Epilogue II
Dedicated to Akemivirus
Epilogue II
This is love.
"MASARAP ang pagsilbihan Siya, Maureen, lalo na't puno ka ng pagmamahal," sister Anna said. Nang mabalitaan kong may malapit na simbahan sa bahay namin ni Papo rito sa Maynila ay agad ko itong pinuntahan.
Pagkapasok ko pa lang dito kanina ay sobrang saya ng puso ko, para bang puno ito ng pagmamahal na hinahanap ko. Alam kung Siya lang ang makabubuo sa akin muli–ang pagmamahal Niya.
Napahinto si sister Anna sa kaniyang paglalakad kaya gano'n na rin ako. Hinarap niya ako kaya nagawa ko rin siyang harapin ng buong-buo.
I cleared my throat so I can talk smoothly without any barriers. "Gusto ko pong isuot ang sinusuot niyo ngayon balang-araw, sister. Ang sarap siguro sa pakiramdam habang sinusuot ko iyan." Masaya ako nang masabi ko iyon kay sister Anna.
Lumaki naman ang ngiti niya sa kanyang labi dahil sa aking sinabi. "Manalangin ka lang, anak. Kung para sa 'yo, siya mismo ang kusang magbibigay sa kahilingan mong iyan." I will. Hindi ko po iyon nakaligtaan. Hinding-hindi.
Hindi ko maiwasan ang sarili kong huminto sa kakatingin sa suot niyang habit na kasuotan ng mga madre. Napalunok ako ng ilang ulit dahil gustong-gusto ko talagang hawakan ang suot niya.
"Puwede ko po bang hawakan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ko iyon nagawang itanong. Wala naman sigurong masama.
"Oo, naman."
Ang lapit ko sa Kaniya, iyan ang naramdaman ko habang hinahawakan ko ito. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman, para akong naiiyak. Kay buti niyo po Ama. You never failed to amuse me with Your love and power. "Ang saya po. Ang saya-saya ko po." naluluha kong sabi matapos kong hawakan ang suot ni sister Anna.
"Sana sa susunod na makita kita rito ay nakasuot ka na ng ganito."
I nodded. "In Jesus name po."
She tapped my shoulder. "Mauna na ako, baka hinihintay na ako nila sister Maria."
"Sige po, maraming salamat po sa lahat."
Ngiti lang ang nagawa niyang itugon sa akin, saka ako iniwan sa aming kinatatayuan kanina. I looked back inside the church and gave my genuine smile. I know magiging madre rin ako. Paglilingkuran kita, Panginoon. Gabayan Niyo po ako, huwag Niyo po akong hayaang maligaw sa maling landas.
"Patnubayan ka nawa ng Panginoon sa tamang landas, Priscilla Maureen." bulong ko sa aking sarili, saka nagsimulang maglakad ulit paalis ng simbahan.
Ilang hakbang pa lang ang aking nagawa nang bigla akong napahinto dahil nag-ring ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa loob ng aking sling bag, saka pinindot ang answer button.
"Yes, Papo, pauwi na po ako." sagot ko sa tanong ng aking ama sa kabilang linya.
I heard his gasp. "See you, Princess. Mag-iingat ka." pagpapaala niya sa akin.
Tumango naman ako kahit hindi niya iyon makikita. "Kayo rin po. I love you,"
"Love ko rin ikaw, anak." he replied sweetly.
Binalik ko ang cellphone ko nang mapatay ko na ang tawag. Nagulat naman ako nang mag-angat ako ng aking tingin dahil nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. Nandito siya. Ang may-ari ng cellphone na ibinalik ko sa loob ng aking bag.
Still, amoy imported pa rin siya. Ang hirap pa ring abutin. Sabagay… may nagmamay-ari na pala sa kaniya-hindi na puwede.
Lumapit siya sa akin ng kunti. Nakapamulsa siya habang nakatayo sa harapan ko. "Hi," he greeted.
"Nandito ka," hindi ko makapaniwalang sabi sa kawalan.
Ngumiti siya sa akin, nakita ko naman ang kasihayan sa kaniyang mga mata. Ang saya-saya niya. Ang sarap niyang tingnan sa ganitong sitwasyon. "I made a promised." And you fulfill that promise.
Sa huli, ang pag-ibig pa rin ang magiging pinaka-rason kung bakit tayo masaya at kung bakit mabuti ang kalagayan ng ating mga puso. Nahanap na ako ng pagmamahal na hinahanap ko noon, sana kayo rin. Don't force yourself to find pag-ibig, let the pag-ibig find you. This is love, the genuine meaning of love. Ito ang pag-ibig na gusto kong masaksihan, maramdaman, at makita araw-araw.
02/27/22
|XXX|
P. S. See you sa Caught Up On His Presence [Beautifully Broken's Book 2]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top