/1/ Who's that Bitch?
You have to be brave
to hear all their criticisms
but you gotta be fierce
to face them and say
'I don't care'
/1/ Who's that Bitch?
[GOLDA]
"TAPOS ka na ba?" umungol muna siya ng malakas bago tumigil atsaka ko siya hinawi paalis sa ibabaw ko.
"I love you."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinulot ko 'yung mga damit ko sa sahig. Naramdaman ko 'yung paghawak niya sa likuran ko ng hindi ko siya pansinin. Tumayo ako para magbihis.
"What's wrong, babe?"
"Last na natin 'to." Sagot ko sa kanya habang nagbibihis.
"Ano'ng last? Are we over?" nilingon ko siya at nakita ko ang gulung gulo niyang ekspresyon. Ang lakas din ng feeling ng punyetang 'to, hindi naman kami.
"Una sa lahat, Luigi, walang tayo," paglilinaw ko sa kanya.
"So, what then? Sawa ka na ba sa'kin? Sino naman ang tatawagan mo sa oras ng kailangan mo—"
"May sakit ako," natigilan siya nang sabihin ko 'yon at dahil demonyo ako, parang gusto ko siyang pagtrip-an. "AIDS daw sabi ng doktor."
"F-fuck?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" halos dumagundong 'yung boses niyang parang paiyak.
Hindi ko napigilan 'yung sarili ko at kaagad akong humagalpak ng tawa. Hindi pala talaga ako pwedeng mag-artista dahil palpak 'agad ang pag-arte ko.
"Joke lang, tanga!" sabi ko sabay tawa. Nang makapagbihis ako'y kaagad kong binato sa kanya 'yung mga damit niya. "May pupuntahan akong malayo, kaya huwag ka nang mag-expect na tatawagan kita ulit."
"Are you telling me that this is your last laid?" narinig ko ang marahan niyang pag-tawa na may halong pang-uuyam. "Dapat pala akong ma-proud?"
"Oo," hinagis ko sa kanya ang isang kahon, hindi niya 'yon nasalo at tumama sa mukha niya.
"Aray! Ano 'to—relos?"
"Pamasko ko sa'yo. Bye, Luigi."
"Pero June pa lang ngayon—"
Hindi ko na siya pinansin at kaagad akong lumabas ng silid. Pagbaba ko'y kaagad akong pumara ng taxi. Makalipas ang isang oras ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang commercial building, pagbaba ko ay kaagad akong namukhaan ng guard at mabilis ako nitong sinalubong upang payungan.
"Good afternoon, Boss Golda!" masiglang bati nito sa'kin at matipid lang akong ngumiti.
"Si Steven?" tanong ko at naglakad papasok sa loob ng salon na pagmamay-ari ko.
"Nasa loob po si Sir Steven!"
Pagpasok ko ng loob ng salon ay nakita ko na maraming customers, maganda kasi ang pwesto ng salon at limang taon na rin 'tong tumatakbo kaya kilala na ng mga tao. Ang mga empleyado ko'y sumulyap sa'kin at nagkanya-kanyang bati.
"Well, well, well, look who's here, the one and only bitch," nakita ko ang isang matangkad na lalaki na naglalakad palapit na akala mo'y rumarapa sa runway, nangingibabaw ang buhok niyang Mohawk na kulay ash gray, balbas sarado at nakahot pink leather jacket, maong pants at itim na boots.
"Who's the bitch?" taas kilay kong tanong at pumanewang ako.
"Hello, dear, Boss Golda," bumeso sa'kin ang bakla. "Ano'ng masamang hangin at napadpad ka rito sa Gold's Salon? Ipapa-trim mo na ba 'yang golden hair mo?" kada punta ko rito ay lagi niyang pinag-iinitang gupitin 'yung buhok kong lagpas bewang.
Siya si Steven o Venus kapag gabi, ang manager ng salon ko. Isa siya sa mga unang tao na nakasaksi kung paano ako magsimula ng negosyo. Magkaibigan kami noon pa, kaya nga sa kanya ko pinagkatiwala ang pamamahala rito. Isa pa, siya ang personal hair and makeup stylist ko at tiwala ako sa galing ng baklang 'to.
Nagtungo kami sa kalapit na coffee shop para maghuntahan. Siyempre napansin niya kaagad na may something sa'kin.
"Hindi ka naman pupunta rito ng ordinaryong araw, teh, ano'ng ganap?" tanong ni Steven sabay higop sa frap niya. Kilalang kilala talaga ko nitong gaga na 'to.
"Napadaan ako kasi malapit lang dito 'yung condo ni Luigi."
"Aha!" nagulat ako nang hampasin niya ang mesa. "Sabi ko na nga ba at bagong shembot ka. Kaya pala rosy ang cheeks at may chikinini sa leeg."
"Bwisit ka," napansin ko 'yung suot niyang singsing. "Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ng jowa mo ah. Kailan ang kasal?" Nginuso ko na 'yung daliri niya.
