/10/ The Lunchbox

Why do you always blame
your parents, friends, and society
for all the
misfortunes—For turning
yourself into a monster.
Learn to take responsibility
for your actions,
that's all it is.

/10/ The Lunchbox

[GOLDA]


PUNYETA ang init na.

Kay aga-aga, heto, nagwawalis ako sa labas ng eskwelahan. Mabuti na lang at ito na 'yung huling araw ng parusa ko. Hindi ko rin alam kung paano ko 'to nagawang matiis sa loob ng dalawang linggo.

Paano ba naman kasi. Matapos kong bigyan nang malutong na sampal ang kapatid ni Buggy ay nireklamo ako nito sa principal, gusto ba naman akong ipakick out ng gago. Hindi nila alam, magkasabwat kami ni Principal Consuelo.

Siyempre, dahil abogado lang naman ang sinampal ko, binalak din nito na sampahan ako ng kaso pero mabuti na lang ay naligtas ako sa pagiging minor-kuno ko. Sa huli, nabola ni Principal Consuelo ang kuya nu Buggy kaya napagpasyahan na bigyan na lang ako ng parusa na magcommunity service.

Pinunasan ko 'yung pawis ko sa noo. Malapit na mag-alas otso ng umaga, magsashower pa 'ko at magpapalit ng uniform.

"Boss Golda! Tulungan na kita!" papalapit sa'kin si Burnik na may hawak na timba. Mabilis ko siyang nasipa at tumalsik palayo. "Aray, Boss!"

"Sshh!!! Tungak ka ba! Sabi ko 'wag n'yo kong lalapitan!" nanggigigil kong sigaw sa kanya. Tumingin ako sa paligid, siniguro kong walang ibang estudyante na makakakita sa'min. Maya-maya'y siguradong dadagsa na sila sa pagpasok.

"Sorry naman, Boss—"

"Tsupi!" kaagad na umalis ang loko sa harapan ko.

Napahilot ako sa sentido. Makaligo na nga,at mag-aayos pa 'ko. Bumalik ako saglit sa parking lot para kuhanin 'yung mga gamit ko.

"Nice car," biglang may sumulpot sa gilid ko at halos mapatalon ako sa gulat. Si Blake AKA emo boy!

"A-Anong ginagawa mo rito?!" para 'kong nakakita ng multo sa sobrang gulat.

Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Bigla akong naconscious. Pagkatapos ay naglakad na siya. Anong problema ng batang 'to? Hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang huminto at lumingon sa'kin.

"See you later, Boss Golda," sabi ni Blake sa'kin at biglang kumindat.

Halos malaglag 'yung panga ko nang marinig 'yon? Pagkatapos ay tsaka nagsink in sa'kin 'yung sinabi niya, para 'kong takure na kumulo. Narinig niya 'ko kanina?!

"H-Hoy!" tawag ko kay Blake pero diridiretso lang siya sa paglalakad. Napalingon ako at nakitang nagsisidagsaan na 'yung mga estudyante.

Pinakalma ko 'yung sarili ko. Ayokong mabad vibes ng todo ngayong umaga. "Golda, relax, inhale, exhale. Huwag mo na lang pansinin ang emo boy na 'yon."

Pagkatapos ay kinuha ko 'yung bag ko at naglakad ako papasok sa lobby. May napansin akong ale na parang naliligaw, hindi alam kung tatapak ba siya sa loob o hindi. Nang makita niya 'ko ay kaagad siyang lumapit sa'kin.

"G-Good morning po, Ma'am," bati nito sa'kin at bahagyang nagbow. Base sa get-up ng ale ay para siyang mamamalengke, namumuti 'yung buhok niya, at bakas sa kanya ang mukha ng stressed.

No choice naman ako kundi huminto. Tinawag niya 'kong mam? Siguro akala niya teacher ako, nakajogging pants at puting t-shirt lang kasi ako.

"Ma'am, teacher po kayo rito?" ah, sabi ko na eh.

Umiling ako. "Naku, hindi ho. Estudyante ho ako rito."

