni Jao.
Nagkatinginan kami ng nanay ni Waldy. Sabay-sabay kaming pumunta ng cafeteria sa pangunguna ni Jao na nakakaalam kung nasaan si Lulu at Waldy.
Nakita namin ang mga estudyante na may pinagkukumpulan at pinilit ko silang hawiin para makadaan ako. Nang makalapit ako sa mesa'y nakita ko si Lulu na nakaupo lang habang nasa harapan tabi niya si Waldy, kung anu-ano ang sinasabi kay Lulu.
"Goldy." Sumulpot bigla si Kahel.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko napigilan si Waldy, iniwan ko lang saglit si Lulu para bumili ng pagkain, pagdating ko... tinapunan ni Waldy ng suka 'yung pagkain ni Lulu—"
"Talagang—" natigilan kami parehas ni Kahel nang biglang sumugod ang nanay ni Waldy sa kinaroroonan nila Lulu. Kaagad kaming lumapit pero mas nagulat kami ng sampalin bigla ng ale ang anak niya.
"Kailan ka pa naging ganyan, Waldy?! Pinalaki ba kita para mang-api ng ibang tao?!" tumahimik ang buong cafeteria sa ginawang eksena ng nanay ni Waldy.
Nakita ko ang grupo nila Tiana 'di kalayuan na gulat na gulat pero natawa lang din sila.
At dahil masyadong nakahakot ng maraming atensyon ang nangyari, dinala sa Guidance Office si Lulu at Waldy. Kaming mga walang kinalaman ay pinabalik sa klase.
Ilang sandali pa'y nagimbal ang buong klase nang ipatawag sa Guidance Office ang grupo ni Tiana kasama ang leader nila na si Briana aka Goldilocks.
Nang sumapit ang afternoon breaktime ay kanya-kanyang puntahan ang mga usisero at usisera sa labas para makibalita. At siyempre, isa na ako ro'n.
Ang naabutan kong eksena sa tapat ng Guidance Office ay kinakausap ng nanay ni Waldy ang mahaderang grupo ni Tiana, hindi ko man marinig ang sinasabi nito'y pero alam kong pinagsasabihan niya ang mga kabataan. Kung ako rin naman ang nanay ni Waldy ay baka sabunutan ko pa ang mga batang 'yon.
Nakita ko si Lulu na lumabas na ng office, nakita makita niya ako ay lumapit siya sa'kin. Poker-faced pa rin siya at parang walang pakialam sa mundo—mali, wala naman talaga 'ata siyang pakialam.
"Hoy," tawag ko sa kanya dahil nilagpasan niya ko. Huminto naman siya. "Anong nangyari? Kamusta?"
"Suspended si Waldy ng isang linggo."
*****
[WALDY]
PAGBABA ko ng tricycle ay diri-diretso akong pumasok sa loob ng bahay. Umuwi na 'ko kasi wala naman ng saysay, suspended naman ako ng isang linggo.
"Waldy, teka lang—mag-uusap pa tayo!" boses 'yon ni mama na nagbabayad sa tricycle.
Hindi ko siya pinansin, pumasok ako sa loob ng bahay namin. Pero mabilis na nakaabot si mama.
"Waldy!" sigaw niya kaya tumigil ako. Alam ko 'yong sigaw niya na 'yon, galit na talaga siya. Humarap ako kay mama at nakita ang galit niyang mukha. "Hindi po pa 'ko sinasagot, bata ka."
"Sinabi na sa'yo ng kaklase ko, 'di ba?! Inuutusan ako ng mga kaibigan ko!"
"Bakit ka sumusunod sa kanila?! Hindi mo ba alam na mali 'yon?!"
"Wala ka namang alam sa mga nangyayari sa buhay ko!" sigaw ko pabalik.
Kinuha ni mama 'yung walis tambo na nasa gilid at akmang ihahampas 'yon sa'kin. Hindi ako pumalag, sanay na sanay naman na 'ko. Pero lumipas ang ilang segundo hindi niya 'ko pinalo, binaba niya ang kamay niya at napahinga ng malalim.
"Waldy..." mahinahon na si mama.
"Bakit ba kasi pumupunta ka sa school ko? Alam mo ba kung anong mangyayari sa'kin pagbalik ko ro'n? Pagtatawanan nila 'ko."
"Kailan ka pa naging ganyan, anak?" naluluhang tanong ni mama.
Simula nang mawala si papa.
"Dahil ba sa'kin?" tanong ni mama at akmang lalapit pero umatras ako. "Hindi mo pa rin ba 'ko napapatawad, anak? Nag-aalala ako sa'yo, Waldy." Hinawakan niya 'ko bigla.
"Pwede ba." Pinalis ko 'yung kamay niya. "Huwag kang umakto na may pake ka sa'kin."
"Anak—"
"Huwag mo nga 'kong tawaging anak! Hindi naman kita nanay!"
Tumakbo na ko papunta sa itaas at nagkulong sa kwarto ko. Hindi ko na napigilang umiyak, kanina ko pa 'yon pinipigilan sa school.
Nakakainis.
Nakakainis kasi bakit pinipilit niyang ipakita sa'kin na mabuti siyang ina? Bakit ngayon lang? Kung kailan wala na 'kong pakialam.
Parang noon binabalewala nila ko, binabalewala nila 'yung nararamdaman ko. Mas pinili kong hindi ipakita kila papa dati na nahihirapan ako sa school kasi ayokong dumagdag sa problema nila.
Okay naman ang lahat noong bata pa lang ako. Isa kaming larawan ng masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat nang mabaon ang magulang ko sa utang.