"Ah, enebe, next year pe," malandi niyang saad at nilagay sa mukha ang kamay para makita ko lalo ang singsing niya. "Ikaw, teh? Ano na? Trenta ka na gurl. Tikim tikim na lang ba? Tandaan mo, kayong mga babae, malalanta rin ang flower niyo. Kung ako sa'yo, pabuntis ka na dyan kay Papa Luigi, mukhang okay naman siya kahit tambay atleast pogi at may abs."
Sumeryoso ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Naramdaman ni Steven na may gusto akong sabihing importante kaya sumeryoso siya.
"Actually, ikaw ang huling manager na huli kong pinuntahan. Dahil kayong dalawa lang ni Cindy ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat ng managers ng mga store ko... Binibigay ko na sa inyo ang business na hawak niyo," biglang nasamid ang bakla at inabutan ko siya ng tissue.
"Seryoso ka, teh?!" sigaw niya, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao rito at sumenyas ako sa kanya na huwag siyang maingay. "Wait, I'm confused. Ano'ng meron? Mamamatay ka na ba?" tumawa siya pagkatapos.
"Oo."
Mga ilang segundo rin ang lumipas nang mapagtanto niya kung ano'ng sinabi ko. Nagtitigan lang kami ni Steven at nakita ko ang inis sa mukha niya pagkatapos.
"Alam mo, kahit Boss pa kita, magkaibigan tayo, pero punyeta huwag mo naman akong niloloko ng—"
"Putangina, Steven," mahina kong sabi at hinilot ko 'yung sentido ko. "Oo nga."
Ilang segundo ulit siyang natulala at pagkatapos ay biglang ngumalngal ang gaga.
"Goldaaaaa, hayup kaaaa, bakit ka ganyan."
"Hoy bakla, umayos ka nga," napatingin ako sa paligid namin dahil kanina pa nila kami tinitingnan. "Walang mangyayari sa pag-iyak mo diyan. Atsaka buhay pa ko 'wag kang tanga!"
"Eh kasi naman," suminghot muna siya bago pinunsan ang luha. "Bakit ka nambibigla?! Ano'ng gusto mong gawin ko, mag-celebrate sa tuwa?! Kung hindi ka ba naman gaga!"
Kung anu-ano ang pinagsasasabi sa'kin ng bakla at halos kalahating oras ko na 'ata siyang pinapakalma. Pero ewan ko ba, hindi mabigat 'yung pakiramdam ko, parang... parang natutuwa pa 'ko na nakikita ko siyang umiiyak—hindi dahil sa demonyo ako—siguro dahil masarap pala sa pakiramdam na malaman mo na may malulungkot para sa'yo kapag nawala ka.
'Yung pakiramdam na mahalaga ka pala kapag namatay ka. Ayon nga lang... malalaman mo lang 'yon kapag mamamatay ka na. Buti nga ako may chance pa, 'yung iba wala.
"Sinong mga nakakaalam?" tanong ni Steven nang kumalma na rin siya sawakas.
"Secretary kong si Markum, manager ng club ko na si Cindy, at ikaw. Kayo lang naman ang nakakaalam kung paano ako nagsimula sa wala."
"Ano'ng gagawin mo? Paano ang mga kayamanan mo?"
Isang linggo na ang lumipas matapos kong matanggap ang balita. Matagal ko na ring inisip ang bagay na 'yon pero sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung ano'ng dapat kong gawin. Sino bang nakakaalam ng dapat gawin kapag mamamatay na? Putangina, 'di ba?
"Hindi ka nakikinig sa'kin, bakla," inis kong sabi sa kanya. "'Yung Gold's Club binigay ko na kay Cindy, at 'yung Gold's Salon, sa'yo na."
"Madami ka pang assets, bruha!" sabi niya sa'kin.
"Hindi ko pa alam, okay. Sa ngayon, kay Markum ko muna pinamahala lahat habang wala ako."
"Ay bakit, saan ka pupunta?"
"Sa probinsya namin. Mag-aaral ulit ako."
"Bukas na ba 'yung club mo?" tanong bigla ni Steven.
"Bakit?" balik tanong ko sa kanya.
"Gusto ko ng hard drinks, parang gusto kong magpakalasing sa mga pinagsasabi mo sa'kin ngayong hapon!"
*****
'WHAT Golda wants Golda gets.'
Isa 'yan sa mga paniniwala ko. Hindi dahil spoiled brat ako. Sa totoo lang... Laki ako sa harap pero natuto akong magsikap para marating kung ano'ng meron ako ngayon.
William Consuelo High School
Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi ko na mabilang. Malaki ang pinagbago ng eskwelahang 'to. Pumasok ako sa loob at ipinarada ang luma kong sasakyan, VW Beetle. Pagkababa ko'y kaagad kong sinuot ang aking paboritong Gucci sunglasses.
Mula parking lot ay naglakad ako papuntang main building. Maraming estudyanteng naka-uniporme ng kulay berde ang papasok sa loob. Napahinto akos a tapat ng building at nakita ang malaking tarpaulin: WELCOME BACK TO SCHOOL, STUDENTS.
Hindi ko maiwasang mapangisi, gagawin ko talaga 'to?