"Ay gano'n ba, ineng? Pasensiya ka na," tumawa 'yung ale at tumawa na lang din ako. Napansin ko na may dala siyang malaking bag, sa loob no'n eh may bilao, mukhang tindera 'ata ang ale na 'to. "May hinahanap kasi ako. Alam mo ba kung saan 'yung classroom ng STEM-2C?"

"Section ko ho 'yon. Bakit ho?"

"Ay! Mabuti naman!" natuwa bigla 'yung ale. "Pakibigay naman 'to sa anak ko, kung okay lang sana. Ang alam ko kasi bawal pumasok sa loob ang mga vendor."

Inabot nito sa'kin ang isang cylinder silver na baunan, dalawang patong 'yon, at kapansin-pansin ang nakasulat dito na pentelpen na 'WALDY'. Nang tanggapin ko 'yon sa kanya ay naramdaman ko na maiinit-init pa 'yung baunan, halatang bagong luto ang nasa loob. Nalanghap ko 'yung amoy ng ulam, bigla akong nagutom, hindi pa kasi ako nag-aalmusal.

"Nagtitinda ho kayo?" tanong ko.

"Oo, ineng," pinakita niya sa'kin 'yung dala niyang dalawang bag. "Nagtitinda ako ng ulam, baka gusto mo bumili ng tanghalian, mas mura 'to kesa sa mamahalin n'yong cafeteria."

"Ano hong tinda n'yo?" natuwa lalo ang ale nang itanong ko 'yon at ipinakita niya sa'kin ang laman ng bag niya. Bukod sa isang bilao, may mga Styrofoam din doon na naglalaman ng kanin, 'yung mga ulam naman ay nakaplastic. "Sige ho, bili ako nitong adobo."

May papalapit na guard sa'min at binilisan ng ale ang pagbibigay sa'kin ng binili ko.

"Sige, ineng, thank you ulit ha," akmang aalis ang ale nang may maalala ito bigla. "Pakibigay na lang sa anak kong si Waldy Mae Capre." Kumaway ang ale atsaka lumabas na ng gusali.

Naiwan ako na nakatanaw sa kanya habang hawak ang isang plastic at isang baunan. Hindi ko alam pero biglang may kumurot sa puso ko, siguro dahil naalala ko 'yong kahapon. Parang kailan lang ay minsan din akong nagtinda ng pagkain sa eskwelahang 'to.

"What are you doing?" may malaking boses akong narinig at paglingon ko'y nakita ko si Sir Gil kumag, ang aga-aga nakabusangot. "Malapit nang magsimula ang klase hindi ka pa rin nagpapalit ng uniform?"

"Wow, concern ka ba talaga?" nakangising sagot ko sa kanya, wala namang ibang estudyante na nandito kaya malakas ang trip ko na sagutin ko siya ng ganyan.

"You'll answer the first problem later."

"H-Hoy!" Iniwanan na ako ng kumag, kahit kailan talaga ay ako ang pinag-iinitan no'n.

Pagkatapos kong magshower at makapagpalit ng uniform ay dumiretso ako sa homeroom namin. Pagpasok ko sa loob ng classroom ay hindi pa nagsisimula ang klase, wala pa 'yung teacher namin sa first period. Dala ko pa rin 'yung baunan na pinapabigay sa'kin ng ale kanina.

As usual, kanya-kanyang mundo ang mga kolokoy kong kaklase. Tumikhim muna ako bago ko kinalampag 'yung blackboard ng tatlong beses, napatingin sila sa'kin.

"Sino si Waldy Mae Capre?" tanong ko nang makuha ko 'yung atensyon nila.

Parang kumuliglig nang itanong ko 'yon, pagkatapos ay natawa ang karamihan sa kanila. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Capre! Capre! Capre!" biglang may sumigaw sa likuran.

Ilang sandali pa'y may naglalakad palapit sa'kin, ang sama ng tingin sa'kin.

"Anong problema mo?" tanong ng babae sa'kin, sa palagay ko siya si Waldy Mae. Nakasimangot siya, hindi ko tuloy maiwasang titigan 'yung itsura niya. Hanggang balikat 'yung kulot niyang buhok, mas makapal pa 'ata 'yung makeup niya kesa sa'kin.