Nalaman ko ng hindi sinasadya na si mama pala ang dahilan kung bakit kami nabaon sa utang, hindi siya nakontrol ni papa sa paggatos ng pera. Dahil sa sobrang stress ni papa, nagkasakit siya at namatay.
Ang masakit? Nabayaran 'yung mga inutang ni mama gamit ang life insurance ni papa. Tapos kinailangan naming magmakaawa ng ate ko sa mga kamag-anak namin na humingi ng pera para may pampalibing kay papa.
'Yung ate ko, lumayas na at hindi na umuwi hanggang ngayon dahil sa sama ng loob. At ako? Heto... Tinitiis ang impyerno kasama ang kinalakihan kong nanay.
Hindi ko naman talaga nanay ang mama ko. Nang mabiyudo si papa noong maliit pa lang ako ay nag-asawa siya ulit.
Kung hindi dahil sa babaeng 'yon ay hindi mababaon sa utang ang pamilya namin, hindi mamamatay si papa kung hindi dahil sa kanya.
Nang dahil sa kanya, nagalit ako sa mundo. Hindi ako magiging ganito kamiserable kung hindi dahil sa kanya. Sana mawala na lang siya.
*****
NAGKULONG lang ako sa kwarto ng isang linggo, hindi ako lumabas. Dinadalhan lang ako ni mama ng pagkain, labag man sa kalooban ko na kainin 'yon, wala akong choice kasi siya ang nagpapalamon sa'kin ngayon. Ilang beses akong tinangkang kausapin ni mama pero hindi ko siya kinakausap.
Ang balak ko, pagkagraduate ko ng senior high, lalayas na rin ako rito. Mamumuhay ng sarili at ng mag-isa sa siyudad, malayo rito.
Ngayong tapos na ang suspension ko, hindi ko alam kung anong babalikan ko sa school.
Bago ako pumasok sa loob ng classroom ay huminga ako nang malalim. Pilit akong ngumiti atsaka ako masiglang pumasok sa loob.
"It's been a while!" masigla kong sabi nang makalapit ako sa pwesto ko, nakita ko sila Tiana na nakitingin sa'kin. "Hi, guys!"
Natigilan ako nang tumingin sila sa ibang direksyon. Nag-unat bigla si Tiana.
"Aish, nakakapagod magcommunity service ng one week—because of that someone though." Sabi ni Tiana sa katabi niya, hindi ako pinansin.
"Thank goodness hindi ako sumbungera katulad ng iba diyan, for sure magagalit si mom and dad kapag nalaman nilang nagdilig ako ng halaman sa school!" sunod ay tumawa sila.
Napaupo na lang ako sa pwesto ko at tulalang tumingin sa blackboard.
Nang sumapit ang morning break ay kaagad akong pumunta sa CR. Nangingilid 'yung luha ko dahil buong period nila akong pinagbubulungan. Nagkulong ako sa cubicle. Hindi ako makahinga ng maayos. Inaatake ako ng anxiety.
Sunud-sunod na pumatak 'yung luha ko habang nanginginig ang buo kong katawan.
No... Not again.
May kumalampag sa pinto kaya nagulat ako.
"We know you're in there, Waldy," boses 'yon ni Briana. Mas lalo akong natakot. "Get out or we're breaking that door."
Lumabas ako at nakita si Briana kasama ang grupo niya—grupo niya na tinuring kong kaibigan. Sinarado nila 'yung pinto ng CR.
"Hello, dear, hindi mo ba kami namiss?" tanong ni Briana sa'kin.
"I'm sorry—" bigla niya 'kong sinampal ng malakas.
"Sorry? Ang kapal mo rin para magsorry. Ikaw na nga lang 'tong pinulot namin at sumama sa grupo namin tapos ikaw pa 'tong magsusumbong sa guidance na inuutusan ka namin?!"
Ngayon ko lang nakita na galit si Briana. Tandang tanda ko pa 'yung araw na nilapitan niya 'ko noon para makipagkaibigan. She's sweet and funny. I instantly liked her kaya sumama ako sa grupo niya. And then later on...
"W-We're friends, Briana..." bulong ko.
"Friends?" Tumawa siya. "Alam mo ba kung bakit kita kinaibigan?"
Mas lumapit siya sa'kin kaya hindi ako sumagot. "I just wanted to use you para pahirapan si Lulu."
"S-Si Lulu?"
"That's right, you just became my pet."
Tumulo 'yung luha sa mga mata ko at natawa ulit siya.
"Now, that you broke my precious trust. Goodbye, Waldy. You can't sit with us anymore."
Pagkatapos ay iniwan nila kong tulala at umiiyak. Biglang bumukas 'yung isang cubicle at laking gulat ko nang makita ang isang babaeng nagyoyosi.
"Ang iingay n'yo," sabi nito at tinapon sa basurahan 'yung sigarilyo. Lumapit siya sa'kin habang nakahalukipkip. "May ganitong eksena pa rin palang nag-eexist sa highschool."
Matagal na 'kong naiinis sa kanya dahil palagi silang magkasama ni Lulu. Pakiramdam ko siya ang pumalit sa pwesto kong 'yon.
"Pero alam mo, hindi sila kawalan, Waldy," sabi niya sa'kin.
Sa pagkakatanda ko, Golda ang pangalan niya.
Bigla niya 'kong sinampal ng malakas.
"B-Bakit mo ko sinampal?" umiiyak kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Kasi tinapon mo 'yung lunchbox sa'kin?" ngumisi siya tapos biglang sumeryoso. "Dahil din wala kang respeto sa nanay mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top