"Good morning, hija!" 'di kalayuan ay nakita ko ang isang matandang ale na nakasuot ng simpleng damit, nakasombrero ito ng may bulaklak sa ibabaw, nakasalamin at may hawak na maliit na pala. "Pwede mo bang i-abot 'yung garden hose sa akin?" itinuro nito ang hose sa paanan ko. Wala akong nagawa kundi pulutin 'yon at lumapit sa kanya.
"Heto ho—" pagkaabot ko sa matanda ng hose ay natigilan ako nang mamukhaan ko ito. "Misis Consuelo?" hindi ako makapaniwala na buhay pa siya, siya lang naman ang asawa ng may-ari ng eskwelahang 'to na si William Consuelo.
"Aba, mukhang natatandaan mo pa ako, hija." Halos naniningkit na ang mga mata nito dahil sa katandaan.
"Kayo ho natatandaan ninyo ako?"
"Paano ko makakalimutan ang kapatid ni Joseph Goldanes na nagbebenta palagi ng masarap kakanin sa loob ng eskwelahan?" hindi ko alam pero parang bigla akong nanlambot nang sabihin niya 'yon.
"K-kayo pa rin po ba ang principal?"
"Yes, hija."
Hindi pa rin ako makapaniwala na na nagdi-disguise pa ring hardinera ang principal na si Mrs. Alicia Consuelo. At ngayong nandito na kami ngayon sa opisina niya, nakasuot na siya ng pormal, kahit na matanda na ay malakas na malakas pa rin siya at halos walang pinagkaiba noong huli ko siyang makita.
"So, what is the reason why you visited your brother's old school?" nakangiting tanong ni Principal Consuelo sa akin. Hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan ng opisina niya, puro kasi bulaklak—hindi naman masyadong obvious kung ano'ng hilig niya.
Napahinga ako ng malalim. Ayoko ng marami pang ligoy.
"Gusto ko pong mag-aral dito ng isang tao at grumaduate." Direkta kong sabi at hindi ko mahulaan ang iniisip niya dahil nakangiti lang siya.
"I see," iyon lang ang sinabi niya matapos ang ilang segundo at maya-maya'y tumayo ito at naglakad papuntang bintana. "Your brother used to be a 'hero' of this school. How can I say no to you? But you see... That won't be easy—"
Alam kong hindi ko siya basta-basta mapapapayag. Pero hindi ako pumunta rito ng hindi handa, sa tulong ni Markum ay inalam ko ang kasalukuyang sitwasyon ng eskwelahang 'to, gagamitin ko ang kapangyarihang mayroon ako...
"Balita ko nalulugi na raw kayo, principal," lumingon siya sa akin at inilapag ko sa lamesita ang isang briefcase at binuksan 'yon.
...ang kapangyarihan ng pera.
What Golda wants Golda gets.
*****
FOURTH floor ng building, naroon daw lahat ng classroom ng senior high students. Mamili na lang daw ako kung saang section ko gusto sabi sa'kin ni Principal Consuelo, siya na ang bahala kung paano ako ilalakad sa loob.
Naikot ko na 'ata ang buong floor. Ayoko sa 'star section' dahil ayoko sa mga punyetang GC (grade conscious), ayoko naman sa kulelat na section dahil baka ma-stress ako sa mga nagpapatayang estudyante. Walong classroom lang ang nakita ko pero ang sabi sa'kin ng Principal ay meron daw siyam na section ang senior high graduating students.
May nakita akong janitor na kakalabas lang ng CR na may dalang mop at kaagad ko 'yong kinausap.
"Excuse me, nasaan 'yong section na pang-siyam?" tanong ko.
"Akyat lang po kayo ulit sa fifth floor, mam," sagot ng janitor at umalis ito.
Umakyat ako sa fifth floor at nanibagong walang ingay kung ikukumpara sa ibaba na nuknukan ng ingay sa hallway dahil sa mga estudyante. Naglakad ako at nakita na puro laboratory ang ibang silid na nandito. Narinig ko ang ingay sa dulo ng hallway at kaagad akong naglakad doon, baka nandoon 'yung section na pang-siyam.
Parang mas payapa rito kesa sa ibaba dahil isang section lang ang nasa isang floor. Huminto ako nang marating ko ang harapan ng isang classroom, may nakasabit na pangalan sa may pintuan.
STEM-2C
Hmm... Pwede na siguro rito. Hinila ko ang pinto, air-conditioned ang classroom. Natahimik ang lahat nang makita ako.
"Andyan na si ma'am?!" sigaw ng isa at nagsiayusan sila ng pwesto.
Huh? Sino'ng ma'am? Ako? Gagong bata 'to ah. Napagkamalan akong teacher nila? Tumaas lang ang kilay ko at naglakad ako papunta sa isang bakanteng upuan sa may dulo, malapit sa bintana. Umugong ang bulungan nang makaupo ako at dumekwatro.
May isang grupo ng babae ang naririnig kong nagbubulungan sa likuran.
"Who's that bitch?" pero hindi ko 'yon pinansin at napangisi ako. Sa pwesto ko kitang-kita ko ang kabuuan ng lahat, mga estudyanteng nasa tatlumpung mahigit.
So, this is youth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top