"Pinapabigay ng nanay mo—" bigla niyang hinablot sa'kin 'yung baunan at walang salitang iniwan ako.

Aba, punyeta, kung pwede ko lang patulan 'to.

"Nandiyan na si seeeeer!" biglang pumasok sa loob 'yung look out naming kaklase at nagsibalikan ang lahat sa mga pwesto nila.


*****


"ARE you ready later?" tanong ni Psycho Lulu sa'kin.

Huminto ako saglit, pero binuksan ko muna 'yung plastic ng adobo bago ako tumingin sa kanya.

"Ready saan?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa 'club' room namin sa lumang building. 'Jampak' ang mga tao sa cafeteria kaya parehas kaming nandito ni Psycho Lulu para magtanghalian.

"Sa declamation mamaya," sagot ni Lulu sa'kin habang nakatingin sa binabasa niya.

"Ngayon na ba 'yon?" tanong ko.

"Yup."

"Ugh." Ayoko munang isipin ang kahit na ano sa acads, kakatapos ko lang magcommunity service. "Bahala na, alphabetical naman siguro 'yon."

"It will be a lottery."

"Yow!" biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Kahel at Jao.

"What are you doing here?" tanong ni Lulu sa dalawa, binaba ang binabasa niya.

"Kakain ng lunch," sagot ni Kahel at umupo sa tabi ko, si Jao naman ay nahihiyang umupo sa tabi ni Lulu. "Daming tao sa cafeteria eh."

Tumingin sa'kin si Lulu, at base sa mukha niya ay naghihintay siya ng explanation ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Did you tell them about this place?" balik tanong sa'kin ni Lulu, napalitan ang blangkong ekspresyon niya ng bahagyang pagkairita.

"Hindi ah!" Sagot ko naman. Teka bakit ang defensive ng dating ko.

"Nakita lang namin kayo na pumasok dito, sinundan lang namin kayo in short," sumabat bigla si Kahel na prenteng prente na nakaupo. "Oo nga pala, may dala si Buggy para sa inyo."

Tumingin kami ni Lulu kay Buggy at nakita na nahihiya nitong nilabas mula sa bag niya ang isang malaking Tupperware, nang buksan niya 'yon ay tumambad sa'min ang isang Tiramisu cake na puno ng strawberry ang ibabaw.

"WOW!" hindi ko mapigilang mapabulalas, kulang na lang maglaway ako. Mukhang masarap 'yung Tiramisu!!!

"N-Nagdala ako ng cake para sa inyo," sabi ni Jao. "T-Thank you nga pala, Golda."

Hindi ko siya pinansin at kaagad kong sinunggaban ang Tiramisu.

"Hoy! Magtira ka!" saway ni Kahel sa'kin nang kumuha ako ng isang malaking slice.

"Ayaw mo?" alok k okay Lulu pero hindi siya umimik.

Ang dami kong nakain. Busug na busog ako, pakiramdam ko puputok 'yung butones ng uniform ko sa dami ng nakain ko. Pagkatapos naming magtanghalian sa secret hideout namin ay kaagad kaming bumalik sa classroom.

Oras na para sa pinakanakakaantok na klase. Nang tumunog ang bell ay saktong pumasok sa loob ng classroom ang teacher namin sa Literature na si Mr.Flores, namumuti na ang buhok, nakasalamin, at ang boses niya ay parang lullaby.

"We won't be having a lesson for three days; starting today we'll begin the selection of your class's representative for the declamation contest on next month's Buwan ng Wika festival." Anunsyo ni Mr.Flores sa buong klase. Tama nga si Psycho Lulu na ngayon na 'yon. Sana alphabetical order ang tawagan. "

Ang bilis ng oras. Parang kahapon sinecelebrate nila ang nutrition month ng July, tapos ngayon Buwan ng Wika naman sa August? Hindi ba natatapos ang mga gawain sa school? Patayin n'yo na kaya ako.

"Are you all ready?" tanong ni Mr.Flores pero wala namang sumagot sa kanya. "Well then, bubunot ako ng index card n'yo para malaman kung sino ang mauunang magperform."

Anak ng...

Nag-iba ang mood ng buong klase, katulad ko'y nagulat din sila na bunutan pala ang punyetang declamation na 'to.

'Kruuuuuu...' narinig ko bigla 'yon at napahawak ako sa tiyan ko. Puta. Mukhang masyadong napadami ako ng kain ng Tiramisu ni Jao.

Nagtawag na si Mr.Flores at sa kabutihang palad ay hindi ako 'yon. Nagperform 'yung isa kong kaklase at pinagtatawanan siya ng mga kaklase namin. Pagkatapos ay napilitang pumalakpak ang lahat.

"Next." Nagsalita ulit si Mr.Flores at bumunot ng index card.

"Pssst..." kinalabit ko 'yung katabi ko na si Lulu.

"What?" iritado niyang tanong, mukhang kinakabahan din siya.

"Natatae ako." Bulong ko.

"Next... Ms. Mary Gold Marquez."

Puta naman, kahit kailan ako ang maswerte sa ganito pero never akong nanalo sa mga raffle noon. Lord, bakit ang unfair mo.

"Stand up in the front, Ms. Marquez," utos sa'kin ni Mr.Flores at alanganin akong tumayo.

"S-Sir, may I go out?"

"No excuses, Ms.Marquez, do you want to have a failing grade?" Aba punyeta ang lakas manakot.

"Go, Goldy," bulong ni Kahel sa likuran ko na halatang nang-aasar.

Wala akong choice kundi pumunta sa harapan, nang madaanan ko si Jao ay sinimangutan ko siya. Punyeta ka, Jao, dahil sa Tiramisu mo natatae ako ngayon! Gaga ka rin, Golda, para ka kasing PG.

Nang nasa harapan na ako ay damang-dama ko pa rin 'yung pagkulo ng tiyan ko. My gad, taeng-tae na 'ko lord. Tapos kailangan ko pang magdeclamation sa harapan nila? Lord, patayin mo na 'ko please lang.

"Ms.Marquez, we're waiting," sabi ng teacher.

Nag-isip ako. Sa totoo lang hindi ako ready, hindi ko sineryoso 'yung declamation activity na 'to. Dahil sa totoo lang, may isang piyesa akong kabisado.

Sinapo ko 'yung tiyan ko at dahan-dahang umupo sa sahig. Takang-taka silang nakatingin sa'king lahat.

"Basilio? Crispin? Mga anak ko?" umakto akong umiiyak, pero sa totoo lang naiiyak na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. "Nasaan na kayo? Basilio? Crispin?"

Tumayo ulit ako habang umiiyak pa rin at nagsimulang magmonologue sa harapan nila. Pagkatapos ng limang minuto, bigla silang nagpalakpakan. Sa totoo lang, imbento ko lang 'yung monologue na 'yon ni Sisa.

"Very good, Ms. Marquez," puri sa'kin ng teacher ko. For the first time in forever may pumuri sa'kin na teacher.

' Walang anu-ano'y bigla ko silang nilayasan lahat. Lumabas ako ng classroom at dali-dali akong pumunta ng kubeta.

*****

ANG sarap talaga maglabas ng sama ng loob. Pabalik ako ngayon ng classroom nang makasalubong ko bigla si Principal Consuelo.

"How's your day, Golda?" nakangiting tanong sa'kin nito.

"Okay naman," sagot ko lang. Tinanong niya 'ko kung bakit ako pagala-gala sa oras ng klase at natawa lang siya sa sinagot ko. "Oo nga pala, Principal." Tawag ko ulit sa kanya.

"Yes?"

"T-Thank you ho pala sa ginawa n'yo."

"Ah, regarding Jao's case? Don't worry about it, hija," sabi niya. "Besides, you're just paying the right amount."

Ah, oo nga pala. Bakit ba 'ko nagpapasalamat sa matandang 'to? Kaya lang naman niya 'ko pinagtanggol dahil binabayaran ko siya at ang eskwelahang 'to. Naglakad na siya at nagpatuloy na rin ako.

May napulot akong kalat kaya tinapon ko 'yon sa basurahan. Nakita ko sa loob nito ang isang pamilyar na bagay.

"Teka," kinuha ko 'yung baunan sa loob ng basurahan, 'yong cylinder silver na baunan na may nakasulat na 'WALDY'. "Tinapon? Hindi man lang kinain ang pagkain sa loob?"

Takang-taka kong bumalik sa classroom habang hawak pa rin ang baunan. Pagpasok ko'y saktong may nagpeperform sa harapan.

"Hey! Every Body seems to be staring at me... You! You! All of you! How dare you to stare at me?" Nakita ko si Waldy na nagtatanghal sa gitna. "Why? Is it because I'm a bad girl? A bad girl I am, a good for nothing teen ager, a problem child? That's what you call me! I smoke. I drink. I gamble at my young tender age."

Pasimple akong dumaan sa gilid ng classroom para bumalik sa pwesto ko. Nang dumaan ako sa likod ay nagkatinginan kami ni Blake at kinindatan na naman ako. Bahala ka dyan.

Pag-upo ko ay kaagad akong tinanong ni Lulu. "Success?"

"Ewan ko sa'yo." Sagot ko sa kanya.

"What's that?" tanong niya sa hawak ko.

"Baunan ng batang 'yan." Nginuso ko si Waldy na nasa harapan, mahusay siyang umarte in fairness. Pero wala pa ring tatalo sa acting ko kanina.

Natapos ang pagtatanghal ni Waldy at napuno nang palakpakan ang classroom. Ilang sandali pa'y natapos na ang klase. Nasa desk ko pa rin 'yung baunan, nakasandal ako at nakahalukipkip habang nakatitig dito.

"Hanggang kailan mo tititigan 'yan?" tanong ni Lulu sa'kin.

Naalala ko 'yung ale kanina. At nang makita ko sa basurahan 'yung baunan na 'to ay hindi ko lubos maisip kung pa'no 'to nangyari. Maliban na lang kung tinapon talaga. At mukhang 'yon na nga.

Bakit? Sinong matinong anak ang gagawa nito.

Habang wala pang teacher ay bigla akong tumayo, tumingin lang sa'kin si Lulu at sinundan ako ng tingin nang puntahan ko si Waldy sa pwesto niya. Nakaupo si Waldy malapit sa grupo nila Tiana, huminto sila nang makita ako.

"Anong problema mo, Sisa?" mataray na tanong ni Tiana at pinagtawanan ako ng mga kasama niya. "Did you see what she did? Basilio? Crispin? Duh that's so oldie."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Tiana sa'kin at hinarap ko si Waldy. Nilapag ko sa desk niya 'yung baunan.

"Hoy ikaw," tawag ko sa kanya. "Bakit mo 'to tinapon sa basurahan?"

"Anong problema mo?" inis na sagot sa'kin ni Waldy. Tumayo siya at nakuha namin 'yung mga atensyon ng iba naming kaklase.

"Oh, what's this? A cat fight?" sumabat si Nap, isa sa Famfam 4, 'yung pandak. "Sampalan na 'yan!"

"Hindi mo ba alam na pinaghirapan 'yan ng nanay mo?" mahinahon kong sabi.

Tinitigan lang ako ni Waldy, tumingin siya bigla sa paligid at nakita na nakatingin sa'min ang iba naming mga kaklase. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa'kin.

Walang anu-ano'y bigla niyang binuksan ang lunchbox at hinagis sa'kin ang laman no'n.

"Woahh!" biglang nagsigawan ang mga nasa last row. Tuwang tuwa sila sa ginawa sa'kin ni Waldy.

Pu.Tang.Ina.

"OMG, that's awesome, Waldy!" puri sa kanya ng imprimitida na si Tiana.

Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako kay Waldy habang nakangiti siya at nagustuhan ang atensyong nakuha.

Biglang bumukas ang pinto at dumagundong ang boses ni Sir Gil. "What the hell is happening? Golda?"

"Sir Gil—" sasagot pa lang ako pero natigilan ako nang makita si Blake sa tabi ko.

"Here," natameme sila nang bigyan ako ni Blake ng panyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top